(Miranda POV) " Oh bakit ganyan ang fes mo? Simangot na simangot. Monday na monday eh." sabi ng kaofficemate kong si Alehlie. Palaging ganito ang bungad sa akin nitong babaeng ito. Napabuntonghininga ako. Sino bang hindi mapapasimangot kahit Monday ngayon kung araw ko last time ay hindi naging maganda. Magsama sila parehas silang makati. " Naku dumating na si hotty boss" sabi ni Alehlie na parang natataranta. Napatirik ako ng mata. Ano naman ikakataranta ng babaeng ito. Kung maka hotty wagas. Tumayo ako par pumunta ng comfort room. Oo tama doon nga ako magtatago muna. " Hoy Mira saan ka pupunta?" Napatingin ako kay Alehlie. " Pupunta ako ng CR" bigla kong nasabi. Nagmadali akong naglakad. Nagsalita oa si Alehlie. Napalingon ako. " Di ba kakapunta mo lang?" kunot noo niyang tanong sa