Episode 8

921 Words

(Miranda POV) Halos mapunit na ang binabanlawan kong damit sa kakapiga ko. Kasi naman tense na tense ako sa date namin ni Sir mamaya. Iniisip ko kung ano mangyayari. Nag-eexpect ba ako ng something na mangyayari? Pagkatapos ko maglaba naglinis na ako ng bahay. Inayos ko na rin ang magulo kong cabinet. Umupo ako sopa dahil sa sobrang pagod sa paglalaba. Makapagpahinga nga muna para makapag beauty rest. Nagsuot lang ako ng simple dress and two inch high heels . Panalangin ko lang hindi ako matapilok mamaya. Hindi kasi ako sanay mag-heels, kadalasan puro flat shoes ang sinusuot ko sa office. Simple lang ang makeup ko. Ayokong mag-mukhang clown, kung makapal ang ilalagay kong makeup sa maganda at makinis kong face . Favorite ko rin ang black and white na color lalo sa mga dress ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD