Hanna Rolueta’s Point of View “Okay lang na ikaw ang pupunta sa ospital? Sasamahan na kita,” sabi sa akin ni Jade habanag nagbibihis ako. Kakauwi lang niya kaninang five o’ clock ng umaga at talaga namang pagod na pagod siya. Umiling naman ako sa kanya. “Ano ka ba, okay lang. Magpahinga ka na lang muna diyan,” sabi ko. “Hindi ako in-inform ni Richard na twenty-fours hours ang resto nila. Tambak ang hugasin. Buti na lang may kasama akong dishwasher din,” sabi niya. hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty. Kung hinid naman dahil sa akin ay secretary pa rin siya sa company. “Opps! Alam ko iyang iniisip mo. It was my decision na sundan ka dito sa Italy. Besides, nagsisimula palang naman ako o tayo dito. Hindi naman pwedeng mag-aapply ako ng manager agad ‘di bha? Sometimes, career shift is the be