Three years in the future: “Odio la mia vita,” (I hate my life) sabi ng isang dalagita. Siya ay si Monica Rossi, labing-limang taong gulang at kasalukuyang nasa bleachers ng kaniyang eskwelahan. Anak siya ng isang pinay at isang italyano. “Yo!” sabi ng isang lalaki at umupo sa tabi niya. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ba’t klase ka?” tanong niya at umiling ang lalaki sa kanya. “Nah, ayoko pumasok sa subject na iyon. Hindi naman nagtuturo ng maayos ang maestra kong iyon,” sagot sa kanya. “Whatever, Dave,” sabi niya at tinungga ang isang lata ng soda. Si Dave Mendoza—ang tinuturing niyang bestfriend. Ito lang naman kais ang nakakaintindi sa kanya at ito lang ang Pilipinong kaklase niya. May isang subject lang silang hindi magkaklase dahil bumagsak siya doon. “Bakit ka ba nakabusang