Zaiden Kumatok muna ako sa silid kung saan pansamantalang natutulog ang mag asawa nina Zaq at Seda. Si Seda ang nagbukas ng pintuan. Mula sa aking kinatatayuan, mapapansin na masayang buhat buhat ni Zaq ang kanyang bagong silang na anak. Sa posisyon na iyon ni Zaq, Masaya ang aura na nakapalibot sa kanya at sa kanyang anak. Naisip ko kung ganito ba kasaya si Dad nun isinilang kami ni Kuya Justin noon. Bahagya aokng nakaramdam ng lungkot ng maalala ko na wala na nga pala si Dad, si Kuya Justin naman ay hindi lumalabas sa bahay at halos nagkikita lang kami sa tuwing uuwi doon. “Gusto mong makita ang munti kong anghel?” tanong ni Seda Hindi ko napansin na nakatingan pala siya sa akin. Bahagya akong pinamulahan ng mukha. “Ha? H-huwag na, nakakahiya.” Sabi ko “Ayos lang, halika.” Sabi ni