Zaiden
Makalipas ang limang araw, narating namin ang Wise Oak Deaths Gate. Nakatayo kami sa harap ng isang itim, makapal at mataas na gate.
"Paano tayo makakapasok?" tanong ni Zaq.
Lumingon-lingon kami sa paligid.
"Isang spell ang kailangan natin para mabuksan ang gate."
Napalingon kami kay Nazar. "Alam mo ba ang spell?"
Tumango ito bilang pagsang-ayon. Kinuha niya ang kanyang wand. Itinaas.
"Cuniculum Mortis!"
Bahagyang umilaw ang dulo ng wand ni Nazar. Ilang sandali pa, naririnig na ang langitngit mula sa malaking gate. Kahit hindi nagsasalita ang sinuman sa amin, nakikita ko sa mga mukha nila ang kaba. Nagsimula kaming maglakad papasok.
Miranda
"ANONG nangyayari sa anak ko Old Elf?" tanong ko
Mula ng iuwi nina Castor at Zaiden ang aking anak, hindi na siya katulad ng dati. Palagi siyang nagkukulong sa kanyang silid. Noong isang araw lang ay naabutan ko siyang walang malay sa kanyang silid habang nakahiga sa mga bubog mula sa nabasag na salamin.
"Hindi ba nasabi ni Nazar sayo?" tanong ng Old Elf
"Ano po ang dapat sabihin ni Nazar? Wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa aming anak.” Sabi ko
Huminga muna ng malalim ang Old Elf. “Ang kwento ng mga bata kay Nazar, naabutan nilang yakap yakap ng isang lalaki ang aking apo, hindi nila kilala kung sino dahil nakatalikod ito.”
"Anong nakayakap na lalaki? Sinong lalaki yon?" tanong ko
“Hindi kilala ng mga bata, ngunit nun dumating sila dito at walang mala yang iyong anak, naramdaman ko ang kanyang aura.” Sabi ng Old Elf
Naglakad ito papalapit sa akin. Nakaupo kasi ito kanina sa kanyang study table sa loob ng library nito.
“Malakas ito at nakakatakot. Sa aking obserbasyon, nagising na ang dalawang kapangyarihan niya mula sa mga Guardian. At dahil hindi niya kayang kontrolin ito, mas madali siyang mapapahamak. Alam kong alam mo ang aura na nararamdaman mo ilang araw na ang lumipas ay mula sa iyong anak.” Sabi ng Old Elf
Tama ang Old Elf, nararamdaman ko din ang malakas na aura sa paligid ng aking anak, ang buong akala ko ay normal lamang iyon. Nagkamali ako.
Oceane
NAKITA kong pumasok sa library ni lolo si Mama, ako naman ay umalis ng bahay. Wala si Castor, hindi ko rin nakikita si Zaiden. Gusto kong malaman kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos magdilim ang aking paningin.
Malayo-layo narin ako sa Elfwood sakay sa aking broomstick ng sumabay sa akin si Reedwick. Nakasakay din ito sa broomstick.
"Saan ka pupunta?” tanong nito.
Hindi ako nagsalita.
"Pwede ba akong sumama sayo?” tanong ulit ni Alaister
"Leave me alone.." sabay tingin ko sa kanya ng masama.
"You know, you can ask me anything..” sabi pa nito
" You talk like you know what's going on." Sabi ko naman
"Yes I know..." sabi naman ni Alaister
Lumipad ako pababa ng gubat. Sumunod naman siya.
"Let’s see.. anong alam mo?” tanong ko
Tinitigan muna ako ni Alaister bago siya muling nagsalita
"Fight the Dark Auras. When you let him get you, magiging katulad mo siya. “
Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng inis kay Reedwick.
"What else you know?"
Natulala siya sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nakasagot.
"Try to control your emotions.. “ sabi pa nito
Huminga ako ng malalim. Inilabas ko ang wand ko at itinutok sa kanya.
"Exitium!"
Itim na liwanag ang lumabas sa dulo ng wand ko. Nakaiwas si Reedwick.
"Exitium!"
Muling nakaiwas si Reedwick. "Oceane, stay calm... wag mo hayaang mabalot ka ng itim na aura."
“Hindi ako galit, naiinis ako sa’yo. Hindi na ako natutuwa sa pakikialam mo at pagbuntot sa akin.” Sabi ko
“If you don’t calm yourself, magbibigay ka ng sign sa mga kalaban na nandito ka lang sa gubat.” Sabi ni Alaister
Huminto ako sa pag atake kay Alaister, hindi dahil sa sinabi niya dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Parang umiikot ang aking paningin, nawalan ako ng balance, tuluyan na akong natumba.
Alaister
AGAD kong nasalo si Oceane. Binuhat ko siya at dahan-dahan kong iniupo sa lilim ng puno. Habang inaatake niya ako kanina, unti unting lumalabas ang kanyang itim na aura, dahilan ito para mahilo siya.
'Nawawala na ang itim na aura'
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para i-check ang mata niya. Kanina kasi ay nag-iba ang kulay ng mata niya. Isa iyon sa sign na nasa katawan niya ang isa sa mga kapangyarihan ng Guardian. Ilang sandal lang idinilat niya ang kanyang mata, agad kong inilayo ang mukha ko sa kanya.
"K-kamusta pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.
"O-okay lang ako. Medyo nahilo lang ako kanina.” Sabi naman niya
Inalalayan ko siyang makaupo ng maayos. Isinandal niya ang kanyang likod sa katawan ng puno. Pinagmasdan ko ang kanyang pagkilos at panghinga, normal na ito. Hindi na lumabas ang itim na aura.
"Alam mo ba ang nangyayari sa’yo?" tanong ko
Umiling siya. “I don’t have any idea, ganito na ako few days ago, simula noong magkita kami ni….” Tumigil sa pagsasalita si Oceane, tumingin siya sa akin.
“I told you, you can trust me.” Sabi ko
Hindi siya nagsalita, hindi na rin niya itinuloy ang kanyang sinasabi.
"Baragor released the black auras inside you.” Sabi ko
"Black Auras?" tanong niya
"You’re the daughter of Nazar, the Prince of Dark Arts, the blood that runs to you came from Baragor, the Dark Sorcerer."
Nazar
WALANG humihinga sa amin habang naglalakad kami sa labas ng Wise Oak Death's Gate.
"May problema ba Nazar?" tanong ni Castor
Napalingon ako kay Castor. 'Lakas talaga ng pakiramdam ng batang ito.'
"Naalala ko lang nung unang beses kong pumasok dito."
Hindi na ako nagsalita ulit. Ilang minuto pa ang lumipas sa aming paglalakad.
"Sandali!"
Tumigil ang lahat sa paglalakad.
"Incedium!"
Mula sa dulo ng aking wand, lumabas ang nagbabagang apoy. Nakatitig lang ang lahat ng lamunin ng dilim ang bolang apoy.
"Anong...." nasabi na lang ni Zaq.
"Anong meron dyan?" tanong naman ni Zaiden Alfiro.
"Isinumpang daan yan, lahat ng dadaan dyan may buhay man o wala ay lalamunin ng sumpa. Parang walang hanggang kamatayan." Paliwanag ko
"Ano bang meron sa loob nyan?" tanong naman ni Zaq
"Isang walang hanggang kamatayan Zaq, kung ano ang iniisip mo tungkol sa kamatayan, yun na yon." Sabi ko naman
Nakita ko ang paglunok ni Zaq ng marinig ang sinabi ko.
"Saan tayo dadaan?" tanong naman ni Alfiro.
"Kailangang maiwasan natin ang daan na yan, kaya dun tayo dadaan.."
Itinuro ko ang maliit na butas malapit sa isinumpang daan.
"Saan papunta ang daan na yan?" tanong naman ni Zaq.
"Sa Enchase..."
"May gubat sa loob ng kwebang ito?" tanong ulit ni Zaq.
Tumango bilang pagsang-ayon.
"Pero pagpapakamatay ang gagawin natin bago tayo makapasok sa butas na yon." reklamo na naman ni Zaq.
"Kung mahal mo ang asawa mo, gagawin mo lahat mailigtas siya." simpleng hirit naman ni Castor. Natahimik si Zaq.
"Ganito ang gagawin natin.. dahil may enerhiyang humihigop mula sa loob pag lumapit tayo sa sinumpang daan kailangan nating dumaan sa gilid nito."
"Paano?" tanong ulit ni Zaq.
Miranda
"ETO kumain ka muna Seda."
Ibinaba ko ang tray na may lamang pagkain sa lamesita. Ngumiti lang siya saka ibinalik ang tingin sa malayo.
"Wag kang mag alala, makakaligtas sila.." sabi ko naman
"Sana nga Miranda..." sabi naman ni Seda
Huminga ako ng malalim. Hindi ko pa nararating ang Wise Oak Death's Gate, alam kong mapanganib dun dahil sa isa ito sa forbidden place.
"May tanong sa isip ko..." panimula niya.
Lumingon ako kay Seda. "Ano yon?"
"Alam kong naipaliwanag na ito ng Old Elf pero.... bakit ako?" tanong niya
Umiling ako. "Ang totoo hindi ko rin alam..."
Natahimik kaming dalawa. Alam ko naman naguguluhan siya sa mga nalaman niya.
"Hindi ko masabing ang swerte mo dahil ikaw ang napili ng Wolf Master na magsilang sa kanya,dahil alam ko naman ang hirap at panganib na nakaabang sayo ngunit masarap ang maging isang ina. Hindi ko kayang ipaliwanag sa’yo pero sigurado naman akong unti unti mo ng nararamdaman ang nais kong sabihin." Sabi ko
Ngumiti siya. "Oo, nararamdaman ko., nabuhay ang aking p********e, kahit hindi ko pag aralan kusang lumabas sa aking emosyon ang pagiging isang Ina. Pero alam mo Miranda, iba sa pakiramdam ang batang dala-dala ko..."
"Naintindihan ko yan, dahil nun nasa sinapupunan ko rin si Oceane, pakiramdam ko na ako ang pinakamasayang babae sa mundo." Sabi ko naman
Hinimas ni Seda ang tiyan niya. Tumawa siya ng gumalaw ang bata sa sinapupunan niya.
"Alam mo bang nakakausap siya..." nakangiting sabi ni Seda
"Nakakausap mo talaga ang bata dahil kung ano ang nararamdaman mo, yun din ang nararamdaman niya.." sabi ko naman
"Hindi yan ang ibig kong sabihin.." sabi niya "Kinakausap niya ako gamit ang isip ko,tinuturuan niya ako ng paraan para hindi ako mahirapan sa kanya."
"T---talaga?"
Ang totoo hindi ko alam kung maniniwala ako kay Seda.
"Pero pagtinatanong ko siya kung bakit ako? Tumitigil siya sa pagsasalita."
Ngumiti na lang ako. Hindi ko alam kasi ang sasabihin ko sa kanya.
Alaister
“HINDI mo man sabihin, alam kong nagawa kang hawakan ni Baragor, nagawa niyang gisingin ang lahat ng kapangyarihan sa katawan mo including the Dark Aura.” Sabi ko
“Hindi kami nagkikita ni Baragor, paano mo nasabi yan?” tanong niya
“You can’t lie to me, nararamdaman ko ang aura na meron ka, ang kapangyarihan na nasa loob ng katawan mo.” Sabi ko
Hindi na siya nagsalita. ‘Hindi pa rin niya tinatanong kung sino ako? Kung Bakit alam ko ang lahat. Paano kita matutulungan, Infinity?’
“Strange..” bulong niya
“Why?” tanong ko
Hindi na siya nagsalita. Sinubukan niyang tumayo at inalalayan ko naman siya.
Are you sure na okay ka na?” tanong ko
“Ofcourse..” sabi lang niya
Zaiden
ISA ISA kaming naglakad papalapit sa maliit na lagusan. Unang sumubok si Castor. Dahan-dahan siyang naglakad sa gilid ng isinumpang daan. Patagilid siyang tumawid. Ilang sandali pa nakarating na siya sa bunganga ng butas.
Sumunod naman ay ako, katulad ng ginawa ni Castor, patagilid at dahan-dahan akong naglakad sa gilid hanggang sa marating ko ang butas. Naunang tumawid si Zaq, nagpaiwan si Nazar para masuportahan sa pagtawid si Zaq.
Ang di namin inaasahan, na lalaki ang sakop ng isinumpang daan. Ilang pulgada na lang at maabot na si Zaq. Mabilis siyang hinila pabalik ni Nazar.
"Nazar” sigaw ni Castor.
"Hahanap kami ng ibang daan, kayong dalawa bilisan na ninyong makapasok sa butas, madali kayo." Sigaw sa amin ni Nazar
Pagkasabing iyon ni Nazar ay mabilis silang tumakbo ni Zaq pabalik. Mabilis ang paglaki ng sakop ng lagusan kaya para makaiwas dito kailangan nilang bumalik.
"Tayo na.." anyaya naman ni Castor sa akin. Sinundan ko siya at sinabayan sa kanyang paglalakad. Ilang sandali pa ay narating na namin ang tinatawag na "Enchase." Malawak ito. Hindi mo iisipin na may ganito kalaki at kagandang paraiso sa Wise Oak Deaths Gate.
"Wow!" simpleng sabi ko.
"Hindi mo aakalain na may ganitong lugar dito papunta sa Underworld." Sabi ni Castor
"Saan tayo?" tanong ko.
Lumingon-lingon naman siya. "Sandali!"
Tumakbo siya paakyat ng puno. Halos di ko na nga siya makita sa sobrang taas na niya. Hindi rin siya nagtagal, bumaba rin siya makalipas ng isang minuto.
"May daan akong nakita mula sa taas..."
Nagsimula siyang maglakad habang nakasunod lang ako sa likod niya. Tahimik sa paligid, pati ang sarili mong paghinga ay maririnig mo, kaya naman naisipan kong basagin ang katahimikan sa pagitan namin ni Castor.
"Tingin mo hinahanap na tayo ni Oceane?" tanong ko
Napatawa siya sa sinabi ko. "Malamang!"
Naiisip ko na ang galit na itsura niya. Napansin ko rin ang pagngiti ni Castor.
"Yari tayo pagbalik natin." sabi pa niya.
Sabay kami natawa ng ma imagine ang itsura ni Oceane. Natigil ang kasiyahan namin ng isang batang dwarf ang nakita namin na nakahandusay, malapit sa batis. Tumakabo kaming nilapitan ito. Agad ko siyang pinulsuhan.
"Buhay pa siya..."
Pagkasabi ko nun ay lumingon lingon kami sa paligid.
Nazar
"NASAAN na sila?" tanong ni Zaq
Napalingon ako kay Zaq. Sa itsura nya mukha siyang nag aalala. "Makikita natin sila."
"Makakaabot ba tayo sa tamang oras?" tanong ulit ni Zaq. "Ayaw kong mapahamak ang asawa ko."
Tinapik ko ang balikat niya. "Magtiwala ka sa mga kasama mo." Iyon lang ang sinabi ko.
Ilang oras din ang lumipas bago ko nakita ang pangalawang lagusan.
Isang mataas na mataas na talon ang nasa harapan namin. Malakas ang agos ng tubig at maingay ang pagbagsak nito.
Tumawid ako gamit ang mga batong tinungtungan ko papunta sa kabilang parte ng talon, kasunod ko naman si Zaq. Pagtawid namin nasa labing dalawang gnome ang nakaabang sa amin.
"Sino kayo?"
Oceane
NAUPO ako sa tabi ng lawa. ‘Saan kaya nagpunta si Papa? Kasama kaya niya si Castor? Si Zaiden hindi ko rin nakikita, hindi ako dinadalaw. Ano kayang pinagkakaabalahan nila?'
Pinagmamasdan ko ang magandang paglubong ng araw. Walang nangyari sa maghapon ko. Boring. Nahiga ako sa buhangin. Idinipa ang dalawa kong braso na parang nakapako ako sa krus. Iniisip ko ang sinabi ni Reedwick.
‘Paano niya nalaman na nahawakan ako ni Baragor? Sinusundan ba niya ako?’
"Hi!"
Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Tinangka kong bumangon ngunit nauntog ako sa ulo niya.
"Ouch!Aray!" sabi ko habang hawak-hawak ko ang nasaktan kong noo.
Umalis siya sa ibabaw ng mukha ko habang hawak din niya ang namumula niyang noo.
"What do you think you're doing?" inis ko na reklamo.
"Sorry!" sabi na lang niya.
"Bakit mo ba ako laging sinusundan? What's your problem?"
"Wala.Nagkataon lang na..” sabi niya
"That's bullshit! Ganyan lagi ang alibi mo sa akin. Stalker ka Reedwick!"
Isa yung panghuhusga alam ko. Pero kung ikaw ang nasa kalagayan ko, magagalit ka rin. Imposible na nagkataon lang ang lahat.
“I don’t stalk people without reason.” Sabi ni Alaister
"Eh di stalker ka nga.” Sabi ko
"Gusto ko lang na masiguro na ligtas ka.."
Natawa ako. "Kanino ka nag apply para maging isa sa mga member ng Over Reactiong Protectors ko?"
"Hindi biro ang nangyayari ngayon, Oceane. Alam kong kaya mo ang sarili mo but..” sabi ni Alaister
"Alaister.” Sabi ko. ”Stop following me okey? You know what I'm capable of so step back.."
"Oceane, wag matigas ang ulo mo. Makinig ka kasi muna sa akin. Hindi lang naman kay Baragor kita gusto protektahan." Sabi pa nito
Napakunot ang aking noo. "Kanino?"
"Kay Gaeia." Sabi niya
"Sino naman siya? You're girlfriend." Sabi ko
"No!” mabilis niyang pagtanggi. “I don't have girlfriend."
Nagsmirked ako. "Eh sino siya?"
"Zaiden Alfiro's suitor.."
Ilang seconds bago nagsink-in sa isip ko ang sinabi ni Reedwick.
"Suitor?" natatawa ko pang sabi
"Kababata siya ni Alfiro, sabay silang lumaki kaya bata pa lang may gusto na si Gaeia sa kanya. Matagal na nyang gusto ang boyfriend mo. Hindi pa man kayo nagkakakilala ni Alfiro."
"Excuse me, hindi ko boyfriend si Zaiden. At saka so what naman kung me manliligaw siya? Anong pakialam ko dun?” sabi ko “ Atsaka bakit ka ganyan? Masyado ka naman desperado para lang mapansin ko.”
Nilapitan niya ako tinitigan at ganun din ang ginawa ko.
"Hindi ako desperadong tao na gagawin ang lahat para mapansin mo. I'm here to protect you, pwede ba wag mong lagyan ng malisya." sabi pa niya.
"Then stop annoying me! Wala kang pakialam sa personal kong buhay."
Itinaas niya ang dalawang kamay niya "Okey fine..."
"Ayoko na sunod ka ng sunod sa akin.. kaya kong protektahan ang sarili ko."
"Yan ang di ko susundin.. I'll be your stalker whether you like it or not!"
Castor
NAGTAGO kami sa likod ng mga matataas na d**o. Hawak naman ni Zaiden Alfiro ang dwarf. Isang grupo ng mga dwarf ang dumaan sa harapan namin.
"Hanapin nyo baka nagtatago lang yan dyan." Sigaw ng isa sa mga dwarves
"Tama! May sugat yon kaya siguradong hindi makakalayo!" sabi naman ng isa pang dwarves, mag balbas ito di lalampas sa kanyang dibdib
Matagal tagal din bago sila umalis sa tapat namin.
Palubog na ang araw ng tuluyang umalis ang mga dwarf.
"S---sino kayo?" Dun lang namin namalayan na gising na ang batang dwarf.
"Mga kaibigan kami..." sagot naman ni Alfiro.
"Tingin ko wala na sila, maghanap tayo ng pagtataguan." Sabi ko
Malayo-layo rin ang nilakad namin bago kami nakakita ng isang malaking puno na may butas. Gamit ang wand gumawa ako ng siga.
"Salamat sa inyo kaibigan." Sabi ng dwarf
"Sino ka ba at bakit ka hinahabol ng mga yon?" tanong ni Alfiro
"Ako si Dcent.” Sabi nito “Mga tagasunod sila ng Dark Wizard at lahat ng hindi susunod sa kanila ginagawa nilang alipin."
"Pero ang dami naman nila, ibig mong sabihin halos lahat ng nandito ay tagasunod ni Baragor?" tanong naman ni Alfiro
Tumango naman ang dwarf. "Ang hindi sumunod sa kanila, papatayin."
"Bakit kayong mga dwarves ang magpapatayan? Diba dapat, nagtutulungan kayo, in that way malalabanan nyo ang mga Dark Wizards." Sabi ni Alfiro. “And for all I know, may magic din kayo to defense yourselves, so bakit?”
Hindi sumagot ang dwarf.
Tumayo ako saka hinarap si Alfiro."Tayo na Alfiro, nasasayang ang oras natin." Sabi ko na naman
Tumingin lang si Alfiro sa akin.
"Pwede ba Alfiro issue nila yan, wag mo na pakialaman pa, may hinahabol tayong oras." Inis kong sabi
"Mauna ka na Castor kung gusto mo..." sabi nito
“So uunahin mo pa yan kesa sa totoong pakay natin dito?” tanong ko
Hindi sumagot si Alfiro, nakatingin lang siya sa akin habang ngasasalita ako.
"Bahala ka na nga..."
Pagkasabi ko noon ay mabilis akong umalis at iniwan siya kasama ang dwarf na yon.
Nazar
"HINDI nyo ba ako nakikilala?" sabi ko sa mga gnome.
"Kilala ka namin.” Sabi ng isa sa kanila
"Kung ganoon padaanin nyo kami." Sabi ko
"Hindi maari." Sabi ulit ng isa sa kanila
"Bakit?" tanong naman ni Zaq.
"Kami ang tagapagbantay dito. Hindi kayo maaring dumaan." Sabi naman ng gnome na medyo may katandaan na
"Mabuti pa padaanin nyo na kami bago pa ako magalit sa inyo." sigaw ko naman sa kanila.
Nag-umpisang uminit ang pakiramdam ko. Nakikita ko ang pagkalat ng itim na aura sa palibot ko. Bahagyang umatras ang mga gnome.
"Kahit patayin mo kaming lahat, hinding-hindi ka namin papayagang makadaan dito." Sabi nito
“May itinatago ba kayo dito kaya ayaw nyo kaming padaanin?” tanong ni Zaq
Napatingin ako kay Zaq.
“Hindi kayo maaring dumaan.” Yun lang ang sinabi ng isang gnome
Isang dilaw na liwanag ang lumabas mula sa dulo ng wand ko at mabilis itong tumama sa isang malaking bato sa likuran ng mga gnome. Hindi ko man sila pinatatamaan, nagbigay lamang ako ng warning sa kanila.
"Bago tuluyang maubos ang pasensiya ko umalis na kayo sa daan..." mahinahon kong sabi
Ngunit matatag ang mga gnome. Hindi talaga sila natinag sa pananakot na ginawa ko. Napilitan akong patamaan ang apat sa kanila. Natumba ang mga ito. Bagaman kita ko sa mga mata nila ang takot, hindi pa rin sila umaalis sa harapan namin.
"Pasensiya na, gagawin ko na talaga ito." Sabi ko pa
Sunod sunod na ang paglabas ng liwanag sa dulo ng wand ko. Parang domino silang natutumba. Hanggang sa isa na lamang ang natirang nakatayo. Itinutok ko ang wand ko. Siya ang pinaka leader ng grupo.
"Kung ito ang nakatadhana sa akin, matatanggap ko... masasabi ko pa rin na ako ang tagapagbantay." Sabi ng leader
Huminga ako ng malalim. Muli kong ipinasok sa bulsa ko ang wand ko.
"Rupert, pasensiya ka na talaga, may buhay kaming dapat iligtas at kailangan namin ang Elders Forbidden Scroll."
"Nazar, naiintindihan kita ngunit kailangan ko pa rin tuparin ang aking responsibilidad." Sabi ng leader
Muli kong kinuha ang wand ko. Ito kasi ang lugar na kung tawagin nila ay Somnium Loco o lugar ng panaginip. Itinutok ko ito sa kanya. Hindi ko maigalaw ang kamay ko o maibuka man lang ang bibig ko.
"Indurabo!"
Asul na liwanag ang muling lumabas sa dulo ng wand at ilang sandali pa. Matigas na bumagsak sa lupa ang katawan ni Rupert.
"Tara na." sabi ko na lang kay Zaq.
Malayo layo na rin an gaming nilakad mula sa mga gnome na aking piñata. Habang naglalakad kami napapansin kong panay ang tingin ni Zaq sa akin.
"Ano yon?” tanong ko
Sa itsura niya kasi halatang halata na ay gusto siyang sabihin o itanong sa akin.
"Ha? Gusto ko lang sana malaman kung sino yung matandang gnome kanina."
"Siya ang nag alaga sa akin dito noong bata pa ako." Sabi ko
“Inalagaan ka ng gnome?” tanong ni Zaq
“Hindi ba’t sinabi ko na, ikinulong ako dito ng aking Ama nun bata pa ako.” Sabi ko
Hindi na muling nagsalita pa si Zaq.
Oceane
ISANG kakaibang aura ang nararamdaman ko sa di kalayuan. Tumitig ako sa pinanggagalingan ng aura, ilang sandali pa parang nag zoom in ang paningin ko dahil nakikita sa likod ng malaking puno dalawang kilometro ang layo mula sa kinaroroonan ko. Isang babae ang nakikita ko habang nakatingin siya diretso din sa akin habang nakasandal sa puno.
'Ang babaeng yon...'
Mabilis akong tumakbo pababa sa hagdan.
"Oceane saan ka pupunta?" Tanong ni Mama ng mapadaan ako sa sala ng tree house namin. HIndi ako sumagot. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo ko.
"Oceane!!! Oceane!!!"
Kahit malayo na ako naririnig ko pa rin ang boses ni Mama. Agad kong kinuha ang broomstick ko at sumakay ako dito.
‘Sino ang babaeng ‘yon? Bakit parang gusto niyang maglaban kami?
Hindi ko maalis sa isip ko ang itsura ng mukha ng babae kanina. Nakangisi ito.
'Nakakainis!'
Isa…
Dalawa……
Limang minuto ang lumipas. Narating ko ang kinaroroonan ng babae. Bumaba ako ng broomstick.
"Wow! Ang bilis ng radar mo ha!" Habang kasabay ng nakainis na ngisi nito.
"Sino ka?” tanong ko.
Nagsmirked ang babae. “You don’t know me? Really?” huminga ito ng malalim. “Anyway, ako si Gaeia..”
“Oh, so ikaw pala si Gaeia..” sabi ko naman. “Ikaw yun babaeng naghahabol kay Zaiden.”
Napansin ko ang pagbabago ng itsura ng mukha niya. "Excuse me?!"
Bahagya akong ngumiti sa kanya. "At kaya mo ako gustong pumunta dito dahil gusto mo akong komprontahin, tama?"
Tumaas ang isang kilay nito. "Why should I do that? Sino ka para gawin ko yan? Zaiden Alfiro is mine."
“Okay fine, sa’yo na si Zaiden Alfiro. Sana lang magustuhan ka niya katulad pagkabaliw mo sa kanya?” sabi ko
“Ako ang gusto ni Zaiden Alfiro, bata pa lang kami gustong gusto na niya ako.” Sabi ni Gaeia
“So anong nanyari? Kung gustong gusto ka niya, bakit ka nandito sa harapan ko ngayon? Nagbago ba ang isip niya?” tanong ko
“Hindi nagbabago ang isip ni Zaiden, actually kaya ako nandito para balaan ka, wag ka na umasa pa kay Zaiden, dahil kahit kalian hindi ka niya magugustuhan.” Sabi ni Gaeia
“Alam mo, Gaeia. “ sabi ko. “Hindi mahirap mahalin si Zaiden, he’s actually damn handsome, muntik na nga rin akong magkagusto sa kanya. Salamat kay Merlin dahil hindi niya hinayaan na tuluyan akong mahulog sa kanya.” Sabi ko
“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, babae. Ang gusto ko layuan mo si Zaiden.” Sabi ni Gaeia
“Magkaibigan kami ni Zaiden, at hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan namin dahil lang sa’yo.” Sabi ko. “ Kung ipipilit mo lang ang gusto mo, na layuan ko ang kaibigan ko, nag aaksya ka lang ng oras mo.”
“Sumunod ka sa gusto ko kung ayaw mong pagsisihan ang pagmamatigas mo.” Mariin sabi ni Gaeia
“Bakit anong gagawin mo? Papatayin mo ako, katulad ng mga estupidong guto akong patayin?” tanong ko
“What if I say yes, I want to take your life?” tanong nito
“Then try it..” hamon ko naman
Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nagtitigan ni Gaeia, nang may tumawag sa kanyang pangalan.
"Gaeia!" Napatingin ako sa kaliwa ko. Si Reedwick na naman? "Anong ginagawa mo dito?"
"You’re overreacting, Alaister. Wala pa akong ginagawa." Sabi naman ni Gaeia
"Can you just leave her alone?" sabi naman ni Alaister kay Gaeia
"We’re just talking, you know." Sabi ni Gaeia
"Just leave her, Gaeia. I don’t care what you two are doing. Just leave her.” Sabi ni Alaister
Masamang tingin ang ipinukol ni Gaeia sa akin, as if kakainin niya ako ng buong buo sa tingin niyang iyon. Bahagya lang akong ngumiti sa kanya at kapansin pansin ang pagka inis niya sa ginawa ko.
“Ikaw babae, hindi pa tayo tapos.” Sabi ni Gaeia
“Okay.” Simpleng sabi ko naman
Ilang saglit pa ay naglakad ito papalapit sa isang puno ng Calaca, kinuha ang iniwang broomstick, sumakay dito at mabilis na umalis. Naiwan kami ni Alaister.
Zaiden
"SAAN ba nagtatago ang mga kasama mo?" tanong ko kay Dcent.
"S-sigurado ka ba na tutulungan mo ako?" tanong ng dwarf sa akin
Tiningnan ko sa mata ang dwarf. "Seryoso ako..."
"Ngunit maaring mapahamak ka pag...." hindi na natapos pa ni Dcent ang kanyang sasabihin dahil nagsalita ako.
"I'm insisting!" sabi ko
Natahimik si Dcent, marahil nag iisip.
"Isa pa, ganito din ang gagawin nya kung nandito siya ngayon." Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko.
"Sinong "siya"?" maang na tanong ni Dcent
"Ang Infinity!" sabi ko
Nang marinig niya sa akin ang salitang iyon, para siyang nakakita ng multo sa sobrang pagkabigla.
"K-kaibigan mo ang Infinity?" tanong nito
"Oo naman." Sabi ko
Castor
BADTRIP ako kay Alfiro ngayon. Mas inuna pa niya na tulungan ang mga dwarf na yon kesa iligtas si Seda. Habang tumatakbo ako, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Seda habang hinihimas niya ang tiyan niya.
Naalala ko rin ang pakiramdam ng una kong maramdaman ang bata sa loob ng kanyang sinapupunan habang nakalapat ang kamay ko sa tiyan niya.
'Ashlyn!'
Napahinto ako. Pinagmasdan ko ang kamay ko. Lumingon ulit ako sa aking pinanggalingan.
'Nakakainis talaga!'
Mabilis akong tumakbo pabalik sa kinaroroonan ni Alfiro.
Alaister
“WHAT are you guys up to?” tanong ni Oceane
“You’ve met her, Gaeia.” Sabi ko
“She’s full of insecurities. Talagang pinapunta pa niya ako dito.” Sabi ni Oceane
“I told you she’s madly inlove with Alfiro.” Sabi ko
“Yeah, she’s mad. Sobra!” sabi niya
“Did she treatened you?” tanong ko
“No, she’s challenging me.” Sabi niya. “Bakit ba may mga taong desperado na magustuhan din sila ng taong gusto nila?”
“Because they’re inlove.” Sabi ko
Nagsmirked si Oceane. “Kung ayaw sa’yo, wag na ipilit.”
“Nainlove ka na ba?” tanong ko
Napatingin siya sa akin. “Anong pakialam mo?”
“Kung naranasan mo na magmahal ng totoo, maiintindihan ang ang mga kagaya nila.” Sabi ko
Natahimik siya, parang nag iisip. Sa pagmamasid ko sa kanya sa mga lumipas na buwan mula nun pumasok siya sa Academy, masasabi ko na, nagkaroon din siya ng pagtingin kay Alfiro.
Bigla siyang lumingon sa akin. “And you? What are you doing here? Don’t tell me na nagkaton na naman na napadaan ka at nakita mo kami.” Sabi ni Oceane
“No! Sinundan ko ang aura mo kaya nandito ako.” Sabi ko
“Sinabi ko na sa’yo wag mo akong susundan.” Sabi niya sabay sakay sa broomstick niya
“I told you, hindi ko yan susundin.” Sabi ko naman bago siya tuluyang makalayo.
Oceane
HABANG lumilipad ako gamit ang broomstick ko, napaisip ako sa sinabi ni Reedwick.
‘Kaya ba nagawang burahin ni Zaiden ang memory ko dahil minahal niya talaga ako?’
Huminga ako ng malalim. Naguguluhan na naman ako sa nararamdaman ko. Lahat ng pinagsamahan namin ni Zaiden ay muling nagflashback sa alaala ko. Ang hindi ko makakalimutan ay noong napadpad kami sa territory ng mga centaurs, halos mamatay na siya noon dahil sa pag protekta sa akin. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng sandaling iyon.
‘Sa kabila ng lahat ng nangyari, may natitira pa rin akong pagtingin kay Zaiden, kahit sinusubukan kong mahalin ng buo si Castor.’
Miranda
"KANINA ko pa hinihintay ang anak ko, hindi pa siya umuuwi."
Hinawakan ni Old Elf ang kamay ko. Nakatayo kami sa may balconaje habang nakatanaw sa kabuoan ng Elfwood.
"Hayaan mo na muna na malayo siya sayo."
Napatingin ako sa Old Elf.
"Maniwala ka sa akin apo, ligtas tayo pag malayo siya ngayon."
"Anong sinasabi nyo?"
Nakatingin lang sa akin ang Old Elf.
"Miranda..."
Napalingon kami pareho ng marinig namin si Seda sa may pintuan. Nilapitan ko siya.
"Miranda, sumasakit kasi ang tiyan ko..."
"Ha?"
Agad ko siyang inalalayan at iniupo sa sofa. Hinawakan ko ang tiyan niya. Napansin ko rin na basa ang kanyang binti.
"Manganganak ka na Seda!"
"Ha?"
Nakita ko ang takot at saya sa mga mata ni Seda. Sa tulong ni Old Elf, dahan-dahan naming inalalayan si Seda papasok sa silid at inihiga sa kama.
"Magpapatawag ako ng ajouga.." mabilis na umalis si Old Elf at lumabas ng pinto.
Naiwan kami ni Seda sa loob. Naririnig ko ang daing at mahinang pag ungol ni Seda.
"Itaas mo paa mo..." utos ko
Itinaas naman ni Seda ang kanyang paa. Kahit wala akong alam sa pagpapaanak, ginaya ko ang napapanood ko sa telebesyon ng mga tao sa kabilang mundo.
"Ahhh!" umiireng sabi ni Seda
"Sige Seda umire ka lang." sabi ko naman
Patuloy naman sa pag-ire si Seda. Mayamaya pa nakikita ko na ang ulo ng bata.
"Konti pa Seda, umire ka pa!" sabi ko ulit
Nakinig naman sa akin si Seda. Lumabas na ang ulo ng bata sumunod naman ang paglabas ng katawan nito ng paunti-unti.
"A-ang anak mo Seda...." mahinang sabi ko
Hindi umiyak ang bata. Hawak hawak ko ito at tinitigan ko pa kahit puros dugo ang katawan nito at nakalaylay ang mahabang pusod nito.
"Bilisan nyo.." Narinig ko ang boses ni Old Elf.
Ilang sandali pa pumasok na sa silid ang dalawang ajouga. Nakatitig naman sa akin si Old Elf habang kinukuha ng isang ajouga ang bata sa kamay ko.
Zaiden
ILANG dwarves ang nagkalat sa paligid. May mga dwarves naman na nasa isang sulok habang takot na takot na nakatingin sa iba.
"Sila ang mga alipin.." bulong ni Dcent sa akin.
"Mahihirapan tayong makuha sila mula sa mga bantay.." sabi ko "May alam ka bang ibang daan?"
Umiling ang dwarf. Muli akong lumingon iba pang dwarves.
"Ako meron." napalingon kami pareho ni Dcent sa nagsalita mula saming likuran. "Castor?"
"Tayo na, para matulungan na rin natin si Nazar." Sabi ni Castor
Tumayo kami pareho ni Dcent ng sabihin yon ni Castor. Hindi ko alam kung bakit sya bumalik, pero natutuwa ako dahil bumalik siya.
"Ano yan?" tanong ko kay Castor.
Mabilis niyang inaalis ang mga dahon sa harapan namin. Ilang sandali pa, nakakita ako ng butas habang tinatanggal niya ang mga dahon lumalaki ang butas.
"Ang lagusan..." masayang sabi ni Dcent. "Paano mo nalaman yan? Matagal na namin yang hinahanap.." tanong pa nito.
"Bago ko kayo puntahan, naghanap na ako ng pwedeng daanan." pagkasabi nun ay mabilis na tumalon sa butas si Castor.
Walang ingay siyang bumagsak sa butas. Sumunod naman ay si Dcent at ang huli ay ako. Madilim sa paligid ng lumapag ang mga paa ko sa lupa. Ilang sandali pa ay nasanay na ang mga mata ko dilim. Nakikita ko na sa harapan ko sina Castor at Dcent.
"Walang gagamit ng apoy.." sabi pa ni Castor.
"Bakit?" tanong ko naman.
"Ang mga bato dito ay madaling maka-attract ng apoy." simpleng sabi ni Castor.
"Alam mo na ba ang pwede natin daanan dito?"anong niya kay Dcent.
"Oo. Ako na ang bahala." Sabi naman ni Dcent
Mabilis namin sinundan ang dwarf. Maliit na butas ulit ang aming dinaanan, kailangan pa namin gumapang ni Castor para magkasya kami sa butas. Maputik ang daanan dahil sa mga bukal sa lupa.
Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon ay kakapusin ako sa hininga dahil sa ang daanan ng hangin ay natatakpan namin ni Castor. Yun ay yung butas na dinadaanan din namin dalawa na sa sobrang laki namin ay halos di na pumapasok ang hangin sa loob ng butas.
'Ako nga lang pala ang may problema sa paghinga..'
Napatingin ako kay Castor. Napaisip tuloy ako kung kailangan pa rin ba niya ng hangin para mabuhay.Alam nyo na isa siyang bampira. Habang lumilipas ang pananatili namin sa loob ng butas, nararamdaman ko na ang malamig na hangin. Mukhang malapit na kami sa labasan.
Isang nakakasilaw na liwanag ang humarang sa aking mga mata. Itinakip ko ang aking braso sa aking mga mata hanggang sa tuluyan kong maramdaman ang malamig na hangin. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.Isang pangit na paligid ang nakita ko.
"Anong lugar ito?" tanong ko sa dalawang mukhang gulat din sa nakita nila.
"Sinunog na rin nila ang gubat...."
Nakita ko pa ang pagpatak ng luha ni Dcent sa kanyang pisngi.
Nazar
MATAAS na bangin ang tinatahak namin ni Zaq ngayon. Mula sa kinatutungtungan namin, malalanghap ang mga masangsang na amoy ng mga nabubulok na katawan ng mga hayop at iba pang nilalang na sinubukang pumasok dito.
Hindi ko masisi kung bakit panay ang suka ni Zaq, kahit may takip na na tela ang mga ilong at bibig, parang pumapasok pa rin sa loob ng katawan namin ang masangsang na amoy.
'Konti na lang malapit na namin marating ang dungeon'
Halos inabot kami ng kulang isang oras sa pagtawid sa bangin. Nang marating namin ang dulo ng bangin mabilis kaming tumakbo papalayo. Halos sabay pa kaming sumuka ni Zaq habang nakaluhod sa lupa. Akala ko ay ilalabas ko na rin ang laman loob ko sa tindi ng pagsuka ko. Pagkatapos nun ay nahiga ako sa lupa.
"Kasumpa-sumpa ang lugar na yon Nazar!" sabi pa ni Zaq habang patuloy sa pagsuka.
"Lahat ng may itim na aura ay dyan mapupunta pagnamatay sila.." paliwanag ko naman
"Ibig sabihin dyan ka rin mapupunta?" tanong ni Zaq
Napatingin ako kay Zaq. Bigla niyang binawi ang tingin niya sa akin. Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"Ang pagkakaroon ng itim na aura ay hindi kagustuhan ng lahat. At papatunayan ko, hindi lahat ng may itim na aura ay masama."
Hinawakan ko pa ang balikat niya, senyales na kailangan na namin ipagpatuloy ang paglalakad.
Miranda
MASAYA akong makitang malusog ang batang ipinanganak ni Seda. Naalala ko ang aking anak noong isinilang ko siya. Ang saying walang mapagsidlan. Ngunit hindi rin nagtagal, matapos kong matitigan ang bata, nakaramdam ako ng matinding kaba.
“Mukhang kinakabahan ka Miranda!” bati sa akin ni Old Elf.
“Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko ngayon Old Elf.” Sabi ko
“Bakit?” tanong ni Old Elf
“Parang, parang may maling sa mangyayari hindi ko maipaliwanag..” sabi ko
Hinawakan ni Old Elf ang kamay ko. “Naiintindihan ko ang nararadaman mo apo, ngunit kailangan mo magpakatatag.”
Nazar
“BAKIT?” tanong sa akin ni Zaq.
Bigla kasi akong napahinto sa paglalakad. Naramdaman ko na ang kakaibang aura ng Wolf Guardian, isinilang na ni Seda ang bata.
“May…. May problema ba?” tanong nito
“Isa ka ng ama, Zaq” sabi ko
“Ha?” maang na tanong ni Zaq
“Nararamdaman ko ang aura ng Wolf Master, isinilang na ni Seda ang inyong anak.” Sabi ko
“T-talaga? T-tatay na ako? Isa na akong ama?” masayang sabi ni Zaq
“Oo. Kaya bilisan na natin, para Makita mo na ang mag ina mo.” Sabi ko
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Mabilis ko siyang hinila para mas mabilis namin marating ang dulo. Mula sa likod ng malaking puno may narnig akong kaluskos. Pinigilan ko sa paglalakad si Zaq, sumenyas ako na huminto siya. Dahan-dahan akong lumapit sa malaking puno.
“Hey!” sabi ng lalaking lumabas mula sa likod nito.
“Alfiro!” sabi ko
“Nazar!” sabi naman ni Alfiro
Mula sa likod ni Alfiro lumabas si Castor at ang dwarf.
“Nazar, Masaya ako at ligtas ka.” Bati ni Castor sa akin
“Ako rin, Masaya akong makita kayo ulit matapos ang pagkakahiwalay natin kanina.” Sabi ko
“Naramdaman mo ba ang kakaibang aura kanina?” tanong ni Castor
“Oo. Isinilang na ang Wolf Master.” Sabi ko
“Isa na akong ama.” Masayang sabi ni Zaq
Ipinagpatuloy namin ang paglalakad, ilang minuto pa narating namin dulo, ang lugar na pupuntahan namin. Nagulat pa kami ng makita doon ang grupo ng mga gnomes, dwarves at iba at iba pang mga nilalang na nakatira doon.
“Mukhang hinihintintay na nila tayo!” sabi pa ni Alfiro.
Narinig ko naman ang pagsmirk ni Castor. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Malakas na hangin ang nagsisilbing ingay sa pagitan namin lahat.
“Alam namin ang pakay nyo kaya kayo napunta dito.” Sabi pa ng isang dwarf.
Pinaka matanda ito sa lahat sa tingin ko, ngunit masmataas ito sa lahat, may dark mark sa leeg niya.
“Kailangan namin ang Elders Forbidden Scroll?” sabi ko.
“Hindi maaari ang gusto mo Nazar. “ sabi ng isa sa mga dwarves
“Kaya nga siya tinawag na Forbidden Scroll dahil, ipinagbabawal.” Singit naman ng isa sa mga gnome.
“Alam naming..” sabad ni Zaq.
“Zaq wag ka na makigulo pa.” bulong ni Castor.
“Nanganak na aking aking asawa, anong oras pa tayo makakabalik sa Elfwood kung makikipag talo pa tayo sa kanila?” asar na sagot naman ni Zaq.
Naalis ang atensyon ko sa dalawa ng pumwesto ang mga ito. Mula sa kawalan,lumabas ang mga itim na auras, kumalat ito sa hangin at inikutan kami.
Ilang sandal pa ay unti unti itong nabubuo na hugis tao hanggang sa makita namin si Oceane sa aming harapan.. Lumulutang ito sa hangin. Nakapalibot ang itim na aura sa kanya. Lahat ng aura sa paligid ay nahigop ng kanyang kapangyarihan, humugis itong anino sa kanyang likuran.
“Oceane anak?” tawag ko
“Oceane!” sabay na sigaw nina Castor at Zaiden Alfiro. “Anong ginagawa nya dito?”
Halos sabay nilang tanong sa akin. Hindi ako sumagot.
Castor
NAGKALAT ang itim na aura sa paligid. Nakapikit si Oceane, hindi ko alam kung natutulog ito, ngunit habang nakalutang siya sa ere, ang kanyang itim aura, parang may sariling buhay. Kusa itong kumikilos kahit wala siyang inuutos.
Pilit akong gumagawa ng paraan para makalapit sa Infinity at mailigtas ito dahil kung matutuloy tuloy ang nangyayari sa kanya tuluyan na siyang magiging isang Dark Sorcerer.
Lumingon ako sa paligid, abala sina Nazar, Alfiro at Zaq sa paggawa ng paraan para makatawid sa mga bantay at tuluyang makapasok.
Zaiden
“FIRE!”
Huling spell na ginamit ko para tapusin ang mga gnomes. Napatingin naman ako kay Oceane, nakapikit pa rin ito, at sa tingin ko nga ya tulog ito, dahil nakatungo ko na para bang walang malay ang kanyang itsura.
“Zaiden ang Scroll!” sigaw ni Castor
Itinuro ni Castor sa akin ang isang parang maliit na kweba, umiilaw ito sa loob kulay pula at asul na ilaw.
Mabilis akong kumilos para puntahan ito ngunit humarang sa akin ang mga lumulutang na malalaking tipak ng bato.
Nazar
NAKATAWID naman kami ni Zaq sa mga gnomes at dwarves na gustong humarang sa daan naminMabilis kong hinawakan si Zaq sa braso at itinago sa likod ng malaking bato.
“Dito ka muna.” Sabi ko. “Wag na wag ka ng aalis dito, maliwanag?” sabi ko
Tumango naman si Zaq. Ako naman ay mabilis na umalis at hinarap muli ang aming mga kalaban. Napansin ko na sinusubukan ni Alfiro na makalagpas sa samg mga mamalaking tipak ng baton a nakalutang sa ere. Si Castor naman ay ganun din, mga grupo ng dwarves ang nakapalibot sa kanya.
“Castor!” sigaw ko
Lumingon naman si Castor sa akin. Hindi siya nagsalita ngunit lumingon siya sa kaliwang bahagi ng kanyang kinatatayuan. Isang kakaibang liwanag ang mapapansin doon, tumango si Castor.
“Ako na ang bahala.” Sabi ko
Mabilis akong tumakbo papalapit sa maliit na butas na iyon sa likuran ng aking anak. Ngunit hindi pa ako nakakalapit, ang itim na aura ng aking anak ay lumapit sa akin.
Sinubukan kong lumapit ngunit may shield na ginawa ang itim na aura. Muli kong sinubukan ngunit katulad ng una, hindi ako makalagpas dito.
Huminga ako ng malalim, ayaw kong gamitin ang aking itim na aura, ngunit ito lang ang maari kong panlaban sa aura ng aking anak na wala pa rin malay. Ngunit bago pa ako nakakilos, naramdaman ko ang kamay sa aking balikat, napalingon ako. Si Castor.
“Medyo nahirapan ako sa mga ‘yon..” sabi niya
May gasgas siya sa bandang pisngi niya, may dugo naman siya sa labi.
“Hindi ako makalagpas sa aura, gagamitin ko ang aura ko para makuha ko ang scroll.” Sabi ko
“Ako na ang kukuha.” Sabi ni Castor. “Tulungan mo na lang ako makalagpas at ako na ang bahala sa scroll.”
“Sige, humanda ka na.” sabi ko
Hindi pa rin ako nakakasimulang gamitin ang aura ko, ng magsalita si Alfiro sa di kalayuan.
“Oceane!” sigaw niya
Napatingin naman ako sa aking anak, nagdilat na ito ng mata. Sa itsura niya mukha siyang nabigla sa mga nakita niya.
“Papa.. papa..” sabi niya. “Nasaan ako?”
Sinubukan niyang kumilos ngunit para siyang nakatali sa mga itim na aura.
“Oceane, anak.” Sabi ko
“Oceane..” sabi naman ni Castor
“Papa, papa, tulungan mo ako..” sabi niya
Hindi na ako ang isip pa, inilabas ko ang aking itim na aura, lalabanan ko ang aura ng aking anak.
“Papa..” sabi ni Oceane
“Nazar, ako na ang bahala kay Oceane, ang scroll.” Sabi ni Castor
“Pero..” sabi ko
“Ako na ang bahala.” Sabi ni Castor
Tumango na lang ako bilang pagsang ayon.
Itinaas ko ang wand ko, iwinasiwas ang wand at itinutok it okay Castor.
“Alkahem Impertigo.” Sabi ko
Isang simpleng forbidden spell na maaring magligtas sa buhay ni Castor.
“Castor, ngayon!” sabi ko
Mabilis naman kumilos si Castor, sing bilis ng hangin kung magpalipat lipat siya ng kanyang pwesto. Nagsimula na rin umatake ang itim na aura ng aking anak, kusang kumilos ang itim na aura para pigilan si Castor sa paglapit sa maliit na butas na iyon.
Sunod sunod na atake ang ginawa ng itim na aura, at bawat atakeng iyon, mabilis ko itong hinaharangan ng spell mula sa aking wand. Kaya naman nakalusot si Castor.
Ilang beses nakalusot si Castor sa atake ng aura ng aking anak. Ngunit ag hindi ko inaasahan..
“Nazar anak..”
Napalingon ako sa aking anak, mula sa kinatatayuan, makikita ang pag iiba ng kulay ng mata niya, ang kayang bibig ay may itim na usok din na nagmula sa itim na aura.
“Hanggang ngayon ba naman ay sinusuway mo pa rin ako?” sabi ng aking anak
Ang tinig na iyon ay hindi mula kay Oceane kundi sa aking ama na si Baragor. Ginagamit niya ang katawan ng aking anak.
“Baragor” sabi ko
Castor
TUMIGIL sa pag atake ang itim na aura ni Ocean eng biglang magsalita siya, ibang tinig ang nagmumula sa bibig ni Oceane. Si Baragor, kinakausap niya ang kanyang anak na si Nazar sapamamagitan ni Oceane.
Mabilis akong lumapit sa maliit na butas na iyon. Kakaibang mga liwanag ang nagmumula sa scroll na iyon. Pag lapit ko mismo sa butas, isang itim na usok ang naroon, naghugis bungo ito at mabilis na lumipad papunta sa akin.
May kung anong malamig na hangin ang naramdaman ko nun dumaas sa harapan ko ang usok na hugis bungo na iyon. Pagkatapos ay matinding hapdi ang sunod kong naramdaman, nalasan ko ang dugo sa aking bibig hanggang sa maisuka ko ito. Napaluhod ako sa batuhan habang nakatuon ang dalawa kong kamay sa bato.
Nang medyo guminhawa ng konti ang aking nararamdaman ay muli akong lumapit sa butas at sinilip ito. Lumiliwanag ang scroll kaya mabilis ko itong dinukot at kinuha sa butas.
‘Sa wakas..’
Muli akong lumingon para harapin si Oceane. Habang nakatalikod ito at nakalutang sa ere, maingat akong naglakad sa di kalayuan sa kinaroroonan ni Zaiden Alfiro. Mabuti na lang at nakatingin siya sa akin, agad kong inihagis sa kanya ang scroll na hindi namamalayan ni Oceane, nasalo naman ito ni Zaiden at mabilis na itinago sa kanyang likuran.
Bumalik ako sa tapat ng mismong likuran ni Oceane, abala silang nag uusap ni Nazar.
“Kahit kalian, hindi ko matatanggap ang mga ginawa mo sa aking mag ina.” Sabi ni Nazar
“Kung ayaw mong maging tagapagmana ko, hindi na kita pipilitin.” Sabi ni Oceane sa tinig ni Baragor. “Narito naman ang aking mahal na apo, madali ko siyang nakokontrol kaya hindi na kita kailangan pa, Nazar!”
Habang nasa likuran ako ni Oceane, napansin ko ang kakaibang punyal sa kanyang likuran, umuusok ito ng kulay itim. Doon din nagmumula ang itim na aura na siyang kumokontrol sa itim na aura ni Oceane. Maingat akong lumapit, ngunit matarik ang aking kinatatayuan.
Nagsimula naman bumuo ng isang itim na energy ball ang itim na aura sa likod ni Oceane at sigurado akong kay Nazar ito ihahagis. Nang makatyempo ako ay mabilis akong tumalon sa likuran ni Oceane. Nagsimula itong magwala sa aking pagkakayakap mula sa kanyang likuran.
“Bitiwan mo ako..” sigaw ni Oceane
“Nazar, ang itim na punyal, tamaan mo ang itim na punyal.” Sigaw ko naman kay Nazar
“Bitiwan mo ako..” sigaw muli ni Oceane
Kahit anong gawin niya na pagwawala sa aking pagkakayakap hindi niya magawang makaalis. Nagulat pa ako ng bigla niyang hinawakan ang punyal na siyang kanina pa tinatarget ni Nazar. Palaging lumilihis ang atake ni Nazar dahil sa itim na aura na siyang humaharang dito.
Mabilis na itinarak ni Oceane sa akin ang punyal na kanina ay sa kanyang likuran nakabaon. Parang dinudurog ang aking mga buto at hinihiwa naman ang aking mga kalamnan, muli nalasahan ko na naman ang dugo sa aking bibig. Nakakaramdam na ako ng hilo, parang nagdidilim na ang aking paningin.
“C-castor? Castor?”
Ang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Zaiden
AGAD akong tumakbo papalapit kung saan parehong walang malay na bumagsak sina Castor at Oceane. Sabay kami ni Nazar, sinalo niya ang kanyang anak at ako naman ay si Castor. Dahil medyo mabigat ang katawan ni castor na out of balance ako at natumba, samantalang yakap yakap na ni Nazar ang kanyang anak.
“Ayo slang ba kayo?”
Napatingin ako sa bagong dating nakatayo si Zaq sa gitna namin ni Nazar.
“Nasaan ang scroll?” tanong ni Nazar
“Nasa akin, Nazar.” Sabi ko naman
“Sige, kailangan na natin bumalik kaagad. Malala ang kalagyan ni Castor.” Sabi ni Nazar
“Kaya nyo bang maglakad?” tanong ni Zaq
“Sinong maysabi na maglalakad tayo?” tanong ni Nazar. “Mabuti pa kumapit na kayo sa akin.”
Mabilis akong kumapit kay Nazar habang hawak ko si Castor, ganun din ang ginawa ni Zaq.
Nazar
GULAT na gulat sa bigla namin pagdating sa labas ng bahay namin sa Elfwood sina Miranda at Old Elf. Agad akong nilapitan ni Miranda.
“Nazar, anong nangyari?” tanong niya
“Malala ang lagay ni Castor.” Sabi ko
Hinawakan ni Old Elf ang pulso ni Castor pagkatapos ay mabilis na tinawag ang mga ajouga. Binuhat nila si Castor at ipinasok sa loob ng bahay, ako naman ang nagbuhat sa aking anak.
Nakatayo kami sa may pintuan ng silid kung saan nagpapahinga si Castor. Ginagamot siya ng mga ajouga habang kami ay nanonood mula sa aming kinatatayuan. Lumabas naman mula sa katabing silid si Miranda, dala niya ang palanggana na may tubig at tuwalya.
“Kamusta ang anak natin, Miranda?” tanong ko
“Tulog na tulog siya.” Sabi ni Miranda
“Nazar.” Sabi ni Nazar habang abot abot sa akin ang scroll
Inabot ko ang scroll at ibinigay it okay Old Elf, kinuha naman ito ng Old Elf.
“Doon tayo sa aking silid aklatan.” Sabi ni Old Elf. “At Alfiro, maari mo bang tawagin sina Zaq at Seda?”
Tumango si Alfiro. “ Sige, tatawagin ko sila.”
Lumingon muna ako sa silid kung saan naroon si Castor bago ako naglakad kasunod nila Miranda.