Castor Dumiretso ako sa Serenity Falls, lumuhod ako sa damuhan saka mabilis na nilinis ang aking sarili. Buong katawan ko ay puno ng dugo mula sa wizard na iyon. Nilinis ko rin ang aking bibig sa pamamagitan ng pagmumog. Hindi ko akalain na magagawa kong mapatay ang wizard na iyon gamit ang aking mga ngipin. Hindi ko rin inasahan na matitikman ko ang dugo ng tao. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pagkasabik sa dugong ipinagbawal sa akin ni Nazar. Hindi ko alam kung paano pa ako makikisalamuha sa mga ibang wizard. Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid, sirang sira na ang Serenity Falls dahil sa nangyari noon, ang pagwasak ng mga centaur sa kweba. Napatingin ako sa aking mga palad, may itim na kuryente ang parang dumadaloy dito. ‘Hanggang kailan ako magtatago?’ Huminga ako