Mercedes
I CAN’T BELIEVE IT!
Hanggang ngayon ay nakatulala ako sa lalaking nasa harapan ko—Kirill Ivanov—na nagsasabi na kapatid niya si Dmitry, ang matalik na kaibigan ng kapatid ko at nagbigay ng mga bodyguards para sa akin.
Does he know? Alam ba ni Dmitry na ang kapatid niya ang stalker ko? I bet he didn’t.
Alam ko na may dalawang kapatid si Dmitry but I never met them. Ang alam ko ay parati silang wala sa Puerto Rivas at naglalagi sa Russia. Kung nabisita man sila rito sa Pilipinas, I didn’t have the chance to meet them.
So, imagine my surprise when I heard who the f**k my kidnapper is.
“Kapatid mo si Dmitry?”
I heard him the first time. Sadyang para bang ayaw lamang iproseso ng utak ko ang mga salita niya.
Hindi siya nagsalita, but his silence was enough for an answer.
Tiningnan ko sina Timur at Lev na akala mo ay makakapagbigay sila sa akin ng kasagutan.
Nag-iwas ang dalawa ng tingin. They knew! Kaya wala silang nagawa nang dakipin ako ng lalaki ay dahil maituturing din nilang boss ito!
Ibinalik ko ang tingin kay Kirill. Now, I remember his name!
Tinitigan ko siyang mabuti, and now that I am observing him, not distracted how gorgeous he is, mapapansin ko nga na may hawig silang dalawa ni Dmitry.
Bakit hindi ko kaagad iyon naisip?
“Enough with the chitchat. Come, and let’s eat.”
Tinalikuran niya na ako. Si Kirill iyong masasabi mo na walang pasensya at makasarili. Wala siyang ibang iniisip kung hindi sarili niya.
Hinabol ko si Kirill at hinawakan ang kanyang braso upang sapilitan na iharap sa akin.
“Iuwi mo na ako,” sabi ko sa kanya.
Tumingin naman sa akin si Kirill, pero wala siyang sinabi. Dahan-dahan na bumagsak ang titig niya sa kamay ko na nakahawak sa kanya.
“You’re getting bolder, Mercedes. You’re touching me now.”
Hindi man niya ipahalata, his tone was oozing with sarcasm. Alam ko kapag sarkastiko ang isang tao dahil ganoon din ako minsan.
Mabilis ko siyang binitawan but the malice in his eyes didn’t disappear.
“Alam ko na kilala mo ako, Kirill. Kapatid ako ng kaibigan ng kapatid mo. Ibalik mo na ako. Magkakagulo ang mga pamilya natin kapag napagtanto ng pamilya ko na nawawala ako at mas lalo na kapag nalaman nila na ikaw ang dumukot sa akin.” Ngumiti ako sa kanya, umaasa na maiintindihan niya ako.
Walang buhay pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin. I wonder what happened to him para maging ganito siya? Sa pagtingin mo pa lamang sa mga mata niya ay para bang malalaman mo kaagad kung anong kulay ang nakikita niya sa mundo.
Black.
“And?” sabi niya. “I don’t care about that.”
Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Akala ko pa naman ay kahit papaano magkakaintindihan kaming dalawa.
Aalis na sana ulit siya pero pinigilan ko ulit. He looked at me in a bored way.
“Bakit ako?” tanong ko sa kanya. “I am nothing but a bland girl who cure people’s illness. Bakit sa rami ng babae sa mundo o rito sa Puerto Rivas ay ako pa ang napag-trip-an mo?”
I just want to go home. I didn’t sign up for this! I didn’t plan to marry or to be a substitute bride for a stranger!
“Because you’re the one I want,” sabi niya. Humakbang siya papalapit sa akin at bumalik ang takot sa dibdib ko nang maramdaman ko ulit kung gaano kabigat at kalaki ang kanyang presensya.
“Hindi iyon sapat na rason—”
“Look…” Napatigil ako sa pagsasalita nang singitan niya ako. “I don’t need reasons. You’re the one who I picked, kaya ikaw ang pakakasalan ko. If you didn’t let that woman die, you wouldn’t be in this position.”
Kasalanan ko pa ngayon? And wait, did I hear him speaking Tagalog? That’s kind of…sexy.
Umalis siya sa harapan ko pero hinabol ko pa rin. Hinarangan ko ang daraanan niya.
“Hindi ko kasalanan na namatay ang babae, okay? When I saw her, she’s already bleeding to death! I don’t have anything with me to extract the bullet in her body and stabilized her!” Humalukipkip ako at taas noo ko siyang hinarap. “If you want to blame someone, then blame your incompetency. Hindi mo man lang nagawang protektahan ang fiancée mo?”
Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga dahil sa sinabi ko. Hah! I hit the nail!
I was so proud of myself dahil mukhang sa wakas ay nainis ko na siya. Lumapit siyang muli sa akin at bago pa ako makaiwas sa kanya ay mabilis niyang hinawakan ang pisngi ko.
Hindi naman sobrang higpit ng pagkakahawak niya, but enough to send some message for me to shut up.
“This mouth of yours…” At tumingin siya sa labi ko na bahagyang nakaawang. “…will get you into big trouble in the future if you don’t know when to shut it up.”
Pinakawalan niya rin naman ako matapos iyon. Bumalik sa pagiging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.
“Let’s eat breakfast.”
Ikinuyom ko ang aking mga kamay.
“Hindi ako kakain. Wala akong gana.”
This is my protest. I am not usually like this. Hell, I am not so childish. Kung may papakitaan man ako ng ganoong side ko, sa mga taong komportable ako. Pero gusto ko na mairita siya sa akin nang sa ganoon ay isauli niya na ako sa pamilya ko.
Tumingin siya sa akin pero bago pa man ito makapagsalita ay kumulo na ang tiyan ko.
Nanlaki ang aking mga mata at agad na hinawakan ang tiyan ko na pinahiya ako.
“Were you saying something?” he asked, sarcastically.
Nag-init ang aking pisngi dahil sa kahihiyang dinala ng tiyan ko. Nginisian lamang ako ni Kirill at nagpunta na sa dining area.
Wala na rin akong choice kung hindi ang pumunta sa dining area.
Nakaupo si Kirill sa kabisera habang ako ay dinala ng isang kasambahay sa tabi nito. Masama pa rin ang tingin ko kay Kirill habang papaupo ako sa silya.
Nang tumingin ako sa pagkaing nakahain ay napansin ko na walang rice.
“Let’s eat,” sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Don’t get me wrong. Mukha namang masarap ang mga pagkain pero I am a rice girl. Parte ng diet ko ang rice sa breakfast, lunch, at dinner. What? If it’s in moderation, hindi naman masama. Foods are fuel to your body. Kung hindi ka kakain nang maayos, hindi ka rin magpa-function nang maayos.
“What?” Napansin ata ni Kirill na nakatitig lang ako sa mga pagkain. Tiningnan ko siya at nakakita na naman ako ng way para mairita siya sa akin.
I just know, if I annoy him so much, makakauwi rin ako.
Ang mga kagaya ni Kirill, hindi nila gusto iyong maiingay na tao. He will not want to keep me if he thought I am loud and noisy.
“I need my rice. Hindi ako kakain kung walang kanin!”
Gosh, nakakapagod din pa lang magpanggap ka sa katauhan na hindi ka naman talaga just to annoy someone. Sana mapagod na kaagad siya at tigilan na ako.
I want my normal life back. Mas gusto ko pang problemahin si Leonel kaysa kay Kirill, at least mabilis alisin sa buhay ang ex kong iyon.
Naalala ko na naman ang ginawa nito. Galit pa rin ako at may nararamdamang kirot sa tuwing naiisip ko ang nangyari.
Bakit kailangan niyang maghanap ng ibang babae? Am I not enough? Minahal ko naman siya at handang ibigay ang lahat.
Ganoon man, walang nangyari pa sa amin.
Muntikan na, actually. I was so ready to give myself to him dahil akala ko ay siya na talaga ang lalaking para sa akin. But when we’re about to do it, he stopped. Tumigil siya nang makita ang katawan ko.
Nanginig ako at ipinulupot ang kamay sa midsection ko. Niyakap ko ang sarili. Ang laki ng ipinagbago ng buhay ko just because of that night. Sobrang bumaliktad ang buhay ko nang dahil sa isang tao. Kahit sabihin ko na nakakulong na siya ngayon, hindi ko pa rin tuluyang matahimik. Being in jail is not enough. He needs to be punished heavily for what he did. Ngunit sa ngayon, kulong lamang ang kaya naming iparusa sa kanya.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Bakit ko ba inaalala ang mga bagay na hindi ko na dapat iniisip pa.
“Rice?”
Bumalik ako sa ulirat ko nang marinig ko ang boses ni Kirill. Hindi niya na ako hinintay na sumagot at tumingin sa kasambahay. Tumango lamang siya at agad na umalis ang kasambahay.
Sandali kaming walang kibuan. Nanlaki na lamang sa gulat ang aking mga mata nang bumalik aang kasambahay na may dala nang kanin!
“Now, eat.”
Gulat na gulat akong tumingin kay Kirill but he’s busy eating now. Magrereklamo pa sana ako, for the sake of annoying him, nang unahan niya ako.
“I don’t like it when people waste food. Eat and stop annoying me. You wouldn’t like seeing me pissed off, Mercedes.”
May kakaibang kilabot na hatid sa akin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi ko maalala na nagpakilala ako sa kanya. But I guess, if he found me, knowing my name is child’s play to him.
“Is that a threat? Hindi ako natatakot.”
He scoffed. Napatigil ako sa pagkain at napatingin muli sa kanya. He’s looking at me with the menacing smile plastered on his lips.
“Well, you should be scared,” sabi niya sa akin. Pinanliitan niya ako ng mata at naglaho ang ngiti niya. “Eat or I am going to bury you alive if you keep irritating me.”
Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Can he do that?
Bago pa magbuhol-buhol ang mga ugat ko sa utak kakaisip kung kaya niyang totohanin ang sinabi niya, naalala ko kung paano niya barilin iyong tauhan niya kagabi dahil lang hindi siya kaagad sinunod.
Napalagok ako.
Well, he can.
Maybe I should stop annoying him. Baka imbis na makabalik ako ng buhay sa pamilya ko ay maaga akong mamatay.
Tahimik ang naging pagkain ko pero hindi ko maiwasan na tingnan si Kirill madalas.
“Alam ba ng kapatid mo ang ginagawa mong pangha-harass sa akin?”
Tumingin si Kirill sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata ko. s**t! I wasn’t supposed to say it aloud! Iisipin ko lamang sana ang mga salitang iyon pero nasabi ko nang malakas.
“Obviously…” panimula niya. “No.”
Umawang ang labi ko, handa na sanang magsalita nang unahan ako ni Kirill.
“And even if my brother knows, wala siyang magagawa. Now, continue eating and stop talking.”
Inirapan ko siya. He’s so bossy.
Nang matapos kaming kumain ay tumayo na si Kirill. Hindi ako sumabay sa pagtayo at nanatili rito. Tapos na rin naman akong kumain pero ayokong sumabay sa kanya o sumunod sa kung saan siya pupunta. Ayokong masyado siyang malapit sa akin!
“What are you still doing? I thought you were done eating?”
“I am,” sagot ko sa kanya. “Pero ayoko pang umalis.”
“Stand up. We’re going to meet some people.”
Nagsalubong na namn ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Sino namang kikitain namin?
Nang maisip ko na baka naisip niya nang ibalik ako sa pamilya ko ay bigla akong tumayo.
“Ibabalik mo ba ako sa pamilya ko?” I was so hopeful. “Promise, hindi kita isusumbong sa kanila. Gagawa na lang ako ng excuses. Just please, let me go.”
Ikiniling niya ulit ang ulo niya and he looks at me with awe on his face. Hindi ko malaman if he’s mocking me or sincerely amused by my actions.
“Why would I give you back to your family?” Huminga siya nang malalim na akala mo ay nagtitimpi dahil malapit ko nang mapigtal ang kanyang natitirang pasensya. “We’re meeting people who will help us with the wedding.”
Naglakad si Kirill papalapit sa akin at bago pa ako makaiwas sa kanya, he cornered me already.
“Didn’t I tell you I am going to marry you?”
Kung maaari lang na umusok ang ilong ko ay umusok na ito.
“Ilang beses ko rin bang sasabihin sa ‘yo na hindi ako magpapakasal sa ‘yo, Kirill? Iba na lang, iyong papayag sa gusto mo. Bakit ba pinipilit mo ako ganoong ayoko nga! This is harassment!”
Ngumisi si Kirill habang pinagmamasdan ang tapang na mayroon ang mga mata ko.
“Well, news flash, zaichik…” Mas lumapit iya sa akin, to the point na nararamdaman ko na ang dibdib niyang malapit sa akin.
Mas matangkad si Kirill sa akin kaya kailangan kong tumingala para lamang salubungin ang titig niya.
Hinawakan niya ang batok ko nang sa ganoon ay hindi ako makalayo sa kanya. Hinawakan niya rin ang buhok ko and he forcefully angle my face so he can see me.
“If I have to shove the marriage down your throat, I will f*****g do that. You have no other choice but to accept it. It’s marrying me, or you’re f*****g dead.”
Wala ba talagang ibang nasa bokabularyo ng lalaking ito kung hindi ang pumatay at ang magbigay ng threat sa ibang tao?
“That’s not even a fair option, Kirill.”
Nakita ko na naman ang nakakakilabot na ngiti na lumapat sa kanyang labi. Ang kanyang mga mata ay matalim at nagbibigay kaba rin sa akin.
“Nothing’s fair, Mercedes. The world is unfair and full of uncertainties. It just so happened you’re lucky enough to experience a great life. And the worst thing that happened to you is having my attention.” Muli niyang nilapit ang kanyang mukha sa aking pisngi. Naamoy ko ang natural niyang bango at hindi ko maintindihan kung bakit ako ginapangan ng init ng katawan. “And guess what, my little rabbit? I am not the type of person to let go of something…or someone when it piques my interest.”
Hindi niya ako hinalikan pero may para siyang may napihit sa kaibuturan ng p********e ko dahil lamang sa ginawa niyang pabulong sa tainga ko at paghawak sa leeg ko.
Holy s**t! What the heck was that?
“Let’s go. I want to hold the wedding as soon as we can.”
Tinalikuran niya na ako at nauna nang lumabas ng dining hall. Matalim ko siyang tinitingnan ng tingin, umaasa na mawawalan na lang siya ng malay dahil sa titig ko.
That man is giving me no choice but to marry him.
I won’t, kahit parang may nagwawala sa tiyan ko nang dahil kay Kirill.