KABANATA 3: BODYGUARDS

1996 Words
Mercedes NAIINIS AKO! Nakarating kami sa isang malaking bahay. Hindi ko alam kung saan ito dahil mukhang malayo-layo sa city ng Puerto Rivas. It looks eerily beautiful, lalo na ngayong madilim ang kapaligiran. Nasa kalagitnaan ito ng kagubatan na hindi na ako magugulat kung malaman ko na sakop ng kalupaan na pagmamay-ari ng lalaki. Ano nga bang pangalan nitong stalker ko na ngayon ay kidnapper na rin? I forgot his name. Wala nang humahawak na mga lalaki sa akin pero hindi ko magawang makatakas. Sa tabi ko ay ang lalaking nagpadakip sa akin. Alam ko na kahit anong gawin ko, hindi pa rin naman ako makakawala sa kanya at papagurin ko lamang ang sarili ko. Idagdag mo pa na walang kwenta ang mga kasama kong bodyguards! Masama kong tiningnan ang dalawang bodyguards ko na ngayon ay nakikipagtawanan sa mga tauhan nitong lalaking dumakip sa akin. Aba at nakuha pang makipagtawanan. Makawala lang talaga ako rito, tatanggalin ko sila sa trabaho. Tumingin muli ako sa lalaking dumakip sa akin. Masama ang titig ko sa kanya. Hindi niya naman ako nililingon pero mukhang napansin niya ang paninitig na ginagawa ko sa kanya. “Don’t look at me like you’re about to cut my throat.” Nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Ganoon man, pinakita ko pa rin sa kanya na hindi ako natatakot. “Hah! Buti kung iyan lang ang gawin ko sa ‘yo.” Inirapan ko siya bago humalukipkip. Hindi na naman siya nagsalita pagkatapos no’n. May lumapit sa aming isang babae at may sinabi siya rito sa katabi ko. Nagmamaktol pa rin ako dahil gusto ko nang umuwi! Naiwan ko pa ang phone ko sa bag ko na nasa sasakyan. Hindi ko alam kung saan nila dinala ang kotse ko at mga gamit ko. “Let’s go.” Napapitlag ako nang bigla akong hawakan ng lalaki sa aking braso. “Saan mo ako dadalhin?” Hindi niya ako pinakinggan at hinila papunta sa may hagdanan. Nang mapagtanto ko na maaari niya akong dalhin sa kuwarto ay agad akong nanlaban. Hindi ako nagpahila sa kanya. Kahit noong humihigpit na ang hawak niya sa akin at sumasakit ang braso ko ay hindi ako nagpatalo. “You’re going to hurt yourself by being defiant,” sabi niya sa akin. Matalim ang tingin ng mga mata niya sa akin pero hindi pa rin ako nagpatalo. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Bitawan mo nga ako!” Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa akin pero masyado siyang malakas. “Ano ba?! Nasasaktan na ako!” “You’re so f*****g noisy.” Binitawan ako ng lalaki, and when I thought he was about to release me, he threw me over his shoulder. “Anong ginagawa mo?” Hinampas ko ang likod niya pero hindi pa rin siya natinag. Inisip ko na gumawa ng ingay, baka lang din kasi mairita siya sa akin at maisipan na pakawalan, pero wala pa ring nangyari. Ipinasok niya ako sa loob ng isang kuwarto at ibinaba sa kama. Mabilis akong umatras hanggang pader na ang nararamdaman ng likod ko. Niyakap ko ang sarili. I was trembling. Marami akong hindi magadang alaalang naalala dahil sa ginagawa ng lalaki. “Come here…” sabi ng lalaki. “There you are…” Napapikit ako at lalong niyakap ang sarili. His voice was being overlapped by someone else’s voice. A scary voice from my past. “Please…” Mas lalong tumindi ang panginginig ko. “Don’t.” Para ko na namang nakikita ang sarili ko sa sitwasyon ko ilang taon na rin ang nakakaraan. Hindi ko na nasundan kung anong nangyayari sa sarili ko. Isinubsob ko sa aking tuhod ang aking mukha at humihikbi ako kahit walang luha na pumapatak sa aking mga mata. “Mercedes…” Hinawakan niya ako. Mapapapitlag na sana ako sa gulat nang maramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa akin. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at doon ko lamang muling napagtanto na wala ako sa silid kung saan nagpabaliktad ng buhay ko. “I am not doing anything to you,” sabi niya sa akin. “Without your consent, that is.” Binitawan niya rin ako. Kahit papaano ay kumalma ako. Nakakapagtaka na nagawa niya akong pakalmahin sa kalagitnaan ng panic attack ko nang magsalita siya. Wala namang nagbago sa tono niya. Malamig at may awtoridad pa rin naman iyon. But there’s something in his voice and words that’s giving me…assurance. Napatingin siya sa braso ko at bahagyang kumunot ang noo. Napatingin din ako sa tinitingnan niyang bahagi ng braso ko at napansin ko na may discoloration ang aking balat—pasa—dahil siguro sa mahigpit na paghawak niya sa akin kanina nang nagpupumiglas ako. Magsasalita sana ako nang umalis bigla ang lalaki. I was left there, dumbfounded. Nanatili ako sa pwesto ko at hindi man lang gumalaw. Ganoon man, kahit papaano ay kalmado na ako. Gusto kong sapakin ang sarili na hinayaan ko na makita ng lalaking iyon na nagpa-panic attack ako. Baka mamaya ay gamitin niya pa ito laban sa akin. Bumukas muli ang pinto at naging alerto ulit ako. Masama kong tiningnan ang pumasok pero agad naglaho ang inis sa aking mga mata nang makita ko kung anong dala niya. Tinitigan niya ako. “Can I?” Hindi ako sumagot pero kinuha niya iyong pagsang-ayon para hawakan ako. Marahan ang paghawak niya sa akin ngayon, hindi kagaya kanina. Dinapian niya ng cold compress ang aking balat na may pasa. “I told you’re going to hurt yourself by fighting back earlier.” Bumalik ako sa ulirat ko at mabilis na nakalimutan na kanina lamang ay namamangha akong may kagadahang asal din ang lalaki. “Ako pa ngayon? Sino kaya itong bigla na lamang akong dinala rito? This is kidnapping! Anong gusto mo? Hayaan kita? I am not the submissive type.” Sandali siyang napatigil sa ginagawa niya. Tumingin siya sa akin at may kakaiba sa kanyang mga mata na nagbigay kilabot sa akin. “I love submissive women.” Ibinigay niya sa akin ang cold compressed at wala na akong nagawa kung hindi kunin iyon. “If you’re not that type, I will turn you into one.” Ngumiti ang lalaki. Bilang mo lamang sa isang daliri kung ilang beses na nakita ko ang pagngiti ng lalaki simula nang makilala ko siya, and I tell you, lahat iyon ay nagbibigay kilabot sa akin. Can he smile normally? Papaalis na siya ng kuwarto nang bigla akong magsalita. “Saan ka pupunta?” Hawak niya na ang doorknob pero napatigil siya sa pagpihit nito dahil sa pagsasalita ko. Tumingin sa akin ang lalaki. “I have a lot of things to do. I’m going. Sleep and rest. I’ll see you tomorrow.” “Hindi ka rito matutulog?” Hindi ko ba alam sa sarili kung bakit ko iyon naitanong sa kanya. Siguro ay iyon ang iniisip ko simula nang itanim niya sa isipan ko na pakakasalan niya ako. Grr. Tumaas ang isang kilay niya. Lalo akong nagsisi na itinanong ko pa iyon. Ikiniling ng lalaki ang kanyang ulo at may maliit na ngisi sa kanyang labi. “You want me to sleep here with you?” Napalagok ako pero hindi ako nagsalita. Gusto kong isigaw sa kanya na ayoko. “After our wedding.” Matapos iyon ay lumabas na siya. Binato ko ang pinto sa sobrang inis. Too bad, hindi ko pa kanina ibinato sa pagmumukha ng lalaki. Hindi rin naman ako nakatulog. Dinalhan ako ng malilinis na damit ng isang babae at kahit nang makapaglinis ako ng katawan at makapagpalit ng damit ay hindi ako dinalaw ng antok. Panigurado na hinahanap na ako ng pamilya ko kung napansin man nila ngayon na hindi ako umuwi ng bahay. Kailangan kong makaisip kung paano ako makakaalis dito. Noong umaga ay lumabas ako ng kuwarto. Good thing, wala naman doon iyong lalaki. Pagbaba ko ng hagdanan ay nakasalubong ko ang isang kasambahay. “Good morning, Miss,” pagbati niya sa akin. “Itatanong ko nga po pala kung saan ninyo gustong kumain ng umagahan?” Kahit hindi niya na malaman. Wala naman akong balak na mag-umagahan pa rito. “Kahit saan.” Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at nakita ko sa hindi kalayuan sina Timur at Lev. Sinugod ko ang dalawa. Halos ibuga ni Lev ang vodka na iniinom niya nang hampasin ko ang likod niya. Umagang-umaga ay naka-vodka siya? Iyan ba ang umagahan nila? “Mga wala kayong kwenta! Ang you call yourself bodyguards? Hindi ninyo man lang ako tinulungan o sinagip kagabi! Sumama pa kayo rito at umiinom ng vodka? Pasarap kayo, ah!” “Miss, kasi—” Hindi ko sila hinayaan na makapagsalita. Dire-diretso ang aking bibig na ibato ang lahat ng sama ng loob ko sa kanila. Kung nagawa sana nila akong protektahan kagabi, e ‘di sana ay wala ako sa sitwasyong ito! “I don’t need your excuses! Ang kailangan ko ay gawin ninyo ang trabaho ninyo.” Hinawakan ko si Timur sa kanyang kwelyo at kahit matangkad siya ay hindi ako natakot. Tumiyad ako at pinanlilisikan siya ng mata. “Get me out of here!” Marahas kong pinakawalan si Timur. Nagkatinginan pa sila ni Lev at halatang hindi alam ang gagawin. “Now!” Napakamot sila sa kanilang batok. Bakit ba ayaw pa nilang kumilos? Sino bang amo nila? “Sinusubukan ninyo talaga ang pasensya ko? Kapag nakarating kay Dmitry ang ginagawa ninyo, because of course ay isusumbong ko kayo kay Kuya Hades, ewan ko na lang kung saan kayo pupulitin.” Nagtaas ako ng noo sa kanila. Hindi nila ako madadala sa tangkad nila, okay. “Before thinking about dealing with those trivial matters, we should talk about the elephant in the room.” Natigilan ako sa pakikipagtalo ko sa dalawang walang kwenta kong bodyguards nang marinig ko ang boses na iyon. Nilingon ko siya at nakita ko ang lalaki. Sa likod niya ay may kasama siyang mga tauhan niya. “Kapag mga nantatangay ng tao at namimerwisyo ng buhay, hindi mahalaga ang opinyon.” Inirapan ko siya at muling tiningnan ang dalawang bodyguards ko. “Gawin ninyo ang trabaho ninyo! Save me from this hellhole—” “Timur and Lev,” pagtawag ng lalaki sa pangalan ng dalawang bodyguards ko. Napatayo sila ng tuwid at buong atensyon ang ibinigay sa lalaki. It pisses me off, really. How can he make my bodyguards follow his orders? “You are dismissed. I will give you a call if my future wife needs bodyguards,” sabi ng lalaki. “Sir, we don’t want to question you, pero paano po si Sir Dmitry?” tanong ni Lev. Talaga! Mamamatay kayo kapag nalaman ni Dmitry na ginagawa ninyo ito sa akin! Hindi ito palalagpasin ni Kuya Hades, ‘no. Matalik na magkaibigan kaya sina Kuya Hades at Dmitry! “I will take care of Dmitry. I’ll talk to him. After all, he’s my brother.” Para akong nalaglagan ng langit nang marinig ko ang sinabi niya. Pinihit ko ang sarili papaharap sa lalaki. Kumunot ang noo ko habang tinititigan siya. I was bewildered. What did he say? Tama pa ang narinig ko? “Anong sinabi mo?” Tumingin muli sa akin ang lalaki. Tinaasan niya lamang ako ng kilay pero hindi nagsalita. “Kaano-ano mo si Dmitry?” Kaano-ano niya ang lalaking nagpadala ng bodyguards ko as per my brother’s request? Ikiniling ng lalaki ang kanyang ulo bago magsalita. “He’s my older brother.” Kung maaari lang ay lumuwa na ang aking mata sa sobrang panlalaki nito dahil sa gulat. What? “Oh, right. I forgot to introduce myself to you,” sabi niya. Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil sa pagkabigla. “My name is Kirill Ivanov, your future husband.” Wala nang rumerehistro sa isipan ko. Roon ko napagtanto na wala na talaga akong kawala sa lalaking ito. Kaya naman pala walang magawa ang mga bodyguards ko dahil kapatid lang naman siya ng amo nila! I’m f*****g doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD