Mercedes
PINAPAPILI ako ngayon ng design ng gown. Nagulat pa nga ata ang babaeng designer dahil ang alam niya ay nakapili na ng gown para sa kasal. Ayaw niya lamang sigurong maging bokal sa mga katanungan niya kung bakit may babaguhin dahil natatakot siya kay Kirill.
Hindi rin nakakawala sa akin na kanina pa tingin nang tingin sa akin ang babae. Nagtataka siguro na iba ako sa unang humarap sa kanya. Ang alam ko ay pangalawang meeting na ito ng bride ni Kirill noon at ng designer.
“Do you already pick your gown?”
Tiningnan ko si Kirill. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi ako pipili ng gown dahil hindi naman ako magpapakasal sa kanya, pero mamaya na lang siguro. Hindi ko nature na mamahiya sa harap ng maraming tao.
Nakipaglabanan lang ako ng titigan kay Kirill. Mukhang nakuha niya ang pinaparating ko sa kanya kaya siya na ang nakipag-usap sa designer.
Kirill is not someone who has patience. Ayaw niya na nagsasayang ng oras.
Kinuha niya ang mga designs sa table at siya na mismo ang namili.
“This will suit her. Take her measurements and leave.”
Tumayo na si Kirill. May kinausap lang siya sandali bago ako balingan. Masama pa rin ang tingin ko sa kanya.
“I’ll be out for a while. Don’t wait for me. I may go home late.”
May iniwan siyang mga tauhan para bantayan ako at umalis na. Masama pa rin ang tingin ko kahit nang makaalis siya ng bahay.
Gusto kong magwala!
“I will take your measurements na po, Miss.”
Binalingan ko ang babae at napayuko siya nang makita ang iritable kong ekspresyon. Bumuntong-hininga ako at ikinalma ang sarili. Hindi ko dapat ibato sa ibang tao ang inis ko.
Sinusukatan ako para sa wedding gown kahit na hindi ko gusto. Kung hindi ko lang alam kung anong kakayahan ni Kirill, magmamatigas talaga ako. But knowing what kind of asshole he is, alam ko na ang magbabayad sa pagiging matigas ng ulo ko ay ibang tao. Ayoko namang idamay itong designer lalo na’t mukhang ginagawa niya lang naman ang trabaho niya.
“Pasensya na po kayo kung tinititigan ko kayo,” sabi niya habang sinusukatan ako ng tauhan niya. “Naninibago lang po ako. Parang ibang-iba ang itsura ninyo kumpara noong huling beses na nakita kita.”
Huminga ako nang malalim. That’s because I am a different person.
Pilit na lamang akong ngumiti at hindi na nagsalita. Nang matapos ang pagsusukat sa akin ay umalis na rin naman sila. That doesn’t mean na magpapakasal ako kay Kirill.
Kailangan kong makagawa ng paraan kung paano mako-contact ang kapatid ko o kahit si Dmitry man lang. Paniguradong kahit magkapatid si Dmitry at Kirill, hindi niya naman siguro kukunsintihin ang kapatid niya sa ginagawa.
Habang naghahanap ako ng telepono ay napatigil ako. Kaya lang, I know what kind of family the Ivanov is. They are part of the Russian mafia! Maaaring ang ganitong gawain ay normal lang sa kanila at baka nga suportahan pa ni Dmitry ang kapatid.
Grr! No choice. Si Kuya or Dad na lang ang susubukan kong matawagan.
Nakakita ako ng telepono. Ang laki pa ng ngiti ko kanina nang makita iyon. Kaya lamang pagtapat ko sa aking tainga ay wala namang line!
Marahas kong binaba ang telepono. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa na makakaalis pa ko rito.
Hinanap ko ang dalawag walang kwenta kong bodyguard. Nakita ko naman sila kaya agad ko silang nilapitan.
“I need to get out of this place!” sabi ko sa kanila. “Hindi ba kayo natatakot na baka hinahanap na tayo ng pamilya ko? Malamang ay nag-report na iyon sa mga pulis! Hindi ba kayo natatakot na maging kayo ay ma-label as accomplice ni Kirill? Hindi ba at mga bodyguards ko kayo?! Bakit hindi ninyo ginagawa ang trabaho ninyo?”
Inaasahan ko na matatakot man lang sila nang banggitin ko ang mga pulis pero hindi.
“Mas takot po kaming magalit si Sir Kirill sa amin kaysa sa kahit sinong pulis, Miss.”
Bumagsak ang aking balikat at tinitigan sila na para bang hindi ako makapaniwala sa sinabi nila.
“Ang mga pulis, ikukulong lang kami, pero si Sir Kirill ay papahirapan muna kami niyan bago kami patayin. Mas nakakatakot si Sir Kirill.”
Pareho silang tumango na para bang nagkakasundo sila roon.
“Damn! My brother hired you for nothing!”
“Miss, handa naman po namin kayong protektahan dahil iyon ang utos sa amin, not until malaman namin na si Sir Kirill pala ang stalker mo,” pagdadahilan ni Lev.
Talaga namang nagdahilan pa ang loko! Wala pa rin silang kwenta kahit anong sabihin nila. Hindi man lang ako magawang protektahan kay Kirill!
Sa buong maghapon na wala si Kirill ay nag-isip ako ng paraan para makatakas. Kung walang tutulong sa akin, tutulungan ko ang sarili ko. I will fight against all odds sa maliit na chance na maaaring mayroon ako para makatakas kay Kirill.
Gumala ako sa buong bahay at pinag-aralan ko ang structure nito. Kinausap ko rin ang mga kasambahay. Pinapakisamahan ko sila at sinabi na kailangan kong malaman ang pasikot-sikot sa bahay dahil dito na ako titira.
Of course, the mayordoma is giving me a side eye, pero hindi ko ipapakita sa kanya kung anong binabalak ko. Tatakas ako sa bahay na ito kahit anong mangyari.
Kasama ko si Assol, isa siya sa mga nagtatrabaho kay Kirill at pinaka-approachable. Nang sinabi ko sa kanya na gusto kong malaman ang mga pasikot-sikot dito sa bahay, nagboluntaryo pa siyang ipakita sa akin ang bawat sulok ng bahay.
Malaki talaga ang sakop ng kalupaan ni Kirill. Mukhang mahihirapan ako sa pagtakas pero sisikapin ko. Never say never until I try.
Nalaman ko rin na wala kami sa Puerto Rivas. Ang bahay ni Kirill ay nasa boundary ng Puerto Rivas at ng karatig bayan nito—ang La Esperanza.
“Bakit hindi siya kasama ng kapatid niya sa bahay nila sa city ng Puerto Rivas? Hindi ba at may bahay sila roon?” tanong ko matapos akong ilibot ni Assol.
As per her description sa bahay, kapag nakalagpas ako sa gate na mayroon ang estate ni Kirill, maaari mabilis na akong makatakas. Mahihirapan lang talaga ako habang naandito sa loob dahil sa mga bantay.
“Ayaw po ni Sir Kirill doon. Binili niya ang lupaing ito dahil mas gusto niyang malayo sa pamilya niya.”
Kumagat ako sa mansanas na hawak ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Why? Does he hate his family?”
Ngumuso si Assol. Halatang natatakot siya na magbigay ng kahit anong impormasyon kay Kirill, but I need to know. Kailangan kong malaman lahat ng maaaring magamit kong impormasyon laban kay Kirill.
“Hindi naman po. Actually, close po ang magkakapatid. Ayaw niya lang doon.” Lumapit si Assol sa akin at bumulong. “Ayaw niya pong nakikita ang papa niya.”
Tumaas ang kilay ko. Oh, he hates his father. Kung sabagay, kilala ko ang kanilang ama. Minsan ko lang makita si Uncle Mikhail sa personal pero alam ko na may pagka-diktador siya. Si Dad rin naman ay ganoon, pero mas mahigpit ata sa mga anak si Uncle Mikhail. Nakilala ko siya dahil matalik na kaibigan din sila ni Dad.
Natahimik na ako. Titigil muna ako sa pagtatanong tungkol sa pamilya ni Kirill at baka mahalata ako ni Assol.
“Nakilala mo ba iyong unang bride ni Kirill?”
Natigilan si Assol nang marinig iyon pero dahan-dahan ding tumango.
“Opo, nakilala ko siya. Ako po ang nag-alaga sa kanya nang dalhin siya ni Sir Kirill sa kabilang bahay.”
Tumaas ang isang kilay ko. “Kabilang bahay?”
Tumango-tango si Assol sa akin. “Sa likod po nitong malaking bahay na ito ay may isa pang bahay na mas maliit dito. Doon po nakatira si Miss Katya, iyong dating bride ni Sir Kirill. Isa ako sa naging tagapag-alaga nito.”
Kumagat muli ako sa mansanas. “And what happened to her? Bakit hindi siya rito nakatira sa main house?”
Nagkibit-balikat si Assol. “Hindi ko rin po sigurado ang rason. Kung anong nangyari sa kanya nang gabing mamatay siya, wala rin po akong ideya. Ang alam ko ay nagsisigawan sila ni Sir Kirill tapos umalis si Miss Katya. Pagbalik ni Sir Kirill ay wala na siyang kasama.”
So, Katya pala ang pangalan ng bride ni Kirill.
Bakit ba parang kailangang-kailangan niya ng babaeng pakakasalan?
“Miss Mercedes…”
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Natigil din si Assol sa pagsasalita nang makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko.
Nakita ko ang mayordoma ng bahay. Pinakamatanda siya rito at halos ginagalang ng lahat. Nakalimutan ko lang kung anong pangalan niya.
“Zinaida, Miss.” Huminga siya nang malalim. Mukha siyang istrikta dahil sa ayos ng buhok at pananamit niya. “Zinaida ang pangalan ko.”
Nakapagkit siguro sa mukha ko ang kagustuhan na maalala ang kanyang pangalan kaya’t binanggit niya.
Ngumiti ako sa kanya. “Ano po iyon? May kailangan kayo sa akin?”
I don’t want to be suspicious, kaya hangga’t maaari ay pakikisamahan ko muna ang mga tao rito hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataon na makatakas.
“Pinapasabi ni Kirill na hindi siya makakauwi ngayong gabi. Baka bukas na ng hapon siya makabalik. Kung may kailangan ka ay sabihan mo lamang ang kahit sino rito sa bahay o ako.”
Para bang tinutulungan ako ng tadhana na makawala sa lugar na ito dahil…hello, isang malaking oportunidad sa akin na makatakas dito kung matagal na wala si Kirill.
“Ganoon po ba,” sabi ko at kunwari ay malungkot sa nalaman. “Sige po at sasabihin ko sa inyo kung may kakailanganin ako.”
Tumango si Zinaida sa akin bago tumingin kay Assol. Napayuko si Assol at halatang takot kay Zinaida.
Hindi ako nagsayang ng oras. Humingi ako ng papel at ballpen kanina at sinabi na magpapalipas ng pagguhit sa silid ko kahit ang totoo ay isusulat ko lamang lahat ng detalye na nalaman ko tungkol sa bahay.
Sobrang tutok na tutok ako roon habang nag-iisip na rin kung paano makakatakas nang hindi ako nahuhuli o kung malalaman man nila na tumakas ako ay huli na para malaman nila.
Nagpuyat ako para makabuo ng perpektong plano. Ang estate ay may apat na gate. Ang pinakakakaunti ang bantay ay ang west gate.
Binilugan ko iyon sa papel na pinagguhitan ko ng plano ko. Mas maganda na rito ako dumaan at mas maganda rin na umalis ako nang daling-araw. Gaano man nakakatakot ang mga taong nagbabantay rito, tao pa rin naman sila. Kailangan nilang matulog.
“Alright!”
Kinusot ko ang papel matapos kong magplano at ma-finalize iyon. Nagpalit na rin ako ng all black na outfit nang sa ganoon ay ma-camouflage ako sa dillim. Naghanap ako sa mga damit na ibinigay ni Zinaida sa akin kanina at mabuti na lamang at may nakita ako.
Naghintay lamang ako na matamik ang lahat bago ko simulan ang pagtakas ko.
May bantay sa ibaba ng aking kuwarto dahil siguro iniisip nila na kung tatakas ako ay gagamitin ko balkonahe na konektado sa kuwarto ko, kaya naman hindi ako roon dadaan.
May isang balkonahe pa rito sa second floor na hindi konektado sa kahit saang kuwarto at doon ako dadaan.
Itinali ko ang kumot at iilang damit upang magamit pababa ng balkonahe.
Tahimik akong lumabas ng silid ko. Kapag may nakikita akong anino ay agad akong nagtatago. Inalam ko rin ang blind spot ng mga security camera kaya maliliit ang bawat hakbang ko at halos dumikit ako sa pader.
Nakarating naman ako sa balkonahe na hindi ako nakikita ng kahit sino. Mabilis kong inihagis ang ginawa kong tali kanina. Tiningnan ko muna kung may tao ba sa baba at mabuti na lamang at wala.
Mabilis ang bawat kilos ko. Alam ko na ano mang minuto ay maaari akong mahuli.
I executed the first stage of my plan properly. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanlurang bahagi ng estate.
Hindi ako tumitigil sa pagtakbo. Kapag may nakikita akong tao ay nagtatago ako sa likod ng malalaking puno.
May nakita akong dalawang lalaki at nag-uusap sila sa lengwahe na hindi ko maintindihan. Nakarinig ako ng kaluskos kaya’t napaigtad ako.
“Who’s there?”
Narinig ko ang pagkasa ng mga baril. Nahuli na ba ako?
Sandaling katahimikan ang namuo sa paligid. Hindi ko nga magawang lumingon sa kanila dahil baka mamaya ay makita nila ako.
“Oh, geez. It’s just an owl!” sabi ng isa sa isang malutong na Ingles.
Nakahinga ako nang malalim. Mabuti na lamang at hindi ako ang nakita nila!
Muli silang nag-usap pero naririnig ko na ang paglayo ng boses nila. Nang makaalis ang mga lalaki ay muli akong tumakbo.
Mabuti na lamang at active ako sa mga sports noong nag-aaral pa ako. Kahit papaano ay nagagamit ko ang pagiging runner ko ngayon.
Nakarating ako sa west gate. Napatigil lang ako nang may makita akong lalaki na nagbabantay roon. Ganoon man ay natutulog naman ito.
Naging maingat ako sa paglapit. Mababa lamang ang gate rito, hindi kagaya sa main gate. Huminga ako nang malalim at inakyat ko mismo ang gate.
Nananakit ang aking palad pero tiniis ko. Kailangan kong isipin na ang kapalit nito ay ang paglaya ko.
Nakarinig ako ng alarm na tumunog kaya’t nakaramdam ako ng taranta.
“Hey!”
Napatingin ako sa nagsalita. May nakatingin sa aking lalaki. Nagising iyong bantay!
Hinawakan niya ang paa ko pero sinipa ko siya. Nagawa kong makawala at siguro dahil sa adrenaline rush ay mas bumilis ang naging pag-akyat ko.
Mabilis na nakakuha ng atensyon ang tumunog na alarm kaya’t nakita ko ang pagpunta ng iba sa west gate.
Nang nasa tuktok ako ng gate, wala na akong ibang napiling option kung hindi ang tumalon.
“Ouch!”
Napadaing ako nang maramdaman ko ang pananakit ng wrist at ng ankle ko dahil sa maling paglagapak sa lupa.
Nakarinig ako ng malalakas na yabag. Papalapit na sila!
“Get her! Don’t shoot her! Get her before them!”
Mabilis akong tumakbo at hindi na naisip iinda ang sakit ng aking paa. Tumakbo ako nang mabilis at kahit papaano ay may ngiti sa aking labi.
I am free, at last!
Little did I know, mas malaking panganib pala ang naghihintay sa akin sa pagtakas kong iyon.