Mercedes NGAYON ang araw na aalis si Kirill papunta ng Russia. Kasama niya ang ibang tauhan niya na kasali rin pala sa military at sumama lang sa kanya rito sa Pilipinas dahil gusto nilang laging nakadikit kay Kirill. Ayoko siyang paalisin pero alam ko na hindi ko siya mapipigilan. Trabaho niya ito and he’s to serve his country whenever they need him. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan silang mag-ayos ng kanilang gamit sa sasakyan. Hindi ko na maihahatid si Kirill sa airport dahil may trabaho rin ako maya-maya. Kinakausap ni Kirill ang isa sa mga tauhan niya nang siguro ay mapansin niya na nakatitig lang ako sa kanya mula sa malayo. Huminga siya nang malalim at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Bumagsak ang balikat ko at dahan-dahan na lumapit kay Kirill. Ipinulupot niya ang kanya