Mercedes HINDI ko na nagawang makapagtrabaho. Pinayagan naman akong umuwi nang magpaalam ako. Alam ko na masasabihan na naman ako ng iba na entitled dahil anak ako ng may-ari ng ospital kaya mabilis payagan kapag gustong hindi pumasok, pero sa ngayon ay hindi ko na iyon maisip. Ang tanging nasa isipan ko ay si Dr. Charles. Nang makauwi ako sa bahay, agad akong pumasok sa loob ng kuwarto ko. Ibinagsak ko ang sarili sa kama. Hindi ko na nga nagawang maglinis muna ng katawan at magpalit ng damit dahil sa kawalan ko ng gana. Matapos ang naging pag-uusap namin ni Kuya, I was never the same. I hugged myself while I am in a fetus position. Nanginginig ang katawan ko at hindi ko namamalayan na umiiyak na ako sa takot. Sa isang iglap, I feel unsafe, again. The judge is considering granting h