KABANATA 2: STALKER

2309 Words
Mercedes NAGHAHARUMENTADO ang aking puso dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko ang lalaking muntikan na akong tangayin noon at nagawa lamang na makawala dahil hinayaan niya akong makatakas. Akala ko ay hindi na niya guguluhin ang buhay ko. Ilang linggo rin na tahimik ito at ang gumugulo lamang sa akin ay ang boyfriend kong walang kwenta. Kaya bakit nasa harapan ko na naman ang lalaki? Kaya ba ilang araw ko na ring nararamdaman na para bang may sumusunod at nagmamatiyag sa akin? Siya kaya iyon? I know he’s tall, but he’s so huge in presence na nanliliit ako. I never felt this way. Nagkakagulo ang mga braincells ko sa kung anong dapat kong gawin. Hindi ako mapakali. Hawak niya ako sa leeg at kaunting pagkilos mula sa akin ay mas lalo niya iyong hinihigpitan. Kailangan kong makawala sa kanya. “Pulis!” Hindi ko alam kung tama ang sinabi ko. Naisip ko lang na baka matakot siya. Napatingin siya sa likod at bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko. Kinuha ko iyong oportunidad para itulak siya. Nagawa kong makawala at dali-daling pumasok sa loob ng kotse. Walang pagdadalawang-isip kong pinaharurot iyon. Nanginginig pa ako kahit noong nasa highway na ako. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pangangatog ng aking tuhod kahit na nakaupo na ako. Naandito na siya sa Puerto Rivas. Paano niya ako nahanap? Tiningnan ko ang rearview mirror kung may sumusunod sa akin. Wala akong nakita kaya bahagya akong nakahinga nang maluwag. Pero alam ko na hindi natatapos dito ang lahat. I am no longer safe. Kung nagawa niya akong mahanap, alam ko na magagawa niya ulit akong makita kahit saan ako magtago. What does he want from me? Gusto niya pa rin akong maging substitute bride? Sa tagal niyang nawala, hindi pa siya nakahanap ng iba? Para akong nakipagkarera sa bilis ng kabog ng dibdib ko nang makarating ako sa bahay. Wala pa naman akong kasama ngayon at kahit na may guards naman ang bahay namin, sa hindi malamang dahilan ay natatakot ako. Yakap-yakap ko ang sarili habang papasok ng bahay. Akala mo ay takot na takot ako. Damn that man! Bakit ba kasi nakakatakot siya? Hindi ako natatakot sa mga multo o lamang-lupa kapag nakakarinig ako ng kwento tungkol sa kanila pero pagdating sa lalaki na iyon ay nangingilabot ako. Sa pagmamadali ko pa kanina ay hindi ko man lang nagawang i-park nang maayos ang aking kotse. “Ced…” Napatalon ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko. Bukod sa hindi ko na naman siya inaasahan na makita, iniisip ko pa rin iyong lalaki. And the mere thought of that stranger is giving me the creeps! Tumingin ako kay Kuya. Inayos ko ang sarili at itinago sa likod ang aking kamay. Nanginginig pa rin kasi ito. “Kuya…” Pilit akong ngumiti sa kanya. “Naandito ka pa pala! Akala ko ay bumalik na kayo ng Manila.” “I have a hearing tomorrow. After that, maybe.” Nagkibit-balikat siya. “Pero iniisip ko rin na magbakasyon muna kami ni Sabina rito.” Tumango lang ako. Ikiniling ni Kuya ang ulo niya, halatang inoobserbahan ako. Napalagok ako. Alam na alam ko na malalaman ni Kuya na may tinatago ako sa kanya. Unang-una ay hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata. My brother is a lawyer, just like our father. Hindi lang basta abogado kung hindi isa sa pinakamagaling. Lying is one of his expertise. Hindi gagana sa kanya ang mga kasinungalingan ko. “What’s wrong?” See? Kahit anong pagtatago ko, malalaman at malalaman niya. “I think someone’s stalking me,” sabi ko sa kanya. Maganda na rin na alam ng kapatid ko para naman masabihan niya ako kung anong dapat kong gawin. Kumunot ang noo ni Kuya at alam ko kaagad na hindi niya gusto ang narinig mula sa akin. “Pwede mo ba akong bigyan ng bodyguards?” We are high-profile people, pero never naman kaming nag-hire ng maraming bodyguards. My father and my brother only have them when they needed them, but not always. Kami ni Mommy, hindi naman namin kailangan dahil doktor kami at hindi namin naiisip na may magtatangka sa buhay namin. Kaya lang ngayon, pakiramdam ko ay nanganganib ang buhay ko. Humalukipkip si Kuya at tinaasan ako ng kilay. Ang kanyang malamig na ekspresyon ay nakapagkit sa kanyang mukha. “And do you think bodyguards will be enough, Ced? If there’s really someone trailing you, he can do much more harm. Do you know who’s stalking you?” Inalala ko ang pangalan ng lalaki pero nakalimutan ko na! Kris? I don’t know! “Hindi ko kilala.” Huminga ako nang malalim. “Just give me bodyguards for now. Kapag may nalaman ako tungkol sa kung sino man iyon, sasabihan agad kita.” Kahit gaano pa kaseryoso ang ekspresyon ng kapatid ko, hindi naman ako natatakot. Dahil ba kapatid ko siya at alam ko na hindi niya ako sasaktan? “Sigurado ka ba na hindi lang iyan ‘yong boyfriend mo?” Bumuntong-hininga ako. “Hindi. Iyon pa? Mas duwag pa ‘yon sa pinakaduwag na tao para mang-stalk!” Sandaling natahimik si Kuya pero sa huli ay pumayag din siya. Alam ko na gusto niya kaagad mahuli ang nang-stalk sa akin dahil tama naman siya, maaaring hindi sapat ang bodyguards. But at least, kahit papaano ay may poprotekta sa akin pansamantala. “Fine.” Ngumiti ako kay Kuya. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko ay magiging ligtas ako. Siguro naman ay hindi niya na tatangkain na lumapit sa akin dahil may bodyguards ako. Hindi nga nagsayang ng oras si Kuya. Pagkagising ko kinabukasan at papasok na dapat sa trabaho ay may pinakilala siya sa akin na dalawang matangkad at buff na mga lalaki. Mapuputi ang kanilang kutis at para bang may ibang lahi. “This will be your bodyguards. This is Lev and Timur.” Tiningnan ko ulit iyong mga lalaki. Hindi ko na alam kanino ako matatakot. Parang nakakatakot din ang mga ito eh. “Good morning, Miss.” There’s a hint of accent in their pronunciation of words. Halata ngang may lahing dayuhan. “Saan mo sila nakuha, Kuya?” Magtitiwala ba ako sa mga ito? Kung sabagay, nagtitiwala nga si Kuya sa kanila, hindi ba? My brother is overprotective. Kaya alam ko na hindi niya ibibigay sa hindi niya pinagkakatiwalaan ang kaligtasan ko. “Kay Dmitry. I asked him to send me two bodyguards. I can’t risk your safety for some strangers, Ced. Mas maganda na galing sa kaibigan ko.” Oh, now I know. Dmitry Ivanov is my brother’s best friend. Hindi na ako magtataka na mukhang dayuhan ang dalawang lalaki. They are probably Russian. Pumasok na ako kasama sila. Si Timur ang magda-drive ng kotse ko habang si Lev naman ay nasa passenger’s seat. Nasa backseat ako ngayon. Mukhang naipaliwanag na ni Kuya sa kanila ang trabaho nila at kung saan ako nagtatrabaho dahil kahit hindi ko sabihin ay nagawa nila akong ihatid sa ospital. Pinagtitinginan kami ng mga tao nang makarating sa ospital. This is a bad idea. Humarap ako sa dalawang lalaki at tumigil sila sa paglalakad. “Kapag nasa ospital ako, pwede ninyo bang huwag na akong sundan? Hindi ako makakapagtrabaho nang maayos. Sa labas ninyo na lang ako hintayin.” Nagkatinginan ang dalawa pero tumango rin. Tinalikuran ko na sila at umalis. “Who are those guys, anak?” Nagla-lunch na kami ni Mommy. Uuwi siya sa bahay pagkatapos naming kumain. Gusto niya lang daw na makasama ako ngayon dahil kahit nasa iisang bahay kami at ospital, madalang kaming magkitang dalawa. “Bodyguards. Kuya hired them. I told him someone’s stalking me.” Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko. “Who? Hindi kaya—” “No, Mom. Hindi si Leonel.” Umiling si Mommy. “No, anak. Not that but…” Napatingin ako kay Mommy. Hindi man niya tapusin ang sinasabi niya, alam ko na kaagad kung sino ang tinutukoy niya. Nangilabot agad ako. Hindi ko nagawang makapagsalita at ang unang naging reaksyon ng katawan ko ay…panic. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya and she looks sorry. “I shouldn’t have let you remember him. Sorry.” Umiling ako. Kahit papaano ay hindi naman natuloy ang panic attack. “No, Mommy. Okay lang ako. Hindi ko pwedeng ikulong ang sarili sa nakaraan.” Huminga ako nang malalim. “But no, hindi siya. Nakakulong siya, hindi ba?” Tinapik ni Mommy ang kamay ko at ngumiti. “Mabuti na rin ‘yan para naman sure na ligtas ka. Anyway, what happened to you and Leonel?” Agad akong napairap sa hangin nang maalala ko si Leonel at ang nangyari kahapon. He bombarded me with calls and texts last night. Hindi ko siya pinansin. I blocked him, too. “We’re over. He’s a cheater.” Nanlaki ang mga mata ni Mommy. Alam ko na gusto niyang magtanong sa akin pero ayoko rin magkwento. “Naandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap.” Gumaan ang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Mommy sa akin. Nang matapos ang duty ko, natigilan ako nang makita ko si Leonel sa labas ng ospital. Ang balak ko ay hindi na siya pansinin nang bigla itong lumapit sa akin. “Ced, mag-usap naman tayo, oh.” Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil mabilis na hinila ng mga bodyguards ko si Leonel. “Huwag ninyo siyang sasaktan,” sabi ko. Pakiramdma ko kasi ay bubugbugin nila si Leonel. “Hayaan ninyo na lang siya.” Tiningnan ko si Leonel. Malamig ang ekspresyon ng mga mata ko habang nakatingin sa kanya. “Ayoko nang makita ka pa. Huwag ka na ulit pupunta rito.” Magsasalita pa sana ulit si Leonel nang maglakad ako. Tinangka niya akong sundan pero agad siyang hinarangan ng mga bodyguards ko. Papasok na ako sa loob ng kotse nang para bang umihip ang malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili at naramdaman na akala mo ay may nanunuod sa bawat galaw ko. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Wala naman akong nakitang kahit ano sa paligid ko. “May problema po ba, Miss?” Tumingin ako kay Lev nang magtanong siya. Umiling ako bago pumasok sa loob ng kotse. Guni-guni ko lamang siguro ang lahat. Isa pa, kung talagang may nanunuod sa bawat galaw ko, hindi niya na ako malalapitan pang muli. I have my bodyguards now. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi pa rin ako mapalagay. Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko. Bukas ay off ako sa duty. Ginugulo pa rin ako ni Leonel pero hindi naman siya makalapit sa akin dahil kina Timur at Lev. “Saan po tayo pupunta?” Excited na akong umuwi dahil makakapagpahinga ako bukas. “Sa bahay na tayo.” Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang may humarang sa daraanan namin. Tumigil ang sasakyan at napahawak ako sa headrest ng upuan sa harapan dahil muntikan nang tumama ang mukha ko roon. “What happened?” tanong ko. Hindi na nila kailangang sumagot dahil nakita ko nga ang isang itim na SUV sa harapan namin. Aatras sana ang sasakyan ko nang may mapansin kaming isa pang sasakyan sa likod. “Oh, my god!” Kinakabahan ako. Hindi kami makaalis dahil hinaharangan ang magkabilang bahagi ng kotse namin, halatang ayaw kaming patakasin. Lumabas ang dalawang bodyguards ko. May hawak silang baril kaya natakot ako. Noong una, kahit papaano ay nagagawa ko pang mapagaan ang aking nararamdaman, sinasabi sa sarili na naandito naman ang mga bodyguards ko. Nasira iyon anng bumukas ang pinto sa bahagi ko. May humawak sa aking kamay at hinila ako papalabas. Maraming lalaki ang nasa paligid at mga armado rin sila. “Bitawan mo ako. Lev and Timur—” Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang makita ko silang binibigyang daan ang isang lalaki na papalapit sa akin. Why are they bowing their heads to this guys at hinahayaan na lumapit sa akin ito, when they should be protecting me?! Hawak pa rin ako ng isang lalaki. Nagwawala na ako para pakawalan niya nang tumigil ang lalaki sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya at sinalubong na naman ako ng nakakakilabot niyang mga mata. “Ikaw na naman?!” sigaw ko sa lalaking ilang beses na akong tinatangkang dakipin. “Hello to you, too,” sabi niya sa akin. Tumingin ako sa mga bodyguards ko at sinesenyasan sila na tulungan ako sa sitwasyong ito pero wala silang ginawa. Para ngang binibigyan pa nila ng galang ang lalaki. What the hell? “Aray!” Napadaing ako nang maramdaman ko ang pnanakit ng aking braso dahil sa paghawak ng lalaking tauhan ata nitong nasa harapan ko. “Bitawan mo ako! Nasasaktan na ako, ah!” Napatingin ang lalaki sa nakahawak sa akin. “Let her go,” sabi nito sa malamig na boses. “Pero Sir—” Nanlaki ang aking mga mata nang may malakas na putok ng baril akong narinig. Tumalsik sa akin ang dugo ng lalaking may hawak lang sa akin kanina at pagmulat ko, dahan-dahan nang bumabagsak ang katawan nito sa sahig. “When I instructed you to do something, do it and never question me.” Muli akong tumingin sa lalaking nasa harapan ko. He cold-bloodedly shot his man! Tumingin din ito sa akin. Napalagok ako nang wala sa sarili. “Take her and handle her with care. She’s my bride.” May dalawang lalaking humawak sa akin pero this time, akala mo ay isa akong babasagin na gamit dahil sa gaan ng mga kamay nila habang hinahawakan ang braso ko. Tinangka kong magsisigaw at humingi ng tulong pero walang tumulong sa akin. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na nakasakay ulit sa kotse ng lalaki…kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD