Mercedes
HINDI ko alam kung anong klaseng buhay ang mayroon ako. Kadikit ko ata ang kamalasan.
Nasa isang bar ako ngayon at nagpapakalasing. Wala akong mapuntahan at ang nag-iisang close friend ko ay nasa Manila. Ang hirap naman ng adulting.
Problemado ako sa boyfriend ko at hindi rin nakatulong sa akin na pakiramdam ko ay may parating nakatingin at nagmamasid sa akin. Napapraning na ata ako dahil sa nangyari sa akin noong nakaraan.
Ipinikit ko ang aking mga mata nang may maalala ako.
Matapos ang medical mission namin sa kabilang bayan, may babaeng muntikan na akong masagasaan. May tama ng baril ang babae, and eventually she died. May dumakip sa aking lalaki and he kept on insisting that I’ll be his substitute bride dahil ako ang dahilan bakit nawala at namatay ang bride niya.
Gago ba siya?
Nagawa ko namang makawala kaya nga balik ako sa dating buhay ko at sinisikap na magpanggap na akala mo ay hindi ako natangay ng lalaking iyon.
Naalala ko pa ang mga nangyari at kung bakit nakabalik ako ng buo sa Puerto Rivas.
Hindi ko alam kung saan kami papunta noon ng lalaking tumangay sa akin. Sobrang sukal ng dinadaanan namin at iisipin mo na sa mga horror movies mo lamang makikita ang ganitong kapaligiran.
Hindi ako nagsasalita at ganoon din ang lalaki. Gusto kong tumakas pero hindi ko alam kung paano.
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko na mag-ring ang cellphone ng lalaki. Simula kasi ng matahimik kami, iyon ang unang ingay na narinig ko kaya’t nagulat ako.
I am highly sensitive to loud noises. Hindi ko iyon gusto.
Nagsasalita siya sa isang lengwahe na hindi ko naiintindihan. Nanatili akong nakatingin sa kanya, and I hate what I was doing but I was admiring his features.
Hindi maipagkakaila na kahit nakakatakot ang lalaki, tunay siyang magandang lalaki. With his fair and smooth-looking skin, his eyes with hues of blue and green, his sharp jaw that can cut me, his nose that’s perfect and yet slightly crooked, and his lips.
Tumikhim ako sa sarili nang mapansin na masyado ko siyang pinagmamasdan. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.
“Да. Я понимаю.” Matapos niyang sabihin iyon sa kausap ay ibinaba niya na ang kanyang cellphone.
Tumingin siya sa driver at may sinabi ulit sa kaparehong lengwahe na ginagamit niya kanina, and the driver immediately stopped the car.
Naguguluhan ako sa nangyayari. Bago ko pa maproseso na tumigil ang sasakyan ay tumingin na sa akin ang lalaki.
“I will set you free,” sabi niya na siyang mas lalong ikinagulat ko.
Hindi ko nagawang makapagsalita at nanatili lamang na nakatingin sa lalaki.
Lumapit siya sa akin kaya halos magpalamon ako sa sulok ng kinauupuan ko.
The man towered me. “But here’s a little warning for you.”
Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko and he twists the strand of my hair. Kinabahan ako sa ginagawa niya.
“Run,” sabi niya. “Run as fast as you can, and don’t let me catch you again. Because the moment I catch you, I will not let you escape my grasp, zaichik.”
Napabuntong hininga ako matapos kong maalala ang nangyari. Hindi ko rin makakalimutan na basta niya ako pinalabas ng kotse niya and he left me there, in the middle of the f*****g darkness! Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako na makawala sa kanya o hindi rin dahil hindi ko alam kung paano ako makakauwi sa bahay namin nang mga oras na ‘yon.
Mabuti na lamang, makalipas kong maglakad ng ilang minuto ay nakakita ako ng maliit na tindahan. Inihatid ako ng asawa ng may-ari ng tindhana sa bayan para makasakay ako papunta Puerto Rivas nang ikwento ko na nasiraan ako ng sasakyan—which was obviously a lie. Hindi ako nasiraan ng kotse. May nagpasabog ng kotse ko!
I just gave them a good sum amount of money para naman mabayaran kahit papaano ang pagmamagandang loob nila sa akin.
That jerk! Huwag na sana siyang magpapakita sa akin ulit.
Ininom ko ang cocktail ko at naalala muli ang lalaki. Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan ko nang maalala ko ang walang buhay niyang mga mata na nakatingin sa akin.
Napayakap ako sa sarili dahil akala mo ay may malamig na hangin na lumapat sa balat ko at nilamig ako.
Nakabalik naman ako sa dati kong buhay matapos ang gabing iyon. Minsan lang ay hindi ko mapigilang ma-paranoid na baka may bigla na namang tumangay sa akin.
Huminga akong muli nang malalim at nilagok ang alak sa harapan ko. Napunta muli ang atensyon ko sa dahilan kung bakit ako umiinom at nagpapakalasing ngayon.
I have a boyfriend, kaya lang ay para bang hindi niya ako magawang bigyan ng atensyon. Gusto ko lang naman siyang makita, pero sinabi niya na busy siya sa trabaho. Busy? Tapos malalaman ko na kasama ang mga katrabaho niyang pumunta ng isang club?
When I confronted him, ako pa iyong mali. Nakakasakal daw ako at parating pinagbabawalan siya na makisama sa mga katrabaho niya wherein I was just asking for an update. Isa pa, sinabi ko sa kanya na may pinagseselosan akong katrabaho niya dahil panay ang lapit sa kanya at sinabi niya na masyado raw akong selosa.
Ang babaw ng mga pinag-aawayan namin.
I am in a long-term relationship with my boyfriend. 3 years na rin kami. Nakilala ko siya noong college at pinagtagpo ulit ang landas matapos maka-graduate. Nagka-develop-an. He love-bombed me, tapos ngayon ay para bang wala nang maibigay na pagmamahal sa akin. Minsan pakiramdam ko ay nanlilimos ako ng pagmamahal sa kanya.
Oo na, tanga na, pero mahal ko iyong tao. Anong magagawa ko? Nasa edad na rin ako na nagpapakasal ang mga kasabayan ko at kaedad tapos ako ay nasa ganitong estado pa rin.
Nakikita ko naman si Leonel—ang boyfriend ko—na kasama ko sa future pero para bang wala pa siyang balak magpakasal. Kahit nga mag-propose man lang ay hindi niya magawa.
I am actually ready to settle pero bakit ganito naman ang napunta sa aking lalaki? Bakit ganito ang minahal ko? Ako ba iyong mali o talagang tama ang mga kutob ko?
I ordered another glass of cocktail. Ininom ko ulit iyon. Mabilis akong natamaan ng alak kaya’t umalis na rin ako.
May shift ako bukas sa ospital pero ito ako at naglalasing. Napakagaling ko sa part na iyon.
But I am going to drive. Kailangan ko nang tumigil. Last ko na ito habang kaya ko pa ang sarili.
Nag-iwan ako ng bills sa counter kasama ang tip sa bartender. Umalis na ako ng bar.
Hinahanap ko ang susi sa bag ko habang papunta ako sa parking lot nang may maramdaman akong tila ba may nagmamasid sa akin.
Napatigil ako sandali at napatingin sa paligid ko. Wala namang ibang tao rito kung hindi dalawang lalaki na sumusuka sa isang gilid pero masyado silang malayo sa akin.
Bumigat ang pakiramdam ko kaya mabilis akong naglakad. Nakuha ko naman ang susi ko. Kaya lang, totoo iyong kapag kinakabahan ka ay lalo mong hindi magawa nang tama ang mga ginagawa mo sa buhay.
Nahulog pa sa kamay ko ang susi at kinailangan kong kunin iyon.
Mabilis kong kinuha ang susi at tumakbo na papunta sa aking kotse. Mas nararamdaman ko ang presensya na para bang may lumalapit sa akin.
Nang papasok na ako sa kotse, may humawak sa balikat ko. Napatalon ako sa gulat at napatingin sa kanya.
“Ced?”
Para akong hindi makahinga nang makita ko kung sino ang lalaki sa likod ko.
“Leonel!” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na siya ang nasa likod ko o sasampalin ko siya dahil natakot talaga ako at nagulat.
“What are you doing here?” Kumunot ang noo niya na akala mo ay galit siya.
Matataranta na sana ako nang maisip ko na bakit siya ay naandito rin?
“Bakit ka naandito? Sinong kasama mo?” Ibinalik ko sa kanya ang tanong. Kung tutuusin ay wala naman talaga akong dapat ikabahala. Wala akong itinatago. Naandito pa nga ako dahil sa kanya.
“Huwag mong ibalik sa akin ang tanong. Anong ginagawa mo rito?!” tanong ni Leonel sa akin.
Bago pa ako makasagot ay may lumapit na sa amin.
“Leo?”
Natigilan kaming dalawa. Tumingin kami sa babaeng tumawag sa kanya. Kumunot ang noo ko.
“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ay ihahantid mo ako? I’m so drunk. Ang sakit na ng ulo ko.”
Kumapit pa sa braso ni Leonel ang babae. Napatingin ako roon. Ito iyong katrabaho niya na pinagseselosan ko.
Tinaasan ko ng kilay si Leonel.
“Katrabaho ko. Nautusan lang ako na ihatid sa bahay nila kasi lasing na.” Huminga nang malalim si Leonel. “Uuwi ka na ba? Mag-ingat ka sa pagmamaneho. I will call you later.”
Pinanood ko silang umalis. Gusto kong sugurin ang babae at sabunutan siya pero hindi ko ginawa. Unang-una I am not that kind of person. I’m a respectable doctor na hindi mag-e-eskandalo sa pampublikong lugar.
Hanggang makauwi ako ay masama ang timpla ko dahil kay Leonel at sa babeng kasama niya. Nagseselos ako pero ayoko ring pairalin iyon dahil sasabihin na naman na ang babaw ko para pagselosan iyon.
My boyfriend is a great gaslighter. Bakit ko ba siya minahal?
“Mercedes…”
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa hagdanan ng bahay nang marinig ko ang boses na iyon.
Napatindig ako nang tuwid bago tumingin sa kanya, and I greeted him with my warmest smile.
“Kuya!”
Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na naandito siya. Akala ko naman ay nasa Manila siya.
Atty. Hades Salvatore, my older brother.
Nakita ko ang isang babae na nasa likod niya at ngumiti rin ako rito.
“Hi, Sabina!”
When Sabina was first introduced to us, gustong-gusto ko na siya para sa kapatid ko. Iyon nga lang, medyo awkward dahil hindi ko alam paano siya tatawagin. Mas matanda kasi ako kay Sabina pero bunsong kapatid naman ako ng asawa niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tawaging ate.
“Hello, Ced.”
Niyakap ko silang dalawa. Sa pagkunot pa lamang ng noo ni Kuya ay alam kong nahuli niya na ako.
“Were you drinking?”
Ngumiti lang ako sa kanya. “A little.”
Nagpaalam na ako sa kanila at sinabi na pupunta na muna sa kuwarto ko para makapagpahinga.
Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Malakas ang pakiramdam ko na may something ang babaeng kasama ni Leonel sa kanya.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pagtawag ni Leonel. Sinimangutan ko iyon at hindi sinagot. Bahala siya. Masama ang loob ko.
Hindi ko magawang makatulog nang maayos. Mainit pa ang ulo ko dahil pagsapit ng umaga ay ako mismo ang tumawag kay Leonel pero babae ang sumagot.
“Doc, okay lang po ba kayo? Gusto ninyo po ba ng kape? Bibili kami sa café.”
Kanina ko pa pinagti-trip-an ang ballpen na hawak ko. Kulang na lamang ay mabali ko iyon.
“Pakibilhan nga ako ng kape. Iyong matapang. Sa sobrang tapang ay magagawa kong sugurin ang boyfriend ko!”
Napaatras ang staff nurse na nagtanong sa akin. Napagtanto ko ang sinabi ko. Huminga ako nang malalim bago bumaling sa kanila.
“Sorry,” sabi ko. “Iced Americano ang akin.”
Maaga akong nag-out sa trabaho. Kahit alam ko na hindi pa tapos ang shift ko sa ospital ay umalis ako. Mabuti na lamang at may mabuting loob na aalalay sa shift ko kaya hindi ko kailangang mangamba sa mga pasyente ko.
Nasa harapan ako ngayon ng apartment ni Leonel.
My boyfriend is not from the rich-rich. He has a simple life, yet alam ko na nagsusumikap siya. Wala naman kina Mommy kung sino ang i-date ko basta at masaya ako. Well, bukod sa katotohanang hindi maganda ang pakikitungo ng dad at kapatid ko rito.
Hindi naman sa minamaliit nila si Leonel, ang kay kuya lang ay pakiramdam niya raw ay hindi niya kayang magtiwala sa boyfriend ko. Si Dad naman ay sinasabi na baka pera lamang ang habol sa akin.
Pinagtatanggol ko naman si Leonel sa pamilya ko. Iyon nga lang, hindi ko maitatanggi na parati itong nanghihiram ng pera sa akin. Kapos daw kasi at babayaran ako kapag may pera na siya. Bilang dakilang tanga sa kanya, pinapautang ko naman. Hindi ko na nga sinisingil.
Hay, ang hirap mabulag sa pagmamahal.
Tapos ngayon ay nasa harapan ako ng bahay niya para makipag-ayos. Bahagya kasi akong nakakaramdam ng pagsisisi dahil hindi ko sinagot ang tawag niya kagabi. Hindi ko magawang makapag-focus sa trabaho.
Ilang beses na akong kumatok. Nang bumukas ang pinto ay binati ko nang malawak na ngiti si Leonel ngunit hindi si Leonel ang nakita ko roon.
Sinalubong ako ng isang babae na nakasuot pa ng silk nightgown.
“Sino sila—”
“Mercedes!” Biglang nagpakita si Leonel sa likod ng babae at nakita ako.
Nagdilim ang paningin ko. Humakbang ako papasok sa loob ng apartment ni Leonel. Lumapit kaagad si Leonel sa akin pero tinulak ko siya. Itinuro ko ang babae.
“Bakit naandito ang babaeng ito? Magkasama kayo buong gabi?”
Nanlilisik ang aking mata at kahit na gusto kong sabunutan silang dalawa ay hindi ko maaaring gawin. Nakauniporme pa ako mula sa trabaho at ayokong ilagay sa alanganin ang aking pagiging doktor dahil lang sa lalaki!
“Hayaan mo akong magpaliwanag, babe—”
“Babe mo iyang mukha mo! Sinasabi ko na nga ba na tama ang kutob ko at may iba kang babae! Ang kapal ng mukha mo na ipamukha sa akin na ako ang mababaw at parating mali sa relasyon na ito, when you’re the whole joke! Huwag ka nang magpapakita sa akin, Leonel!”
Tinalikuran ko sila matapos kong sabihin iyon. Gusto kong manampal pero hindi ko ibababa ang dignidad ko para sa mga ganoong klase.
Tinawag ako ni Leonel pero hindi ko siya pinansin. Hindi niya rin ako mahabol dahil naka boxers lang ang gago.
Para akong sasabog! Pero hindi ako iiyak nang dahil sa kanya.
Papunta na ako sa aking sasakyan. Paulit-ulit kong minumura sa isipan ko si Leonel.
Bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko nang may maramdaman akong sumusunod sa akin. Hindi ko ito pinansin, iniisip na baka si Leonel na naman iyon.
Binuksan ko ang pinto ng kotse ko pero may kamay na humawak doon at muling itinulak papasara.
Galit kong nilingon ang kung sino mang nasa likod ko, handa na siyang sigawan. Subalit paglingon ko ay tila ba natutop ang aking bibig.
Nanlaki ang aking mga mata, and fear spread throughout my body.
Tinangka kong tumakbo papalayo, but the man held my neck, almost choking me. He, then, gently caressed the side of my neck.
It’s a mystery to me why someone can hold you so brutally yet touch you so gently.
“Hello there. How have you been?”
Nanatili akong nakatingin sa kanyang mga mata. Para akong hinihigop nito at wala akong kakayahan na mag-iwas ng tingin.
Akala ko ay hindi na kami magkikita muli. Akala ko nang patakasin niya ako nang gabing iyon, hindi na muling magkukrus ang landas namin.
Kaya bakit? Bakit nasa harapan ko na naman siya?
“Didn’t I tell you before?” Lumapit siya sa akin at napapikit ako. Nag-iwas ako ng mukha sa kanya.
Kung ano-ano na’ng ideya ang pumapasok sa isipan ko. Nanginginig din ang tuhod ko.
This man is so huge, not in the physical sense but his presence. Nanlalamon ang presensya niya at matatakot kang talaga.
Naramdaman ko siya malapit sa tainga ko. Ang init ng hininga niya ay humahaplos sa gilid ng pisngi ko at pababa sa aking leeg. Lalong naging madiin ang pagpikit ko sa aking mga mata.
Nananaginip lang ako. Walang katotohanan na ang lalaking muntikan na akong dakipin noong nakaraan dahil sinasabi niyang hinayaan kong mamatay ang bride niya ay nasa harapan ko ulit!
Akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko, ngunit ito na naman siya at biglang susulpot sa harapan ko!
“I told you to run and don’t let me catch you. Because the moment you let me, I will never let you go again.” Kinagat niya ang aking earlobe at akala mo ay kinuryente ako. “And now, I catch you. That makes you mine, my future bride.”