Mercedes
PAUWI na ako ng bahay galing sa isang medical mission na tatlong bayan ang layo mula sa Puerto Rivas. Maghapon kami roon at naimbitahan ako. Masaya naman ako na makatulong.
Iyon nga lang, ngayon na mag-isa na lang ako, para bang naaalala ko ang mga problema ko sa buhay.
Hinihilot ko ang aking ulo. Madilim na sa daan at dapat atang nagpalipas na lamang ako ng gabi sa ibang bayan at bukas ng umaga umuwi ng Puerto Rivas. Bukod pa roon, napatak na rin ang ulan.
Sumasakit ang ulo ko. Bukod sa maghapong trabaho ay may isa pa akong problema ngayon. Gustuhin ko mang magpahinga ay hindi naman maaari. Ginusto ko ang trabahong ito, ayokong pabayaan dahil lamang pagod ako.
I saw how my mom worked when I was a kid. I admire her for that. Kaya nga gusto kong maging doktor dahil gusto ko ring makatulong.
Bumibigat ang aking mata. Inaantok na ako. Kagabi pa ako walang maayos na tulog dahil sa problema ko sa boyfriend ko. Grr! Hindi rin nakakatulong na ang lamig ng panahon at umuulan kaya mas lalo akong inaantok. Hindi ata sapat ang ilang cup ng kape na nainom ko kanina para malabanan ang antok.
Habang patuloy sa pagmamaneho ay may hindi inaasahang dumaan sa harapan ko. Mabilis kong inihinto ang sasakyan at bumagsak ang babae sa harapan ng kotse ko.
Mabilis akong lumabas. Akala ko ay sa mga teleserye lang nangyayari ang mga ganitong eksena, pwede rin pala sa buhay ko.
“Miss?”
Nakadapa ang babae kaya hindi ko malaman kung may malay pa siya. Mabilis akong lumapit sa kanya at marahan ko siyang itinihaya.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang dugo sa suot niyang damit. Hindi ito dugo dahil nabangga ko siya ng kotse ko, may tama siya ng baril.
May pulso pa ang babae at para bang nawalan lang ng malay. Mabilis kong hinanap kung saan siya may tama at nakita ko na dalawang gunshots ang natapo niya. Ang isa ay sa may dibdib at ang isa naman ay sa may tiyan.
Wala akong kahit na anong kagamitan dahil nasa ibang sasakyan ang mga ginamit namin sa medical mission. Hindi ko rin naman inaasahan na may ganitong pangyayari.
Naghanap ako ng magagamit ko. Madumi na ang suot niyang damit kaya hindi ko ito magagamit. Tiningnan ko ang suot ko at wala nang ibang nagawa.
Pinunit ko ang laylayan ng shirt na suot ko. I covered the part where she was shot and put pressure on the wounds. I need to make the bleeding stop.
Kailangan ko siyang madala sa pinakamalapit na ospital pero isang oras pa ata ang layo ng susunod na bayan mula rito. Hindi siya aabot.
Basang-basa na ako ng ulan, and I keep trying to save the woman. Nakita ko ang paggalaw ng kamay niya.
“Please, please…” bulong ko sa aking sarili.
Nagulat ako nang may humawak sa akin. Nagmulat ng mata ang babae at nakatingin ito sa akin.
“Run…”
Matapos niyang sabihin iyon ay bumagsak na ang katawan niya. Tiningnan ko kung may pulse pa siya pero wala na akong maramdaman. I did everything I can to resurrect her, pero wala na talaga.
Napaupo ako sa sahig and I let myself get soaked by the rain. I wasn’t prepared for this. Parati akong nakakakita ng pagkamatay sa harapan ko pero…hindi ko inaasahan na may mangyayaring ganito ganoong papauwi lang naman ako.
Sino ang may kagagawa nito? What happened to her?
Tinitigan ko ang sugat niya at alam kong tama ito ng baril. Nagtaasan ang aking balahibo nang maisip kung anong maaari ang kinalagyan niya bago ko siya makita.
Sinuklay ko ang basang buhok ko. Kahit ata ilang beses akong makasaksi ng pagkamatay ng pasyente, naandoon iyong panlulumo at panghihinayang na hindi mo siya nagawang iligtas despite having the knowledge. Pero alam ko, hindi talaga namin kayang sagipin ang lahat ng tao.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa bangkay. Hindi ko naman siya maaaring iwanan na lamang ditong mag-isa.
Kinuha ko ang cellphone ko at akmang magtatawag ng tulong nang mapansin na walang signal. Napamura ako sa isipan ko dahil ang atang kamalasan ang nararanasan ngayong araw.
Nagtangka akong maghanap ng signal at nang makakita ng isang bar ay agad akong nag-dial ng number.
“Hello—”
Bago pa ako makapagsalita, may narinig akong ingay sa likod ko. Napatigil ako at hindi ko nagawang makapagsalita kahit pa nang kinakausap ako ng nasa kabilang linya.
“Put your phone down or your head is going to burst,” sabi ng kung sino man ang nasa likod ko.
Huminga ako nang malalim. Hindi ko kaagad ginawa ang sinabi niya. Idiniin niya sa ulo ko ang baril na hawak niya.
Mabigat ang aking paghinga pero sinunod ko ang sinabi niya. Wala akong laban sa may armas. Kailangan kong magpakapraktikal ngayon.
Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko. Nag-end na rin naman ang call dahil kanina pa ako hindi sumasagot.
“Raise your hand,” utos niya sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata. Bakit ba ang dami niyang utos?
Itinaas ko ang aking kamay at dahan-dahan na humarap sa kanya.
“I didn’t tell you to face me.”
Sinimangutan ko ang lalaki. Basang-basa na ako ng ulan. Sasabihin niya rin naman iyon, inunahan ko na lang.
Nakita ko ang isang matangkad na lalaki sa harapan ko. His skin is so glowing even in the dark. Maputi rin siya. Mas maputi pa ata sa akin.
By just looking at his face, alam ko kaagad na may halong ibang lahi ang dugo niya.
Nakatutok na ngayon sa noo ko ang baril niya. Taas noo ko iyong sinalubong at hindi ko naisipan na iyuko ang ulo ko kahit na nakakaramdam na ng kaba.
Walang emosyon ang mga mata niya—as in blangko. Cold ang kapatid ko pero makikitaan mo pa rin naman siya ng mga emosyon, pero ang lalaking ito ay parang hindi talaga marunong nito. Nakakakilabot ang titigan ang mga mata niya.
His eyes looked like a dead person’s eyes. Walang kabuhay-buhay.
“You killed her,” sabi niya. Noong una ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Kumunot ang noo ko at nagtataka sa kung anong tinutukoy niya.
Hinawakan niya ako. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang malamig niyang kamay sa balat niya.
“Bitawan mo ako!” sigaw ko sa kanya at tinangkang hawiin ang kamay niya sa akin. Ngunit sa tuwing tinatanggal ko ang kamay niya ay lalo niya lamang hinihigpitan.
May mga bagay akong naalala na hindi ko gustong maalala dahil sa paghawak niya.
“Let me go! Kakasuhan kita kapag hindi mo ako binitawan!”
Napatigil siya sandali. For a moment, akala ko ay natakot siya sa pagbabanta ko. Tiningnan ako ng lalaki at nginisian lamang bago ako muling hilahin.
Kung inaakala ko na nakakatakot na siya kapag walang emosyon, lalo siyang nakakakilabot kapag ngumingisi siya. Akala mo ay isang demonyo ang aking kaharap.
Iniharap niya ako sa babaeng tinangka kong buhayin kanina. Napalagok ako nang makita kong muli ang katawan nito.
“You killed her,” sabi niya ulit sa akin.
Nabawi ko ang aking sarili at hinarap ang lalaki. Naiinis ako dahil ako ang pinagsususpetiyahan niya.
“Ako? Sa tingin mo ba ay magagawa kong patayin ito? She was shot, two times! Tinangka ko pa nga siyang buhayin.” Tiningnan ko ang hawak niyang baril. “Kung tutuusin, mas malaki ang chance na ikaw ang bumaril. Ikaw ang may hawak ng armas!”
Kung inisip ko na magagawa ko siyang masindak, doon ako nagkamali. Wala man lang siyang reaksyon sa sinabi ko. Hindi man lang nagbago ang blangko niyang ekspresyon.
Nakakaramdam pa ba ang lalaki? Dinaig niya pa ang robot, ah?
“You ran over her with your car.”
Kung salubong na ang kilay ko kanina, mas lalo na ngayon. Nakatingin ako sa lalaki na akala mo ay gusto ko siyang tawanan.
“Mister, I did not! Hindi ko pinatay ang babae. I am a doctor! I was actually trying to help her. Natumba na siya sa lupa bago ko pa siya mabangga.”
Hinawi ko ang buhok kong humaharang sa aking mukha at matapang na tiningnan ang lalaki.
Itago mo iyang takot mo, Ced! Kapag nalaman ng lalaki na takot ka, mas lalo ka niyang sisindakin.
My father told me that before. Ganito niya kami pinalaki ng kuya ko.
I am Mercedes Salvatore. Hindi ko iyuyuko sa kahit kanino ang ulo ko.
He didn’t say a word. He just looked at me like he was amused but didn’t show it on his pretty face.
Bakit? Gwapo naman talaga ang lalaki. Nakakatakot lang siya.
“Then explain why you were soaked with her blood.”
Napatingin ako sa damit ko. Napansin ko ang damit ko na may bahid ng dugo ng babae.
Magtatangka pa sana akong magpaliwanag nang may lumapit na isang lalaki sa kanya. May sinabi ito rito na hindi ko narinig.
Tumingin sa akin ang lalaki. Kinunutan ko siya ng noo.
May inabot na cellphone ang isang lalaki rito sa kaharap ko.
“Kirill speaking.”
Kirill? Is that his name?
Tahimik siyang nakinig sa sinasabi ng kausap. Nang matapos ay ibinigay niya ulit ang phone sa isa pang lalaki.
“I will take her.” Papakipag-usap niya roon sa isang malaking lalaki at may sinabi pa siyang sa isang lengwahe na hindi ko maintindihan.
Tumango ang lalaking bagong dating bago lapitan ang babaeng nasa kalsada.
Binuhat ng lalaki ang katawan ng babae. Umawang ang aking labi pero mas pinili ang manahimik.
“Aalis na ako.”
Mas maganda nga siguro na huwag na lang mangialam. Nagi-guilty ako na hindi ko man lang nagawang iligtas ang babae pero…alam ko rin na wala na akong magagawa. I tried to save her, though.
Bago pa ako makapasok sa loob ng kotse ko ay muli akong hinawakan ng lalaki. Hinigit niya ako at dahil hindi ko iyon inaasahan ay nahila niya ako. Nauntog ang aking ulo sa matigas niyang dibdib.
Gaano katigas ang chest niya? And damn! Ang tangkad niya pala talaga?
“You’re coming with me.”
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng lalaki. Hinigit ko ang sarili para hindi niya ako mahila papalayo.
“Anong sasama? Baliw ka ba? Bakit ako sasama sa hindi ko kilala?”
Mahigpit akong humawak sa pinto ng kotse ko para hindi niya ako mahigit.
Tiningnan ako ng lalaki na para bang wala siyang oras na gustong sayangin sa akin. Well, kung ayaw niyang masayang ang oras niya, bitawan niya ako.
“Ano ba? Bakit mo ba ako hina-harass? May sarili akong kotse! Bitawan mo ako—”
Marahas niya akong hinila kaya napabitaw ako sa pinto ng kotse ko. Naramdaman ko ang hapdi dahil sa ginawa niya.
“You’re so stubborn.” Umiling siya na akala mo ay ako pa ang mali.
Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong buhatin. He threw me over his shoulder. Why the f**k this man is manhandling me?
“Ibaba mo ako!” Hinampas ko ang kanyang likod para sana maisipan niya na bitawan ako, pero hindi man lang siya nasasaktan at para bang ako pa ang magkakapasa dahil sa tigas ng likod niya.
Panay ang paghampas ko sa kanya habang siya ay hindi ako pinapansin. Natigilan lang ako nang may mapansing lalaki na lumapit sa kotse ko.
May inilagay siya sa ilalim ng sasakyan ko at mayamaya pa’y may malakas na pagsabog akong narinig.
Holy s**t! What happened?
Napatingin ako sa ngayon ay nagliliyab kong kotse—my car was the one that exploded, by the way.
Laglag ang panga ko habang pinapanood na kainin ng apoy ang aking kotse.
“What the hell—”
“Now you don’t have the means of transport. It’s either you’re going to freeze here to death or you’re coming with me. Of course, you’re smart, Doctor. You’re going to come with me.”
Excuse me, hindi ako palamura, okay? Pero tangina, pinasabog ba ng gagong ito ang kotse ko para hindi ako makatakas sa kanya?
Ilang minuto pa ata akong tulala. Nang matauhan ako ay nasa loob na ako ng kotse.
“Go,” sabi ng lalaki sa driver.
Masama ko siyang tiningnan. “This is kidnapping. My brother and my father are lawyers. You’re not going to get away with this.”
Hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatingin sa harapan.
“Nakikinig ka ba—”
“And what you did to that woman is murder. You’re not going to get away with it, too.” Tiningnan niya ako at pinitik ang noo ko.
Napahawak ako sa noo ko dahil kumirot iyon.
Ang sakit!
“Saan mo ba talaga ako dadalhin? I don’t even know you!”
Hindi siya nagsalita. Please, bigyan ninyo ako ng sapat na pasensya dahil hindi ko kinakaya ang lalaking ito.
My brother is the quiet type—lahat ng miyembro ng pamilya ko, actually, at ako nga lang ata ang maingay. Pero hindi naman sila bastos na hindi ako kakausapin kapag kinakausap ko sila.
“Hey—”
“Shut your mouth,” sabi niya sa isang kalmadong boses. Tiningnan niya ako. “If you don’t want me to kill you, shut it.”
Imbis na matakot, lalo akong nainis.
“Tinatanong kita! Dinakip mo ako tapos ay hindi mo man lang sasabihin sa akin kung bakit mo ako kinuha? Sinabi ko naman sa ‘yo na hindi ako ang pumatay sa babae—”
“And when did you see the abductor explaining to his abductee? I don’t care if you killed her or someone else did, but I can’t go back without a woman.” Huminga nang malalim ang lalaki. His eyes are looking at me intensely and it’s penetrating to every pore of my body. “That woman is my bride. Now that you let her die, you’re going to replace her.”
Noong una ay hindi rumehistro sa akin ang sinabi niya hanggang sa dahan-dahan ay napagtanto ko kung anong ibig sabihin ng bawat salita niya.
“What?”
“You heard me, woman. You’re going to be the substitute bride. My bride. Take it or f*****g die.”
Hindi ko nagawang makapagsalita. Para akong naputulan ng dila sa narinig. Might as well kill me. Dahil alam ko na impyerno ang pagdadalhan sa akin ng lalaki.