Chapter 28
Keitlyn's POV
Alam ko naman kung gaano katalino ang bawat isa sa Weigand but this is out of our league. Hindi rin naman ako sobrang talino, sadyang nahilig lang ako sa pag-iimbento kaya ako nakapasok sa Weigand. That even a time machine ay naisipan kong gumawa.
At sa tingin ko ay napasama pa ang ginawa kong 'yon. Well, hindi naman totally napasama dahil kahit papaano naman ay nakilala ko si Aether nang dahil sa pagkakapasok ko sa Weignad. Muling nabaling ang tingin ko sa monitor. Kung titingnan pa nang mabuti ang bawat detalye ng nasa monitor ay parang sobrang advanced na nito. Kaya siguro nahihirapan din si Aether.
"What was that?" Hindi ko na napigilan pa ang magtanong dahil sa curiosity. I know Aether is really that smart and this kind of thing can catch his attention. At ngayon pa lang, nakikita ko na agad na hindi niya titigilan ang radar na ito hangga't hindi niya nalalaman kung para saan ito. Dahil dito na na-focus si Aether, sa tingin ko ay ito na ang gusto niyang ipakita sa akin. Kaya labis na alang ang naging pagtatakha ko dahil ano naman ang kinalaman ko sa bagay na 'yan? He is obviously wanted to understand what the radar is stated pero kung sa tingin niya ay may maitutulong ako sa kanya, nagkakamali siya dahil wala akong nalalaman sa ganyan.
"Marine radar," Aether said as if it was the most obvious thing in the world. Napairap naman ako dahil sa pagiging sarcastic niya. Of course, I know that.
"Alam ko naman na 'yan ang tawag diyan. What I mean is that, what was that for?" tanong ko at siguro naman ay hindi na niya ako sasagutin ng kung anu-ano dahil ang kailangan ko sa ngayon ay mga sagot.
"Um...For marine activities?" Aether thinks this is funny but it isn't. Tiningala niya ako rito sa gilid niya kaya nagkaroon ako ng pgkakataon na irapan siya nang nakikita niya. Kung ganito lang siya nang ganito, sa tingin ko ay nagsasayang lang ako ng oras sa kanya. Hindi ko alam kung bakit din ako pumunta rito. Sa tingin ko ay mas makakabuti kung uuwi na lang ako. Tutal ay wala rin naman akong mapapala kay Aether. Mukhang wala siyang plano na makiag-usap sa akin nang matino.
"You're so funny, Aether," sabi ko. Muli ko siyang inirapan at tatalikuran ko na sana pero natigilan ako nang pigilan niya ako sa wrist. "Let go of my hands," sabi ko pero umiling siya.
"I'm sorry, okay. I was just trying to help you loosen up. Pero dahil pikon ka nga pala ay wrong move iyon," sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin. Dahil mas lalo akong nainis ay muli kong binawi ang kamay ko. Natawa siya pero hindi naman niya ako binitiwan. "Okay, I'm sorry. Now, can we proceed sa concern ko sa bagay na 'to?" sabi niya. Muli kong binawi ang kamay ko mula kay Aether at sa pagkakataon naman na ito ay binitiwan na niya ako nang mahalata na hindi na ako magwo-walk out pa.
"Can we go directly to the point? Parehas tayong may gustong sabihin sa isa't isa at hindi nakakatulong 'yang pang-iinis mo sa akin. Isa pang pamimilosopo ang marinig ko galing sa bibig mo, uuwian na talaga kita," seryoso kong sabi at nagseryos na rin naman si Aether. But I could hear him whisipering something like 'ang pikon' pero hindi ko naman maintindihan ang kabuuan ng mga sinasabi niya. Hindi ko na lang 'yon pinansin dahil alam ko naman na hahaba na naman ang usapan.
"Okay, Keitlyn. Mukhang uwing-uwi ka na, e. This will be quick," sabi niya at mabilis naman na nag-type sa kanyang laser keyboard. Hindi ko naman sinabi na uwing-uwi na ko and I sure as hell na hindi rin naman iyon ang sinasabi ng hitsura ko kaya hindi ko alam kung saan nakuha ni Aether ang idea na uwing-uwi na ako. Hindi ko naman na tinama pa si Aether at hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang isipin.
Pinanood ko na lang siya sa ginagawa niyang pagta-type. Hindi ko gets kung saan papunta ang mga ito. But Aether is obviously wants to prove something. Malakas ang pagkakapindot ni Aether sa enter ng kanyang laser keyboad kaya parang akong ang nasaktan dahil malakas ang tunog na ginawa nu'n sa kanyang table. Pero mukha namang hindi na iyon ininda pa ni Aether at may tinuro siya sa akin sa monitor. Tiningnan ko naman agad iyon dahil umaasa ako na mabibigyan nito ng sagot ang tanong ko--namin ni Aether.
Pero ilang sandali na rin akong nakatitig sa monitor ay wala pa rin akong maintindihan sa mga nais na ipakita sa akin ni Aether.
"Okay, Aether, anong mayroon diyan?" tanong ko at tinuro naman ni Aether ang isang bahagi ng radar. "Mariana Trench." Literal ko itong binasa dahil iyon lang naman ang magagawa ko sa tinuturo niya. Kung hinihintay niya na magbibigay ako ng side comment or information ay maghihintay lang siya sa wala dahil hindi ko talaga alam ang tungkol diyan. Naririnig ko lang ang Mariana Trench pero wala naman akong interes.
"Nasagap ng laptop ko ang marine radar na 'to. Ang buong akala ko ay hindi ito gagana sa labas ng Weigad. But to my surprise, nabasa rin ito ng computer ko." Sa kabila ng mga sinabing iyon sa akin ni Aether ay isang tanong pa rin ang nasa isip ko.
"Paano ka nagkaroon ng access diyan?" tanong ko at napangiwi si Aether. Parang sinasabi niya na kailangan pa ba iyong itanong gayong may obvious naman nang sagot.
"Hacking. Ano pa nga ba," aniya as if hacking is just a piece of cake to him. Mukhang sa ganito kami malalamangan ni Aether.
Dahil na rin sa komplikado ang technology sa aming panahon ay sobrang hirap na rin ma-hack ang mga computer system. Ang ending, hindi na susubukan ng mga tao ang mag-aral kung paano mang-hack. Only few people can do it. Those professionals na pinagkikitaan na ang hacking.
Kahit pa sabihin na komplikado na ang panahon namin, I know Aether can easily cope up. He's obviously a hacking enthusiast.