Chapter 29
Keitlyn's POV
Pinanood ko lang si Aether sa mga bagay na ginagawa niya. Wala akong idea sa kung saan papunta ang bawat pinipindot niya. Hindi ko siya magawa na sundan dahil wala naman akong alam sa ganyan at mas lalong wala naman akong experience. The only thing I know is that there is something in this case that's interests him. I can't help but be amazed of how passionate Aether is in this one.
I think he's the kind of person na hindi titigil sa isang bagay na nasimulan na niya. And it only means na mayroon na nga siyang nasimulan. What could it be? Of course, it is the marine radar na na-hack niya. I think Aether has seen something in there.
But I need a word from him. Hindi naman pwede na manonood lang ako sa ginagawa niya hanggang sa malaman niya ang gusto niyang malaman. Gusto kong makuha at masundan kung saan papunta ang lahat ng 'to. It would be boring kung tutunganga lang ako sa kanya. Gusto kong malaman ang lahat ng nalalaman niya tungkol dito. We can be a team—oh, hell yea, scratch that. That's a crap!
"Is that even safe, Aether?" Hindi maikakaila ang pag-alala sa naging tono ko. I am truly worried for both me and Aether. Paano kung ito pa ang magpahamak sa aming dalawa? I was busy trying to save us by avoiding him. Tapos ang natuklasan naman pala niyang ito ang magpapahamak sa aming dalawa. Well, kung ikakapahamak nga niya 'yan ay labas na ako roon dahil taga-ibang century naman ako.
Iyon ay kung sa panahon nga nila ang marine radar na 'to. Sa interes pa lang ni Aether sa natuklasan niya ay halata na hindi ordinaryong radar ang nakikita namin ngayon.
"What do you mean safe, Keitlyn?" tanong niya pabalik sa akin nang hindi ako nililingon. I don't mind if he will not talk to me in full focus. As long as makakuha ako ng idea sa lahat ng 'to ay ayos na ako roon. I don't think din naman kasi na maiintindihan ko ang lahat ng 'to nang buo--ipaliwanag man ni Aether ang lahat sa akin o hindi. This is too much for me to absorb. Tulad ng sinabi ko ay hindi ako kasing talino ni Aether at mas lalong hinidi ako kasing enthusiast.
"Paano kung ma-track nila na may ibang nakaka-access sa radar nila? Paano kung ma-track nila ang eksaktong kinaroroonan mo?" tanong ko at hindi naman siya nagsalita agad. I know that he is trying to finish something bago ako sagutin sa mga tanong ko. And I'm willing to wait naman basta ba sigurado na may mapapala ako.
"That would perfectly be fine, Keitlyn." Nakaramdam ako ng inis dahil sa naging sagot niya. I am so dead worried for him tapos siya pala ay parang wala man lang pakialam sa kaligtasan niya?
"Are you nuts, Aether? Paano kung isang sindikato pala ang owner niyan? Isang mafia? Isang g**g? And they are planning something dark kaya may ganyan?" I sounded like a mother to him na pinapagalitan siya. Muli namang hindi nagsalita si Aether. Still, I am willing to wait sa mga sagot niya hanggang sa makuha ko ang mga gusto kong malaman--na kayang i-absorb ng utak ko, of course. Nag-angat lang sandali ng tingin sa akin si Aether ngunit agad rin namang binalin ang mga mata sa computer niya.
"They are not syndicate nor mafia, Keitlyn. They are not a g**g, too. Trust me, the owner of this marine radar is way more dangerous than those you have mentioned." Sa sinabing 'yon ni Aether ay tila ba mayroon na nga siyang nalalaman sa kung sino ang may pakana nito. At iyon ang gusto kong malaman. Kahit iyon na lang sana ang malaman ko ay okay na ako. Those I have mentioned are all dangerous, tapos sasabihin ni Aether na mas mapanganib pa ang natuklasan niya? At ang hindi ko maintindihan sa lahat ay para bang hindi man lang siya nag-aalala sa maaaring kahantungan.
"If they are not those I have mentioned, then who are they?" Hindi ko na rin tinago ang pagkainip sa tono ko. Naghahalo na ang pag-aalala at pagkainip sa akin. Which is better dahil ayoko naman na isipin ni Aether na ganoon na lamang ang pag-aalala ko para sa kanya.
"Weigand." Natigilan ako sa sinabi ni Aether. Isang salita lamang 'yon pero labis na ang kilabot na dinulot sa akin. Hindi ko alam kung ano na ang nangingibabaw sa nararamdaman ko ngayon. Ayoko na sanag magtanong pa ulit dahil kung mas may malalaman ako ay sigurado na madadamay ako sa kung ano ang nlalaman ni Aether. Kung mahuli man siya ng admin ng Weigand ay damay ako dahil hindi ko siya agad sinumbong. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan si Aether nang mag-isa hindi iyon kakayanin ng konsensya ko.
"Weigand? You mean...Weigand invented tha radar?" Isa sa nararamdam ko sa ngayon ay ang paghanga kay Aether dahil nagawa niya na ma-hack ang isang system sa Weigand. But I need to ask that question para makasigurado na rin at magkaroon ng kumpirmasyon. Marahan lang naman siya na tumango nang hindi na naman ako nililingon.
"Why they did that at why do they need that?" tanong ko. Marami pa sana akong gustong itanong ngunit minabuti ko na pigilan na lamang ang aking sarili dahil baka mamaya ay marindi lang sa akin si Aether at wala sa mga tanong ko ang sagutin niya.
"Iyan ang aalamin ko, Keitlyn." Hindi naman agad ako sumagot sa sinabi niya. Alam ko naman na kayang-kaya nga niya iyong malaman in no time pero ang gusto ko sanang makuha ay ang kasiguraduhan na sasabihin niya sa akin ang lahat ng matutuklasan niya.
"Okay, Aether. Just tell me everything sa mga bagay na malalaman mo. As much as possible, update me form time to time." Napangiwi siya sa sinabi kong 'yon at nahinto rin siya sa pagta-type. Sa reaction pa niya na 'yon sa sinabi ko ay alam ko na agad na magkakaroon kami ng problema pagdating sa bagay na 'to. I know he will not do it. Hindi niya ako bibigyan ng updates!