Chapter 27
Keitlyn's POV
Agad naman akong binigyan ng access ni Aether para makalabas sa kanyang time machine. Hindi ko na nga kinailangan pa na maghintay nang matagal dahil mabilis ang pag-accept niya na tila ba nakaabang lang siya sa monitor ng kanyang time machine. Normal lang naman ang bilis ng pagbaba ko sa kanyang time machine pero pakiramdam ko ay sobrang tagl bago ako makarating nang tuluyan doon. Parang gusto ko, sa isang iglap lang ay nandoon na agad ako. Pero ganoon pa man ay matiyaga pa rin naman ako na naghintay. Ayoko namang ipakita kay Aether na nainip ako sa pagbiyahe gayong bumaba lang naman ako sa kanilang century.
Hindi rin naman nagtagal ay nasa walk in closet na nga ako ni Aether at laking gulat ko nang pagbukas ng pinto ng time machine niya ay naabutan ko siya na nakasandal sa pader at nakahalukipkip. Mukhang kanina pa siya nakaabang sa pagdating ko. And he is still wearing his jersey uniform pero hindi ang pang-itaas dahil naka-sandong puti lang siya na inner ng kanyang school uniform. He is still wearing shoes pero halata naman na kanina pa siya nakauwi dahil mukhang nakapahinga naman na siya. Hindi na lang muna siguro siya nag-abala para magpalit man lang ng damit niyang pambahay.
Mukha rin namang pagkataboy ko sa kanya kanina ay dumiretso uwi na siya dahil nga may usapan na rin naman kami na rito sa kwarto na lang niya kami magkikita. Tumingin si Aether sa suot niya na wrist watch at napakibit balikat siya na tila sinasabing hindi na masama ang naging oras ng dating ko at ang paghihintay niya.
"Tara na?" yaya niya sa akin at tumango naman ako. Naglakad na si Aether palabas ng closet kaya sumunod na ako sa kanya. Pagdating naman namin sa kanyang kwarto ay wala namang nagbago. Of course, kailan lang ba ako huling nakapunta rito? Oh, right, kahapon lang. Kaya anong bago pa ba ang dapat ko na i-expect?
"Tungkol sa pag-uusapan natin..." sabi ko kay Aether nang maupo siya sa kanyang gaming chair but he raises his right arm para patigilin ako sa pagsasalita. Agad naman iyong kinakunot ng noo ko dahil sa pagtatakha kung bakit ayaw niya akong pagsalitain gayong iyon naman ang pinunta ko rito. Naiwan tuloy akong nakatayo sa kanyang likuran. Mas lalo ko pang kinatakha nang makita na may ginagawa siya sa kanyang desktop. Magandang klase naman mga desktop niya pero mga old model. Well, siguro sa panahon na 'to ay advance ang mga ito pero sa panahon namin ay luma na ang ganitong mga disenyo.
Hindi naman lumang-luma dahil holographic na rin ang keyboard na ginagamit niya. At sa pagkakaalam ko ay hindi pa uso sa panahing ito ang ganoon kaya advanced na ang station na 'to ni Aether. Of couse, he is a weigand. Pero marami na kasing bagong labas na computer sa panahon namin ngayon na mas innovated. Pero hindi pa rin naman mawawala ang paghanga ko kay Aether sa bagay na 'to. He truly deserves to be a weigand...well, deserve in a positive way.
"So, what now, Aether?" tanong ko sa kanya nang magsimula na siyang pumindot sa kanyang computer. Mukhang nakalimutan na ni Aether na may bisita siya at uunahin pa niya ang pag-aaral. Mukhang kailangan ko yatang ipaalala sa kanya na iniiwasan ko siya kaya hindi na ako dapat pa na magtagal dito. "Aether?" Sinadya ko nang ipahalata sa kanya ang pagkainip sa tono ko. Kaya iniikot niya ang kanyang upuan paharap sa akin at tiningala ako. Humalukipkip ako sa kanya at binabaan ko siya ng tingin. Tinaasan ko siya ng kilay para sabihin na naiiinip na ako.
"We will get there, Keitlyn. But for now, may ipapakita muna ako sa iyo," sabi niya pero hindi pa rin ako kumbinsido dahil iyon lang naman ang sinabi niya sa akin. Hindi ako papayag na unahin niya ang ibang bagay hangga't hindi ko iyon nalalaman at hangga't hindi ko masasabi kung mas mahalaga ba 'yang ipapakita niya sa akin kaysa sa dapat kong sabihin at ipaliwanag sa kanya.
"And what was that? Mas mahalaga ba yan sa sasabihin ko sa iyo? Baka magsayang lang tayo ng oras dyan sa gusto mong sabihin, Aether." Hindi naman natinag si Aether at hindi nawala ang kagustuhan niya na masabi na sa akin ang lahat ng gusto niyang sabihin. He could at least give a hint kung tungkol saan ba talaga ang gusto niyang ipakita sa akin. Nang sa gayon ay makapag-decide na rin ako kung worth it ba na unahin namin 'yon kaysa sa plano ko sana na sabihin sa kanya.
"Alam ko naman na mahalaga ang gusto mong sabihin, Keitlyn. Pero mahalaga rin kasi ang isang ito. It is a matter of life and death. At nag-aalala lang ako na kung mas una kong maririnig ang tungkol sa dahilan ng pag-iwas mo sa akin ay hindi na ako magkaroon pa ng gana na sabihin ito sa iyo," sabi niya at nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Pero hindi ko naman maiwasan ang mabahala dahil sa sinabi niya na it is a matter of life and death. Kung gayon ay hindi nga iyon biro.
I gesture his computer para sabihin sa kanya na ipagpatuloy na ang kung anumang ginagawa niya kanina. Agad naman din siyang humarap doon at pumindot dahil hindi na siya nagsasayang pa ng oras. I'm trying to figure out kung ano ang maaari niyang sabihin sa akin pero hindi ako makakuha ng idea. Hanggang may binuksan siya na isang document. And to my surprise, it is a marine radar. At hindi ko alam kung saan niya ito nakuha at paano siya nagkaroon ng access dito.
The radar is just too complicated to undestand. Looks like even our technology haven't done it yet. Humakbang ako palapit sa monitor para masilip kung ano ang reaction ni Aether habang nakatingin doon. Nang makita ko naman ang mukha niya ay halata sa kanya na maging siya ay nahihirapan na basahin ang marine radar. Kung nahihirapan din pala siya, bakit siya mayroon ng ganito. Aanhin naman kaya ni Aether ang information tungkol sa mga marine activities? Hindi ko na talaga alam ang takbo ng isip ng isang ito.