Chapter 4
Keitlyn's POV
Habang nagmamadali ako sa pagpunta sa kinaroroonan ng grade 10, I saw Ginger having a cat fight with a girl around her age. What a brat!
Nang marating ko ang building ay pinagmasdan ko iyong maigi upang makita kung alin sa mga classroom ang maaaring nasusunog. Hanggang sa madako ang paningin ko sa classroom na may kaunting lumalabas na usok. Lumapit ako papunta roon sakay pa rin ng aking scooter.
Nakita kong palapit ang lalaking nagsunog ng bag kanina sakay rin ng kanyang scooter. Nakangisi siya sa akin.
"Where's the key?" tanong ko ngunit mas lalong lumaki ang ngisi niya. Kibit-balikat lang ang isinagot niya at lumipad na papalayo na tila ba sigurado na siyang napagtagumpayan niya ang kanyang mission na hindi makakalabas ang mga estudyante. "Dammit!" Napamura na lang ako nang makita kung saan siya papunta.
Pinatay niya ang alarm at kumaway pa sa akin. Sino ang puwedeng maghawak ng susi? Most hated weigand? Sino? Bumalik ako sa classroom namin para makasagap ng impormasyon sa kung sino ang most hated weigand. Katatapak ko pa lang sa corridor ay naabutan ko na agad si Aether at Ginger na magkausap.
Nagtatawanan sila. The hell? Namo-mroblema ako rito tapos sila, patawa-tawa lang? Pero ano nga bang pakialam ko sa kanila at anong pakialam nila sa mission ko. Alangang mamroblema sila nang dahil lang sa mission ko. Pero kung makipagtawanan kasi 'tong si Ginger ay parang hindi siya kagagaling sa cat fight.
Bigla akong napaisip. Tiningnan ko si Ginger mula ulo hanggang paa. Inalala ko ang mga pagkakataon na nakikita ko siyang nakikipag-away sa kapwa niya Weigand kahit pa ahead sa kanya. Marami nang nagrereklamo sa kanya. Sa kamalditahan niya. And then I realized...
Could she be the most hated Weigand?
Mabilis akong lumapit sa kanila. Si Aether ang unang nakakita sa akin dahil nakatalikod si Ginger. Aether smiled at me pero hindi ko siya pinansin. Hinaklit ko ang braso ni Ginger at napanganga siya sa gulat.
"What the hell is your problem?" inis na sabi niya nang harapin ako. Maging si Aether ay nabigla sa ginawa ko. 'Wag na niyang tangkain na mangialam pa!
"Where's the key?" tanong ko sa kanya at umismid siya. She just jerk my hand off at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Aether. Muli akong nakaramdam ng inis kaya muli kong hinaklit ang braso niya.
"Ano ba?" Hindi na siya nakapagpigil pa at tinulak niya ako sa balikat.
"Girls, chill!" singit ni Aether at tiningnan ko siya nang masama.
"Ano bang problema mo, Keitlyn? Kanina ka pa, ah?" galit na tanong ni Ginger. Kung kanina ay cool niya lang akong hinarap dahil kay Aether, pero ngayon ay hindi na siya nagpapanggap.
"'Yung susi! I need it now!" sabi ko. Muli siyang umismid at nilingon si Aether. Ngumiti siya rito.
"I'll see you later, may naligaw na baliw, e!" sabi niya at nakangising bumaling sa akin. Lumipad siya gamit ang kanyang rollerblade.
"Ginger!" tawag ko sa kanya. Susundan ko na sana siya pero hinawakan ako ni Aether sa braso.
"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong niya. Wala na akong panahon pa para sagutin siya kaya tinalikuran ko na si Aether para sundan si Ginger. "Keitlyn!" Narinig ko pa ang pahabol niyang tawag sa akin.
Mas binilisan ko pa ang paghabol kay Ginger hanggang sa makarating kami sa building ng senior division. Bumaba agad ako sa scooter ko at nahirapan ako sa paghabol kay Ginger dahil nagro-roller blade siya. At hindi ko rin kabisado ang pasikut-sikot sa hallway nito kaya hindi ko siya inaalis sa paningin ko.
Nang mapadpad siya sa kumpol ng mga estudyante ay saka lang siya bumagal. Ako naman ay inararo ko ang mga estudyanteng nakaharang sa daraanan ko. Ilang mura at reklamo ang narinig ko ngunit hindi ko na pinansin pa.
"Ginger!" tawag ko nang mahawakan ko siya sa balikat. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at isinandal sa pader ng isang classroom.
"Wala kang mapapala sa akin, Keitlyn! Hinding-hindi ko ibibigay sa iyo ang susi!" ubos pasensyang sabi niya. So, I'm right! She's the most hated weigand. At hindi na ako magtatakha kung bakit.
Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya. At handa akong durugin ang buto niya. Napasulyap si Ginger sa may balikat ko, sa likuran ko siguro. Bigla na lang siyang nagmukhang maamong tupa.
"Ibibigay ko naman sa'yo, e. Hindi mo ako kailangang saktan!" mangiyak-ngiyak niyang sambit.
"Keitlyn!" Narinig ko ang boses ni Emerald mula sa likuran ko hanggang sa marating nila ang aking gilid. Kasama niya si Aether. Nagpasama marahil 'to kay Em dahil sa eksena kanina sa building namin. Pakialamero talaga!
"Nasaan?" Marahas ko ulit na hinawakan ang braso niya. Ngumiwi siya sa sakit.
"Keitlyn!" suway ni Aether pero hindi ko pinansin. Dumukot si Ginger sa bulsa niya at iniabot sa akin ang susi.
"Ayan na! Huwag mo lang akong saktan. Aether..." Nilingon niya si Aether para humingi ng tulong. Napalingon ako rito at nakatingin siya sa akin. I see disappointment in him nang bumaba ang tingin niya sa braso ni Ginger na hawak ko pa rin at namumula na. Napaluwag ang kapit ko roon. A part of me wants to explain to him. But a part of says I don't have to. Binitiwan ko si Ginger at kinuha ang susi sa mga kamay niya.
Walang sabi ay tinalikuran ko na sila at mabilis na lumipad papunta sa nasusunog na classroom. Mabilis kong in-unlock ang padlock at tumambad sa akin ang mga estudyanteng kinakapos na ng hininga. Tinulungan ko silang makalabas at pinatay ang apoy gamit ang fire extinguisher. Maliit lang ang apoy at madaling apulahin. Wala talaga sigurong balak ang Weigand na sunugin ito. Part of the mission lang talaga. Ngunit ang pagkaka-suffocate ng mga nakulong na estudyante ay totoo. At doon walang pakialam ang Weigand.
Nang masiguro na ayos na ang mga estudyante ay bumalik na ako sa building namin. Nagulat ako nang makita si Aether sa labas ng classroom namin. Nakapamulsa ang magkabila niyang kamay at nakasandal sa pader. Should I explain everything to him?
No.
Naglakad ako na tila hindi siya nakikita. Lalagpasan ko sana siya kaya lang nang marating ko ang tapat niya ay pinigilan niya ako sa braso.
"I don't like what you did on Ginger," kalmado pero seryoso niyang sabi. Binawi ko ang braso ko pero hindi niya binitiwan. Nilingon ko siya.
"She deserves it!" I protested. Kung nagmatigas pa siya, baka nahuli ako ng dating. Baka kung ano pang nangyari sa mga estudyante dahil sa suffocation. Though I know na kaya lang ibinigay ni Ginger ang susi sa akin ay dahil alam niya na paparating sina Aether.
"She's just a kid, Keitlyn!" Pagpupumilit niya.
"Kid? Don't be gullible, Aether. Walang bata rito sa Weigand! Walang inosente. Lahat ng nakakasalamuha mo, tuso! Kung gusto mong tumagal sa eskuwelahang 'to, maglaro ka nang marumi. Maglaro ka nang marumi kung gusto mong manatiling buhay!" Nabilga siya sinabi ko.
"Manatiling buhay?" Marahan kong binawi ang braso ko sa kanya at pumasok na ako sa aming classroom.
Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng oras at narinig ko na lang ang buzzer na dismissal na. Agad akong tumayo at dumiretso na sa labas. Hindi ko na pinag-aksayahan pa ng oras na lingunin si Aether. Galit ako sa kanya.
Bakit? Hindi ko alam. Naiinis ako kasi mas kinampihan niya si Ginger. Alam ko naman na wala siyang alam at inosente ang tingin niya sa batang iyon pero naiinis ako kasi parang ang bilis niyang magtiwala. Bagay na hindi dapat. Kapipindot ko pa lang sa smart key ko ay napataas na ang kilay ko nang makita si Ginger na nagro-rollerblade sa ere. Nang marating niya ang corridor na kinaroroonan ko ay ako naman ang sumakay sa aking scooter ko. Tinanguan lang ako ni Ginger na tila walang nangyari.
"Sorry, kanina ka pa?" hinihingal na tanong ni Aether. Sinimulan ko nang paandarin ang aking scooter.
"Kadarating ko lang, tara?" Ang huli kong narinig mula kay Ginger hanggang sa tuluyan na akong nakalayo.
That's fine. Bata lang ang tingin sa kanya ni Aether. Umuwi na ako sa condo ko.
"Betty?" tawag ko nang maibagsak ko ang aking sarili kama ko. Naghintay ako ng ilang sandali ngunit walang Betty na dumating. Napabangon ako at lumabas ng aking kuwarto. "Betty?" tawag ko ulit. Naabutan ko si Betty na nasa kusina.
"Again?" Napapikit na lang ako nang ma-realize na nag-overheat na naman ang robot ko. Binuhat ko si Betty para dalhin sa aking kuwarto at doon ayusin. Pagkapasok ko pa lang sa aking kuwarto ay narinig ko na ang notification ng time machine ko. May nais na namang pumasok. Nilapag ko si Betty at pumasok muna ako sa closet ko para i-decline ang request.
Ngunit nagulat ako nang mabasa ang nakarehistrong pangalan sa computer.
'Aether Alonzo, from 21st century wants to enter your portal.'
Hindi ko magawang tuluyan na i-decline ang request niya kaya nang ginawa ko, nanginig pa ang kamay ko. What the hell is wrong with my hand? Lalabas na sana ako para balikan ang pag-aayos kay Betty nang tumunog muli ang computer.
'Aether Alonzo, from 21st century wants to enter your portal.'
Ano bang kailangan ng nerd na 'to? Sa unang pagkakataon ay nagamit ko ang accept button at ilang sandali lang ay iniluwa ng portal ko si Aether.
"Anong kailangan mo?" Agad ay bungad ko sa kanya. "Hindi ba't magkasama kayo ni Ginger?" I asked.
"Dumiretso kami sa robotics lab kaya lang ay sarado. So I said, bukas na lang. Kaya lang gusto ko nang matapos ang sasakyan ko. Can you help me?" tanong niya.
"Bakit kita tutulungan? Parang hindi mo 'ko inaway kanina, ah?" sabi ko at napakunot ang noo niya. Gusto kong kagalitan ang sarili ko dahil parang ang immature ng tono ko.
"Inaway? Was it about Ginger? Ayoko lang na manakit ka ng ibang weigand, Keitlyn." Inirapan ko siya at lumabas na ako ng closet ko. Sumunod siya sa akin at nilibot ng tingin ang kabuuan ng kuwarto ko.
"Ilapag mo 'yung skateboard mo riyan," utos ko sa kanya dahil uunahin ko na munang ayusin si Betty. Itinuro ko ang couch at naupo siya roon. Lumuhod na ako para simulang kumpunihin si Betty.
"Anong sira?" tanong niya habang pinapanood ako.
"Overheat," sagot ko. Si Betty lang kasi ang naiiwan dito kaya sa kanya ko inaasa ang lahat. Pinagpatuloy ko ang pagkumpuni kay Betty. Habang tumatagal ay nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa labis na paninitig ni Aether sa ginagawa ko. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko. Mabuti na lang at nasa kontrol ko pa rin ang mga kamay ko at nagagawa ko na hindi manginig.
Nagkunwari akong may kinakalikot sa isang parte ni Betty para mapapihit ako at mapatalikod sa kanya. Naging normal lang ulit ang pakiramdam ko nang hindi ko na siya kaharap. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil namalayan ko na lang na lumuhod siya sa tapat ko para tingnan din si Betty.
"Tutulungan na kit—" Mabilis akong napatayo dahil sa gulat. Nabigla rin siya sa reaksyon ko kaya napabalik siya sa pagkakatayo.
"Why?" tanong niya.
"Wala... Ano... Hmm... Kasi..." Napasulyap ako sa skateboard niya kaya dinampot ko iyon. "Unahin na muna natin 'tong sasakyan mo!" sabi ko at wala sa sariling sinipat ang mga kulang sa skateboard niya.
"Keitlyn..." tawag niya sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. Kunot na kunot ang noo niya at salubong na salubong ang kilay.
"B-bakit?" tanong ko.
"You're acting weird," sabi niya at nasapo ko ang noo ko. Tumikhim ako upang ibalik ang aking composure.
"Halos tapos na rin naman 'tong sasakyan mo. Design na lang ang kulang. May naisip ka na bang disenyo rito?" tanong ko at tumango siya.
"Kaya lang nasa bahay ang gagamitin kong design diyan. Halika sa bahay?" Halos magbara ang lalamunan ko dahil sa pagyayaya niya sa akin sa bahay nila. I mean nakapunta naman na ako bahay nila. Pero kasama ko noon si Emerald.
"Bahay ninyo?" tanong ko. He wrinkled his forehead more than it already is.
"Oo. Ayaw mo bang pumunta ng twenty-first century?" tanong niya kaya kinalma ko ang sarili ko.
"G-gusto," sabi ko at ngumiti siya.
"Tara!" Hinila niya ako papasok sa closet ko. He swipes his access card in my computer. Habang pababa kami sa portal niya ay sinulyapan niya ako at nginitian. Ngumiti lang ako ng tipid at napayuko. Nabaling ang tingin ko sa kamay niyang nakakapit pa rin sa aking wrist. Muli ko siyang tiningala at nasa harap na ang kanyang tingin. This is just his normal gesture pero iba na ang epekto sa akin.
His normal gesture? Nabalik ang tingin ko sa kamay niyang nakakapit sa akin at na-realize kong nanginginig pala siya.
Nang marating namin ang kuwarto niya ay inilabas niya ang mga gamit niya pang-design sa skateboard at inilapag sa kama niya. Pinaupo niya ako roon. Narinig namin ang ring sa laptop niya kaya iniwan niya ako saglit upang tingnan kung sino ang makikipag-video call sa kanya na nasa kanyang study table. Pinanood ko ang bawat galaw niya.
Sumilay agad ang ngiti niya nang mabasa kung sino ang kokonekta sa kanya. Pumindot siya sa laptop niya at mas lalong lumapad ang ngiti nang nag-appear na marahil ang kausap.
"Hey, Phoebe..." bati niya rito at naghila pa ng upuan upang maayos na makausap ang kausap niya na nagngangalang Phoebe. Napayuko na lang ako at inabala ang sarili sa mga gamit niyang pan-disenyo.
-