Chapter 3

2095 Words
Chapter 3 Keitlyn's POV Pabagsak akong nahiga sa aking kama pagkalabas ko pa lang ng closet ko. "Betty!" tawag ko sa robot ko at narinig ko na ang tunog ng kanyang paang de gulong. "Meryenda, please!" sabi ko nang makalapit siya sa akin at agad ding umalis nang sabihin ko ang gusto ko. Napatulala ako sa aking kisami. Hanggang sa mayamaya ay dumapa ako. Ilang segundo lang ay tumihaya akong muli at kasami muli ang hinarap. Narinig ko ang notification ng time machine ko. Notification iyon na may nais pumasok sa portal. Bumangon ako sa kama ko at sinilip sa computer. ‘Batuk, from 16th century wants to enter your portal. Accept | Decline’ I tapped the ‘Decline’ at bumalik na sa kama ko. Asa naman siyang papapasukin ko siya. Like what I've said, hindi ako nagtitiwala sa ibang mga weigand na taga-ibang century. "My God!" Inis akong bumangon ulit at ginulo ang buhok ko. Sakto namang nasa harapan ko na si Betty na may dala-dalang meryenda ko. "Pakilagay na lang diyan, Betty! Babalik ako." Tumayo ako at binuksan ang sliding door ng balcony ng unit ko at pumindot sa aking smart key. I hop in my scooter at lumipad papunta kila Emerald. Nang marating ko ang balcony ng kanyang kuwarto ay tumalon agad ako. Sinilip ko siya sa glass door. Nakahawi ang kurtina kaya nakita ko siyang naglalaro sa kanyang computer. Kumatok ako na agad niyang narinig. Nilingon niya ako at ngumiti. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinatuloy. "Boring..." sabi ko agad nang maupo ako sa kama niya. "Tapusin ko lang ’tong isang game. Then we'll go to Creight's house!" sabi niya at hinarap na ang kanyang computer. "Bakit? Anong gagawin natin do’n?" I asked. "Nando’n ang ibang Weigands." "Pati taga-ibang century?" I asked at tumango siya. "Pinapasok ni Creight, e! They will play football," sambit ni Em. Creight is so unbelievable. He keeps on inviting other weigands. Mamaya ay may binabalak na pala iyong mga ’yon dito sa century namin, e! Hinintay kong matapos si Emerald sa larong nilalaro niya at nagpunta nga kami kina Creight. Nandoon na nga sila kabilang na si Batuk. "Why did you not let me in?" matigas na ingles niyang sabi, walang bakas ng pagiging taga-16th century niya. "Kahit na kailan ay hindi pa ako nagpapasok ng ibang weigand sa portal ko," sabi ko at matalim niya akong tinitigan. Makapangyarihan siya kung makatingin, hindi maipagkakailang nakatakda siyang maging isang datu ng isa sa pinakamalaking banwa. "Let's start?" tanong ni Creight. Tumayo na siya at maging ang ibang weigand ay naglakad na papunta sa malawak na football field. Apat lamang kaming manonood. Ako, si Em at ’yung dalawang babaeng taga-21st century. I wonder what's happening on Aether and Ginger now. Natuloy kaya sila? Napanguso ako at tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ni Emerald. "Boring, e. Uwi muna ako," paalam ko. Nagpaiwan si Emerald dahil kagagaling lang nina ni Creight sa away at ayaw niya munang sundan ang naging away nila. Nang makarating ako sa condo ay kinain ko ang inihandang meryenda ni Betty. It was one boring day kaya mas minabuti kong matulog na lang. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil na rin sa aga ng tulog ko kagabi. Maaga akong pumasok. Nang naglalakad na ako papunta sa aming building ay naalala ko si Aether. Hindi nga pala siya makakaakyat dahil wala pa siyang sasakyan. I get my smart key at pumindot. Naupo ako sa tuntungan ng scooter ko at pinaangat iyon nang kaunti. Hihintayin ko na lang siya saglit. That's what I did. Ilang minuto na rin akong naghihintay kay Aether. Ilang weigands na rin ang tinanguan ko nang makitang nakatambay lang ako rito. "May hinihintay ka?" tanong ni Gregorio mula sa 19th century. "Wala. Tambay lang," sabi ko at tumango siya. Saka lumipad papunta sa floor niya sakay ng kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nasabi na hinihintay ko ang new kid. Wala pa rin si Emerald kaya paniguradong nauna na iyon sa akin. Mahilig kasi siyang magbasa ng mga orihinal na libro na makikita sa library nitong Weigand. Kaya marahil ay naroon na siya at nagbabasa. Narinig ko na ang buzzer, hudyat na kinakailangang pumasok na ang mga estudyante sa kanilang classroom dahil limang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Habang ang ibang estudyante ay nagmamadali sakay ng kani-kanilang sasakyan, ako ay paupo-upo pa rin. Nakapatong ang magkabila kong siko sa aking tuhod at nakapangalumbaba na nakatanaw sa nakahilerang portals. Nasaan na ba ang nerd na ’yon? Napatingala ako sa mga locker vault. Ang ibang mga vault ay kulay pula na. Nagsimula na silang mag-send ng mga missions. Nasaan kaya ang vault ni Aether diyan? Pula na rin kaya? Sampong minuto matapos magsimula ang klase ay saka ko lang napagdesisyunang pumasok na. Tumayo na ako sa scooter ko at pinalipad. Pagpasok ko pa lang sa classroom ay nahinto agad ang pagtuturo ng aming lecturer. "Miss Keitlyn Santibañez, you're late!" puna nito sa akin. I know that fact at hindi na niya kailangan pa na ipaalala sa akin. "Pasensya na," sabi ko lang. Our hologram lecturer gesture me to go to my seat. So I did. Pagkaupo ko pa lang ay naningkit agad ang mga mata ni Emerald sa akin. "Hinintay mo ang newbie, ’no?" tanong niya. "Hindi ’no. Tss..." I defend at mahinang bumuntong hininga. Nang matapos ang unang klase namin ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Napa-dalawang lingon pa ako nang makita si Aether. He looks... different without his thick eyeglasses. Nakangiti siya sa akin. "Bakit ka late?" tanong niya. I really want to punch him hard. Like real hard. Like punch him to death real hard. "Tinanghali ng gising," pikon na sabi ko. "Paano ka... nakaakyat dito?" nag-aalangan kong tanong. Baka mahalata niya na hinintay ko nga siya. "Ah, inihatid ako ni Ginger. Napag-usapan kasi namin kahapon na tutulungan niya ako sa flying vehicle ko kaya maaga kaming pumasok para pumunta sa robotics laboratory nitong school," sabi niya. "Oh, I see." Marahan akong tumango. "Naghintay ka ba sa akin?" seryosong tanong niya na diretso pang nakatingin sa aking mga mata na tila ba binabasa niya ako gayong kakikilala lang namin. Ngumiti ako at umiling. "Tinanghali ako ng gising," sabi kong muli at binuklat ko na ang laptop sa harapan ko. Bigla akong kinabahan nang nanatili sa akin ang mga mata niya habang tumitipa ako ng kung anu-ano. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tumayo na siya at bumalik sa upuan niya sa may likuran. Gusto ko siya. Gustong-gusto ko talaga siya! Oo! Gustong-gusto ko siyang bigwasan! Saktan. Pahirapan. Tirisin. Durugin nang pinong-pino. How can he be so rude at itinanong pa kung bakit ako na-late? Talaga ka namang nerd ka! Okay, hindi na siya nerd looking dahil improving ang hitsura niya. Nilingon ko si Aether sa likuran at nakita kong nakatingin siya sa akin. Kumaway siya pero umismid ako at ibinalik ang tingin sa laptop sa harapan ko. Lumipas ang morning classes at lumabas na kami ni Emerald. "Keitlyn!" Napapikit ako nang marinig ang boses ni Aether. Kunot noo ko siyang nilingon. "What?" "Hindi mo ako isasabay?" he asks and I scoff. "Ginger?" taas kilay kong tanong. "Hindi naman natin siya ka-division. Nakakahiyang magpasundo," sabi niya. Napairap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Kailan mo matatapos ang sasakyan mo?" tanong ko. "Bukas siguro tapos na. Didiretso ako mamaya sa robotics lab para tapusin," sabi niya. I press on my smart key at sumakay sa scooter. Sumakay na rin si Aether at pumwesto sa aking likuran. Hindi na siya nag-alangan na humawak sa aking baywang. Feeling close na yata ang isang ’to? Hinayaan ko na lang. Kalilipad pa lang ng aking sasakyan ay napahinto ako sa ere. Nakita ko ang locker ko na kulay pula na. My first mission this school year. Ibinaba ko lang si Aether at sinabihan na mauna na siya sa cafeteria. Kasabay na niya si Emerald na naglalakad. Pinalipad ko ang aking scooter papunta sa locker ko. I entered my code at binuksan ito. Binasa ko agad sa screen ang mission ko at easy mission lang ito. — “A room will burn! 15 students will be trapped. Find the key! It's in the most hated weigand!” — Isinarado ko ang locker ko at tinanaw ang bawat building dito sa Weigand. Which room? Anong kuwarto ang masusunog? Saan ko hahanapin ang susi? Who's the most hated weigand? God! I don't hate anyone here kaya hindi ko iyon malalaman. If I'd ask them one by one, it would take much time. Nagpunta ako ng cafeteria para kumain na muna. Ngunit bawat pagsubo ko ay ang mission ko ang naaalala ko. Walang specific time kung anong oras masusunog ang classroom ngunit kailangan kong makuha ang susi bago pa man magsimula ang sunog. Napansin ko ang lalaki sa kabilang table na kanina pa tumitingin dito sa table namin. Nang lingunin ko siya ay kay Aether ito nakatingin. "Be alert, Aether. You are probably someone's mission," pa-simple kong sabi sa kanya kaya umayos siya ng upo. This is the reason why I don't trust anyone. While you're doing your own mission, you're someone's mission, too. Hindi lang isip kung paano mo magagawa ang mission mo ang kailangan dito, kailangan ay malakas ka ring makaramdam. Simula nang sabihin ko iyon kay Aether ay naging handa na siya. He became attentive and observant sa paligid. Mukha siyang mahina, ngunit may aura siya na mukha namang kaya niyang protektahan ang sarili niya. Parang may mga bagay siyang pinagdaanan. Na hindi na bago sa kanya ang ganitong sitwasyon. Natapos ang tanghalian namin at bumalik na kami sa aming mga classroom. Ilang oras matapos magsimula ang afternoon class ay tumunog ang alarm. "s**t!" Napatayo ako. Siguradong iyon na ’yung sunog. Napalabas ang lahat ng estudyante at pagdungaw pa lang namin sa baba ay ang nasusunog na bag lang ang nandoon. Sensitive ang Weigand when it comes to smoke. Masayaran lang ng kaunting usok ang smoke detector ay tutunog na ang alarm. Nakahinga nang maluwag ang mga estudyante nang mapag-alaman na isang bag lang ang nasusunog sa quadrangle. Nagsimula na ring pumasok ang mga estudyante na nasa hallway at corridor. Pabalik na rin sana ako sa classroom namin nang mahagip ng paningin ko ang isang estudyanteng nasa baba. May ilan kasing estudyante ang bumaba roon. Napakunot ang noo ko nang makita ang hawak niyang lighter. Hindi ko na inalis pa ang tingin ko sa kanya. Obviously, siya ang may kagagawan ng pagsunog sa bag na ’yan. Hanggang sa tuluyang maabo ang bag at mawala na ang usok na nagmumula roon. Hinintay ko ang pagtigil ng alarm ngunit hindi ito nahihinto. Wala nang usok, ah? "Sh*t!" mahinang bulong ko nang may ma-realize ako. Hindi lang ang bag na ’yon ang nasusunog. Hindi lang ang usok no’n ang na-detect ng smoke detector. Bigla kong naalala ang mission ko. Muli kong tiningnan ang lalaki. And I know to myself na kabaligtaran ng mission ko ang mission niya. And his mission can make my mission fail. Either his mission is don't let the students out, or let the classroom be burnt. And he burned the bag para akalain na simpleng sunog lang iyon at walang mas malaki pa. Para ma-divert doon ang attention ng weigand na kasalungat ng kanyang mission—ang attention ko. And he succeed in that part. I get my smart key at pumindot. Sumakay ako sa scooter ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking may hawak na lighter. Nang tingnan niya ako ay siguradong alam na niya na that we're the one having opposite missions. Minsan, here in Weigand, sa bawat successful mission, may failed mission. Kung magtatagumpay ako, papalpak siya. And vice versa. At kailangan kong mahanap ang susi. Tinanaw kong muli ang bawat building dito sa Weigand. Matatagalan ako kung iisa-isahin kong tingnan dahil wala namang pagpa-panic sa mga estudyante at mga nasa classrooms na nila sila dahil nga inakala nila na bag lang ang nasusunog. Malalaman lang nila na may nasusunog kapag lumaki na ang apoy. At hindi naman puwedeng hayaan ko na lang na lumaki pa iyon dahil may mga estudyanteng nasa loob. Kung isang normal na sunog lang ito, ipagbibigay alam ko agad ito sa lahat. But this is a mission at bawal humingi ng tulong. I get my tablet at tiningnan sa website kung saang klase ang may fifteen students. At ang nakita ko sa list ay ang classroom ng Grade 10. Mabilis kong pinalipad ang scooter ko papunta sa building kung nasaan ang classroom na ’yon. Sana lang ay hindi pa ako huli. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD