Chapter 5

2057 Words
Chapter 5 Keitlyn's POV May ilang minuto na rin silang magkausap sa harap ng laptop at naririndi ako sa tuwing tumatawa nang malakas si Aether. Gusto kong marinig ang sinasabi ng Phoebe na ’yon para malaman kung bakit humaling na humaling si Aether pero naka-headset siya. Inabala ko na lang ulit ang sarili ko sa pagpili ng magandang design. Naghanap ako ng cutter sa gamit ni Aether. "Ah!" I squealed nang maramdaman ang hapdi sa aking daliri. Titingnan ko pa lang ang hiwa sa aking daliri ngunit hawak na ni Aether ang kamay ko. "What the hell, Keitlyn?" puno ng pag-aalala niyang sabi sa daliri ko na dumudugo. Napanguso ako kaya hinila niya ako sa may cabinet at kumuha ng first aid kit. Ipinatong niya iyon sa gilid ng laptop. He unplugged the headset at naka-speaker na ngayon ang kausap niya. Nakita ko ang pamimilog ng mata ng babaeng kausap niya nang makita niya ako. Narito kasi kami ni Aether sa tapat ng laptop niya. Napayuko ako at hindi matingnan si Phoebe. Baka mag-away sila. Mukhang girlfriend niya itong si Phoebe, e. Maganda siya kaya imposibleng hindi siya magustuhan ni Aether. "’Ther!" gulat na sabi ni Phoebe nang sa wakas ay maka-recover sa biglaan kong pagsulpot. "Give me a second, Phoebe," sabi niya rito at napahalakhak si Phoebe kaya napatunghay ako sa kanya. Kitang-kita ang pagka-aliw sa mukha niya. "This is gonna be so exciting." Muli siyang humalakhak. "Eros should see this!" Excited niyang pina-ring ang account na ‘Eros Fuentes’ para sa three-way video call. Tiningnan ko naman si Aether na abala sa paglilinis sa sugat ko. Naiilang ako sa tingin ni Phoebe. Nakapangalumbaba siya sa mesa niya at hindi naaalis ang ngisi niyang nakatunghay sa amin. Biglang nag-appear sa screen ang isa pang lalaki. Nasa kama ito at halatang bagong gising. "I should logoff my account while I'm sleeping," a guy in a raspy voice said. Mukhang naiinis sa istorbong tawag. Matapos niyang magkusot ng mata ay humarap na siya sa screen. Noong una ay antok na antok ang mga mata niya. Hanggang sa madako ang paningin niya sa akin at napabangon siya. Tila nagising ang kanyang diwa. Humalakhak muli si Phoebe sa reaksyon ng lalaking iyon. "I know what you're thinking, Eros," sabi ni Aether nang hindi sila nililingon. Nang maiikot niya ang bandaid sa daliri ko ay binitiwan niya ako at hinarap ang dalawa sa laptop. Napakamot si Aether sa batok dahil mukhang naghihintay ng paliwanag ang dalawa. "The hell is this, Aether?" tanong ng lalaki na tinatawag nila na Eros. Sinulyapan ako ni Aether at napanguso. Hinawakan niya ako sa braso at pinaupo sa harap ng laptop, doon sa kanina niyang inuupuan. Nakatayo siya sa likuran ko. "Si Keitlyn, classmate ko." Sabay na naningkit ang mga mata nila. Halatang hindi kumbinsido. "Uh, hi?" sambit ko dahil ang bastos ko naman kung hindi ko sila babatiin. Hindi ko rin naman kasi akalain na ipapakilala ako ni Aether sa mga kausap niyang ito. "Hi, Keitlyn!" Abot tainga ang ngiti na bati sa akin ni Phoebe. Uh, hindi ba siya galit na kasama ko ang boyfriend niya? "Uh, may inaayos lang kami ng boyfriend mo..." Napakagat ako sa labi ko at itinuro ang likuran ko. Napahagalpak ng tawa si Eros. And I think I know why. I sounded so defensive. "Hindi niya girlfriend si Phoebe," sabi nito. I heave a sigh of relief mentally. What was that for, Keitlyn? "Kung gayon, ikaw ang boyfriend niya?" Muling humalakhak si Eros at umiling. "Hindi rin. Walang boyfriend si Phoebe sa Earth!" Napakunot ang noo ko. Walang boyfriend sa Earth? Naiiling na ngumiti si Phoebe at tumingin sa amin. "Ano, ’Ther? ’Ros? Can you come over? Bring Keitlyn," paanyaya niya. Iyon siguro ang pinag-uusapan nila kanina ni Aether. Nilingon ko si Aether at tiningala. Tumango siya at pagtingin ko kay Eros ay tumatango rin siya. Nang matapos ang kanilang usapan ay sinabi niyang pupunta kami kina Phoebe. It's June 13 and it's someone's birthday daw kasi. Hindi naman nabanggit ni Aether ang pangalan. Hindi naman daw ganoon kalayo ang condo ni Phoebe. Sabi ni Aether ay taga-Makati raw talaga ito pero sa condo niya sa Rhapsody ito tumutuloy dahil mas malapit ito sa Terra. Nag-aasikaso siya for enrollment. Next week daw ang pasukan ng Terra. Nasabi niya rin na si Eros naman ay aalis din ng Alabang at lilipat ng city. Nag-park si Aether sa carpark ng isang matayog at mukhang mamahalin na condominium building. Habang nagla-log kami ay may bumati kay Aether. "Oh, Eros!" bati niya rin. Nag-log din si Eros at pinapasok na kami ng guard. Sa 10th floor kami dumiretso. Nag-doorbell si Eros at agad na bumukas ang pinto. "Pasok kayo..." Pinatuloy kami ni Phoebe at nginitian ako. Habang nagku-kuwentuhan sila ay nakita ko na para din silang si Aether. At first, nag-aalangan din sila na kausapin ako. Kung anong daldal nila kanina sa computer, siyang tipid nilang magsalita sa personal. I was the one who initiated the conversation hanggang sa maramdaman ko nang komportable na rin sila sa presence ko at nakakabiruan ko na sila. "Let the boys cook, Keitlyn. Let's go to my room," yaya sa akin ni Phoebe. "What? It's Ares birthday. Bakit kami ang magluluto? Dapat ay ikaw!" sabi ni Eros. So, ang may birthday ay nagngangalang Ares? But where is he? Baka papunta pa lang? "Ares knows I don't cook," sabi lang ni Phoebe at hinila na niya ako palabas ng kusina at pumasok sa kanyang kuwarto. Babaeng babae ang kuwarto niya. More on pink. Pumasok kami sa walk-in closet niya at may isa pang pinto roon. Pumasok kami roon. Kasing laki ito ng studio type apartment at wala ni isang gamit ang nandito. Tanging isang switch lang nakita ko. Pinindot iyon ni Phoebe at napanganga ako nang mag-shift ang kuwarto sa tila kalawakan. "Ano ’to?" manghang tanong ko. Alam kong 3D ang nakikita ko. May ganito rin ako sa kuwarto ko ngunit mga bituin lang iyon at sa ceiling lang. Pero itong kuwartong ’to, kahit ang wall at floor ay naka-3D kaya para talaga kaming nasa space. May mga planeta, comets, asteroids, moons, stars. Naupo kami at tinanaw ang tila kalawakan. "Ginawa ito ni Aether para sa akin. The moment we came back here from Eureia was the toughest part of my life. I can't go on. At ito ang naisip ni Aether para maka-cope up ako kahit papaano. Pakiramdam ko ay malapit lang ako kay Ares," sabi niya at bakas na bakas ang lungkot at pangungulila sa kanyang mga mata. Eureia? "Ares?" tanong ko. "’Yung may birthday? Boyfriend mo?" tanong ko at ngumiti siya. "No. We never got a chance to be together. I near had a chance to voice out my feelings for Ares," sabi niya. "Mukhang mahal mo nga siya," sambit ko. Iba ang glow ng kanyang mata sa tuwing binibigkas niya ang pangalan ni Ares. "Love is understatement. When he walks into my life, everything in my world became an option. He became my first choice. I would choose him over anything—anyone else in this world," sabi niya at napatitig ako sa kanya. What happened? Kitang-kita ko ang panghihinayang sa kanya. What these lovers had been through at hindi sila nagkasama?Ano pa ba ang kailangan para magkasama ang dalawang taong nagmamahalan bukod sa pagmamahal? That's all what it takes to be together, right? The love? It's their choice. I wonder what happened to them at pinili nilang magkalayo. Did they even choose it? Or they really never had a choice? If I fall in love, I would never choose to be away from him. I would never put separation in our choices. "Mas close ka sa mga lalaki?" Nagpatuloy ang usapan namin ni Phoebe dahil sa paghihintay kina Aether at Eros na matapos sa pagluluto. Kung saan-saan na rin napunta ang topic namin. "I can say that," she said with a nod. "Pero may mga naging kaibigan din naman akong babae. At ang pinakanaging malapit sa akin ay si Jairah," sabi niya at muling kumislap ang kanyang mga mata. "Hindi ba siya pupunta ngayon?" tanong ko. Marahang pag-iling lang ang isinagot niya kaya hindi ko na dinugtungan pa ang usapan namin tungkol doon. Nang pumasok ’yung dalawang lalaki ay agad kaming kumain. Pati sila ay parang ninanamnam ang paligid. "May pasok pa tayo bukas, Keitlyn. Okay lang ba sa’yo?" tanong ni Aether at tumango ako. "Oo naman." He smiles at me. Nagpatuloy siya sa pagkain at ganoon din ang ginawa ko. Alas nuebe na nang mapagdesisyunan naming magpaalam na kay Phoebe. The boys hug her at ganoon din ako. I think she really needs a hug from everyone. "Maraming salamat sa pagpunta," sabi niya nang ihatid niya kami sa lobby ng condominium. "Baka matagalan ang pagbisita ko, Phoebe. Lilipat na ako this weekend," sabi ni Eros. "Yea, I understand," sabi nito at ngumiti. "Ako rin, Phoebe. Busy na sa school. Pero dadalaw-dalawin ka pa rin namin dito, or sa Terra," Aether said pero umiling si Phoebe. "Huwag na ninyo akong alalahanin. Ayos lang ako. Well, magiging ayos din ako." Ngumiti si Phoebe at hindi ko maiwasan ang ma-curious sa kung anuman ang pinagdaraanan niya. Kumaway pa siya nang naglakad na kami sa mga nakaparadang kotse nina Aether at Eros. "Sige, dude!" Bago tuluyang lumapit sa kotse niya, Eros gave Aether a manly hug. "Ingat, pre!" sabi ni Aether kay Eros na nauna nang mag-drive. Pinagbuksan ako ni Aether ng pinto at umikot papunta sa driver's seat. Sumunod na siya sa kotse ni Eros. Sa biyahe ay nagawa naming maunahan ang kotse ni Eros. Pagdating sa north gate ay binusinahan niya si Aether bilang paalam bago lumiko. "Wala kang kasama rito?" tanong ko dahil gabi na ay wala pa ring ibang tao sa bahay nila. Akala ko ay nasa trabaho lang ang parents niya. "Wala. Nasa America si mommy. Susunod nga dapat ako roon kung hindi lang nangyari itong Weigand. Si Sheldon lang ang kasama ko rito," sabi niya at sinalubong siya ni Sheldon. "Gutom ka ba? Kanina pa tayo kumain kina Phoebe." "Busog pa ako. Kape na lang," request ko at sinabi niya kay Sheldon ang gusto ko. "Tapos na ’yung skateboard mo. Ayusin mo na lang ’yung design," sabi ko dahil habang kausap niya kanina si Phoebe sa laptop ay pinilit ko iyong tapusin. "Maraming salamat talaga." Umakyat na kami sa kuwarto niya. Naupo ako sa couch at siya naman ay sa kama niya kung saan namin iniwan kanina ang skateboard. "Ako na ang bahalang tumapos ng design habang umiinom ka ng kape. Para makauwi ka na at makapagpahinga." Saktong dating ni Sheldon at iniabot sa akin ang kape. Pinanood ko si Aether sa kama niya sa kanyang ginagawa. Habang nakatitig ako sa kanya, naalala ko ang mga sinabi ni Phoebe. "Aether," tawag ko sa kanya. "Hmm?" sagot niya lang habang nag-iikot ng turnilyo sa skateboard. "What's Eureia? Para kasing pamilyar siya," sabi ko na nakakuha sa atensyon niya. Seryoso siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Pamilyar? How? Was it discovered in twenty-second century?" tanong nito. Nasa akin ang full attention niya. Umiling ako. "Hindi. Walang Eureia sa amin. I've never heard it in our century. Baka sa iba? What is it ba?" tanong ko ulit. "It's a planet. An undiscovered planet." Pagkabanggit niya ng planet ay naalala ko na kung saan ko nabasa ang Eureia. "Totoo ang Eureia?" tanong ko at tumango siya. "Why?" "Nabasa ko lang siya noong nagkaroon ako ng mission noon sa twenty-fourth century. Pero theory pa lang siya roon. Are you familiar with Oort cloud? Twenty-fourth century pa siya ma-e-explore. They believe na may naligaw na planeta roon. Hindi lang ma-detect dahil sa blocker," sabi ko at nabigla siya. "It only means na hindi talaga makakabalik ang mga Crimson? Doon na talaga sila?" mahinang sabi niya. "Crimson?" I asked. "Sina Ares," sabi niya at tumango ako. "What about him?" I asked. Marahang umiling si Aether. "I'm sorry, Keitlyn. It's not my story to tell," sabi niya at ngumiti ako. Nakaramdam ako ng hiya dahil nagmukha akong chismosa. "I understand." Humigop ako sa hawak kong tasa ng kape. I won't push him na magkuwento. Nabanggit ni Phoebe si Ares at alam kong may something sa story nila. Nirerespeto ni Aether ang bagay na ’yon at ako rin ay nirerespeto ko ang confidentiality ng mga bagay na kanilang iniingatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD