C hapter 20

2114 Words
Chapter 20 Keitlyn's POV Hindi ko alam kung mag-aangat pa ba ako ng paningin--no, the right word is hindi ko alam kung paano mag-aangat ng tingin kay Aether. The man I was trying to stay away from ko is just standing in front of me. Pero hindi ko naman siya pwedeng hindi pansinin dahil ako lang din ang magmumukhang tanga kung magkukunwari ako na hindi siya nakikita. Alam ko sa aking sarili na kailangan ko pa ring kumilos nang normal dahil hindi dapat mahalata ni Aether na may plano akong iwasan siya. Kailangan ko siyang harapin kaya kailangan kong alisin sa sistema ko ang pagkataranta. Ito yata ang ibig sabihin ni Em sa sinabi niya kanina na kailangan kong sanayin ang sarili ko sa presensya ni Aether. Dahil kung ganito ang lagi kong magiging reaction ay hindi lang ang admin ang makakahalata ng closeness namin, sigurado ako na mahahalata rin ni Aether ang ganitong klaseng epekto niya sa akin. At ayokong pagdudahan niya ang motibo ko sa kanya dahil lang sa hindi ako mapakali kapag nandiyan siya. So I decided to calm myself. Before looking up to him, I compose myself first para naman mapagtakpan kahit papaano ang pagiging tuliro ko. Nang subukan ko nang mag-angat ng tingin sa kanya ay agad ko siyang nginitian. I just hope my smile will not look awkward in his perspective. "Aether? Need something?" I asked him casually and I want to congratulate myself for not stuttering while saying those words. But I don't want to celebrate yet dahil mukhang ilang sandali pa kaming magkakaharap at mag-uusap ni Aether. "Are you coming with Em? Her boyfriend invited me for a match sa gymnasium. When I asked him kung manonood ka ba, he just said not sure kung mapipilit ka ni Em." Napakunot ang noo ko dahil bakit pa niya kailangan na itanong kung manonood ba ako or hindi gayong alam naman niya na ang century na kinabibilangan ko ay ang century na makakalaban nila. "Anong sinabi mo kay Creight? You will play?" tanong ko sa kanya. At sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang hinihiling ko na marinig sa kanyang sagot. I want him to say no para hindi na ako makaramdam ng kakaiba habang nanonood sa laban. But I also want him to say yes dahil gusto ko sana na mapanood si Aether na maglaro mg basketball. "I said yes, sure. But with the hope na sana ay manood ka," sabi ni Aether at hindi ko naiwasan ang mapatitig sa kanya. Sinalubong naman niya ang mga titig ko kaya napakurap-kurap ako. "Why, Aether? What's the point of me watching?" tanong ko. Sandali rin namang nag-isip si Aether ng isasagot niya hanggang sa nagkibit balikat siya. "I don't know, Keitlyn. I just want to see you there." Tuluyan na nga akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Why is he like this kung kailan naman plano ko na ang iwasan siya. I don't get why he needs to see me there. Would it make any difference kung maglaro siya nang wala ako? "So, are you coming?" It's my turn to shrug at him saying I got no choice. Well, wala na rin naman talaga akong choice dahil naka-oo a ako kay Em. "I already said yes kay Em, so I guess I'm going," sabi ko at hindi naman nakaligtas sa akin at bahagya niyang pagngiti nang marinig niya ang sagot ko. "That's great, Keitlyn. So I'll see you there?" sabi niya. Tipid naman akong ngumiti at tinanguan siya. Ilang sandali lang din ay nagpaalam na si Aether. At labis kong kinatakha kung bakit hindi man lang niya nagawa na yayain ako na sumabay na sa kanya dahil iisa lang naman ang pupuntahan namin. Not that may plano akong sumabay sa kanya, kasi kung nagkataon man nga na niyaya niya ako ay hindi rin naman ako sasabay sa kanya. Nakakapagtakha lang hindi niya ako niyaya. Well, that would be a lot better na rin dahil alam ko naman na mahihirapan na naman ako sa part na tanggihan siya na sabayan ko siya. I was just curious kung bakit hindi pa siya sumabay sa akin. Oh, well, siguro ay dahil nakakahiya naman kung mga taga-twenty first century ang kakampi niya pero ako na taga-twenty second century ang kasabay niya na pupunta. Baka magka-trust issue pa sa kanya ang mga kasamahan niya. Isa rin ito sa mga magiging consequences kung magpatuloy nga ang pagkakaibigan namin ni Aether. Maaaring hindi na siya pagkatiwalaan ng mga kasamahan niya at maaari nila siyang ilaglag at ipahamak dahil isa sa mga tusong samahan ay samahan ng mga taga-twenty first century. At ayoko naman na ilagay si Aether sa ganoong klase ng sitwasyon kaya mas mabuti na nga rin ang ganito na hindi kami magkaibigan. Sa wakas ay nagawa ko rin na tumayo at naglakad na palabas ng classroom. Bakit ko pa nga ba inaasahan ang pagsabay kay Aether samantalang kaya ko naman na pumunta sa gymnasium kahit na mag-isa lang ako. Sumakay na ako sa aking scooter at tinahak ang daan papunta sa gymnasium. Nang makarating naman ako roon ay si Aether agad ang unang hinanap ng mga mata ko. But no sign of him dahil ang una kong nakita pagpasok ko ng gymnasium ay si Em. At ang tanging mga nandito ay mga kasamahan ko sa century. Wala pa maging ang mga kasamahan ni Aether at mukhang nagkita-kita muna sila sa isang lugar nang sa gayon ay sabay-sabay na silang pupunta rito. Tama nga ang hinala ko na mas gugustuhin ni Aether na sumabay sa mga kasamahan niya. And that is perfectly fine with me dahil ayoko rin naman na masira si Aether sa mga kasamahan niya dahil lang sa makikita nila na lagi kaming magkasama. Nang makumpirma ko na wala pa nga ang grupo nina Aether ay agad kong nilapitan sina Em at naupo agad ako sa tabi niya. Ang mga player namin ay isa-isa na ring nagdadatingan. "Hey, Keitlyn. Himala at manonood ka," sabi ni Xavier na ngayon ay naka-jersey uniform na. He is Creight's best friend kaya kapag kasama ko si Em at may usapan sila ni Creight ay nakakasama rin namin itong si Xavier. Xavier is a nice guy. Isa siya sa mga laging nagyayaya sa akin na manood ng mga laro nila. Lagi ko rin siyang tinatanggihan pero tulad ni Em ay wala siyang kadala-dala sa pagyayaya sa akin. Kaya ganito na lamang ang reaction niya. "Of course, you're not the one who invited her," sabi ni Creight bilang pang-aasar kay Xavier. Nagtawanan naman kami dahil doon. Pero sana ay huwag namang seryosohin ni Xavier ang birong iyon. Baka ang isipin niya ay siya lang ang tinatanggihan ko lagi. Siguro naman ay alam niya na kotang-kota na rin si Em sa mga pagtanggi ko. Pero nakita ko rin naman na sumasabay sa amin si Xavier sa pagtawa kaya alam ko na hindi niya iyon sineryoso. Natigil lang kami sa pagtawa nang makarinig kami ng dribble ng bola at napansin namin na may mga papasok na ng gymnasium. Luther is the one dribbling the ball. Nasa tabi niya si Aether na katabi rin naman si Ginger. I roll my eyes mentally nang makita ko sila na magkatabi. Hindi ba iyon sinasadya o talagang nagtabi sila. Mga naka-uniform na rin ang kanilang players na mukhang sa mga CR na nagbihis. Hindi pa rin naman tuluyang nagbibihis si Aether dahil naka-white shirt pa rin siya at ang sando niyang jersey ay nakasukbit sa balikat niya. He starts looking around na tila ay may hinahanap. Agad naman akong napayuko dahil nag-assume na naman ako na ako ang hinahanap niya. I diverted my eyes with Xavier para hindi ako makaramdam ng pagkailang kung sakali man nga na mahanap ako ni Aether at ma-focus sa akin ang paningin niya. "Goodluck," sabi ko kay Xavier at napangiti siya. This was the first time I wish him luck dahil na nga rin sa bihira lang akong makanood ng mga laro nila. At biglaan pa ito dahil ginusto ko lang makaiwas sa pakikipag-eye contact kay Aether. Nahihirapan akong pakiramdaman kung nasa akin ba ang paningin ni Aether dahil na rin sa distansya naming dalawa. Nasa pintuan pa rin kasi sila ng gymnasium habang kami naman ay nandito na sa bleachers. Maraming naging tanong si Xavier na magiliw ko namang sinagot. Dahil sa pagkalibang ko sa mga tanong niya at pakikipagkwentuhan sa kanya, kahit papaano ay nawala ang kaba ko dahil sa pagdating nina Aether. Sa gitna ng pakikipagtawanan ko kay Xavier ay naramdaman ko na lang ang pagtabi sa akin ng isang nilalang. Nang lingunin ko siya at tiningala dahil sa tangkad niya ay halos kumawala na ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito. Aether is not looking down at me. He is directly looking at Xavier. Dahil naka-side view sa akin si Aether ay hindi ko alam at hindi ko magawa na basahin kung ano ang nasa isip niya. Dahil si Xavier ang kaharap ko ay siya na lang ang nilingon ko dahil baka makakuha ako ng idea sa expression niya kung ano na ba ang nangyayari. Hindi namin classmate si Xavier kaya may possibility na hindi siya kilala ni Aether. Hindi ko rin naman alam kaya hindi ko rin masasabi kung nakikita na ba nila ang isa't isa o hindi naman kaya ay nagkakasalubong sila sa hallway since magkakatabi lang naman ang classroom namin. Ngunit base na rin sa expression ni Xavier ay hindi niya kilala si Aether. But he manage to smiles at him. "You're the new kid, right?" nakangiti pang tanong ni Xavier. Nilingon ko namang muli si Aether habang naghihintay ng sagot niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang maghintay ng sagot ni Aether gayong alam ko naman na oo, siya nga ang new kid. Nakita ko naman ang tipid na ngiti ni Aether. "Yes, Aether." Nagulat ako nang siya pa ang unang mag-abot ng kamay kay Xavier. And Xavier accepts it nicely and shook Aether's hand. Nabaling ang tingin ko kay Em nang mapansin ko na nakatingin siya sa kamayan ng dalawa habang nakangiwi. Nilingon niya ako at mas lalo pang ngumiwi ang mukha niya. Inirapan ko si Em dahil pakiramdam ko ay sinisisi niya ako sa bagay na wala naman akong kaalam-alam. "Xavier. Goodluck sa game. Madalas na naming nakakalaro ang twenty first century. Pero ikaw, ngayon pa lang. Welcome sa game," sabi naman ni Xavier nang magbitiw sila ng kamay. "Yea. Goodluck din sa inyo," sabi naman ni Aether. "You're Keitlyn's classmate, right?" tanong ni Xavier at tumango lang naman si Aether bilang sagot. "Cool. We'll be meeting often," patuloy ni Xavier at mula rito sa pwesto ko ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Aether. Tinapik naman ni Xavier sa braso si Aether para magpaalam dahil tinatawag na sila ni Creight sa baba nitong bleachers. At nang tuluyan na ngang mawala si Xavier sa harapan namin ay ako naman ang hinarap ni Aether. He is looking directly to my eyes with an intensifying glare. But his glare did not scare me. It just makes me shiver. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa mga tingin ni Aether na 'to. Ngayon ko lang din kasi siya nakita na tumingin sa akin nang ganito. "So...is he courting you?" tanong ni Aether na nakapagpabara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot o i-react man lang. I should be laughing by now at his stupid question but his serious look and serious face stop me. Why is he like this? I was supposedly cough but I scoff instead. At dahil nasimulan ko na ang pagre-react ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita. "Courting me? Who? Xavier?" Natawa ako nang mahina bago muling nagpatuloy sa aking pagsasalita. "Is courtship still a thing? I'm sorry, Aether, pero hindi na uso ang panliligaw sa generation namin. Both girls and boys can do the first move. And if they like each other, then they can have s*x," sabi ko at nanlaki ang mga mata niya. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa dahil sa naging reaction niya. Hindi yata siya makapaniwala na nasabi ko 'yun nang ganoon na lamang. He is too primitive. And I find it...cute. "You just don't say that, Keitlyn," sambit pa niya kaya mas lalo akong natawa. "Which one?" The s*x word?" Muling nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Well, base na rin sa observation ko sa generation nila, hindi naman na sila ganoon ka-old school, pero hindi pa rin naman sila open sa ganitong language. Or it is just Aether? I don't know. The only thing I know is that, Aether looks cute.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD