Chapter 21
Keitlyn's POV
Hindi naman na muli pang nagsalita si Aether pero hanggang ngayon ay medyo natatawa pa rin ako sa reaction niya. He still could not believe na kaya kong magsalita ng ganoon. Ano ba ang akala niya sa akin? Tingin ba niya ay isa akong santo na sobrang hinhin? Mukhang nakakalimutan na yata ni Aether na magkaiba kami ng henerasyon na pinagmumulan.
Iba na ang kultura na kinalakihan namin kaya iba na ako sa mga babaeng nakakasalamuha niya sa kanilang siglo. Pero bigla naman din akong nakaramdam ng pagkabahala dahil baka mamaya ay magbago na nga nang tuluyan ang tingin sa akin ni Aether dahil lang sa mga salita na binibitiwan ko na hindi siya komportable. And I'm torn between doing it more often para mas magkaroon ng chance na layuan ako ni Aether. O iwasan ko na lang ang pagsasalita ng ganoong language dahil nga sa mag-iiba ang tingin sa akin ni Aether. Ayoko naman na maging masama ang tingin niya sa akin.
"Will you please stop saying those kind of words, Keitlyn?" sabi niya at napangiwi ako.
"Well, Aether, this is a normal word to us. Hindi ko naman na obligasyon ang mag-adjust sa culture ninyo. I can say whatever I want to say. Your opinion doesn't matter," sabi ko sa kanya at sandaling hindi nakapagsalita si Aether. Siguro ay na-realize niya na tama ang sinabi ko. Well, tama naman talaga ang sinabi ko kaya hindi ko na iyon babawiin pa.
"I guess you're right, Keitlyn. This is the reason why we can't be friends," sabi ni Aether na siya namang nakapagpatahimik sa akin. I was caught off guard with what he said. I did not see that coming. Hindi ko alam na pupunta sa ganoon ang usapan naming ito. At mukhang alam ko na ang pinupunto niya. Hindi pa man siya tapos sa kanyang pagsasalita ay agad ko na iyong nakuha. "We can't be friends dahil marami tayong pagkakaiba, lalo na sa ating kinalakihan at kinasanaya. And no, hindi mo kailangan mag-adjust dahil tulad ng sinabi mo ay hindi mo iyon obligasyon. Ang dapat lang siguro nating gawin ay huwag nang ipagpilitan ang pagiging magkaibigan natin."
Hindi naman na niya iyon kailangan pa na sabihin dahil tulad nga ng sinabi ko ay mabilis ko iyong nakuha. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong na-guilty samantalang inulit niya lang naman kung ano ang sinabi ko kanina. Pakiramdam ko ay ako lang ang nagbigay ng dahilan sa kanya para mas lalo siyang magkaroon ng dahilan para hindi na nga kami maging magkaibigan. At iyon naman ang dapat--pero hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon na sa kanya na mismo nanggaling ang mga salitang iyon.
Parang mas madali pa yata kung ako ang iiwas kaysa ganito na alam ko na maaaring si Aether na ang umiwas sa akin.
"Iyan nga lang ba ang dahilan mo, Aether?" tanong ko na may halong pagdududa. Kahit na sa totoo lang ay wala naman akong nakikita na ibang dahilan para hindi niya ako kaibiganin. Magkaiba kami ng pinanggalingang siglo, at hindi ko naman maikakaila na sapat na iyong dahilan. Dito na rin kasi papasok ang tiwala sa isa't isa na mahirap gawin lalo na at nagkakaroon ng pagkakataon na magkakalaban ang bawat century. Hindi nga rin kami maaaring magkaibigan dahil hindi lang din kami magkakasundo dahil magkaiba kami ng nakasanayan at kinalakihan. Na siyang maaaring maging mitsa ng hindi pagkakaunawaan. Na tulad na lamang ng nangyari ngayon sa amin. Dahil lang sa isang simpleng salita ay nagkaganito kami.
Hindi talaga maiiwasan sa sitwasyon namin ang ganitong klase ng hindi pagkakaunawaan. And a part of wants to compromise pero alam kong hindi tama kaya hindi na lang din ako nagsalita. Tinanggap ko na lang din ang mga salita ni Aether dahil alam ko naman na wala rin siyang plano na makipag-compromise. Ilang beses na rin niyang sinabi na hindi kami pwede na maging magkaibigan at hindi ko na gusto pa ulit iyon na marinig sa kanya. And this is enough. Sapat na ang mga narinig ko sa kanya ngayon para itigil na nga ito.
"Ito lang, Keitlyn. May iba pa ba ako na maaaring maging dahilan?" tanong niya at tipid na lamang akong ngumiti sa kany bilang tugon. Sa totoo lang ay umasa ako kanina na kaya siya biglang lumapit sa akin ay dahil nakikita niya na nakikipag-usap at nakikipagtawanan ako kay Xavier. I don't know the right word pero umasa ako na kahit papaano ay nagseselos siya. Hindi ko alam kung selos nga ba ang dapat kong itawag doon pero gusto ko na maramdaman niya ang kung anumang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sila na magkausap ni Ginger.
Pero mukhang malabo iyon dahil wala naman akong narinig na anumang salita mula sa kanya.
"Aether!" Mula sa pagkakatitig sa akin dahil halata na binabasa niya ako ay nabaling lang sa iba ang tingin niya sa kinaroroonan ng kanyang mga ka-grupo nang may tumawag sa kanya mula roon. And it didn't surprise me nang makita ko rin na si Ginger ang tumawag sa kanya. Hindi naman na ako nagulat pa dahil kilalang-kilala ko na ang boses niya na lagi na lang tinatawag si Aether.
"Halika na, Aether!" sigaw rin naman ni Luther at mukhang si Aether na lang ang hinihintay para sa kanilang meeting. Dahil nagmi-meeting na rin naman ang grupo nina Creight ay naiwan kami ni Em dito sa bleachers. Sa tapat ng bleachers na kinauupuan namin ay nasa kabilang side naman sina Ginger at ang mga kasamahan niyang babae.
Matagal ang ginagawang meeting ng magkabilang team. Sigurpo ay dahil kay Aether na ngayon pa lang makakalaban ng grupo namin at ngayon lang din naman makakalaro ng grupo nila. Sigurado ako na pag-aaralan nila nang mabuti kung paano siya maglaro. Alam ko na hindi dapat pero bigla akong nakaramdam ng pag-aalala para kay Aether. Baka pahirapan siya ng grupo namin at siya lang ang laging bantayan. Kung sa simula p lang ay makikitaan nila ng galing si Aether ay sigurado ako na siya na ang laging babantayan. Especially Xavier na pinakakilalang player sa buong Weigand dahil sa galing nito.
Imbis na sa nagmi-meeting naming grupo ako tumingin ay napako na ang mga mata ko kay Aether na ngayon ay abalang nakatingin at nakikinig kay Luther na siyang nagsasalita dahil siyang nagsisilbing leader ng mga laro nila. Nawala lang ang mga tingin ko sa kanya nang banggain ng balikat ni Em ang braso ko. Nang lingunin ko siya para sana samaan ng tingin ay naunahan niya ako na pandilatan ng mga mata.
At alam ko naman kung ano ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Mukhang nahalata niya ang mga tingin ko kay Aether. But of course, hinding-hindi ako aamin sa kanya na si Aether ang tinitingnan ko. Kung kokomprontahin man niya ako ay madali ko na lang iyon na malulusutan.
"Baka naman matunaw," sabi niya at napangiwi ako sa ginamit niyang salita. Ang OA naman ng word na iyon. Ganu'n ko na ba talaga pinagkakatitigan si Aether para sabihin niya na baka matunaw? Oo nga at nakatingin ako sa kanya, but that is far from staring. O baka nga nakatitig na ako sa kanya pero hindi ko lang napapansin. How is that even possible? Alangan namang nawawala na ako sa aking sarili sa tuwing nakatingin ako kay Aether?
"I don't know what you're saying, Emerald." Marahan siyang natawa dahil sa sinabi ko at halatang alam na niya ang mga sunod na mangyayari. Alam niya na itatangggi ko ang bagay na iyon. She is obviously expected it anyway.
"Keep denying it, Keitlyn. Kung gusto mo na mas lalong mahirapan ay ipagpatuloy mo lang 'yan." Hindi ko na mabasa ang expression ng mukha ni Em kaya binaling ko na lang sa team namin na nagmi-meeting ang aking paningin. Totoo nga kaya ang sinabi ni Em na mas mahihirapan ako kung patuloy ako na magde-deny? Ano ba ang pinagkaiba nu'n? But the question is that, ano ang kailangan kong aminin?
Of course, I won't be hypocrite kung sasabihin ko na wala akong idea kung ano iyon. Pero hindi pa ganoon katindi ang nararamdaman kong iyon kaya pinapakiramdaman ko pa nang mabuti ang sarili ko. I want to sort my feelings out. Lalo na itong nararamdaman ko kay Aether. Alam ko na tama si Em sa sinabi niya noon na hindi permanente ang pananatili namin sa Weigand. Ako lang din ang mahihirapan.
This has to stop. Kung anuman ang gumugulo sa isip ko at kung anuman itong bagay na hindi ko maintindihan ay kailangan na nitong mahinto. And now, my decision is firm. Kailangan ko nang tuluyan na umiwas. And no, hindi si Aether ang kailangan ko na iwasan dahil tulad na rin ng sinabi ni Keitlyn ay mahirap ang bagay na 'yon dahil sa classmates kami.
Ang kailangan nang mahinto ay ang nararamdaman kong ito na hindi ko matukoy-tukoy. This is too early for love dahil hindi pa kami matagal na magkakakilala. At sa tingin ko, bago pa man nga ito mauwi roon ay kailangan ko na itong iwasan.