Chapter 19
Keitlyn's POV
I badly want to know how his first mission went on. Pero ayoko naman na mas humaba pa ang oras ng pag-uusap namin dahil baka pag nagpatuloy pa ito ay makita na naman kami ni Emerald at kung anu-ano na naman ang iisipin niya. Ayoko na mag-alala pa siya sa akin sa pag-aakala na hindi ko na maiiwasan pa si Aether. Pero tulad nga ng nasa isip ko kanina ay hindi ko na muna bibiglain ang pag-iwas sa kanya. I will take it slow para na rin hindi maging ganoon ka-bigat sa part ko ang paglayo sa kanya. At sa tingin ko ay wala namang masama kung tatanungin ko siya at kukumustahin kung ano ang naging takbo ng kanyang ginawa.
Kung kukumustahin ko man siya, sana nga lang ay hindi maiisipan ni Em na sumuonod sa akin dito sa CR. Dahil kung hindi ay sigurado ako na maaabutan niya ako na kausap itong si Aether. Pero hindi na rin naman magtatagal ang pag-uusap naming ito dahil malapit na ring mag-resume ang klase. Pangako, saglit lang ito at hindi ako magtatagal sa pakikiharap sa kanya. Dahil sa totoo lang ay naiihi na talaga ako.
"You just performed your first mission?" tanong ko pa kahit na narinig ko naman nang malinaw ang sinabi niya. Tumango naman siya bilang sagot. "How...how was it?" Sa wakas ay nagkaroon ang ko ng lakas ng loob na magtanong sa kanya. Hindi pa man siya sumasagot ay nakaramdam na ako ng pag-aalala. Dahil paano na lamang kung nabigo siya? Not that I don't trust his capability, but I really have the worst thoughts kapag nag-aalala.
"Well, it went...hard, of course." Hindi naman siya nahiyang aminin na nahirapan siya. Well, hindi naman kasi talaga biro ang mga mission na naiisipang ipagawa sa amin ng administration ng school na ito. At hindi namin alam kung saan nila nakukuha ang ganoong klase ng mga idea na kung tutuusin ay sobrang inhuman na. May mga pagkakataon na nga na halos magpatayan na kami para lang mapagtagumpayan ang isang mission. Hindi rin naman kasi biro ang mga nagiging parusa sa mga estudyante na hindi nagtatagumpay sa paggawa ng binigay sa kanilang mission.
"But you succeed, right?" tanong ko at alam ko na hindi ko na naitago ang pag-aalala ko sa naging tono ko. At malaki rin ang posibilidad na nahalata iyon ni Aether. Pero anong magagawa ko kung talagang nag-aalala ako sa kanya? Nagkibit balikat si Aether at bigla akong kinabahan. Pero nang mahalata niya yata ang kaba na nararamdaman ko ay bigla siyang ngumiti.
"Of course, I succeeded," sabi niya at nakahinga naman ako nang maluwagan. I knew it form the start na kayang-kaya niya ang mga mission dito at kakayanin pa niya ang mga susunod. Talagang nag-aalala lang ako sa kanya kaya ako nahirapan na mag-isip ng matino para mawala ang pag-aalala ko. Pero hindi ko nagustuhan ang ginawa niya na pa-suspense sa akin dahil hindi naman biro ang pag-aalala ko. Kaya inirapan ko siya at marahan naman siyang natawa. "I'm so sorry if I wasn't able to join you for lunch," sabi niyang muli at tumango ako.
I should be saying goodbye right now at pumasok na CR pero wala naman akong lakas para itaboy si Aether. Gusto ko pang makipagkuwentuhan sa kanya para sana sa detalye ng nagig mission niya pero alam ko naman na hindi na dapat. Sapat naman na sa akin ang malaman na hindi niya sinasadya na hindi sumabay sa amin kanina sa lunch. His reason was valid at nakagaan naman iyon ng loob ko kahit papaano. At least alam ko na rin na hindi si Ginger ang kasama niya kanina.
"Not big of a deal, Aether. Of course, you have to be with your team, too." Ayoko man na aminin pero iyon naman talaga ang dapat. Ang kailangan ay mas maging malapit siya sa mga kasama niya sa century dahil sila-sila ang kinakailangan na magtulungan. Hindi naman sumagot si Aether pero nakikita ko sa mukha niya na tila wala pa rin siyang plano na umalis sa harapan ko.
"But Keitlyn--"
"Look, Aether, naiihi na talaga ako. Magsisimula na ang klase, so I just to you na saka na lang tayo mag-usap dahil ang tanging gusto ko lang na gawin sa ngayon ay ang makaihi," sabi ko at hindi naman na nagsalita pang muli si Aether nang lagpasan ko na siya. Hindi nakakatulong ang ginagawa niya na pangungulit sa akin. Mas lalo lang akong mahihirapan sa plano ko na pag-iwas sa kanya kung siya mismo ang lalapit nang lalapit sa akin.
Ang iwasan nga siya ay sobrang hirap na, paano pakaya ang ipagtabuyan siya? Kaya sana ay magkusa na lang siya ng hindi pagkausap sa akin. That would be a lot easier. Kaya sana paglabas ko ng CR na 'to ay wala na siya sa tapat. Pagtapos kong umihi ay nag-ayos lang din ako ng aking sarili sa harap ng salamin. Ilang sandali lang din ay naglakad na ako palabas. Nakahinga lang ako nang maluwag nang paglabas ko ng CR ay wala na si Aether sa tapat. I finally got rid of him. Diretso na lang ako na naglakad pabalik ng classroom.
Pagabalik ko nga ng classroom ay nandoon na nga si Aether sa kanyang upuan. Pero diretso pa rin akong naglakad pabalik ng upuan ko kahit pa nakikita ko sa peripheral vision ko na sinusundan niya ako ng tingin. Nang makaupo na ako say agad kong nilingon si Em para sa kanya na mabaling ang atensyon ko. Umaasa ako na kapag may makakausap ako ay mawawala na sa isip ko na nasa akin ang paningin ni Aether.
Ngunit pagtingin ko kay Em ay nakataas ang kilay niya sa akin. Alam ko na nahalata niya ang kinikilos ko. Mabuti na lamang ay wala naman akong narinig na anumang salita mula sa kanya. Kinausap na lang niya ako at naghintay ng oras sa pamamagitan ng pagkukwentuhan ng tungkol sa hindi naman mahahalagang mga bagay.
"Siya nga pala, I talked to Creight nu'ng nasa CR ka. And he told me na may laro sila ng basketball with another century," sabi ni Em at napakunot ang noo ko.
"Saan naman daw?" tanong ko.
"Sa gymnasium. He asked me if I could watch and I said yes. Samahan mo ako," sabi niya at napangiwi ako. I dont think na masasamahan ko siya ngayon dahil tamad na tamad ako ngayon na gumawa ng kahit na anong bagay. At isa pa ay wala akong hilig sa sports at alam iyon ni Em. So I don't get why she's still pushing her luck na masasamahan ko siya. Wala ako sa mood sa kahit na anong activity ngayon.
"I don't think na masasamahan kita, Em. Gusto ko na kasing umuwi pagtapos na pagtapos ng klase," sabi ko at napanguso siya. Hindi ko pa rin naman siya nakikitaan ng pagsuko at alam ko na kahit tinanggihan ko na siya ay mangungulit pa rin si Em. Hindi na siya nadadala sa madalas kong pagtanggi na samahan siya sa panonood ng mga laro ng boyfriend niya.
"Kahit ngayon lang naman, Keitlyn. Hindi ko pa kasi alam kung may makakasama ako sa panonood from our century. Baka kasi mamaya ay may mga manonood from their opponent's century. I'm not comfortable pa naman with them." Muli akong napangiwi dahil sa pamimilit niya. Halata kasi na nagpapaawa siya. But I'm sorry to tell her dahil hindi ako madadala sa mga paawa niya.
"Bakit sino ba ang makakalaban nila?" tanong ko. Alam ko na may kinaiisan siya na isang estudyante kaya may idea na rin naman ako kahit papaano kung anong century ang tinutukoy niya pero gusto ko pa rin na makasigurado.
"The twenty first. Kinausap nga rin ni Creight na sakto namang kapapasok lang. Sa tingin ko ay kasama si Aether. Pero hindi pa rin naman ako sigurado kasi hindi ko alam kung pumayag siya," sabi ni Em at tama nga ang hinala ko na ang twenty first century ang makakalaban nina Creight. At si Ginger ang tinutukoy ko na kinaiinisan niya. Hindi niya talaga kayang tagalan ang presensya ng batang iyon. Hindi ko siya ma-gets noon kung bakit ganoon na lang ang inis niya kay Ginger kahit pa wala naman itong ginagawang masama sa kanya.
Pero ngayon ay mukhang nage-gets ko na. May aura talaga si Ginger na kahit makita mo pa lang siya ay maiinis na siya. And I feel sorry about that fact. Alam ko na minsan ay unreasonable na ang inis na nararamdaman ko sa kanya pero anong magagawa ko kung iyon ang totoo. Para siyang 'yung mga mean girl na napapanood mo sa TV na makita mo pa lang ay alam mong wala nang mabuting gagawin. Well, na-realize ko lang naman iyon simula nang dumating si Aether. And I don't know what to feel about that.
"Mas lalong ayoko, Em." Napangiwi siya dahil sa naging sagot ko. At hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaction niya. Ito rin naman ang advice niya sa akin, hindi ba? She wants me to stay away from him. Now that I'm doing it, para namang hindi siya sang-ayon. At hindi ko na yata alam ang takbo ng utak ng babaeng ito.
"Why? Because Aether might come?" Hindi ko alam kung bakit pa niya iyon kailangang itanong samantalang alam naman na niya ang tungkol sa bagay na iyon.
"Yes, Emerald. It is because of Aether. Okay na?" I told her sarcastically pero inirapan niya ako. Don't tell me na mawawalan ng saysay ang lahat ng naging usapan namin tungkol sa pag-iwas ko kay Aether para lang samahan ko siya ngayon. Siya ang nagpayo sa akin ng ganoong bagay tapos siya rin ang magpapain sa akin para mapalapit lang kay Aether. "You were the one who told me to avoid Aether tapos ngayon ay yayayain mo ako sa kung nasaan siya?" Mas lalo pang lumaki ang pagkakangiwi niya nang marinig ang mga sinabi kong iyon.
"Duh, Keitlyn? When did I ever tell you na iwasan mo si Aether? Wala akong natatandaan na sinabi ko iyon sa iyo. What did I tell is you that...iwasan mo ang makipagkaibigan sa kanya," sabi niya at saka ko lang na-realize na tama siya. Na wala nga siyang sinabi na iwasan o layuan ko si Aether. Pero mas mukhang mahirap gawin ang bagay na iyon. That would feel so close yet so far and I don't think I'm emotionally ready for that feeling.
The more I see Aether, the more I want to be friend with him. Kaya sa tingin ko ay mas mahihirapan ako sa gustong mangyaring iyon ni Em.
"I don't think na kakayanin kong maging malapit sa kanya nang hindi siya pinapansin," sabi ko at napangiwi na naman siya na tila ba hindi maintindiha kung ano ang mga pinagsasabi ko. Pero isang patunay na kasi ang nangyari kanina nu'ng nagkasalubong kami sa hallway. Sobrang nahirapan ako na hindi siya kausapin o pansinin man lang,
"You need to be as close as you can, Keitlyn. In that way, mas magiging madali nang iwasan siya. Sanayin mo na lang ang sarili mo sa presensya niya bilang isang normal na classmate. Imposible kasi na maiwasan siya lalo pa at nasa iisang classroom lang kayo. Magkikita at magkikita pa rin kayo. What you need to do is see him as a normal person and not someone you want to be friend with. In short, do not be attached with him." Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Emerald na hindi ko kaya ang bagay na iyon dahil mas mahihirapan lang ako kapag nakikita ko si Aether.
"Bahala na, Em. Medyo naguguluhan pa rin kasi ako ngayon sa mga dapat kong gawin," sabi ko. Hindi naman na rin ako nagdalawang isip pa na amin sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon dahil alam ko naman na nahahalata na niya iyon.
"Okay, if that's what you want, bahala na. But I need your answer kung masasamahan mo ba ako sa laro nina Creight or hindi," tanong niya at napairap ako. Talagang iyon pa rin pala ang pinoproblema niya.
"If I say no again?" sambit ko at natawa naman siya. Nagkibit siya ng balikat bago muling sumagot.
"Then, kukulitin kita hanggang sa mag-yes ka na," sabi niya at humalakhak pa siya. Muli akong napailing at napairap dahil sa sinabi niyang iyon. Well, I guess I got no choice.
"My thoughts exactly, Emerald. So, fine, sasama ako." Muli ko siyang inirapan nang mapapalakpak siya dahil sa naging sagot ko. Hindi ko na lang siya pinansin at humarap na lang ako sa unahan. Our professor will be flashing in front anytime kaya maghahanda na ako. Hindi ko naman na nararamdaman ang mga tingin sa akin ni Aether kaya nakakuh ako ng pagkakataon na tingnan siya. Nasa harapan na rin ang kanyang mga mata dahil ang buong akala niya ay hindi ko siya tatapunan ng tingin. Well, hindi ko naman na talaga plano pa na tapunan siya ng tingin kung alam ko na nakatingin siya sa akin.
"Ang mga mata mo, Keitlyn." Narinig kong sabi ni Em kaya agad kong binawi ang paningin ko kay Aether. May pagpapaalala kasi sa tono niya pero hindi naman na ako nagsalita pa at binalik ko na lang ang paningin ko sa harapan.
Natapos nga ang panghapon naming klase. Nang tumunog na ang buzzer ay niligpit ko agad ang mga gamit ko dahil nakita ko na nagmamadali na si Em sa paglabas. She is this excited na makanood ng laban. Alam ko naman na hindi siya excited na panoorin si Creight. She's excited to have fun. Sa mga ganitong paraan at pagkakataon niya lang kasi tuluyang nalilimutan si Timothy.
Alam ko naman na nililibang lang niya ang kanyang sarili kaya game siya pagdating sa ganitong mga kaibigan. Kaya tama lang din siguro ang desisyon ko na samahan siya ngayon. This is the least that I can do. As her friend, I need to help her move on.
Nang matapos ba si Em ay agad niya akong nilapitan sa upua ko. She's embracing her books at marami-rami 'yon.
"I will see you na lang sa gymnasium, Keitlyn. Ilalagay ko muna 'to sa locker vault ko." Tinanguan ko na lang siya bilang pagsang-ayon. Binilisan ko pa man din ang kilos ko. But that would be fine. At least hindi ako matataranta sa pagkilos knowing that someone's waiting for me.
Nagpaalam na nga si Em sa akin kaya nagpatuloy na ako sa pag-aayos ng gamit ko. Pero ang mga gamit na nililigpit ko ay iiwan ko na lang sa drawer ng table ko dahil tinatamad na akong pumunta sa locker vault ko.
Hindi pa man din ako natatapos sa pagsasalansan ng mga gamit ko sa drawer ay naramdaman ko na agad ang pagtayo ng isang nilalang sa aking harapan. Hindi ko naman na kinakailangan pa na mag-angat ng tingin dahil mabilis kong nakilala ang mga sapatos niya. And I know exactly who he is. I know for sure it is Aether. At hindi ko alam kung ano na naman ang kailangan niya.
I'm trying to distant myself from him but he's making it difficult.