Chapter 33
Keitlyn's POV
Ang mga oras na nasa gitna naming lahat si Timothy ay ang mga oras na pwede na pala kaming magkaisang lahat. Pagkakataon na sana namin 'yon para labanan ang Weigand. Wala man lang kahit na isa sa amin ang nakaisip na kung nagawa iyon ng admin kay Timothy ay kayang-kaya rin nila na paslangin ang bawat isa sa amin nang walang kalaban-laban. Habang nagpapatayan kami sa mga mission namin kung saan maaaring masasaya lang silang nanonood ay ang bawat isa lang ang kinakalaban namin. Lalo lamang nilang nalaman na wala kaming laban sa kanila at kayang-kaya nila kami na mas lalo pang paikutin.
Imbis na isugal namin ang buhay ng bawat isa laban sa kapwa namin estudyante para lang sa mga mission na sila lang din naman ang nakikinabang, bakit hindi na lang kami sumugal kung saan may pagkakataon na mahinto ang lahat ng 'to. Kung patuloy lang kaming susunod sa mga gusto at laro nila ay hindi na mahihinto pa ang lahat ng 'to. This must come to an end.
Nanatili ang pagkakatitig sa akin ni Aether dahil sa pananahimik ko. Ang buong akala niya siguro ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Ngunit ang hindi niya alam ay nag-iisip na ako dahil alam ko na tama ang punto niya--hindi pa man niya naipapaliwanag ang lahat.
"Keitlyn, are you listening to me?" tanong ni Aether pero nanatili akong tahimik. Hindi ko kasi maiwasan ang makonsensya dahil sa sinapit ni Timothy. Kung may isang tao man ang may nais na humadlang sa gustong mangyari ng Weigand na pagpatay noon sa kanya, iyon ay walang iba kundi Em. Naalala kong bigla kung paanong literal na nagmakaawa si Em sa lahat ng estudyante na tulungan sila ni Timothy upang hindi matuloy ang pagpatay sa kanya. But no one dared to help the. Maging ako ay hindi ko sila nagawa na damayan.
She encouraged us to fight against Weigand dahil tama naman siya sa sinabi niya nang mga oras na 'yon na ibang usapan na kapag may buhay nang mawawala. Gusto niya na magkaisa na kaming lahat pero dahil sa takot ng bawat isa ay walang sumang-ayon sa kanya. She once told us na kung hahayaan namin na may mapaslang sa aming mga estudyante ay para na rin naming pinakita sa admin ng Weigand na nasa kanila ang upperhand. At iyon nga ang nangyari mula nang may isa na sa aming ang namatay.
Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin kaya ngayon ko lang din na-realize na mas lalong naging mapangahas ang mga pinapagawa nila na mission para sa amin. Oo nga at maaari rin kaming mapahamak sa mga dati naming mission. Pero mula nang mamatay si Timothy ay napansin ko na hindi na lang basta sa mga mission kami maaaring mapahamak at mamatay, dahil ngayon ay pwede na kaming mamatay mula sa kamay ng isa't isa dahil sa mga binibigay nilang mission sa amin. Tulad na lamang ng huling mission ginawa ko.
At siguro ay dahil alam nila na wala naman kaming pakialam sa buhay ng isa't isa. Dahil sa nangyaring iyon kay Timothy, kung saan wala man lang kaming ginawa para maligtas siya ay na-realize nila na walang mabubuong pagkakais mula sa bawat estudyante ng Weigand. At iyon ang pinakamalaking pagkakamali na ginawa namin sa larong 'to.
"I think you were right, Aether," sabi ko at napakunot ang noo niya. Dahil sa tagal bago ko nagawa na sumagot ay hindi na niya alam kung saan ko sagot ang sinabi kong 'yon. Nalilito siya sa sinagot ko dahil marami na siyang sinabi bago ako muling nakapagsalita.
"I was right at what?" naguguluhan pa niyang tanong.
"That we should have fought that time," sabi ko sa kanya at sandali siyang nanahimik. Siguro ay pinapakiramdaman pa niya kung totoo ba ang ginawa ko na pagsang-ayon sa kanya o hindi. He thinks I was just mocking him kahit pa sa totoo lang ay totoo naman na sinang-ayunan ko. Marahan siya na tumango nang mabasa niya sa mga mata ko ang labis ko na pagsang-ayon. Alam ko na na alam niya na na-realize ko na ang pagkakamali kong 'yon. Sana lang ay hindi na niya ipamukha pa sa akin ang naging kaduwagan namin noon. Dahil kung hindi ay wala akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat ng sasabihin niya na paninisi. Alam ko naman ang pagkakamali kong 'yon at hindi siya makakarinig sa akin na itatanggi ko 'yon.
"You guys lost a schoolmate. But Em lost more than that. Because he lost a love one," sabi ni Aether at marahan naman akong tumango. I know that fact at naging saksi ako sa lahat ng sakit na naramdaman ni Em. Ngunit wala naman akong nagawa para hindi niya maranasan ang sakit na 'yon. Ngayon ko lang na-realize na hindi sapat ang ginagawa ko na pagdamay sa kanya gayong may magagawa naman sana ako para hindi niya nararanasan ang sakit na nararanasan niya ngayon. Kung naging matapang lang sana ako ay hindi mangyayari ito sa kanya.
Dahil sinimulan na noon ni Em ang pagsalungat sa Weigand. Ang kailangan na lang niya ay mga tao na tatayo sa tabi niya. Kung kasama lang sana nila ako na nanindigan ay baka marami rin kaming mahikayat pa na mga estudyante. Hindi man kami manalo sa admin ng Weigand, at least ay hindi ko madadala ang ganitong uri ng konsensya.
"You're right." Wala naman na akong iba pang masabi at maisagot kay Aether kundi ang sabihin na tama siya dahil iyon naman ang totoo. I was just curious kung gaano nga ba katapang si Aether para pagsalitaan niya ako ng ganito. Alam ko naman na mayroon siyang paninindigan, ngunit ang mga binibiitiwan niyang salita sa akin ngayon tungkol sa pagkakaisa ay para bang may malalim na siyang pinagdaanan na maikukumpara sa pinagdaraanan namin ngayon. Kahit na wala pa naman siya nang mga oras na 'yon ay para bang naranasan na niya ang pikit mata na makipagtulungan sa mga tao na hindi naman niya lubusan na kakilala. "Kung ikaw ba ang nasa katayuan namin, magkakaroon ka ng courage na manindigan para sa isang estudyante?"
Hindi nakaligtas sa akin ang ngisi ni Aether na tila ba bakit nagtatanong pa ako. And I think that I was right. He has been placed in this kind of situation same as ours. Hindi man katulad na katulad pero masusubukan din naman ang pagkakaisa ng bawat estudyante. Bigla ko tuloy naalala ang eskwelahan na pinapasukan ni Aether. He was a former student in Terra University. At hindi rin naman biro ang reputation na mayroon ang eskwelahan na 'yon. And I wonder kung ano ang mga naging experience ni Aether sa former school niya.
Minsan na rin ba silang mga nagkaisa? Saan? Sa pagpapasakit sa ulo ng mg professor nila? Not trying to judge those Terra University students pero sa ganoong attitude kasi sila mga nakilala. Kilala ang mga estudyente roon na mga pasaway. Kaya wala rin talagang mga guro ang tumatagal doon. Hanggang ngayon, sa generation namin ay ganoon pa rin ang image ng university na 'yon. Matagal na raw ganoon ang pamamalakad sa Terra U. At sigurado ako na naabutan din ni Aether ang magulong Terra University. Marami rin talaga ang curious sa history ng university na 'yon. Maging kami ni Em ay na-curious kaya nga agad naming binisita si Aether sa panahon nila nang malaman namin na galing siya ng Terra University.
Kaya nga nabigla rin kami nang makita siya dahil napakalayo niya sa ibang estudyante ng Terra U na nasa panahon namin. Kahit pa sabihin na magkaiba naman na ng panahon ay hindi mo pa rin talaga mapagkakamalan si Aether na isang alumnus ng Terra U. But indeed, looks can be deceiving. Kaya hindi na dapat pa kami magpadala sa mga hitsura. Hindi kami maliligtas ng mga mukhang malalakas. Kahit ang mga maaamong tao kung tingnan ngunit kayang-kaya palang sakmalin nang patalikod. Kailangan namin maging mapagmatiyag at lakasan ang pakiramdam lalo na kung tiwala na ang pag-uusapan.
"I have been there, Keitlyn. You have no how it being in a situation where your only choice is to trust everyone whose you barely no." Hindi nga ako nagkamali dahil talagang naranasan na nga ni Aether ang lahat ng 'to. Wala na rin naman akong nagawa pa kundi ang tipid n ngumiti dahil ayoko pa na bumuka pang muli ang bibig ko at magtanong ng tungkol sa Terra dahil nakapaloob na 'yon sa kanilang panahon. Nakuntento na lamang ako sa mga kusa niya na sinabi. At ang tanging masasabi ko lang ay talagang hindi nagin madalo ang mga pinagdaanan ni Aether. I can see it in his eyes. And I wonder how does it feel being team up with Aether.
"Obviously, you survived," sabi ko at marahan na naman siyang tumango. Well, hindi naman siya mapupunta sa Weigand if he failed to survive. Kaharap ko siya ngayon dahil nagawa niya na pagtagumpayan ang mga pagsubok na pinagdaanan nila noon. Kung gayon, noon pa man pala ay may mga ganito nang klase ng eskwelahan kung saan nalalagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante.
"We survived dahil nagtagumpay ang teamwork na pinamunuan namin," sabi niya sa akin at sandali akong natahimik. Isa si Aether sa mga namuno sa teamwork ng kanilang school sa kanilang panahon. It only means na mayroon siyang experience sa pamumuno. At maaari naming magamit ang experience na 'yon sa paglaban at pagsalungat sa Weigand. Kung magagawa ni Aether na kumumbinsi ng ilang mga estudyante ay magandang simula na 'yon para sa plano naming pag-aalsa.
"We can work together, Aether," sabi ko sa kanya na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya. Alam ko naman na hindi agad makukuha ni Aether ang nais ko n sabihin dahil bakit nga ba naman ako basta-basta na lang mag-o-offer ng teamwork sa kanya gayong nagkukwentuhan lang naman kami ngayon. Baka ang isipin pa niya ay hindi ko man lang pinag-isipan ang sinasabi kong 'to. Ngunit sana ay malaman niya na desidido na ako sa pakikipagtulungan sa kanya. Sana nga lang ay pumayag siya.
"What do you mean we can work together, Keitlyn? And we can on what?" naguguluhang tanong niya at ngumiti naman ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat dahil na rin sa kanina lang ay nagsasabihan kami na mag-iiwasan na. Tapos ngayon ay makikipagtulungan ako sa kanya. Pagdating talaga kay Aether ay mabilis nagbabago ang desisyon ko. At hindi ko alam kung ito ba ay good sign or bad sign.
Ngunit kahit na anong klase pa ng sign ang mga 'to, ang mahalaga sa ngayon ay magkasundo kami ni Aether. Pwede naman kaming mag-iwasan, pero hanggang pagpapanggap lang. Mag-iiwasan kami sa loob ng Weigand kung saan marami ang makakakita sa amin na nagkakasundo. But outside Weigand, we can be allies. The plano I have right now is very promising. Sana nga lang ay makuha ko ang suporta ni Aether.
"We can work together sa pagsalungat sa pamamalakad ng Weigand," sabi ko at napangiwi siya na tila ba litung-lito na sa kung ano ba talaga ang gusto ko na mangyari. Hindi ko naman siya masisisi kung malilito siya dahil maging ako rin naman ay nalilito na rin sa kung ano nga ba talaga at gusto at dapat kong gawing. The only thing I am sure of is the fact that I want to be allied with Aether. Sana ay mayroon pa rin siyag tiwalaan sa akin kahit na papaano.
"Why with me, Keitlyn? You don't trust me, right?" sabi niya at ako naman ang napangiwi dahil wala naman ang natatandaan na pagkakataon na sinabihan ko siya na wala akong tiwala sa kanya. Aside from the fact na ilang ulit kong sinabi sa kanya na hinding-hindi ko pagkakatiwalaan ang mga estudyante na hindi ko kasama sa aming siglo.
Well, parang gano'n na nga rin 'yon kung lalabas, pero at least ay hindi ko direktang sinabi sa kanya. Kaya sa tingin ko naman ay magagawa ko na lumusot sa isang 'yon.
"I did not say I don't trust you, Aether. Ang sabi ko lang ay hindi ako magtitiwala sa hindi ko kasama sa aming century. And you can be the only exception," sabi ko sa kanya na tila ba dapat pa siyang magpasalamat sa akin dahil hindi siya kasali sa mga hindi ko pagkakatiwalaan. Alam naman niya na mahirap makuha ang tiwala ko pero nakahanda ako na ibigay 'yon sa kanya kahit na hindi niya paghirapan.
"Should I thank you, then?" Hindi maitatago ang pagiging sarkastiko sa tono ni Aether dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman na 'yon pinansin dahil baka pagsimulan pa 'yon ng hindi namin pagkakaunawaan. Hindi bale nang pagpasensyahan ko siya sa oras na 'to dahil iyon naman talaga ang dapat kong gawin.
"I am serious, Aether. I want to build an alliance with you, Aether," I said to him as sincere as I can. Hindi ako pwedeng pagdudahan ni Aether dahil totoo naman talaga ang hangari ko ngayon na makipag-isa sa kanya. Kahit pa sumunod ako sa lahat ng gusto niya ay gagawin ko dahil siya naman ang mamumuno sa lahat.
"Alam mo ba kung gaano kabigat ang salitang alliance na gusto mong makuha mula sa akin?" tanong niya at unti-unti ko nga siyang nakikitaan ng pagdududa. Ngunit ganoon pa man ay wala naman akong plano na sumuko at handa ko pa rin na ipagpatuloy ang pakikipag-usap at pakikipagkasundo sa kanya.
"I know, Aether. At alam ko rin ang responsibilidad," sabi ko ngunit hindi nababago kahit na kaunti man lang ang pagdududa sa mga mata niya. Kung magbabago man, iyon ay ang mas lalo pang pagdududa sa akin.
"First, you asked for a friendship. Now, you were asking for an alliance. Sabihin mo nga sa akin, Keitlyn, what is this all about? Ano ba talaga ang purpose mo kung bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to?" tanong ni Aether. Kahit na nasasaktan ako sa ginagawa niya na pagdududa ay hindi ko naman maitatanggi na naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng mga pagdududa niya. Sino ba naman kasi ang magtitiwal sa tulad ko na talaga namang pabago-bago ng isip.
"I want to get rid of Weigand," sabi ko at napatitig naman siya sa akin. Gusto kong matunaw dahil sa paran ng pagkakatitig niya sa aking ngunit pilit kong pinatibay ang mga tuhod ko upang hindi ako tuluyan na manlambot.
"After all this time? Ngayon mo pa naisipan 'yan? Ilang school year ka na nga ulit dito? Tapos ngayon mo lang naisipan 'yan? What made you change your mind?" tanong niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya na magtanong sa akin gayong halata naman na ang usapan naming 'to ang dahilan.
"Because I can see hope within you," sabi ko sa kanya at mas lalo pang lumalim ang pagkakatitig sa akin ni Aether. Sa mga tingin niya sa akin ay alam ko na binabasa niya kung sincere ba talaga ako sa mga sinasabi ko. I have this feeling na hindi naman ako mahihirapan nang sobra sa pagkumbinsi kay Aether. He is just making sure na totoo ang intensyon ko. At confident naman din ako na may mapapatunayan ako kay Aether. Nasa kanya ang loyalty ko sa pagkakataon na 'to.
I don't know why but knowing that Aether will be the one who will lead the alliance that I want to build at lumalakas ang loob ko. Pakiramdam ko ay mapagtatagumpayan namin 'to kahit na hindi pa namin alam kung sinu-sino ang mga estudyant na magiging kasapi namin. Kahit na sino pa man sila ay sigurado ako na kaya silang pamunuan ni Aether. But of course, we have to be cooperative with him.