Chapter 34

2595 Words
Chapter 34 Keitlyn's POV Buong tapang kong sinalubong ang mga titig sa akin ni Aether. At habang mas lumalalim ang titig namin sa isa't isa ay mas lalo ko lang nakikitaan ng pag-asa ang kanyang mga mata. Alam ko rin na unti-unti na rin niyang nakikitaan ng sensiridad ang aking mga nata tungkol sa pakikipagtulungan ko sa kanya. At sa oras na pumayag siya, agad akong makikinig sa mga payo niya. Alam ko na unang tapak pa lang ni Aether sa Weigand ay gagawa na agad siya ng paraan para makalabas siya. He is obviusly doesn't like Weigand. At siguro naman ag hindi niya ako magagawa na tanggihan kung sabihin ko man sa kanya na tulad niya ay gusto ko na ring mahinto ang buhay ko sa Weigand. He is not that selfish para sarili lang niya ang kanyang iligtas. Konting pangongonsensya lang ay sigurado ako na mapapapayag ko na siya. I know how softie he is. Hindi pa man siya pumapayag sa alliance na gusto kong mangyari ay nakikita ko naman na ang tagumpay naming dalawa. Hindi lamang naming dalawa kundi maging ng mga estudyante ng Weigand na makukumbinsi namin na pumanig sa aming alyansa. "How can you be so sure na makikipag-alyansa ako sa sa isang tao na nagpahayag nang hindi kailanman pagkakatiwalaan ang tulad ko na hindi naman niya kasama sa century," sabi niya sa akin at napapikit na lamang ako dahil sa frustration. Aether is making it difficult, again. Parang ganito na lamang niya ako kung pahirapan noong kinukulit ko siya na kaibiganin ako. Mukhang mauulit na naman 'yon. Ngunit dahil nauulit lang ang mga nangyayari noon, siguro naman ay alam na rin ni Aether ang mangyayari ngayon. He should know by now na hindi ako titigil hangga't hindi ko siya napipilit. He should know by now na kukulitin ko siya hanggang sa mainis siya at wala na siyang magagawa pa kundi ang pumayag just to get rid of me. "Pumayag ka nga na makipagkaibigan sa akin, wala naman 'yong pinagkaiba sa pakikipag-alyansa sa akin." Napangiwi siya sa binigay kong dahilan. "Hindi ako pumayag na makipagkaibigan sa iyo. What I said was we will see." Hindi ko naiwasan ang matawa dahil sa sinabi niya. Aether is just trying so hard na tanggihan ako kahit pa sa totoo lang nasa mga mata na niya ang pagpayag sa gusto ko. Pero kung ito ang gusto niya, ang makipagmatigasan sa akin ay pagbibigyan ko siya. But I can see victory in me dahil muli ay nagawa ko na makumbinsi si Aether. "Sa iyo na rin naman mismo nanggaling, Aether, nagawa mong pagkatiwalaan ang ibang tao dahil lang sa no choice ka na," sabi ko at bigla na lamang siyang nagseryoso. Malakas at malalim ang buntong hininga na pinakawalan niya bago siya muling nagsalita. "Pero iba ang sitwasyon ko noon at stwasyon ko ngayon. 'Yung noon, alam ko na iisa lang ang layunin namin at gustong mangyari. Pero ngayon, I was never sure sa kung ano ang layunin ng bawat isa dahil iba-iba ang pinagmulan natin," sabi niya at bakas nga sa kanyang mukha ang pagkalito. Hindi rin naman ako sigurado sa mga tiwala na kaya kong ibigay, ngunit kung makukuha ko ang alyansa kay Aether ay nakahanda akong magtiwala sa lahat ng estudyante na sasapi sa amin kahit pa anong century man sila nabibilang. Just like Aether before, no choice na ako kundi pagkatiwalaan sila. And hopefully, it wil work the way it was worked with Aether. "Well, you got no choice but to deal with us, Aether. Again,you got no choice but to trustus. Come on, Aether. Don't you like the thought na hindi na lang tayo magkaibigan ngayon, kundi magkaalyansa rin. Nasa isa't isa na nakasalalay ang buhay natin. All we need to do right now is to find members whose loyalty must be in us. Alam kong mahirap humanap ng mga tapat na kasamahan pero alam ko na makakahanap din tayo." Totoo ang sinabi ko kay Aether na mahirap humanap ng ka-alyansa lalo pa at alam na namin kung paano maglaro ang karamihan ng estudyante ng Weigand. Pero mas mahirap kung tutunganga lang kami at hintayin na magpatayan ang bawat isa. Mas mabuti kung ngayon pa lang ay magkasundo-suno na kami—bawat century. Sigurado ako at umaasa ako na kahit papaano naman ay mayroon pa rin na mapagkakatiwalaan sa bawat century. Kahit isao dalawang estudyante sa bawat century ay ayos na siguro. Magandang simula na 'yon para sa amin. "Sabihin mo nga sa akin, Keitlyn, ginagawa mo ba 'to para sa curiosity sa natuklasan lo na marine radar mula sa Weigand?" Sandali akong hindi nakapagsalita dahil iyon pala ang dahilan ng pagdududa niya. He thinks I'm still curious about the radar. Well, curious pa rin naman talaga ako pero hindi iyon ang dahilan. "Aaminin ko, Aether na curious pa rin ako at hindi ko naman itatanggi ang bagay na 'yan. But no, my intention of building an alliance with is just so pure. Alam ko naman na nakikita mo 'yon sa mga ko. And my eyes don't lie." Sandali pa akong tinitigan ni Aether bago siya muling napabuntong hininga. "I'm open with the alliance," sabi niya at nakahinga ako nang maluwag. Finally at bumigay rin siya. "But in one condition,", sabi niya at hindi naman ako nangamba sa paghingi niya ng kondisyon. Nakahanda naman ako na gawin kung anuman ang hingin niyang kondisyon. "Spill, Aether," buong kumpyansa ko pang sabi sa kanya. Pinanood ko naman ang pagbuka ng kanyang bibig para sa kanyang pagsasalita. "Continue your reason why you were avoiding me. Bakit nadamay rito 'yung namatay na estudyant na pinalitan ko," sabi niya at para akong napako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makakilos man lang. Nagbara na rin yata ang lalamunan ko dahil maging ang pagsasalita ay hindi ko na magawa. Dahil nakatayo naman na si Aether ay hinila ko ang kaninang kinauupuan niya at pinwesto sa likuran ko nang sa gayon ay ako naman ang makaupo. Nang makupo naman na ako ay agad ko siyang tiningala. Dahil sa panonood ni Aether sa bawat galaw ko ay mas lalo lang akong nataranta. Baka ang isipin niya sa pagkataranta kong 'to ay dahil guilty ako na hindi ako totoo sa pakikipagkasundo sa kanya. Hindi naman siguro...sana. Aether is still eyeing me down kaya nginitian ko siya kahit papaano. And I sure as hell that my smile was obviously awkward. Aether did not smile back at me and that is perfectly fine. Alam ko naman na halatang-halata na rin niya sa mga kilos ko ang pagkailang ko sa mga paninitig niya pero parang wala naman siyang pakialam na tila nananadya pa. Kung hindi ko lang kinukuha ang loob ni Aether ngayon ay kanina ko pa siya nabulyawan dahil sa ginagawa niya sa akin. Pero dahil nga sa hindi siy pwede na magalit sa akin ay hahayaan ko siya sa ngayon. Pero oras na magkasundo na kami ay pinapangako ko na gaganti ako sa mga ginagawa niyang 'to sa akin. Hindi naman na niya magagawa pa na bawiin ang kasunduan namin 'yon dahil nagbitiw na siya ng salita. At magmumukha siyang walang isang salita kung hindi niya 'yon paninindgan. Ngunit nang bumalik sa isip ko kung ano nga ba ang kondisyon ni Aether ay muli akong nakaramdam ng kaba. Wala naman akong plano na ilihim sa kanya ang lahat ngunit ang problema ko lang ngayon ay kung paano magre-react si Aether. Hindi ko na man na rin kailangan pa na pahirapan ang sarili ko sa pag-iisip kung saan at paano magsasalita dahil nagtanong naman na si Aether. Ang tanging kailangan ko na lang gawin ay ang sumagot. Pero bakit maging ang pagsagot ay nahihirapan ako na gawin? I should act normal especially in front of Aether. I took a deep breath to compose myself. Wala na akong pakialam sa iisipin ni Aether, ang mahalaga ay masagot ko na ang tanong niya para matapos na rin once and for all. "Natuklasan ng admin ang tungkol sa pagkakamabutihan nila. They were put in a mission kung saan buhay ng isa sa kanila ang pwedeng mawala," sabi ko kay Aether at hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Hindi pa man siya nagbibigay ng salita ay alam ko na nakuha niya ang agad pinupunto ko. But just to make sure ay ipapaliwanag ko pa rin sa kanya ang lahat at ang dahilan ng pag-iwas ko. "And you're avoiding me because?" Halata naman na kay Aether na alam na niya ang dahilan pero ang gusto pa yata niya ay pahirapan ako na magsalita. Kung ito ang gusto niya ay pagbibigyan ko siya. Ngunit sisiguraduhin ko na hahanap ako ng tamang salita upang masabi sa kanya ang punto ko nang hindi iyon direktang sinasabi sa kanya. "Because they might misunderstood the friendship we have," sabi ko at napataas ang kila niya. Alam ko na hindi iyon ang iniisip niya na isasagot ko. Ang iniisip siguro ni Aether ay sasabihin ko na baka mahalata ng admin ang pagkakamabutihan namin ngunit hindi ko iyon didiretsuhin sa ganoon dahil baka pagtawanan lang ako ni Aether. He might tell me na wala naman akong dapat na ipag-alala dahil wala namang namamagitan sa amin. And I was not ready for that. Sinabi ko na lang na baka ma-misunderstood kami ng admin. That was the best at safest answer na naisip ko. At alam ko na maiintindihan iyon ni Aether. And I want to clap on myself dahil naisip ko ang sagot na 'yon. "Were we that close para ma-misunderstood nila?" tanong niya at sandali rin naman akong nag-isip ng isasagot. Mukhang marami pang follow up questions si Aether ngunit sana ay hindi naman dito maubos ang oras namin dahil marami pa kaming dapat na pag-usapan lalo na at nagpahayag na siya na open daw siya para sa alliance. "Hindi naman. Pero iba pa rin kasi kapag may closeness sa pagitan ng dalawang estudyante na galing sa magkaibang siglo ang pag-uusapan," sabi ko at tumango-tango namin si Aether nang makuha niya ang punto ko. Marami pang naging tanong si Aether at laking pasasalamat ko dahil nagagawa ko naman na sagutin ang mga 'yon. Nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay nakuntento na si Aether sa naging pag-uusap namin tungkol sa kung bakit ko siya kinailangan na iwasan. And luckily, naintindihan niya naman ng dahilan ko. He even told me na tama rin naman daw ang ginawa ko. Pero pinagalitan niya rin ako at sinabihan na dapat daw ay in-inform ko raw muna siya bago ako basta-basta nagdesisyon na iiwasan ko siya nang sa gayon ay hindi ko raw pinasakit ang ulo niya. I said sorry to him at tinanggap naman niya 'yon. Sinabihan niya lang din ako na huwag na 'yon uulitin. Nang matapos na kami sa pag-uusap ay naglakad na siya papunta naman sa kanyang kama. Naiwan naman ako ritong nakaupo sa kanyang gaming chair. Pero pinagulong ko ito upang kahit kaunti ay makapalapit ako sa kanyang kama. Alam ko kasi na may mga gusto pa siya na sabihin. Alam ko na may mga nakahanda na siyang plano para sa pagsisimula ng alyansa sa pagitan naming dalawa. "Siguro naman alam mo, Keitlyn na hindi natin kaya ang Weigand nang tayong dalawa lang," panimula niya nang magkaharap muli kaming dalawa. Malaki ang distansya sa pagitan naming dalawa ngunit sapat naman na rin 'to para magkaranigan kami at magkaintindihan pa rin naman sa pagpaplano. Tama na rin siguro ang ginawang ito ni Aether dahil nahihirapan ako na makapag-focus sa pag-uusap naming dalawa kung ganoon kami kalapit sa isa't isa. At mukhang ganoon din ang nararamdaman ni Aether na siyang dahilan kung bakit mas pinili niya na sa ganitong pwesto na lang kami mag-usap. "I know, Aether. Sa ilang school year na nasa Weigand ako ay masasabi ko na hindi talaga biro ang kakayahan ng Weigand. Luging-lugi tayo sa kaalaman nila," sabi ko at marahan naman na tumango si Aether. Ngunit sa kabila naman ng sinabi kong 'yon sa kanya ay hindi naman ito nagdulot ng pangamba kay Aether. Bagaman alam naman na ni Aether ang bagay na 'yon kahit hindi ko sabihin ay hindi niya iyon nakikita na hadlang oara magtagumpay kami. And maybe that was because he is confident with his capabilities. Ganoon na lamang ang tiwala niya sa kanyang sarili and I wish I have that kind of confidence too. We are now a team at sa tingi ko ay dapat na rin akong magtiwala sa mga kakayahan ni Aether. Hindi naman iyon mahirap na gawin dahil kahit noon pa man ay malaki na ang tiwala ko sa kanya. Lalo pa ngayon na sa kanya na nakasalalay ang kaligtasan ko. Hindi lamang kaligtasan ko kundi maging kaligtasan ng bawat isa na magtitiwala sa amin. "We need to add more members. Mas maganda sana kung bawat century ay may isa o dalawang estudyante na magtitiwala sa atin," sabi niya. That was my thought exactly. Mabuti na lamang na kahit minsan ay nagkakasundo ang isip namin ni Aether. "Ngunit ang kailangan nating hikayatin ay 'yung sa tingin natin na may paninindigan. Hindi tayo kukuha ng sa tingin natin ay puro porma at salita lang," sabi ni Aether at tumango naman ako sa kanya. Of course, that's what we need. Gusto ko sanang sabihin 'yon kay Aether kaya lang ay baka mapatalsik ako sa bahay niya kaya minabuti ko na lang ang manahimik. "Bukas na bukas din, Aether ay sususbukan ko na makahikayat ng mga gustong sumapi sa atin," sabi ko ngunit tila hindi ko naman nakuha ang pagsang-ayon ni Aether. Halata na nag-aalinlangan siya sa plano kong 'yon at hindi ko alam kung para saan ang pag-aalinlangan niya. Ayaw ba niya na manghikayat ako ng mga sasapi sa amin? Pero paano kami madaragdagan kung hindi naman kami manghihikayat. "You need to make sure na ang mapipili mong hikayatin ay mayroong paninindigan sa mga papasukin niyang 'to. Lubhang delikado ang plano nating 'to at ayoko naman na sa oras na magkabistuhan na at magkagipitan ay bigla na lamang silang titiwalag para lang maligtas ang mga sarili nila," sabi niya at iyon pala ang pag-aalinlangan niya. Tumango naman ako sa kanya. Mabuti na lamang at kahit papaano ay magaling akong kumilatis ng mga tao lalo na kung sa usapang pagkakatiwalaan. "Ako na ang bahala, Aether. Ipagkatiwala mo na sa akin ang isang 'to," sabi ko. Ilang sandali pa ang lumipas bago tumango si Aether dahil nag-isip pa siya kung pagkakatiwalaan ba niya ako o hindi. I feel offended pero hindi naman na ako nagsalita pa at nagreklamo. Inintindi ko na lang ang paminsan-minsan na kawalan ng tiwala sa akin ni Aether. Well, sana nga ay paminsan-minsan lang 'yon at hindi palagi. "Okay, Keitlyn," sabi nito at nginitian ko naman siya. "Hindi naman na ako mahihirapan na manghikayat sa mga kasamahan ko sa century dahil mayroon na akong kasama. Of course, I will include Em dahil minsan na rin naman niyang naisipan na sumalungat sa Weigand. I am pretty sure na nasa kanya pa rn ang paninindigan." Tumango naman si Aether sa sinabi ko na tila ba sinasbai na ako na ang bahala. "Ikaw ba, Aether? May nakikita ka na bang kasamahan mo sa century na hihikayatin mong sumapi sa atin?" tanong ko at tumango naman si Aether na tila ba hindi na siya nahirapan pa sa pag-iisip kung sino ang napili niya na sasapi sa amin. "Sino?" tanong ko. "Si Ginger." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinagot niya sa tanong ko. Tinitigan ko pa siya upang makita kung seryoso ba siya sa sagot niya at nakita ko naman na seryoso siya. Seriously?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD