Chapter 32

1027 Words
Chapter 32 Keitlyn's POV Hindi ko alam kung paano nga ba ipapaliwanag kay Aether kung sino si Timothy. I mean I can tell him everything pero hindi ko naman alam kung paano magsisimula. Halatang nalilito siya sa kung bakit ko ito sinasabi sa kanya. Yes, knowing the fact na may pinalitan siya is something interesting. And I can see that in his eyes. Pero mukhang hindi siya roon pinaka-interesado dahil mas interesado siya sa kung bakit kailangan ko pa 'yon na sabihin sa kanya. Halata kay Aether na naghihintay pa siya sa mga susunod kong sasabihin sa kanya pero hindi ko naman na magawa pa na muling magsalita. Sa tingin ko ay kakailanganin ko ng matinding lakas ng loob bago makapagsalita. And I need to stay quiet for a moment habang kumukuha ng lakas ng loob. Bumuntong hininga si Aether at sa tingin ko ay hindi na niya kinakaya pa ang pananahimik ko. I know any moment ay magsasalita na siya. Pero sana ay hindi pa dahil hindi pa rin naman ako handa na magsalita. I still need more time para sa lakas ng loob na kailangan ko. Pero kung magsasalita at magtatanong na rin naman si Aether ay wala na akong magagawa pa kundi ang sumagot at magsalita. "Who is he, Keitlyn? I don't care kung sinuman ang pinalitan ko rito. What I just want to know ay kung bakit kailangan mo itong i-open sa akin? What's with that dude Timothy?" tanong niya. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko napuno ang lakas ng loob na inipon ko para lamang sa pagsasalita. "He was the student that Weigand killed in front of us," sabi ko at nahalata ko ang pagtigil ni Aether. At alam ko na dahil 'yon sa gulat. Well, who wouldn't? Alam naming lahat kung gaano ka-devilish ang mga mission dito sa Weigand pero hindi niya siguro akalain na hahantong ang isang estudyante sa kamatayan. "He got killed?" tanong ni Aether bilang kumpirmasyon sa sinabi ko. Alam ko kung gaano iyon nakakabigla at siguro ay umaasa siya na nagkamali lang siya ng dinig. Tumango ako sa kanya at hindi agad siya nakapagsalita. Hindi ko mabasa kung ano ang gusto niyang sabihin pero alam ko na kumukuha lang siya ng tamang salita. "Someone got killed in front of everyone and you all let that happened?"tanong niya. I can see disappointment in his eyes at hindi ko makuha ang gusto niyang palabasin. I think he was saying na hindi man lang kami gumawa ng paraan para maisalba ang schoolmate namin. Ano ba ang gustong mangyari ni Aether? Lumaban kami para sa buhay ng isa? Kapag ginawa namin 'yon ay maaari din kaming madamay at mamatay. "Do we have a choice? Anong gusto mo, Aether? Mangialam kami? That's suicide!" Napangiwi si Aether dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Alam ko na disappointed siya hindi lamang sa akin kundi sa buong Weigand. "You had a choice, Keitlyn. And that is to fight for your lives. But you al didn't." Sandalo akong natahimik para mag-isip ng tamang salita na pwede kong isagot kay Aether. Hindi niya naiintindihan ang sitwasyon namin noon. Just like me, nakikita ko rin sa mata ng mga estudyante ng Weigand ang kagustuhan na matulungan si Timothy. Pero lahat kami ay natakot na mangialam. Lahat kami ay natakot na madamay. Oras na mangialam kami ay hindi siya magdadalawang isip na patayin din kami. "Fight for our lives? That was just one life, Aether. Our lives will be forfeited kapag nangialam kami. Mas uunahin pa ba namin ang buhay ng isa kaysa sa buhay ng nakararami?" tanong ko sa kanya at mas lalo lamang lumaki ang disappointment sa mukha ni Aether dahil sa naging sagot. What did he expect us to do ba? Risk the lives of many for the sake of one's? Thay would be more unfair kung uunahin namin ang buhay ng isa. Ang gusto yata ni Aether ay maging matapang kami at salungatin ang pamamalakad ng pamunuan ng Weigad nang sa gayon ay maipakita namin sa kanila hindi nila kami basta-basta mapapasunod. Ganoon kadaling sabihin sa part niya ang bagay na 'yon pero sana ay ganoon lang din kadali na gawin ang lahat. Sana nga ay ganoon lang kadali ang maging matapang. Pero matapos kasi ang araw na 'yon, kung saan namatay ang isa naming kamag-aral sa mismong harapan naming lahat ay mas lalo nang naging takot ang lahat. Ngayon pa kung kailan alam na namin kung ano ang kayang gawin sa amin ng paaralan na 'to. Nasa isang sitwasyon na kami kung saan ang tanging pagpipilian na lang namin ay ang pagsunod sa kagustuhan ng Weigand. "How can be that so unfair, Keitlyn? Aren't you already fighting for your lives?" tanong ni Aether at sandali akong natahimik para intindihin ang sinabi niya. Hanggang sa tuluyan na nga akong hindi nakapagsalita nang makuha ko ang ibig niyang sabihin. Kahit p hindi na siya nagsalita pang muli ay nakuha ko na ang pinupunto. Hindi na niya kailangan pang ipaliwang 'yon dahil alam kong tama siya. At bakit nga ba hindi namin agad naisip ang bagay na 'yon. Bakit nga ba kinailangan pa na may mamatay. Alam naman namin na hindi iyon maiiwasan lalo na sa sitwasyon na kinalalagyan namin. Pero ang masakit lang kasi sa part ni Timothy ay namatay siya nang walang kalaban-laban. Alam naman niya na wala na siyang pag-asa pa na mabuhay roon at tanggap na rin naman niya ang sitwasyon niya, pero ang pagkakamali namin ay hindi man lang namin naisipan na gumawa ng paraan para matulungan siya. And yes, Aether was right. We're already fighting for our lives pagpasok na pagpasok pa lang namin ng Weigand. At ang pinakanakakalungkot sa lahat ay kaming mga estudyante ang naglalaban-laban. And Weigand is just there...watching us kill each other. Halos magpatayan na kami para lang sa paggawa ng mga mission na 'yan. We risk our lives para sa pagtatagumpay sa isang mission at para hindi kami maparusahan sa oras na hindi namin iyon magawa. Pero hindi namin nagawa na sumugal para sa buhay ng isa naming kamag-aral kung saan maaari naman kaming matulong-tulong. And the act we showed that time was cowardness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD