Chapter 51

1637 Words
Chapter 51 Keitlyn's POV Dahil nga sa hindi naman kami nagkakakitaan at ang mga mata namin ni Aether ang magkasalubong ay hindi namin mabasa ang nasa isip ni Aether. Alam kong anumang oras ay makikipagkita na siya kay Batuk lalo na at tila unti-unti na namin siyang nahihikayat. Ngunit sana ay hindi na magtagal ang ganito naming setup dahil gusto ko nang makita ang reaction ni Batuk para sa lahat ng 'to. Hindi naman na nagpapaliguy-ligoy pa si Aether sa mga nais niyang sabihin kay Batuk kaya alam ko na minamadali na rin niya 'to. Na dapat lang naman dahil anumang oras ay magre-resume na ang klase. Alam namin na nag-iisip pa rin si Batuk dahil na rin sa ginagawa nitong pananahimik. Ngunit sana ay hindi na magtagal pa ang ginagawa niya na pag-iisip dahil baka mamaya ay abutin pa siya ng ilang araw para sa sagot niya tapos ang sagot naman pala niya ay hindi. Nagsayang lang kami ng oras sa paghihintay ng sagot niya. Hindi bale sana kung may kasiguraduhan talaga kami na oo ang isasagot niya. Ang tangi lang naman naming pinanghahawakan ay ang paniniwala ni Aether na magiging tagumpay ang lahat ng 'to. Kaya sana ay magkaroon na ng sagot si Batuk. As much as possible, as soon as possible. I hate waiting game at maiinip lang ako. "So you want me to join your alliance just because of my established followers?" tanong ni Batuk at muli namang tumawa nang marahan si Aether. "Do not be so full of yourself, Batuk." Nagulat ako sa sinabing 'yon ni Aether. We are trying to convince him pero bakit ganito niya pagsalitaan si Batuk? We should use flowery and sugar-coated words at hindi ganitong mga nakaka-insulto na mga salita. "Aether..."I mouthed para suwayin siya ngunit pinagpatuloy niya lang naman ang pagtingin niya sa akin na tila ba sinasabing wala akong dapat na ikabahala. "Hindi lang ikaw ang gusto naming makasama sa alyansa, kundi lahat ng estudyante. Sa iyo lang kami nagsimula," Aether stated at hindi ko na alam kung ano ang plano niya. "You were saying you're using me?" tanong ni Batuk at sana ay hindi magkamali si Aether ng isasagot kay Batuk dahil baka bigla na lang niya kaming sugurin dito. "Yes." Napapikit ako nang mariin dahil sa sinagot ni Aether sa kanya at natawa pa siya sa naging reaction niya. Mukhang pinagtatawanan niya ako dahil masyado akong kinakabahan sa mga sinasabi niya. "How could you?" tanong ni Batuk at mababakas ang inis sa kanyang tono. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawang 'to ni Aether. Baka mapahamak lang kaming parehas. Baka bigla na lang kaming pag-initan ni Batuk. Or worse, baka i-report niya kami sa Weigand. "How would you feel if this one will succeed even without you?" tanong ni Aether kay Batuk. Dahil mukhang hindi ko rin naman maiintindihan ang mga plano ni Aether ngayon patungkol sa mga plano niyang sabihin kay Batuk ay nanahimik na lang ako. Bahala na kung anuman ang mangyari. Kasama ko naman si Aether kaya wala akong dapat na ipangamba. "The question is...how would you succeed without me?" tanong ni Batuk na muling bumalik ang pagmamalaki sa kanyang tono. Ngunit nakakakilabot ang naging tawa ni Aether dahil sa sinabing 'yon ni Batuk. Bakas na bakas doon ang pang-iinsulto at maging ako ay naramdaman ko 'yon. Kaya kung ako man ang tinawanan ng ganoon ni Aether ay talagang maiinsulto ako. "Do you really think na kaya ka namin hinahikayat sa alyansa na 'to ay dahil sa kakayahan mo? We don't even know what you're capable of." Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang hampas sa division ng cubicle. And Batuk did that out of anger. At hindi ko rin naman siya masisisi kung ganoon ang naging reaction niya dahil talaga namang nakakainsulto ang tawa na ginawa ni Aether. Ang problema nga lamang ay hindi mo malalaman kung sinasadya niya ba 'yon o hindi. "Minamaliit mo ba ako?" Hindi na rin naman naitago pa ni Batuk ang panghahamon sa kanyang tono. "Hindi kita minamaliit, President. Pinapaalala ko lang sa iyo na mayroong mas may kakayahan sa iyo na magagamit namin sa alyansa. You got the best leadership that no one can argue. The reason why we want you in our team is because of time. Mas mapapabilis ang pagkumbinsi namin sa ibang estudyante kung kasama ka na namin sa team. But if you will decline our invitation, we can still get everyone's trust...hindi nga lang kasing bilis kung kasama ka namin. Pero ano nga ba ang magagawa namin kung ayaw mo? I will not organize this kind of thing dahil sa trip ko lang. I have discovered so many things about Weigand at ayoko naman na masayang ang lahat ng 'yon." Isang nakakabinging katahimikan ang muling bumalot sa kabuuan ng CR kung nasaan kami dahil sa sinabing 'yon ni Aether. I did not expect this conversation to be this way. Ang buong akala ko ay kukumbinsihin niya si Batuk sa pamamagitan ng magagandang salita. But I think Aether is trying to be harsh on him at ipa-realize sa kanya na kaya namin nang wala siya. "We don't know your capability, President. The only thing we are sure of is the success of this alliance. But imagine the feeling of getting escape without helping the team. The worst part will be ay ikaw pa naman ang presidente pero ikaw pa 'tong hindi naniwala." Ngayon ay alam ko na kung para saan ang mga sinasabing 'to ni Aether. At totoo naman ang mga sinasabi niya. I can already see kung gaano ka-devastated si Batuk kapag nakikita niya na unti-unti nang nagtatagumpay ang mga plano namin. At hindi iyon kakayanin ng pride niya. "What are the things you have discovered about Weigand?" Matapos ang ilang minuto na pananahimik ay nagsalita nang muli si Batuk. At kahit na papaano ay naging normal naman na ang tono ng pananalita nito. Muli namang natawa si Aether sa naging tanong ni Batuk. Maging ako man ay hindi ko naiwasan ang matawa. "Why would I tell you, President? You are not one of us." Ngayon ay nagkaroon na ng pagmamalaki sa tono ni Aether. He has now flip the switch. At lumaki ang kumpiyansa ko na makukumbinsi nga ni Aether si Batuk na makasama sa amin dahil ibang usapan na kasi talaga kapag ang pride na ng mga lalaki ang pag-uusapan. "You need to tell me because I am the president of the student council and I have all the right to know." The desperation in Batuk's voice was very evident and I know that he is now dying to know the truth. Ngunit siguro naman ay alam niya sa kanyang sarili na hindi namin basta-basta bibitiwan ni Aether ang impormasyon na 'yon tungkol sa Weigand nang hindi nasisiguro ang tuluyan na pakikiisa sa amin ni Batuk. "Being a president doesn't give you all the right to know. I still own the information and I have all the right to choose kung sino lang ang mga pagsasabihan ko." Hindi ko alam kung ano pa ba ang pumipigil kay Batuk na makiisa sa amin gayong na-corner naman na siya ni Aether. Nagmamatigas pa siya pero halata naman na sa tono niya kanina pa ang kagustuhan na makiisa sa amin. Medyo nakakaramdam na ako ng inip at gusto ko nang matapos ang usapan na 'to. It's almost time kaya kailangan na rin talaga namin na magmadali. "Isang tanong isang sagot lang naman ang lahat ng 'to, Batuk. Makikiisa ka ba sa amin?" tanong ko dahil hindi ko na talaga kinaya pa na hindi makialam. Tiningnan ko si Aether at hindi ko naman siya nakitaan ng anumang pagtutol sa ginawa ko na pakikisabat sa kanilang usapan. Wala rin namang masama sa sinabi ko dahil iyon din naman ang totoo. A little conversation is enough but it was just a yes or no question pero masyado na kaming nagtatagal. "Santibañez?" tanong ni Batuk nang siguro ay makilala ang boses ko. Dahil nakatingin pa rin kami ni Aether sa isa't isa ay nakita niya ang pamimilog ng mga mata ko dahil nga sa nakilala niya ako. At hindi ko alam kay Aether kung ayos lang ba 'yon or makakasira na ba ako sa plano niya. Bakit ba naman kasi hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa pagsasalita. Pero nakita ko na tumango si Aether para sabihin na ayos lang at wala namang magiging problema. Nabasa na rin niya kasi siguro sa mukha ko ang pangamba kaya hindi pa man ako nagsasalita ay may sagot na siya. Mabilis nakilala ni Batuk ang boses ko dahil matagal na rin naman kaming nagkakausap kung paminsan-minsan. At sigurado ako na kaya hindi niya nabosesan si Aether ay dahil hindi pa naman sila nagkakausap. And Aether knows that fact. Mabut na lamang at wala nang naging problema pa sa pangingialam kong 'yon. Siguro ay dahil magpapakita na rin naman kami ngayon kay Batuk at wala na 'yong atrasan pa. Ngunit kahit na sinabi ni Aether na ayos lang kung nakilala man ako ni Batuk ay hindi na ako nagsalita pa ulit dahil baka mapasama pa. Hahayaan ko na lang na si Aether na lang ulit ang nagsalita. Ngunit napatayo akong bigla nang marinig namin ni Aether na bumukas na ang pintuan ng cubicle kung nasaan si Batuk. Agad namang hinawakan ni Aether ang doorknob ng pintuan namin. Hindi pa man iyon napipihit ni Aether para buksan ay narinig na namin ni Aether ang sunud-sunod na katok na ginawa ni Batuk sa pintuan. Huminga muna nang malalim si Aether bago tuluyan na binuksan ang pintuan ng cubicle na kinaroroonan namin. Agad naman na bumungad sa amin si Batuk na ngayon bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha. Dahil sa tangkad ni Aether ay kinailangan ko pa na tumingkayad para lang makita si Batuk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD