Chapter 50
Keitlyn's POV
Tulad na nga rin ng napagplanuhan namin ni Aether, kinabukasan ay maaga pa rin kaming pumasok. Ngunit ito na rin ang huling pagkakataon na magiging ganito kami ka-aga dahil ito na rin naman ang huling beses na maglalagay kami ng sulat sa upuan ni Batuk. Mahikayat man namin siya o hindi ay wala na itong kasunod pa.
Muli kaming nagkita ni Aether sa ranger at sabay na umakyat sa classroom nina Batuk. Hindi naman na namin pinag-aksayahan pa ng oras na i-check ang basurahan dahil wala namang susunugin si Batuk kahapon dahil hindi na namin nagawa pa na iwan ang sulat. Itong sulat na lang na 'to ang kailangan niyang mabasa. And there stated kung saan at anong oras kami makikipag-usap sa kanya.
Kahit na hindi namin inaasahan na gugustuhin na ni Batuk na makilala kami ay handa na rin naman kami sa ganitong pagkakataon. Bago namin buksan ang locker ni Batuk ay tiningnan ko si Aether at walang bakas ng anumang kaba sa mukha niya. Mukhang tiwalang-tiwala siya na papabor sa amin ang magiging resulta ng plano namin na 'to. O baka kaya ganito si Aether ay sinabi na niya sa kanyang sarili na kung anuman ang maging desisyon ni Batuk ay maluwag niya na tatanggapin.
Pagbukas nga ni Aether ng locker ni batuk ay agad niyang nilagay ang note namin doon kung saan nakasulat ang sagot sa sinabi niya na makipagkita na kami sa kanya. Mabilis kaming lumabas ng classroom nina Batuka at dumiretso sa classroom namin para doon na maghintay ng oras.
Habang nagkaklase ang holographic professor namin ay saka ko lang unti-unting nare-realize na ito na nga ang pagkakataon na matagal na naming hinihintay ni Aether. Nilingon ko si Aether at hindi ko pa rin siya nakikitaan ng kaba samantalang ako ay hindi na mapakali. Kung mayroon man na isang bagay na sigurado ako tungkol sa bagay na ito, iyon ay ang katotohanan na talagang napaghandaan na ni Aether ang bagay na 'to.
Good for him dahil sigurado ako na makakapag-isip siya nang tama. Mukhang alam naman na rin ni Aether ang mga dapat niyang sabihin kay Batuk para makumbinsi ito. Dahil kung ako ang magsasalita ay sigurado ako na hindi ko siya makukumbinsi na sumali sa aming alyansa. Baka kung anu-ano lang din ang masabi ko at mabalewala ang lahat ng naging effort namin.
"Let's go." Hindi pa man din ako nakakapag-ayos ng gamit ko ay bigla na lamang sumulpot si Aether sa tapat ko ilang sandali matapos naming marinig ang buzzer. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko dahil nakita ko ang pagkunot ng noo ni Em at nabakas ang pagdududa sa mga mata niya. Alam ko na ngayon pa lang ay alam na niya na may pinaplano kami ni Aether. Ngunit sa tingin ko rin naman ay wala na akong dapat pa na ilihim kay Em tungkol sa ganiton mga bagay dahil alam naman na niya ang tungkol sa alyansa na pilit naming binubuo ni Aether.
At naiintindihan niya iyon dahil ilang beses na rin kaming hindi nagkakasabay sa paglalakad sa dismissal at maging sa pagkain sa lunch break. Hindi ko na lamang pinansin ang mapanuring tingin sa amin ni Em at nagpatuloy na ako sa paglimas ng mga gamit ko sa ibabaw ng upuan ko at tumayo na ako.
"Mauuna na kami, Em," sabi ko sa kanya at tumango naman siya sa akin. Ngunit kahit na naglalakad na kami palabas ng classroom ay nararamdaman ko pa rin ang mga tingin ni Em na sinusundan kami ni Aether. Muli ay hindi ko na lamang siya pinansin.
Nagpatuloy naman na kami ni Aether sa plano naming puntahan at agad naman kaming nakarating doon. Habang nagka-klase kanina ay kumain na kami ng pwede naming kainin dahil nga sa ang gagamitin naming oras ng pakikipag-usap kay Batuk ay ang oras ng lunch break namin. Sana nga lang ay pumayag din siya at mag-adjust na lamang.
Ito lang din kasi ang alam naming oras kung saan busy ang mga estudyante dahil halos lahat sila ay nasa cafeteria na at kumakain. Pagdating namin sa CR ay nakabukas ang lahat ng cubicle as a sign na walang ibang tao rito kundi kami lang ni Aether. At first ay nakikita ko ang pagka-ilang ni Aether dahil nga nasa Cr siya ng mga babae at naiintindihan ko naman 'yon. Ngunit nang ma-realize niya na wala naman nang pumapasok dito, kahit papaano ay naging panatag na rin siya.
"We should go inside in one of the cubicles dahil hindi agad tayo pwedeng makita ni Batuk," sabi ko at iyon 'yung part ng plano niya na hindi ko talaga maintindihan. And I think na ito na rin siguro ang pagkakataon para itanong 'yon sa kanya.
"Bakit kailangan natin na hindi agad magpakita sa kanya, Aether gayong plano na rin naman talaga natin na magpakita sa kanya ngayon mismo?" tanong ko at bumuntong hininga si Aether bago sinagot ang tanong ko.
"Gusto ko muna sana siyang makausap bago magpakita sa kanya. Gusto kong ilatag sa kanya ang lahat ng plano ko at kung paano mapagtatagumpayan ang lahat ng 'to. In short, Keitlyn ay gusto ko muna siyang kumbinsihin. Baka kasi kapag nakita niya ako--na may planong bumuo ng alyansa na 'to ay hindi na siya tumuloy pa at hindi ko na masabi pa ang lahat ng plano ko sa kanya," sabi ni Aether.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang kababa ang tingin ni Aether sa hitsura niya. Siguro ay nasanay na siya sa nerdy look niya kaya hindi pa rin niya na-a-adapt na hindi na siya ganoong kahina tingnan. Yes, he doesn't seem capable of starting an alliance. But he doesn't that weak-looking para pagdudahan ang kakayahan niya. And I wish Aether can be confident with everything with him.
Ngunit kung ito talaga ang gusto niya ay iyon na lang din ang susundin ko. Gusto ko man siyang kumbinsihin at sabihin na hindi naman siya ganoonka-hina kung titingnan ay hindi ko na ginawa pa dahil wala na rin kaming oras pa para doon. Alam namin na maaari nang dumating si Batuk anumang oras mula noon--iyon ay kung may plano nga siya na makipag-usap sa amin.
Ngunit kahit na walang kasiguraduhan ay minabuti namin ni Aether na maghanap na ng cubicle na pwede naming pasukan. At ang napili namin ay ang pinakadulo. Hahayaan ko na siya sa at sa pangalawa na lang ako sa dulo dahil magkatabi lang din naman ang mga cubicle na 'yon. Ngunit nang papasok na ako sa loob ng napili kong cubicle ay narinig ko agad ang salita ni Aether.
"Where do you think you're goin', Keitlyn?" tanong niya kaya agad ko naman siyang nillingon. Nagtatakha ko namang tinuro ang loob ng cubicle na nasa pangalawa sa dulo na tila ba sinasabi sa kanya na hindi pa ba halata? Ano ba ang tingin sa akin ni Aether? Iihi para itanong pa niya? "Doon tayo sa dulo," sabi niya at tinuro pa niya ang pinaka-dulong cubicle. Napangiwi ako dahil sa gusto niya na mangyari.
"Tayo? Sa iisang cubicle?" hindi makapaniwalang tanong ko at inosente naman siyang tumango. Ako itong nagmula sa panahon na ng mga liberated na tao pero bakit bigla akong nailang sa gusto niyang mangyari na 'yon. "We can have separate cubicle, Aether," sabi ko pa at sana lang ay hindi niya mahimigan sa tono ko na naiilang ako sa gusto niya na mangyari.
"We can't, Keitlyn. Paano na lamang kung tumutol si Batuk at hindi naman pala pakikipagkasundo ang pinunta niya rito?" sabi niya at napaisip naman ako sa sinabi niyang 'yon dahil alam ko na may punto siya. Ngunit agad rin naman akong napangiwi dahil ang buong akala ko tiwala siya na magtatagumpay 'to.
"I thought you are confident na makukumbinsi mo siya at magiging kasapi natin siya?" tanong ko dahil iyon ang sinasabi niya at iyon din ang sinasabi ng mga mata niya. Ngunit ngayon ay may pag-aalilangan na siya.
"Oo, Keitlyn, malakas ang kumpiyansa ko. Pero hindi kita pwedeng hayaan na mag-isa riyan. I don't want to risk your safety. Paano na lamang kung bigla ka niyang pasukin diyan at bitbitin sa kung saan-saan?" sabi niya at mas lalo na akong napangiwi. Masyadong advance siyang mag-isip. Ngunit hindi ko rin naman maitatanggi ang tuwa dahil sa pinapakitang concern sa akin ni Aether.
How can he say that his strength isn't trustworthy gayong pakiramdam ko nga ay safe na safe ako sa kanya. Tulad ng gustong mangyari ni Aether ay sumama ako sa kanya sa dulong cubicle at doon kami pumwesto. Hindi ko maitatanggi ang ilang dahil tila nakakulong kami ni Aether sa maliit na kwarto. Sobrang lapit tuloy namin sa isa't isa. Binaba ni Aether ang cover ng vowl para may maupuan ako. Dahil ilang minuto na rin kaming nakatayo ay minabuti ko na maupo na roon dahil nakakaramdam na rin ako ng ngalay. Hindi ko alam kung worth it pa ba 'tong ginagawa namin na paghihintay or naghihintay lang kami sa wala.
"Sa tingin mo ba ay darating pa si Batuk?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magtanong kay Aether dahil nakakaramdam na rin ako ng inip. Hindi ko alam kung hanggang kailan namin kailangan na mag-stay rito nang ganito katagal. Tiningala ko siya habang naghihintay ng sagot niya dahil wala yata siyang plano na sagutin ang tanong ko sa kanya.
But just when he's about to speak ay narinig na namin ang pagbukas ng pinto ng CR. Aether puts his index finger in his lips para senyasana ko na huwag maingay. Syempre ay alam ko naman na iyon talaga ang dapat ko na gawin. Talagang tatahimik ako kahit na hindi niya sabihin dahil makikiramdam din ako sa kung sino ang nandoon. Matapos ang ingay ng pagbukas ng pintuan ay sandali kaming binalot ng katahimikan. Maging ang bagong dating ay nanahimik din at alam namin na nakikiramdam din siya.
Hanggang sa marinig na nga namin ang yabag niya na papalapit sa amin. Nanatiling tahimik si Aether kahit pa narinig na namin na binuksan ng bagong dating ang cubicle na katabi namin hanggang sa isarado niya iyon. Mabuti na lamang at matataas ang division ng bawat cubicle kaya kahit na gusto kaming makita ni Batuk ay hindi niya magagawa kung hindi kami lalabas.
"Nagmadali ako sa pagkain just to get here. Just make sure na may mapapala ako," sambit niya sa malalim na tinig. Madali talagang na-adapt ni Batuk ang makabagong pamumuhay dahil hindi mo aakalain na isang katutubo ang nagsasalita. Matatas siyang magsalita ng foreign language. "So what are your plans again? Kalabanin ang Weigand at tumakas?" tanong ni Batuk ang I can hint a mockery in his tone. Hindi ko naman siya masisisi kung ganito ang approach niya sa amin pero sana ay hindi kami makarinig ng kung anu-anong salita at panghahamak sa kanya na siyang maaaring maging dahilan ng kawalan namin ng pag-asa.
"No," sagot ni Aether kaya tiningala ko siya. Nakababa rin naman ang tingin niya sa akin ngunit alam ko naman na si Batuk ang kausap niya. Paanong hindi iyon ang plano namin samantalang iyon naman talaga ang plano namin. Don't tell me may mga pagbabago siyang gagawin ngayon na nakakausap na namin si Batuk? "Hindi lang namin, kundi nating lahat," sabi ni Aether at narinig ko ang marahan na pagtawa ni Batuk.
"Bakit naman plano pa ninyo kaming idamay sa kalokohan ninyong 'yan?" tanong ni Batuk at hindi ko maialis ang paningin ko sa kanya. Kahit na nagpapahayag ng pagprotesta si Batuk ay hindi ko nakikita sa mga mata ni Aether na napanghihinaan na siya ng loob. Alam ko at nakikita ko sa kanyang mga mata na handa niyang sagutin ang lahat ng itatanong sa amin ni Batuk.
"Dahil aminado kami na hindi namin kaya nang kaming dalawa lang." Dahil sa sinabing 'yon ni Aether ay mas lalo lang natawa si Batuk. At pakiramdam ay ako ang naiinsulto para kay Aether samantalang siya ay hindi man lang natitinag. Wala akong nakikita na pagdadalawang isip na ituloy ang lahat ng 'to gayong insulto naman ang ginagawa sa kanya ni Batuk.
"So dalawa pa lang pala kayo sa alyansang 'to?" tanong ni Batuk na may pangmamaliit na sa tono.
"Tatlo," sambit ni Aether, muli ay marahang natawa si Batuk. Sa tingin ko ay nagsasayang lang kami ng oras sa kanya ni Aether. Wala siyang ibang gagawin kundi ang maliitin ang grupo namin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Aether at nasa plano pa rin niya na ituloy 'to. Dahil kung ako ang tatanungin ay ayoko nang ituloy pa 'to.
"So, kung sasali man ako sa alyansa ninyo ay pang-apat ako? What makes you think na sasali ako sa alyansa ninyo gayong hindi naman sapat ang bilang ninyo para kalabanin ang Weigand?" tanong ni Batuk at sa pagkakataon na 'to ay si Aether naman ang natawa nang marahan. Lumalim tuloy ang pagkakatitig ko sa kanya dahil na rin sa pagtatakha sa kung saan pa humuhugot si Aether ng lakas ng loob para matawa.
"Did you get everyone's trust instantly?" tanong ni Aether at nang hindi agad sumagot si Batuk ay nagpatuloy na siya sa pagsasalita. "I guess you just earned everyone's trust. You worked hard for that trust. For sure, nagsimula ka rin sa walang naniniwala I asked your support dahil sa lahat ng estudyante rito, ikaw ang pinakamakakaintindi sa pagsisimula namin. We bet you know na normal lang ang walang nagtitiwala sa simula."
Hindi ko maitatanggi ang katotohanan sa sinabing 'yon ni Aether at alam ko na ganoon din si Batuk. Sigurado ako na ang pananahimik ni Batuk ay tanda ng pag-iisip niya. And this is Aether's technique para makuha ang tiwala ni Batuk. He will use his first years in leadership kung saan wala pa gaanong nagtitiwala sa kanya. At alam ko na maiintindihan niya lahat ng 'to.
"You know you can lead this school but they did not trust you. Nagsimula ka rin sa pag-aasam sa tiwala nila. You know the struggle knowing that you were capable enough but no one's there to trust you," patuloy ni Aether at maging ako ay hindi ko maiwasan ang makinig sa mga sinasabi niya.
"So you're saying you're capable enough to fight Weigand?" tanong ni Batuk at sa pagkakataon na 'to ay nagbago na ang tono ng pananalita niya. Wala nang pagmamalaki sa boses niya. And this is better dahil mas mas okay makipag-usap sa kanya at hindi nakakairita.
"I'm not, but we are. Hindi namin 'to kaya nang kaming dalawa lang--o kaming tatlo lang. Kailangan namin ang buong Weigand," sabi ni Aether at sandali ulit kaming nabalot ng katahimikan. Ilang sandali pa ang lumipas bago muling nagsalita si Batuk.
"You need the whole Weigand pero sa akin kayo nag-focus?" natatawang sabi nito.
"Because you already have an established followers. Kung kami ang kukumbinsi sa kanila na sumapi sa amin ay hindi sila makikiisa. Pero kung malalaman nila na isa ka sa mamumuna ng alyansa at isa sa mga manghihikayat sa kanila ay sigurado ako na magkakaroon ng mas malaking posibilidad n magkaisa ang lahat ng estudyante ng Weigand." Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Aether at diniretso na niya si Batuk. Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang maghinty ng isasagot niya.