Chapter 52
Keitlyn's POV
Ang tanging nakikita ko lang sa mukha ni Batuk ay pagkabigla. Ngunit hindi ko makita kung ano ang maaaring nasa isip niya ngayon. At hindi ko alam kung plano na ba niya kaming saktan or what para lang sabihin namin sa kanya ang mga nalalaman namin tungkol sa Weigand. Sigurado ako na kaya siya nabigla ay dahil wala naman sa hitsura ni Aether na gagawa at bubuo siya ng ganitong alyansa. He was obviously caught off guard ngunit alam ko na ngayon pa lang ay naghahanap na siya ng dapat niyang sabihin.
"New kid..." nakangising sambit ni Batuk at alam ko na natatawa siya. Mukhang natatawa siya dahil hindi man lang sumagi sa isip niya na ang new kid na si Aether ang kausap niya.
Lahat ng estudyante rito ay kilala na niya ang boses dahil kailangan sa posisyon ang laging pakikiharap sa mga kapwa niya estudyante. Kaya lahat kami rito ay madalas niyang nakakausap—maliban na nga lang kay Aether na ito pa lang yata ang pangalawang beses na nakaharap niya. At ang unang beses ay hindi pa niya ito nakausap.
"Yes, Batuk, new kid," sambit ko para ipamukha sa kanya na ito nga si Aether—ang tinatawag na new kid pero may kakayahan na kumalaban sa Weigand.
"You think you can lead this school? Think again," sambit ni Batuk at alam ko na kompetisyon ang nasa isip niya. At hindi ko maintindihan kung bakit ganito pang klase ng pag-iisip ang inuuna niya samantalang hindi namin kailangan ng kompetisyon.
"I didn't think of that. What I thought was you can. But looks like you can't," sa sinabing 'yon ni Aether ay mas lalong nakitaan ng inis si Batuk. Ngunit hindi rin naman nagtagal ang inis sa mukha niya dahil napalitan ito pag-aasam na sa wakas ay sumapi na sa amin. Kanina pa naman namin nakikita ang pag-aasam sa mukha niya at alam naman namin na pinipigilan niya lang ang kanyang sarili. At hindi namin alam kung hanggang kailan siya magmamatigas.
"How can you be so sure that you can trust me?" tanong ni Batuk kay Aether ngunit maging ako man ay napaisip sa tanong niya. Paano nga ba kami makakasiguro na mapagkakatiwalaan siya gayong pwede niya kaming i-report anumang oras. Baka mamaya ay kunyari lang na gusto niyang sumapi sa amin ngunit ang totoo ay kukuha lang siya ng ebidensya na may alynasa nga kami. And when his evidences are concrete, saka niya kami isusumbong. And the Weigand admin might reward him, habang kami naman ay mapapaslang.
"We don't have a choice but to trust you. Lahat naman tayo ay no choice na. Last resort na natin ang magtiwala sa kakayahan ng isa't isa. If no one would initiate it, habang buhay tayong magiging puppet ng Weigand," sabi ni Aether at muli namang natahimik si Batuk. And we know that he's about to answer. Natahimik kaming parehas ni Aether dahil na rin sa paghihintay namin sa sagot ni Batuk. Hanggang sa nakita at narinig namin kung gaano kalalim ang buntong hininga na pinakawalan niya. At hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko sa kung anong mayroon sa buntong hininga niya na 'yon but it sounded like a defeat.
"Sa tingin ko ay wala na rin akong iba pang pagpipilian kundi ang pagkatiwalaan kayo," sabi ni Batuk at naglakad siya palayo sa pintuan ng cubicle na kinaroroonan namin nang sa gayon ay mabigyan niya kami ng daan para makalabas. Kaya kasi kami nag-stay dito nang matagal ay dahil nakaharang siya sa daraanan namin.
Hindi namin alam parehas ni Aether kung mapagkakatiwalaan ba talaga namin si Batuk ngunit nang tingnan ko siya ay nakikita ko na totoo ang sinabi niya na pagkakatiwalaan namin siya. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Aether noon na kapag pinili niya na pagkatiwalaan ang isang tao ay walang pag-aalinlangan niya itong pagkakatiwalaan. Nasa kanya na kung sisirain niya ang tiwala nito at pipiliin na traydurin siya. He is ready anyway.
At alam ko nga na iyon ang gagawin ni Aether. Pagkakatiwalaan niya ito nang buong-buo at na kay Batuk na kung plano niya lang kami na ipagkanulo. Tama rin naman ang thoughts ni Aether na hindi ito magwo-work kung magkakaroon kami ng pagdududa sa isa't isa. Ngunit sana ay maging observant din siya dahil hindi lang naman tiwala ng isang kaibigan ang ibibigay namin kundi tiwala ng isang ka-alyansa kung saan buhay namin at kaligtasan ang nakataya. Pero alam ko rin naman na alam ni Aether ang ginagawa niya kaya buo na ang loob ko na pagkatiwalaan siya.
Hindi naman na nadagdagan pa ang pinag-usapan namin nina Batuk dahil narinig na namin ang buzzer. Kahit na marami pa kaming gustong sabihin sa isa't isa ay pinili na muna namin na maghiwalay ng mga landas dahil baka mapagalitan kami ng kanya-kanya naming prof.
Nang mag-resume na nga ang klase ay sabay na kaming bumalik ni Aether sa aming classroom. Wala kaming napag-usapan nina Batuk kung kailan ulit kami mag-uusap-usap ngunit ang sabi ni Aether ay hahanap ulit siya ng pagkakataon. Ang mapapayag pa lang si Batuk na sumapi sa aming alyansa ay malaking bagay na. Saka na raw ulit namin siya kakausapin kapag may susunod na kaming hakbang. Ang sabi naman kasi ni Aether ay mas magiging madali na ngayon ang panghihikayat sa mga schoolmate namin dahil nasa panig na namin si Batuk. Malaki ang makukuha naming tiwala mula sa kanila.
Ang uunahin daw muna namin sa ngayon ay humanap ng isang estudyante na nasa 20th century kung saan madadala kami sa panahon na ginagawa pa ang submersible. The submersible that will be descending in Marian Trench. Gusto lang daw niya na malaman kung may pag-asa ba na makagawa rin siya ng ganoon at malalaman lang daw niya 'yun kung makikita niya ito nangg personal. Buong afternoon class namin ay iyon lang ang nasa isip ko. Sa tingin ko ay kailangan na naming makahanap agad ng schoolmate from 20th century na ang buhay ay nasa panahon na binubuo ang submersible na sinasabi ni Aether. Hanggang sa ma-dismiss na nga kami ay iyo pa rin ang nasa isip ko.
"Do you really think you can create a submersible na tulad nu'n?" tanong ko kay Aeteher habang sabay na kaming naglalakad palabas ng classroom. I kind of feel guilty dahil tinanggihan ko si Em na manood ng laban nina Creight sa ibang century dahil nga kailangan pa namin ni Aether na mag-usap. Pero bakit nga ba ako nakakaramdam ng guilt ngayon samantalang hindi naman na bago sa akin ang tanggihan si Em sa ganitong mga yayaan? Mas lalo pa ngayon na alam niyang mayroon na akong pinagkakaabalahan at siguro naman ay naiintindihan niya 'yon. Mabuti na nga lamang at hindi na ako kinulit pa ni Em, which is new to me dahil dati ay talagang kinukulit niya ako. Well, siguro nga ay talagang naiintindihan niya ang priorities ko ngayon.
"Don't you trust me, Keitlyn?" biro ni Aether. Nilingon niya ako at nagtaas baba pa ang kilay niya habang patuloy kami sa paglalakad kaya naman inirapan ko siya. Hindi naman dahil tinanong ko siya ay ibig sabihin na nu'n na wala akong tiwala sa kakayahan niya. I know Aether's capability at iyon ang isa sa mga hinahangaan ko sa kanya. But of course, lahat naman siguro ay sasang-ayon kung sasabihin ko na gusto ko lang marinig mula sa kanya mismo ang assurance na talagang kaya nga niya.
Dahil sa ginawa ko na pag-irap sa kanya ay natawa siya. Napailing-iling pa si Aether bago muling nagsalita.
"Seriously, Keitlyn, wala namang masama kung susubukan ko. Hindi ko lang din naman 'to basta-basta lang susubukan. Of course, I will try my best. Ayoko naman magsalita ng tapos dahil marami pa ang pwede na mangyari. Ngunit para sa ikakapanatag ng isip mo, I know I can. Hindi naman na rin bago sa akin ang gumawa at lumikha ng ganoong mga bahay dahil naaalala ko pa rin ang space probe na ginawa ko noong mga panaho na sa Terra University pa ako nag-aaral." Hindi ko nagawa pa na magsalita dahil sa sinabing 'yon ni Aether.
Pakiramdam ko ay ayaw i-absorb ng utak ko ang sinabi niya because what the hell? Tama ba ang narinig ko sa binanggit niya? He created a space probe noong mga panahon na nasa Terra U pa siya? Anong klaseng pag-iisip ba ang mayroon si Aether? Pangarap ba niya na maging astronaut noon? Kung noon ay astronaut ang pangarap niya, ngayon naman ay oceanographer? Ayoko sa mga komplikado na propesyon. This is out of my league.
"You what? Created a space probe?" Sa wakas ay naisatinig ko makalipas ang ilang sandali. Ngumisi naman si Aether at tumango-tango. Halata sa kanya ang pagyayabang sa impormasyon na sinabi niyang 'yon. Hell! Kahit sino naman na makagawa ng ganoong bagay ay sigurado ako na magmamalak. And I don't this Aether was lying dahil kitang-kita sa paraan ng pagmamalaki niya ang katotohanan sa sinasabi niya. And I think boasting is not the right word to use, because Aether is obviously proud of that fact. Well he should be.
"Maliit na bagay," sabi niya na naging dahilan naman ng pagngiwi ko. Naiintindihan ko naman ang pagyayabang niya pero mas mabuti pa siguro na tapusin na niya 'yon dahil baka mapunta lang sa inis ang paghanga ko sa nararamdaman niya. But Aether was right. Panatag naman ang loob ko na kaya niya dahil alam ko na kapag sinabi niya na kaya niya ay alam ko na kaya niya. Pero mas lalo lang akong napanatag nang sabihin sa akin ni Aether ang tungkol sa bagay na 'yon.
Nagpatuloy na lamang kami ni Aether sa paglalakad at nagtungo kami sa soccer field para doon na lamang mag-usap. Naupo kami sa isang bench at nilabas niya ang kanyang laptop. Agad naman akong tumingin doon nang ipatong niya 'yun sa kanyang mga hita. Napakunot ang noo ko nang makita ko na nasa site siy ng Weigand kaya alam ko na may kung ano na naman ang naglalaro sa isip niya. Lumingon muna ako sa paligid namin para tingnan kung may posible ba na makarinig sa mga pag-uusapan namin. Wala naman gaanong tao rito ngayon at malalayo pa sa amin.
Nasabi kasi ni Em na basketball ang laro ngayon nina Creight kaya nandoon siguro ang halos lahat ng estudyante na ayaw pang umuwi. Which is good dahil malaya kami na makakapag-usap dito ni Aether. Pinindot ni Aether ang mga Weigand students na taga-Twentieth century at mukha nga na may plano siya.
Ngunit kahit hindi na ako magtanong pa ay tila ba alam ko na kung ano ang nasa isip ngayon. And I know he is looking for someone na nabuhay sa specific year na hinahanap namin. Kumikilos na si Aether kaya alam ko na kailangan ko na ring ihanda ang sarili ko na sa mga posible na mangyari.
Mayroon kaming ilang na nakita ngunit hindi naman namin alam kung sino sa mga result ang hihikayatin namin. Mukhang sa part na 'to kami mahihirapan dahil hindi naman namin makikilatis ang mga 'to kung hindi namin sila makikilala nang personal.
"Kailangan ba natin silang mahikayat na sumali sa alyansa?" tanong ko kay Aether at saglit naman siyang nag-isip. Alam ko na pinagdedesisyunan niya nang mabuti kung hihikayatin ba namin agad ang isa sa kanila o ayos lang kahit na hindi.
"Mag-focus muna siguro tayo sa pakikipagkaibigan sa isa sa kanila. Kahit naman hindi pa natin sila mahikayat ay magagawa natin na makapasok sa kanilang time machine kung papayagan nila tayo," sabi ni Aether at agad naman akong tumango dahil nakuha ko ang punto niya. At tama naman siya bagay na 'yon.
Mas safe nga kung pakikipagkaibigan muna ang gawin namin sa isa sa kanila. Hindi naman kasi talaga ganu'n kadali na bitiwan ang impormasyon tungkol sa alyansa namin lalo na sa mga tao na hindi pa naman namin lubusan na kakilala at walang kasiguraduhan kung may mapapala ba kami.
Natapos kami ni Aether sa ganoong kasunduan. Ilang sandali pa ang lumipas nagpaalam na kami sa isa't isa para makauwi na. I'm going to do my own research.