Chapter 31

1018 Words
Chapter 31 Keitlyn's POV Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabing 'yon ni Aether. He said those words as if sigurado na siya sa gagawin niya na pag-iwas sa akin. And I did not even feel that way. Sa tuwing iisipin at sasabihin ko na iiwasan ko na siya ay tila ba hirap na hirap ako. Samantalang siya ay napakadali lang binitiwan ang mga salitang 'yon. Sobra-sobra ang lakas ng loob na iniipon ko para lang lagi siyang i-turn down samantalang siya ay hindi man lang nagdalawang isip. And I find it very unfair. Sana ay kasing dali lang ng pag-iwas ni Aether sa akin ang pag-iwas ko sa kanya. Pero alam ko naman sa aking sarili na hindi 'yon ganoong kadali. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga salita na binitiwan ni Aether dahil ayoko naman na magkamali ako sa dapat kong maging reaction. Kung para kay Aether ay madali lamang ulit magsimula at bumalik sa dati na tila hindi kamo magkakilala, sa akin ay hindi. Hindi man lang nga ako makatagal nang hindi siya tinitingnan. Sa tingin ko, kung mayroon mang pinakamahihirapan sa sitwasyon naming ngayon ay walang iba kundi ako. And I hate that fact. "How was that became the fairest thing, Aether? Parang tinakam mo lang ako sa isang pagkain tapos wala kang plano na bigyan ako," sabi ko sa kanya at napangiwi siya. "Why, Keitlyn? Were you that hungry? And one more thing, wala ka bang sariling pagkain?" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. I want to hit Aether pero ayoko naman na mas magmukha akong desperada. Kahit pa sa tingin ko ay sobrang desperada ko nang malaman ang totoo. Sandaling hinarap ni Aether ang kanyang computer pero para lang patayin ito. Hanggang sa mayamaya lang ay tumayo na nga at nagbaba na siya ng tingin sa akin. He leans his butt against the table at humalukipkip sa akin. He is looking at me intensely. Sa dami ng naglalaro na emosyon sa mukha niya ngayon ay nahihirapan na akong basahin siya. Sana ay nag-poker face na lang siya, at least doon ay alam ko na wala talaga siyang emosyon. Hindi tulad nito na maging ang nararamdaman niya ngayon ay nagdudulot ng curiosity sa akin. "I can't believe you're doing this to me, Aether!" Hindi ko na napigilan pa ang magsalita sa kanya. And Aether's grimace makes me regret that. Parang takhang-takha pa siya kung bakit ako naghihimutok ngayon. He is like telling me why I should gayong wala naman akong karapatan para tanungin 'yon sa kanya. "I just said something that can be the reason to avoid you. Anong part nito ang hindi mo kayang paniwalaan. Be better off speak now, Keitlyn. Just tell me your reasons so you can go now," sabi niya at nakuyom ko na lang ang magkabila kong kamao sa magkabila kong tagiliran dahil sa labis na inis kay Aether. "Do you really want to know?" tanong ko sa kanya at marahan naman siyang natawa. "I will not ask you, Keitlyn kung hindi ko nais na malaman," sabi pa niya at sandali akong napatitig sa kanya. And it really frustrates me dahil wala man lang akong mabasa na pinakanangingibabaw sa emosyon niya. At sa tingin ko naman ay tama siya dahil para saan pa ang pagtatanong niyang ito kung hindi naman pala siya interesado na malaman. At wala naman akong plano na ilihim pa sa kanya ang lahat. Wala rin akong plano na magsinungaling sa kanya dahil sasabihin ko sa kanya ang totoong dahilan. "Kung gusto mo talagang malaman ay sasabihin ko sa iyo. Pero tulad ng sabi mo, Aether, sa oras na masabi ko na sa iyo ang tunay na dahilan ay lalayuan na natin ang isa't isa," sabi ko sa kanya para sana mapaisip man lang siya. But he gestures me to go. At dooon ko lang na-realize na wala na siyang pakialam kahit pa mag-iwasan man kaming dalawa. "Spill, Keitlyn," sabi pa nito nang ilang sandali akong hindi nakapagsalita. Tila ba nais na talaga niyang malaman ang lahat at hinihintay na lang din niya ang pagsasalita ko bago niya ako pauwiin. Hindi man lang din siya nagdalawang isip na sabihin 'yon. Sa totoo lang ay paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na sa oras na malaman niya ang dahilan ng pag-iwas ko sa kanya ay tuluyan na kaming mag-iiwasan nang sa gayon ay mag-isip man lang sana siya kung lalayuan ba namin ang isa't isa o hindi. Na umaasa ako na ayaw rin niya sa idea na 'to. Pero sa pinapakita niya ngayo ay desidido na talaga siya sa paglayo namin sa isa't isa. Ibang-iba ang pinapakita niya ngayon kung ikukumpara sa pinakita niya sa akin kanina nang malaman niya na iniiwasan ko nga siya. Malakas ang kutob ko na dahil ito sa marine radar na natuklasan niya. He doesn't really want me to drag by in this one kaya hindi na niya iindahin pa kung mag-iwasan man kami. "Have you heard the story of Timothy?" tanong ni Aether at napakunot ang noo niya. He is obviously clueless sa kung sino ang Timothy na tinutukoy ko. "And who the hell is he?" I was so thankful thay Em is not with me kaya hindi niya narinig ang sinabi ni Aether. I'm pretty sure she will react because Aether just cursed over Timothy's name. Sigurado ako na bubungangaan at kagagalitan niya si Aether. "Timothy, siya lang naman ang Weigand student na pinalitan mo," sabi ko sa kanya at wala nmaa akong nakuha na anumang reaksyon mula sa kanya. Kahit pa sinabi ko na kung sino si Timothy ay nananatili pa rin siyang clueless. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam ko rin naman na hindi siya manghuhula at wala siyang pakialam sa kung sinuman ang Timothy na binanggit ko. The only reason why he's curious right is thay I was the one who mentioned that name. At sa wakas ay nakakita ako ng interes sa kanyang mga mata. He has nothing to worry because unlike him ay sasabihin ko sa kanya ang lahat. Kahit pa sabihin na binitin niya ako sa mga nalalaman niya tungkol sa radar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD