Chapter 30
Keitlyn's POV
Dahil nakaupo si Aether sa tapat ng kanyang computer at ako naman ay nakatayo sa kanyang tabi ay naging nakakangalay ang pagtingin niya sa akin. He has to tilt his head para lang makita niya ako. Nagbaba naman ako ng tingin sa kanya pero hindi naman naging mahirap sa part ko. Iniikot ni Aether ang kanyang upuan para maharap na niya ako nang ayos. Nasa mukha niya ang malaking pagtutol tungkol sa mga huling sinabi ko sa kanya.
And what was that again? Ang sabihin sa akin ang lahat ng matutuklasan niya at lagi niya akong i-update. That was just simple pero parang napakalaking pagtutol ang gagawin ni Aether. He is obviously doesn't like the idea of it. Hindi ko naman siya pwede na kulitin dahil baka mahirapan lang ako lalo na kumbinsihin siya na sabihin sa akin ang lahat ng malalaman niya. I have to be nice to him in asking this favor. Sana nga lang ay madala siya sa pagiging nice ko at hindi na niya ako pahirapan pa. Bukod sa pagtaas ng kilay sa aking bilang pagsusungit at humalukipkip pa si Aether. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi ako nagsalita ng anuman. I just want him to speak dahil halata naman sa kanya na mayroon siyang gustong sabihin sa akin.
"Sasabihin mo naman sa akin ang lahat ng nalalaman mo, hindi ba?" tanong ko at mabilis naman siyang umiling. He doesn't say anything at halos ikainis ko iyon. Sinabi ko na nga ba at mahihirapan ako na kumbinsihin itong si Aether. Pero sanay naman na akong kulitin siya at sanay naman na siyang kulitin ko siya. Alam ko rin naman na alam niya na mangyayari ito. I know he expected na mangungulit ako sa kanya.
"You definitely doesn't know the danger in this situation," sabi niya at napangiwi ako. Ako pa ngayon ang hindi nakakaintindi sa panganib na banta ng ginagawa niyang 'to samantalang siya nga itong tila hindi iniinda ang panganib na 'yon. The funniest thing here is that he is aware of its danger pero wala man lang akong nakikita na pagdadalawang isip sa mga mata niya.
"At anong plano mo, Aether? Solohin ang lahat ng 'to?" Hindi na naman ako nakakuha ng sagot mula kay Aether. Bagkus ay bumalik na siya sa ginagawa niya sa kanyang computer. Aether is just getting to my nerve pero hindi ko naman siya pwede na awayin dahil baka mapasama lang at paalisin na niya ako rito. Mas lalo lang akong walang mapapalala. Sigurado ako na gabi-gabi akong hindi makakatulog dahil lang sa kakaisip sa lahat ng 'to.
"You have nothing to do with it, Keitlyn. So you can stay out of this." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang 'yon. I thought his plan is to show me all of this. Pero mukhang nagkamali ako. Pero kung wala naman pala siyang plano na sabihin sa akin kung ano ang mga matutuklasan niya ay bakit pa niya ito pinakita sa akin?
"I have nothing to do with that? Pero ang sabi mo ay may ipapakita ka sa akin. Ito na ba 'yon? 'Yung sasabihin mo na nagkaroon ka ng access sa isang pakana ng Weigand pero hindi mo naman pala sasabihin sa akin ang lahat?" Hindi ko na tinago pa ang frustration na nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya sa akin ngayon. I don't get his point. Kung wala naman pala siyang plano na sabihin sa akin ang lahat, sana ay hindi na lang niya ito sinimulan na ipakita sa akin. Gugulo lang sa isip ko ang lahat ng 'to.
"I only said this to you so I can give you the reason why I must avoid you," sabi ni Aether at hindi ako nakapagsalita. My mind is still processing his words at hindi ko yata magugustuhan kung saan papunta ang usapan namin na 'to.
"To avoid me?" tanong ko at umaasa na nagkakamali lang ako ng dinig. Yes, avoid Aether is hard. Pero mas mahirap yata kung siya ang iiwas sa akin. At ngayon pa na may kailangan akong malaman na nakakuha ng curiosity ko at alam ko na tanging siya lang ang makakasagot nu'n.
"Yes. I know the feeling kung paanong iwasan ng isang tao nang hindi alam ang dahilan. So I gave you my reason...which is this," sabi niya nang hindi na naman ako nililingon. And there's a tone of mockery sa sinabi niyang 'yon sa akin. I feel guilty about that pero syempre ay hindi ko naman iyon pinahalata sa kanya.
I know na nasaktan ko siya sa ginawa ko na pag-iwas sa kaya ganito siya ngayon. At dahil alam niya ang pakiramdam na 'yon ay pinaalam niya sa akin ang dahilan.
"You shouldn't have told me about this, Aether. Sana iniwasan mo na lang ako nang walang sabi-sabi," I tell him pero hindi naman siya natinag. Bagkus ay nagkibit balikat lang siya na tila walang pakialam sa sinabi ko. "Talk to me, Aether. I'm all in. Kahit na ano pang sabihin mo ay damay na ako," sabi ko pa sa kanya pero muli ay umiling na naman siya.
"No, Keitlyn. Hindi ka madadamay kung hindi kita idadamay. And you have nothing to worry about dahil wala naman akong plano na kaladkarin ang pangalan mo sa oras na magkabistuhan man." Hindi ko alam kung dapat ko ba na ipagpasalamat ang sinabi niyang 'yon o mas lalong ikainis dahil ibig sabihin lang nu'n ay wala na talaga siyang plano na sabihin sa akin ang lahat.
"That's not fair, Aether!" Napabuntong hininga siya at tumigil sa kanyanh ginagawa. Bagsak ang balikay siya na nag-angat ng tingin sa akin bago muling nagsalita.
"Trust me, Keitlyn, that's the fairest thing I could do to you. Just deal with it. Tell me your reasons on why you're avoiding me. So after that, we can all move on and start tomorrow like a normal classmate." Hindi niya pwedeng sabihin na parang hindi magkakilala dahil mahirap 'yon. We are classmates. Mas possible na ituring na lang namin na isang normal na kamag-aral ang isa't isa. But I just could not do it just like this.