Chapter 49
Keitlyn's POV
Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng disappointment dahil sa ginawang iyon ni Batuk. Kahit na inaasahan na namin ang pagsasawalang bahala niya sa sulat na 'yon ay pakiramdam ko na nasayang lang ang lahat ng pinaghirapan namin ni Aether tungkol sa plano na 'to. Hindi ko magawang tingnan si Aether dahil baka makita ko rin ang disappointment sa kanyang mukha at ayokong makikita siya na ganoon. Baka mahawa lang ako sa kanya at mas lalo lang akong makaramdam ng panghihina ng loob.
Dahil kung ngayon ay nagawa niya itong balewalain, paano pa kaya ang mga susunod naming tangka na paghikayat sa kanya. Hindi imposible na makaramdam siya ng inis dahil kukulitin namin siya. Nagulat ako nang mula kay Brenda ay nabaling sa akin ang paningin niya. Ngunit sandali niya lang din naman akong tinapunan ng tingin dahil muli na siyang naglakad pabalik sa kanyang upuan.
Mabuti na lamang at maaga pa kaya hindi niya ako sinuway at kinwestiyon kung bakit ako nandito. At isa pa ay kausap ko si Brenda kaya nagkaroon ako ng dahilan at alibi. Thanks to her anyway. Nang makabalik na si Batuk sa kanyang pwesto ay hindi ko pa rin siya inalisan ng tingin. Marami na ngang sinasabi si Brenda na hindi ko na masundan at alam ko na mahahalata na niya 'yon.
Pero hindi pwedeng hindi ko makikita ang reaction ni Batuk dahil iyon ang pinunta namin dito ni Aether. Pero tulad kanina ay wala pa rin akong nababasa sa kanyang mga mata. At hindi pwede 'to. Mahihirapan kami ni Aether sa pagdedesisyon kung itutuloy pa ba namin ang panghihikayat kay Batuk na sumali sa alyansa namin kung hindi naman namin siya nakikitaan ng kahit na kaunting interes man lang.
I look at Aether para sana itanong kung ano na ang gagawin namin ngunit nagulat ako nang makita ko na siya na naglalakad na palapit sa akin at sinenyasan ako na aalis na kami. Kaya bago pa man siya makalapit sa akin ay nagpaalam na ako kay Brenda. Sinalubong ko na agad si Aether at sa bagay na kaming naglakad papunta sa classroom namin at papaayo naman sa classroom nina Batuk.
"Paano 'yan, Aether? Mahirap basahin si Batuk," sabi ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad ngunit mabagal na lamang dahil kailangan pa naming mag-usap. Nang tingnan ko rin naman ang oras sa wrist watch ko ay nakita ko na maaga pa naman kaya wala kaming problema sa klase namin.
"You're right. Mahirap ngang basahin si Batuk," pagsang-ayon ni Aether. Ngunit kahit na sumang-ayon siya sa akin ay hindi ko maiwasan ang mapakunot ang noo dahil sa pagtatakha sa tono ng pananalita ni Aether.
Not that I want him to be disappointed because that's how I expected him to feel. But he doesn't sound disappointed. Mukhang hindi niya dinibdib ang ginawang iyon ni Batuk sa invitation namin. Siguro ay dahil hindi niya narinig ang sinabi ni Batuk na isa lamang iyong basura. He just saw him burning it.
Alam ko na mayroong bagay na naglalaro sa isip ni Aether at gusto ko iyong malaman. I want to ask him what he is thinking right now pero hindi ko naman magawa na basta na lamang iyong itanong.
"You seemed to be not bothered kahit na ganoon ang naging resulta ng ginawa natin, Aether," sabi ko sa kanya kaya nahinto siya. Tiningnan muna niya ang paligid namin para kumpirmahin kung may makakarinig ba sa amin kung mag-uusap man kami. Nang masiguro niya na malayo ang mga estudyante sa amin at iilan pa lang din naman kaming nandito ay saka siya muling nagsalita.
"Why should I be bothered, Keitlyn? Dahil sa ginawa niya na pagsunog sa sulat?" tanong pa ni Aether na tila ba nagtatkha siya kung bakit ganoon ang iniisip ko dapat niyang maramdam.
"Yes, Aether. Because he burnt it down. Maybe you just did not hear it pero sinabi niya rin na basura lang iyon nang tanungin siya ni Brenda." Hindi naman napigilan ni Aether ang mapangiwi dahil sa sinabi ko. Malayo si Aether sa amin nang mga oras na 'yon kaya sigurado ako na hindi niya 'yon narinig. At hindi ko alam kung paano iyon patutunayan kay Aether dahil mukhang plano pa niya na pagdudahan ako sa bagay na 'to. Tho wala namang bakas ng pagdududa sa mukha niya.
"Not big of a deal, Keitlyn. Why you seemed disappointed? It was a success. Cheer up!" sabi ni Aether at bigla tuloy akong napaisip kung alam pa ba ni Aether ang mga sinasabi niya. Dahil sa kabila ng mga nangyayari ay tinuturing pa niya 'to na success.
"How can I cheer up and how can this be a success, Aether? Hindi man lang nga siya nag-react sa sulat," sabi ko. Gusto ko man na magtaas ng boses kay Aether dahil sa inis sa kinikilos niya ay hindi ko naman magawa dahil baka maka-attract lang 'yon ng attention ng ibang estudyante at ayoko naman 'yong mangyari.
"Hindi naman na mahalaga kung anuman ang naging reaction niya, Keitlyn--mayroon man o wala. Dahil ang pinakamahalaga sa lahat ay ang naging action niya." I can't help but scoff dahil sa narinig ko na sinabi ni Aether. Seryoso ba siya? Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip ni Aether at hindi ko na naman siya maintindihan.
"Oh, really, Aether? Which action then? 'Yung pagsunog niya sa sulat?" sarkastiko kong tanong.
"Yes, Keitlyn, precisely," sabi niya at hindi makapaniwala akong natawa.
"Was that good to you, Aether? How? How do you interpret that action he did?" tanong ko na dahil alam ko naman na hindi ako matatahimik hangga't hindi naipapaliwanag sa akin ni Aether ang lahat. Dahil kahit na anong halungkat ang gawin ko sa isip ko ay hindi ako makahanap ng paliwanag para hindi ikabahala ni Aether ang nasaksihan namin kanina kay Batuk.
"Dont you get it, Keitlyn? He burnt it down nang sa gayon ay walang sinuman ang makakita. If he doesn't care about the letter at kung hindi niya iyon sineryoso, he could simply toss it somewhere. But what did he do? Iniiwas niya ang invitation na 'yon sa posibilidad na pagkakabulilyaso," sabi ni Aether at natahimik ako.
Hindi ko maikakaila ang malaking punto na tinutumbok niya. But of course, hindi ko pa rin naman maiwasan ang magduda dahil wala pa rin naman kaming kumpirmasyon. Paano kung talaga ngang trip lang ni Batuk na sunugin ang letter na 'yon. Ngunit ganoon pa man ay nabawasan na kahit papaano ang pangamba ko dahil sa posibilidad na pinaniniwalaan ni Aether. He truly believes Batuk is interested dahil sa ginawa nitong pagsunog sa letter.
Hindi ko na rin naman kinontra pa ang paniniwalang 'yon ni Aether dahil kung gagawin ko 'yon ay panghinaan na siya ng loob. Mas mabuti na 'yung ganito siya na mayroong pag-asa.
"What should we do next?" tanong ko dahil sigurado naman ako na may naiisip na siya na paraan.
"We will try again tomorrow," sabi niya at hindi ko na rin naman siya kinontra pa. If he wants to try again tomorrow, then we will. Wala naman sigurong mawawala sa amin. Ang plano ni Aether ay ang hindi tigilan si Batuk. And if that's what he wants ay iyo ng gagawin namin. Nakahanda lang naman ako na lagi siyang suportahan.
Ngunit tulad ng ginawa ni Aether kanina, ang plano namin bukas ay ang hindi muling pagpapakilala. Ang pinagkaiba lang ng plano namin ngayon sa magiging plano namin bukas ay hindi na namin siya kailangan na bantayan. Dahil buo ang loob ni Aether na ganoon ulit ang gagawin ni Batuk sa sulat na iiwan namin sa pwesto niya bukas. He will burn it again.
Kaya kinabukasan nga ay muling maaga ang naging pasok namin ni Aether at sa classroom nina Batuk kami dumiretso. Luckily ay wala pang ibang estudyante ang nandito kaya malaya naming nagawa ni Aether ang plano namin. Iniwan namin ulit ang sulat sa locker sa armchair ni Batuk at nagmamadali na kaming lumabas ng classroom.
Minabuti namin na maging mas maaga kaysa kahapon dahil baka agahan din ni Batuk ang pasok niya nang sa gayon ay personal niyang makita kung sinuman ang nag-iiwan ng sulat sa kanyang upuan. At hindi pa niya kami pwede na makita dahil masyado pang maaga.
Aether said that we still need more time bago magpakilala dahil ayon sa kanya ay may tamang oras para doon. sang-ayon naman ako sa sinabi niyang 'yon pero hindi ko maiwasan ang mag-alala dahil baka nagsasayang lang kami ng oras dito. Baka kung kailan ayos na ang lahat ay huli naman na para sa paglaban namin.
Hindi na kami nagtungo pa ni Aether sa kung saan man at sa classroom na lang namin kami dumiretso. Dito na rin namin plano na maghintay ng oras hanggang sa magsimula na ang mga klase.
"What would be our plan for tomorrow?" tanong ko kay Aether nang makaupo na kami. Nandito na ako ngayon sa upuan ko habang si Aether naman ay sa upuan ni Em na muna umupo habang wala p siya.
"Ganoon pa rin naman, Keitlyn. Mag-iiwan pa rin tayo ng sulat sa pwesto ni Batuk," sabi niya at tumango naman ako.
"Hanggang kailan naman natin ito gagawin?" tanong ko. Wala naman akong pagdududa sa plano niyang 'to dahil alam ko naman na alam ni Aether ang ginagawa niya. Pero isa kasi 'to sa mga katanungan ko at gusto ko na sanang mabigyan ng kasagutan.
"Hanggang sa si Batuk na mismo ang maghanap sa atin," sabi ni Aether at muli naman akong tumango. Mukhang tama naman si Aether sa plano na 'yon dahil kung talagang interesado si Batuk sa imbitasyon namin sa kanya ay siya na mismo ang hahanap ng paraan para makilala kami.
"Sana nga lang ay sunugin ulit ni Batuk ang sulat," sabi ko. Ngumiti naman si Aether at tumango para sabihin na naiintindihan nia ang pinanggagalingan ng pag-aalinlangan ko na 'yon.
"Believe me, he will." Hindi maitatago ang labis na kasiguraduhan sa mata at tono ni Aether kaya naman naniwala na rin ako. Para akong robot na kapag sinabi niyang pagkatiwalan ko siya ay pagkakatiwalaan ko siya. Parang wala na akong sariling pag-iisip dahil nakadepende na ako sa kanya. And I don't know if that was a good sign or a bad sign. But I think it is the latter.
Tulad ng nangyari kahapon ay mabilis lang na lumipas ang buo naming klase. At kinabukasan nga ay walang mababago sa plano namin ni Aether. Maaga kaming pumasok upang muli ay maglagay ng sulat sa pwesto ni Batuk. Sa bawat araw na ginagawa namin ito ay mas nagiging maaga at mabilis kaming kumilos dahil alam namin na inaagahan na ni Batuk ang pasok para siguro maabutan kami.
Ilang araw na rin ang lumilipas na puro ganito ang simula ng pasok namin ni Aether. Hindi naman kami nagrereklamo dahil nakakakita naman kami ng improvement. Sa bawat umaga na papasukin namin ni Aether ang classroom na 'to ay hindi namin nakakaligtaan na i-check ang basurahan at hindi naman kami nabibigo dahil may mga abo roon na siyang nagiging kumpirmasyon namin na sinusunog pa rin ni Batuk ang mga sulat.
Matapos naming i-check ang basurhan at muling makakita ang abo ay saka kami dumiretso sa pwesto ni Batuk. Nagmamadali naming binuksan ang locker sa armchair niya ngunit bigla na lamang kaming natigilan ni Aether at nagkatinginan. Halata sa mukha niya ang pagkabigla dahil hindi niya rin inaasahan na may maaabutan kami na ganito rito ngayon.
Sa loob ay mayroong note. Maikli lang naman ang note na 'yon kaya agad naming nabasa ni Aether. Ngunit dahil parehas kaming hindi ito inaasahan ay hindi namin alam ang aming gagawin. Ang tangi lang naming alam ay hindi na dapat kami magtagal pa rito dahil baka may mga estudyante na ang makakita sa amin. Or worse ay si Batuk pa mismo ang makakita sa amin.
Mabilis na dinampot ni Aether ang note at at sinarado ang locker ni Batuk. Agad kaming nagmadali sa paglalakad palabas ng classroom at dumiretso sa classroom namin. We were half running at napansin ko ang pananahimik ni Aether. Halata na ngayon pa lang ay malalim na ang iniisip niya. Alam ko rin na nag-iisip na siya ng susunod namin na hakbang.
The note stated... 'Who are you? Just meet me already!'. Alam ko na ngayon pa lang ay pinagdedesisyunan na ni Aether kung magpapakilala na ba kami o hindi. Ngunit base na rin sa naging usapan namin ni Aether, magpapakilala kami kung si Batuk na mismo ang maghahanap ng paraan para makilala kami. And I think that this is it. Ito na ang hinihintay naming paraan ni Batuk na makilala kami. This is Batuk's way of showing his interest to our invitation.
Nang marating namin ni Aether ang classroom namin ay kaming dalawa pa lang ang nandito. Which is better dahil mas malaya kami na makakapag-usap. Hindi rin naman kasi biro ang naging aga ng pasok namin ngayon just to make sure na hindi kami maaabutan ni Batuk. Tulad naman ng dati ay sa upuan na muna ni Em siya naupo para makapag-usap pa kami nang ayos.
"What should we do now, Aether?" tanong ko nang ilang sandali na kaming nakaupo ay hindi pa rin siya nagsasalita. Alam ko naman na nag-iisip siya pero sa tingin ko ay mas mapapabilis; ang pagpaplano namin kung sasabihin niya sa akin ang ilan sa mga naiisip niya na gawin at maibibigay ko rin ang opinyon ko.
"I'm already planning of exposing ourselves," sabi niya at sandali ang akong nanahimik. Hindi naman ako tumututol dahil sa katunayan nga ay iyan din naman ang gusto ko nang gawin at naghihintay lang din naman ako ng go signal ni Aether. Hindi ko lang maiwasan ang mapaisip kung ito na ba ang tama naming gawin. But since Aether initiate it already ay wala na akong magagawa pa kundi ang sumang-ayon.
"Kung sa tingin mo, Aether ay oras na, then let's do it," sabi ko at tumango naman si Aether.
The plan will be like this...bukas ay muli kaming mag-iiwan ng sulat sa pwesto ni Batuk. Ngunit hindi na basta panghihikayat kundi lalagyan na namin ng oras at lugar kung saan kami mag-uusap.
At kakatagpuin namin si Batuk sa isang girl's comfort room sa pinakamataas na floor dahil iyon ang hindi na tinataong bathroom. The library was the one on that floor. Hindi naman na masyadong pinupuntahan ang library kaya hindi na madalas na nagagamit ang comfort room doon.
We will be in different cubicles para hindi kami agad-agad na magkakitaan. Mag-uusap-usap kami na parang nasa isang kumpisalan lang at sana nga lang ay mag-work iyon. I am both nervous and excited dahil bukas na malalaman kung nagbunga ba ang matiyaga naming paggising ng maaga ni Aether para lang sa paglalagay ng mga sulat para kay Batuk.
Natapos ang usapan namin ni Aether nang magsimula nang magdatingan ang mga classmates namin at dumating na rin si Em kaya talagang kinakailangan nang tumayo ni Aether dahil nakaupo siya sa upuan ni Em.
Aether just nod at me para magpaalam dahil alam ko na ang gagawin ko bukas.