Chapter 48
Keitlyn's POV
Natapos ang usapan namin ni Aether sa kasunduan na magpo-focus kami sa pagkumbinsi kay Batuk. Bukas na bukas ay magsisimula na kami sa pagpapadala ng sulat para sa kanya. At tulad rin ng pinag-usapan namin ni Aether ay hindi namin titigilang ang pagpapadala sa kanya ng mga sulat hangga't hindi namin nakikita ang interes na gusto niyang makiisa sa aming alyansa.
Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Aether hanggang sa napagpasyahan ko na ang umuwi dahil hindi ko namalayan na lumalalim na pala ang gabi. Nang makarating naman na ako sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang labis na pagod. It has been a productive day kahit pa sabihin na sabado ngayon. Kahit na mostly sa ginawa namin ni Aether ay gumala lang talaga, feeling ko ay napakalaki na ng improvement ng mga plano namin dahil sa umuusad naman na kami kahit na papaano.
Bukas nga ay sisimulan na namin ang mga nailatag na naming plano. And I wish nothing but the success of everything na gagawin namin ni Aether. This will be the very first step at kung hindi namin ito mapagtatagumpayan ay wala mahihirapan kaming muli sa pag-iisip dahil wala naman kaming nakahandang back-up plan. Alam ko na mabilisan lang ang ginawa na pag-iisip ni Aether kaya imposible talaga na magkaroon siya ng back up plan. Kaya kailangan naming magtagumpay sa first step na 'to dahil kung hindi, baka maging kami ay pagdudahan na rin namin ang mga sarili namin.
Walang duda sa kakayahan namin, lalo na sa kakayahan ni Aether. Ngunit kung tatlo lamang kami nina Aether at Ginger ay maliit ang chance na mapagtagumpayan namin ang lahat ng 'to. Ayoko man na isipin ang mga posibleng kapalpakan ay hindi ko naman magawa dahil kailangan din naman naming mapaghandaan ang lahat.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil na rin sa iyon ang usapan namin ni Aether. He even told me na pag-uwi ko kahapon ay gagawa na siya ng sulat para kay Batuk. Pero hindi siya handwritten. He will just printed out a letter dahil baka raw makilala niya ang sulat kamay namin. Alam naming parehas na maaga kung pumasok si Batuk dahil nga sa duty niya as president. Hindi namin alam kung anong oras siya usually pumapasok kaya hindi minabuti namin na gawing sobrang aga ang pasok namin.
Sana nga lang ay wala pang tao sa classroom nila nang sa gayon ay walang sinuman ang makakakita kung sinuman ang maglalagay ng sulat sa upuan ni Batuk. Mahihirapan nga lang kami sa kung paano makikita ang reaksyon nia dahil sobrang obvious naman kami kung papasok kami sa classroom nila gayong hindi naman kami taga-roon. Baka nga sitahin pa niya kami.
Dumiretso kami sa classroom nina Batuk at laking pasasalamat naman namin nang makita na wala pang estudyanter roon. Tiningnan namin sa monitor ang seatplan ng kanilang klase para hindi na rin kami mahirapan pa sa pag-iisip sa kung saan ang eksaktong upuan ni Batuk. Iniwan namin sa loob ng locker ng armchair niya ang sulat na sana ay mabasa agad niya. Sana rin ay walang ibang makabas nu'n. Nabas ko rin ang nilalaman ng sulat na si Aether mismo ang nag-compose at hindi nga nakapaloob doon kung sino kami.
Very convincing ang mga sinabi ni Aether sa sulat, lalo na ang main goal ng alyansa namin. Sana nga lang ay seryosohin ni Batuk ang imbitasyon namin na 'to. Bago pa man magsidatingan ang mga estudyante sa klase na 'to ay minabuti na namin ni Aether na lumabas na ng kanilang classroom.
"You can go to our classroom now, Keitlyn. Ako na ang bahalang maghintay sa pagdating ni Batuk," sabi ni Aether pero agad rin naman akong umiling para salungatin ang utos niyang 'yon kaya napahinto siya sa kanyang paglalakad. Nasa labas na kami ng classroom nina Batuk at sigurado ako na bababa si Aether para nga hintayin si Batuk sa kanilang portal.
"Bakit Keitlyn? May plano ka pa ba na puntahan?" tanong niya at hindi ko alam kung tama ba ang tila ay pagdududa na nahimigan ko sa tono niya sa tanong niyang 'yon sa akin. At hindi ko alam kung para saan ang pagdududa niyang 'yon gayong wala naman akong sinabi. I just shook my head dahil ayoko pa nga na pumunta sa classroom namin.
Sigurado ako na iilan pa lang ang classmates namin na nandoon—baka nga wala pang tao roon. Sigurado ako na aantukin lang ako dahil sobrang tahimik du'n. Masyado pa ring maaga kaya matagal lang ang gagawin kong paghihintay sa classroom namin para sa pagdating ni Aether.
Ayoko naman na maghintay na lang at tumunganga habang wala pa si Aether. Ayokong maghintay lang sa update niya sa akin. Ang gusto ko sana ay makita ko mismo ang reaction at gagawin ni Batuk pagkabasa na pagkabasa niya ng invitation namin. Sana nga lang ay hayaan naman ako ni Aether na samahan pa rin siya at hindi niya ipagpilitan na pumasok na ako sa classroom namin.
"Wala akong plano na puntahang iba, Aether. Pero gusto ko sanang sumama sa iyo hanggang sa makita natin ang magiging reaction ni Batuk," sabi ko at sandali namang natahimik si Aether dahil halatang nag-iisip siya kung pagbibigyan ba niya ako sa gusto ko o hindi. Pero sana naman ay pagbigyan niya ako. Dahil kung hindi ay wala akong ibang magagawa kundi ang mangulit sa kanya hanggang sa isama na niya ako.
"Baka mahalata tayo kapag dalawa pa tayong nag-abang sa kanya," sabi ni Aether at muli naman akong tumango. Hindi ko alam kung paano makukumbinsi si Aether. Para akong bata na ayaw isama ng mama niya sa kung saan man siya pupunta. Ngunit tulad ng isang bata ay hindi ako magpapaawat dahil mangungulit talaga ako kay Aether.
"Hindi naman siguro, Aether. Sa dami naman ng estudyante na nakatambay sa may portal ay hindi niya mahahalata na siya ang inaabangan natin," sabi ko pero halata pa rin na hindi siya kumbinsido.
"Paano kung susundan na natin siya?" Muli akong umiling sa sinabing 'yon ni Aether. Halata ang sobrang pag-iingat niya na hindi mabuko ang mga plano namin pero medyo paranoid na ang dating niya ngayon. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako or what dahil sa mga kinikilos ni Aether. Pero hindi ko naman siya pwede na pagtawanan dahil baka mas lalo niya lang akong hindi isama.
"Hindi naman tayo magpapahalata, Aether. Tsaka madadaanan naman talaga natin ang classroom nila bago natin marating 'yung sa atin. So I don't think mahahalata niya tayo." Muli ay saglit siyang hindi nagsalita para pag-isipan ang pangungulit ko. Ang buong akala ba ni Aether ay magpapatalo ako sa kanya? He should have known kung gaano ako kakulit.
Until I hear Aether sigh in defeat at smiled in victory. Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango dahil alam din naman niya na hindi siya mananalo sa akin. Magtatagal lang kami rito kaya minabuti na rin niya na pumayag at niyaya na niya ako na pumunta sa mga portal. Doon ay tumambay kami at hindi nagpahalata. Kung titingnan kami mula sa malaya ay aakalain mo lang na bored student lang kami na napaaga ang pasok kaya nagawa pa na tumambay rito.
"Does Ginger knows the plan?" tanong ko at tumango naman si Aether. I wonder how he told everything with the kid gayong kagabi lang naman naging final lang ang plano namin na 'to. It is either he went to her house or he just texted her the details. I don't like them having a conversation I do not know but I hope it is the latter. Mas gugustuhin ko pa na sinabi niya ang lahat kay Ginger thru text kaysa sa nag-effort pa siya na puntahan siya sa kanilang bahay or pumunta sa bahay niya si Ginger pagkauwi ko.
Because seriously, masyado nang late kung magkikita pa sila dahil late na rin akong nakauwi. Pilit ko na lang na hindi pinansin ang mga nasa isip ko at naghintay na lang sa portal ng sixteenth century. Napatayo kaming parehas ni Aether nang makita namin na umilaw na ang portal at nangangahulugan na may papasok na mula roon. At iilan lang naman ang estudyante ng sixteenth century kaya malakas ang loob namin na si Batuk na nga ang papasok.
Hindi nga kami nagkamali ni Aether dahil si Batuk nga ang namataan namin. Muli ay nagkatinginan kami ni Aether at tinanguan ang isa't isa. Muli naman naming binalik ang mga paningin kay Batuk na ngayon ay kadaraan lang sa ranger. Tulad nga ng pinag-uspan namin ni Aether ay hindi kami nagpahalata. Kaya nang sumakay na si Batuk sa kanyang flying vehicle ay sinigurado namin na may sapat kaming distansya sa kanya para hindi niya mahalata ang pagsunod namin sa kanya.
Kampante naman kaming parehas ni Aether na hindi kami nakikita at nahahalata ni Batuk. Malapit na kami sa classroom nila ay wala pa naman kaming napapansin na kakaiba sa kinikilos niya. Nang makapasok na nga si Batuk sa classroom nila ay minabuti na namin ni Aether ang maghiwalay. May nakita ako na isang kakilala kaya nilapitan ko siya. Nakatambay siya sa frame ng classroom nila. Mabuti na lamang at nakakuha ako ng magandang pwesto dahil kitang-kita ko mula rito sa kinanatayuan ko kung nasaan si Batuk.
Mukhang maganda rin ang kinatatayuan ni Aether dahil nasa bintana siya ng classroom na kunyari ay tumintingin-tingin ng halaman.
"Kumusta ka naman?" tanong ko kay Brenda na minsan ko na ring nakasabay na kumain. Pabalik-balik ang tingi ko sa kanila ni Batuk. Hindi pwedeng may makaligtaan ako sa mga kilos niya ngunit hindi rin naman pwede na magpakita ako ng walang interes sa mga sinasabi ni Brenda dahil baka bigla na lamang niya akong alisan at pumasok na siya nang tuluyan sa classroom nila. Mahihirapan ako nu'n dahil wala na akong magiging dahilan pa para mag-stay sa lugar na 'to. Ngayon pa kung kailan maganda na ang pwesto ko.
Mabuti na lamang at kaunti pa lang din ang tao sa classroom nila at kaya nandito itong si Brenda sa may pintuan nila ay dahil bored na siya sa loob. Well, hindi ko rin naman siya masisisi.
"I'm good. Ikaw ba?" tanong ko at muling sinulyapan si Batuk.
"Okay lang din naman ako," sabi ko. Kailangan kong mag-isip ng magiging topic namin ni Brenda dahil kailangan ko pang mag-stay nang kausap siya. Hindi pa kasi binubuksan ni Batuk ang drawer ng kanyang armchair kaya kailagan ko pa ng oras hanggang sa mabuksan niya iyon at makita ang sulat ni Aether.
Bigla na lamang akong napaayos ng tayo at nahugot ko ang hininga ko nang makita ko si Batuk na iniangat na ang locker ng armchair na kinauupuan niya. Alam ko na anumang oras ay makikita na niya ang sulat. Bigla na lamang akong kinabahan sa maaari niyang maging reaction. Sana naman ay hindi siya magalit at ipagtanungan kung sino ang naglagay ng sulat sa kanyang upuan. Nilingon ko naman ang kinaroroonan ni Aether at nakita ko na nakatingin din siya kay Batuk at naghihintay sa magiging reaction nito.
Natigilan agad si Batuk pagbukas na pagbukas pa lang niya ng locker at alam na agad namin na nakita na niya iyon. Kahit na anong pilit ko na basahin ang nasa isip niya ay hindi ko magawa. Nakatingin lang siya sa sulat nang wala man lang anumang reaction. He is in a poker face at hindi namin iyon inaasahan. Ang buong akala namin ay mababasa namin siya kahit papaano, may interes man siya o wala. But now, he didn't ever frown kahit man lang sana dahil sa pagkalito at pagtatakha sa kung sino ang naglagay ng sulat sa upuan niya.
Ang tangi lang ginawa ni Batuk ay ang magpalinga-linga sa paligid niya upang makita kung may nakatingin ba. Bigla akong nataranta nang makita ko na tumayo siya at ang direksyon kung nasaan ako ang tinatahak niya. He is still holding the letter at huminto siya sa tapat ng basurahan. At doon pa lang ay alam ko na ang gagawin niya. At sa tingin ko ay isa itong bad news para sa amin ni Aether because Batuk will surely throw it.
Hindi nga ako nagkamali dahil inapakan ni Batuk ang pedal ng basurahan at umangat ang takip nito. But to my surprise ay hindi pa niya muna iyon tinapon. Pinanood ko ang bawat hakbang na gagawin niya. May diinkot siya sa kanyang bulsa at nang ilabas niya iyon ay nakita ko ang isang lighter. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtatakha sa kung ano ang plano niya na gawin.
Hanggang sa nagulat na lamang ako nang sunugin niya ang papel kaya maging si Brenda ay napalingon na sa kanya.
"What's that, Pres?" tanong ni Brenda alaya napaangat ng tingin sa kanya si Batuk.
"Basura," bored at walang interes naman nitong sambit. And that is how he sees our invitation...bssura. And it is quite disappointing. Pero ano pa nga bang magagawa namin? Inasahan na rin naman namin ito.