Chapter 25
Keitlyn's POV
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong hindi matingnan ni Aether sa mga mata samantalang kanina lang ay halos hindi na niya ako alisan ng tingin. Nag-iwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko rin kasi matagalan na makita sila ni Ginger nang ganyan kalapit sa isa't isa. Kaya minabuti ko na lang din na sa iba na lang ibaling ang aking paningin. Lalo na nang huling sulyap ko sa kanila ay nag-uusap na sila at napapangiti na si Aeher sa kinukwnento ni Ginger. I think Xavier was right, hindi magtatagal ang bibigay rin sa kanya si Aether. Just like what he said, Ginger has that irresistible charm--and that said by a guy. And somehow, iisa lang ang isip ng mga lalaki.
Xavier finds Ginger's charm irresistible. Maaaring ganoon din ang takbo ng isip ni Aether. Maaaring hindi pa ngayon. But sooner or later, I know Aether might realize that. And what would happen if that could ever happen? The relationship between them is possible dahil wala namang hahadlang sa kanila. The admin can't separate them dahil alam naman nila na pagtapos ng pag-aaral namin dito sa Weigand ay pwede nilang ipagpatuloy ang buhay nila sa twenty-first century. Unlike us na magkaibang siglo ang uuwian namin.
Dahil hindi na rin naman ako sumasagot sa mga kwento ni Xavier ay minabuti na lamang niya na magpaalam. I feel bad about him pero hindi naman niya iyon minasama dahil ang sinabi ko naman sa kanya ay medyo sumakit ang ulo ko. And he understands that at sinabihan pa nga niya ako mas mabuti pa kung uuwi na muna ako para makapahinga at pwede rin naman daw niya akong ihatid hanggang sa unit ko. But I told him na kailangan ko pang hinitayin si Em dahil nangako ako na hihintayin siya.
Nang makita ni Em si Xavier na nakabalik na sa kanilang pwesto at agad niya akong nilingon para siguraduhin na nandito pa rin ako. At napanatag naman siya nang makita na nandito pa rin ako sa bleachers kung saan niya ako iniwan. Sinenyasan ako ni Em na lumapit doon at sumama na lang sa kanila. Pero agad ko naman siyang tinanggihan. And instead, nagsabi ako sa kanya na lalabas na muna ako ng gymnasium. I rub my tummy to tell her na nagugutom ako and I need to grab some food. Noong una ay nag-aalangan pa siya na pumayag pero hindi kalaunanan ay pumayag na rin naman siya at sinenyasan ko na lang din siya na babalik naman ako.
Naglakad na ako pababa ng bleachers at palabas ng gymnasium. Nang tuluyan na nga akong malakabas ay saka lang ulit ako tila nakahinga nang maluwag. That place if really suffocating. Malawak naman ang gymansium at malaki pero pakiramdam ko ay sobrang sikip nu'n dahil nandoon din si Aether. Or maybe because of Ginger? I don't know. Hindi ko na alam kung sino sa kanilang dalawa ang nagpapasikip sa lugar 'yon.
Hindi pa man din ako tuluyan na nakakalayo mula sa gymnasium ay nakaramdam na ako na may tumabi sa akin. Nakita ko sa peripheral vision ko na sinasabayan niya talaga ako sa paglalakad at hindi siya 'yung tipo na napadaan lang sa akin. Bigla na lamang lumakas ang t***k ng puso ko nang ma-realize ko na pamilyar ang kulay jersey na suot ng nasa gilid ko. Hindi ko pa man siya nililingon ay alam ko na agad na taga-twenty first century siya. I don't want to be exaggerated pero maging nag mga yabag niya ay pamilyar.
Dahil na rin sa may idea na ako sa kung sino ang sumasabay sa akin sa paglalakad ay hindi ko na magawa pa ang lingunin siya. Kaya nga ako lumabas ng gymnasium ay para makahinga nang maluwag. Tapos ang dahilan ng suffocation ko ay nananadya naman yata na sundan ako. Hindi ko pinansin si Aether at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi rin naman siya nagsasalita dahil patuloy lang din siya sa pagsunod sa akin. Minabuti ko na lamang na hindi siya pansinin dahil baka sakali na magkusa na siyang lumayo sa akin. Pero natatanaw ko na ang cafeteria ay hindi pa rin siya nag-iiba ng daan.
Huminto ako sa paglalakad at napapikit ako nang mariin nang huminto rin siya. He is slowly getting to my nerves at hindi ko na alam kung ano ang problema niya. Noon na nangungulit ako para maging kaibigan niya ay halos ipagtabuyan niya ako. Ngayon naman na hindi ko na siya dapat na maging kaibigan ay saka naman siya lapit nang lapit sa akin. Huminga ako nang malalim at hinarap siya.
"What do you need?" tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay dahil halata sa naging tono ko ang pagsusungit. Ano ba ang gusto niya? Maging nice ako sa kanya kahit pa halos masira na ang araw ko nang dahil sa kanila ni Ginger? Well, hindi nga lang halos e, dahil tuluyan naman na talaga nilang nasira ang araw ko. And if he will continue following me, my day will be more ruined than it already is. At hindi na ako natutuwa pa.
"What's your problem?" tanong niya at napangiwi ako. I should be the one asking that to him. Bakit siya pa ngayon ang may ganang magtanong sa akin ng ganyan? It was them who ruined my day.
"Don't you have Ginger to babysit?" sabi ko na ikinangiwi niya rin. Why? He's butt hurt because I call her girl that way? Bakit? Tama naman ako ah? Ano ba ang ginagawa niya kay Ginger?
"Don't you have Xavier to cheer?" sabi niya at halos malaglag naman ang panga ko. What does he mean by that? Hindi ko na alam ang takbo ng isip nitong si Aether. He thinks I'm cheering for Xavier samantalang I'm rooting for his shot? How could he even say that? Siguro ay dahil napapatayo ako sa tuwing silang dalawa ni Xavier ang magkaharap. At hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niyang 'yon or what.
Alam ko kung gaano kahusay si Xavier sa basketball kaya kapag siya ang nagbabantay sa kanya ay kinakabahan ako. Sa sobrang kaba ko ay napapakapit pa ako sa kinauupuan ko. Kung minsan naman ay hindi ko na napipigilan ang sarili ko sa pagtayo. Hindi man lang ba sumagi sa isipan niya na siya ang maaaring gusto kong maka-shoot?
"Don't you have Ginger to wipe your sweat?" sabi ko at muli na naman siyang napangiwi. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ko. Ganoon din naman ako sa mga pinagsasabi niya sa akin. I could not believe his blabbering words.
"Oh, well, don't you have Xavier you're gonna wipe sweat?" I scoff because of his horrible words. Tuluyan na ng akong natawa dahil sa huli niyang sinabi. Dahil unang-una sa lahat ay wala naman akong naaalala na pinunasan ko ng pawis si Xavier. Kaya hindi ko alam kung saan nakuha ni Aether ang sinabi niyang iyon. Ngayon ay alam ko na marunong din pala na mag-imbento ng kwento si Aether.
"Excuse me? I could not remember I did that," I tell him and it's his time for him to scoff. He once again grimaced then make face at me. He really hits that different nerver in me at siya lang ang nakakainis nang ganito sa akin. I have never been this pissed off with someone before. He can easily ruin my day without even trying. And that's his special talent.
"Well, maybe you didn't. But I saw in your eyes the desire to do it," sabi niya at hindi ko na naiwasan pa ang mapahlakhak. Seriously? Ano ba ang gustong palabasin nitong si Aether? That I'm drooling for Xavier? And see? He knows I didn't do it pero sinabi niya. What was that for? Para lang mang-asar? Well congrats to him dahil kung iyon nga lang ang purpose ng mga sinasabi niya ay nagtagumpay naman siya. I hope he is happy now.
"How well do you know my eyes, Aether?" mapanghamon kong tanong at humalukipkip pa ako. Tinaasan ko siya ng kilay at talagang tinarayan ko siya.
"You're transparent, Keitlyn. Madaling basahin ang mga mata mo," sabi niya at muli akong natawa. Ang lakas naman ng loob niya na sabihin ang bagay na 'yon gayong sobrang mali naman siya sa part na 'yon. Totoong nababasa niya ang mga mata ko dahil ilang ulit ko na rin naman iyong sinubukan. Pero hindi ko alam kung bakit sumablay siya sa isang ito. It is as if he was blinded by something. And I can see something in his eyes na hindi ko lang magawa na ipaliwanag kung ano.
"Sure, you can read my eyes, Aether. But I'm sorry, you were wrong this time," sabi ko at napangisi siya. Halata sa kanya na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. But that was the tuth. Hindi ako nagkaroon ng anumang pagnanasa na punasan ng pawis si Xavier. He sounded so paranoid. He is also exaggerating things.
"Sure thing, Keitlyn," sabi niya. Ngayon ko lang na-realize kung gaano nakakapagod ang makipagtalo sa kanya. Parang napakadali lang sa kanya ang mang-ubos ng lakas. Ilang sandali pa lang kaming magkaharap ay nauubusan na ako ng lakas. Pero hindi ko maaaring ipakita sa kanya na nanghihina ako pagdating sa kanya. He might make fun of me.
Not that I need to explain with Aether but I hate the thought of him thinking that I have this desire with Ginger.
"Seriously, though. Why are you here anyway? Are you following me?" tanong ko at nagkibit balikat siya. Hindi ko naman alam kung may plano ba siya na sagutin ang tanong kong iyon. Pero kung hindi niya ako sasagutin ay hindi ko malalaman kung ano ang sadya niya. Kung totoo man nga na sinusundan niya ako ay hindi naman niya iyon gagawin nang wala lang. I'm pretty sure he has reason. At gusto kong malaman kung ano iyon. Sana nga lang ay hindi niya maisipan na magsinungaling.
"I just want to know..." mukha namang makakakuha ako ng kasagutan mula sa kanya kahit pa nag-aalangan si Aether na magsalita. I just want him to know na kahit naman naiinis ako sa kanya ay handa pa rin naman akong makinig sa mga sasabihin niya. Pero hindi ko rin naman maitatanggi ang katotohanan na bigla akong kinabahan nang bigla na lamang magseryoso si Aether. Nawala na ang mapang-asar at mapagmalaki niyang mga ngisi. He needs to continue sa kung anumang sasabihin niya dahil baka maabutan pa kami Em na magkausap. We only have a ver limited time to talk. "I just want to know...what was that?" tanong niya at napakunot naman ang noo ko.
What did he mean by that? What is he talking about? Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ni Aether na magpaliguy-ligoy samantalang pwede naman niyang diretsuhin ang pagtatanong sa akin. Bukod sa pinapahirapan niya ako ay pinapahirapan niya rin ang kanyang sarili.
"What do you mean what was that?" naguguluhang tanong ko at napabuntong hining naman siya.
"That...Xavier and you," sabi niya at bigla naman akong natigilan. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya pero bigla na lang ulit nagbara ang lalamunan ko. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya--iyon ay kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya at bakit naging ganoon ang naging kilos namin ni Xavier towards each other. Iyon marahil ang dahilan kung bakit naging ganoon na lamang ang tingin niiya sa akin kanina. Dahil pala sa binabasa niya ang mga kilos ko. Pero kahit gaano pa naging katindi ang kagustuhan niya na mabasa ako ay hindi naman niya nagawa dahil mali naman siya ng hinala. And that is because he was blinded by his paranoia.
Sa sobrang dami siguro ng binabasa niya ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. At siguro ay ganoon din ang nangyayari sa akin sa tuwing nakikita ko silani Ginger na magkasama. But why would he cares anyway? Talagang sinundan pa niya ako hanggang dito para lamang itanong ang bagay na 'yon? At hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag kay Aether. I was just worried na baka mali lang pala ako ng hinala sa kung ano ang gusto niyang marinig.
"I don't get, Aether," sabi ko na lang dahil umaasa ako na didiretsuhin na niya ako nang sa gayon ay hindi ko na kinakailangan pa na manghula sa kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin sa akin.
"Why are you carrying his things? Why are you two talking alone at that freakin' bleachers? Seriously? Ang sakit ninyo sa mata." He said those words frustratedly kaya hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya. Hindi ko akalain na sasabihin niya ang mga bagay na 'yon. Well, I know naman na kanina ay gusto ko na diretsuhin niya ako. At ngayon naman na ginawa na niya ay hindi na ako makapagsalita pa. So that was the reason kung bakit hindi na niya ako magawa pang tingnan? Iyon ay dahil masakit kami sa mata kaya napako na lamang sa sahig ang mga mata niya?
Bigla kong naalala ang eksenang iyon kaya naalala ko rin kung paano na lamang siya punasan ni Ginger ng pawis. Naiinis siya sa ginawa naming pag-uusap ni Xavier samantalang hindi niya iniisip ang ginawa niya na pagpapapunas ng pawis kay Ginger.
"Kami pa ang masakit sa mata? At least kami ni Xavier, nagkukwentuhan lang. How about you and Ginger? May papunas-punas pa ng pawis. Gustong-gusto mo naman." Hindi ko na napigilan pa ang magsalita na rin. Tutal ay sinimulan na rin naman ni Aether ang ganitong klase ng usapan kaya ipagpapatuloy ko na lang din. Kahit pa hindi ko alam kung bakit kailangan naming mag-usap ng tungkol dito.
"Oh, really, Keitlyn? Gustong-gusto ko? How sure are you na gustong-gusto ko nga ang gingawang iyon sa akin ni Ginger?" Natawa ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman na niya 'yon kailangan pa na itanong sa akin dahil halatang-halata naman.
"Well, hindi mo man lang nga siya nagawa na suwayin at patigilin sa ginagawa niyang 'yon sa iyon," sabi ko at muli naman siyang napangiwi.
"Why would I do that? Why would I stop her? I let her do that because most of the time ay nahaharangan niya ang ang view ko sa inyon dalawa ng lalaki mo," sabi ko at halos mapanganga ako sa mga huli niyang sinabi.
"Hindi ko siya lalaki," sabi ko agad sa kanya bilang depensa at napangiwi naman si Aether na halatang hindi naniniwala. Why does he think like that? At bakit nga ba kailangan kong magpaliwanag sa kanya? Hindi naman kami at walang anuman ang namamagitan sa amin. Instead, kailangan pa nga naming iwasan ang isa't isa. I think Aether should know this. Dahil hangga't hindi niya iyon nalalaman ay magpapatuloy kami sa ganitong sitwasyon. Oras na nga siguro para malaman niya ang totoo. Tutal ay malalaman naman din niya ang totoo tungkol kina Em at kay Timothy na siyang pinalitan niya. Hindi magtatagal ay makakarating na sa kanya ang balitang iyon. Kaya mas mabuti nang sa akin na niya malaman kaysa sa iba at upang maipaliwanag ko na rin nang mabuti sa kanya.