Chapter 24

2520 Words
Chapter 24 Keitlyn's POV Dahil nagpapahinga pa ang mga player sa bench sa baba ng bleachers ay hindi pa kami makauwi dahil ang gusto ni Em ay sabay-sabay na kaming umuwi. Ayaw niya talaga na iniiwan ko siya sa tuwing kasama niya si Creight. Mukhang hindi pa siya ganoon ka-komportable sa boyfriend niya. Kaya kung hindi man ako nakakasama sa mga yaya niya sa panonood sa laro nina Creight ay nagyayaya siya ng iba. Hindi naman siya nahihirapan na makahanap ng sasama sa kanya dahil marami rin talaga ang gustong makanood ng laban ng team nila kahit pa man mga taga-ibang century. Ngayon lang yata konti ang nanood dahil sa biglaan lang ang laban na ito. And I think dahil lang iyon sa gusto nilang makita na maglaro si Aether. At ngayon na nalama na nila na hindi madaling kalaban si Aether ay sigurado ako na paghahandaan nila ito. Kahit pa totoo naman ang sinabi ni Arman na hindi nga mahilig sa sports si Aether. Nakikita ko rin na nagpapahinga pa ang kalabang team dahil mukha naman talagang nakakapagod ang laban na ito. Ngunit kahit na kanina pa laman ng isip ko si Aether ay pinipigilan ko na ang tumingin sa kung saan banda nakapwesto si Aether. "Halika na ulit sa baba, Keitlyn. Mukha namang kalmado na kayong parehas ni Arman," sabi ni Em at bigla akong nag-alangan. Wala na ako sa mood na bumaba pa dahil naiirita na ako sa lalaking 'yun. At kapag magkalapit ulit kaming dalawa ay sigurado ako na maaalala ko lang ang mga sinabi niya kay Aether. Kaya mas makakabuti kung mag-stay na lang ako rito sa bleachers dahil sa susunod na may marinig pa ako ulit sa kanya ng salitang pang-iinsulta laban kay Aether ay hindi ko maipapangako na makakapagpigil pa ako. Hindi ko na mapi-filter pa ang mga salita na lalabas sa bibig ko. "Hindi na siguro, Em. Ikaw na lang ang bumaba. Hihintayin na lang kita rito," sabi ko at sumandal pa ako sa kinauupuan ko para ipakita talaga sa kanya na wala na akong balak pa na bumaba dahil tinatamad na ako. At kahit na anong pilit pa ang gawin niya sa akin ay hindi na siya magwawagi pa. Napanguso naman siya nang ma-realize niya na wala na talaga akong plano pa na samahan siya baba. Ang daming beses ko na siyang pinagbigyan ngayon pero hindi na niya ako mapipilit pa sa bagay na 'yto. "Pero baka mamaya, palingon ko sa iyo, wala ka na," sabi niya at napangiwi ako dahil akala mo naman ay kung saan ako pupunta kung mawala man ako ngayon sa paningin niya. Hindi ba siya mamakauwi sa kanila nang siya lang mag-isa? Baka ang gusto pala nitong si Em ay ihatid ko siya hanggang sa bahay nila. "Hihintayin kita rito, Em. Kaya sige na, bumaba ka na." Halos ipagtabuyan ko na siya at agad naman siyang naglakad na pababa ng bleachers. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit ulit siya kina Creight. Mula rito ay pinanood ko sila na mag-usap. Hindi ko nakikita sa mga mata ni Em ang ningning sa tuwing nakikita ko sila na nag-uusap ni Timothy noon. Well, hindi naman na nakakapagtakha pa ang bagay na 'yon dahil alam ko naman ng pinagkaiba ng nararamdaman ni Em para kay TImothy at ang nararamdaman niya para kay Creight. At hindi ko alam kung bakit kinakailangan pa ni Em na mag-boyfriend agad para lang makalimutan si Timothy. Hindi ba niya alam na mas makakabuti at mas makakaluwag sa kanyang pakiramdam kung ipagluluksa niya muna ang pagkamatay ni Timothy kaysa ganito na pinipilit niyang maging okay? Minsan ay hindi ko na rin maiwasan ang mag-alala para kay Em. Dahil kung hindi niya mailalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ay baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Baka maipon ang lahat ng sakit na matagal na rin niyang tinitiis at hindi na niya makaya pa na dalhin ang lahat. Sa panahon ngayon ay uso pa naman ang depression. Hindi ko pa naman twenty-four seven kasama si Em. Paano na lamang kung umiiyak na pala siya sa magdamag na hindi kami magkasama? At hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kung ganoon na palaang nararadaman ng kaibigan ko pero wala man lang akong nagagawa para sa kanya. Madali sana ang lahat ng ito kung nagsasabi lang siya ng nararamdaman niya. Pero ang pakikipagrelasyon niya kay Creight ay isang patunay na ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol kay Timothy. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko tungkol sa sitwasyon ni Em. "That was so deep." Napatingala ako at nabigla nang makita na nakalapit na pala sa akin si Xavier nang hindi ko namamalayan. Tipid naman akong ngumiti bilang sagot sa naging puna niya sa buntong hininga na pinakawalan ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang nasa isip ko. Kahit na gaano ko pa gusto na may mapaglabas ng pag-aalala kong ito para kay Em ay hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na hindi mahal ng kaibigan ko ang kaibigan niya at nililibang lang ni Em ang kanyang sarili dahil gusto niyang kalimutan si Timothy. Well, hindi naman lihim sa buong Weigand ang tungkol sa pagtitinginan nilang dahil kaya nga sila nahalata ay dahil kalat na sa buong school ang tungkol sa kanila. "May bigla lang akong naisip," sabi ko at naupo siya sa tabi ko. "I will not ask what is it dahil magmumukha naman akong tsismoso kung itatanong ko pa 'yon. Pero kung anuman ang iniisip mo ngayon, ang masasabi ko lang ay magiging okay rin ang lahat." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. I do believe in that too. Ang hindi ko lang alam ay kung kailan magiging okay ang lahat. Hopefully soon ay maging okay na ang lahat para kay Em dahil alam ko kung gaano na kabigat ang nararamdaman niya. "May kailangan ka ba, Xavier?" tanong ko sa kanya dahil hindi naman niya ako sasadyain dito kung wala siyang kailangan sa akin. Lalo pa at nasa baba ang mga kaibigan niya na nagkukwentuhan. "Wala naman. Medyo nabitin lang ako sa naging kwentuhan natin kanina kaya sinadya na kita rito. Nakita ko rin kasi na wala kang kasama kaya minabuti ko na rin na samahan ka na muna habang nasa baba pa si Em," sabi niya at natawa ako. Kahit pa sa totoo lang ay hindi ko maalala na nagkaroon kami ng kwentuhan kanina. The last time I checked ay inabutan ko lang naman siya ng mga kailangan niya. He just thank me and that's it. Iyon lang ang naging usapan namin dahil na nga rin sa biglang nabaling kay Arman ang atensyon ko. Pero hinayaan ko na lang siya sa sinabi niyang iyon kahit pa sa tingin ko naman ay wala kaming dapat na pagkwentuhan. Unless may gusto siyang buksan na topic. Ayos lang naman sa akin kung makikipagkwentuhan siya sa akin basta ba ang gusto niyang pag-usapan namin ay hindi masyadong personal. At kung may gusto man siya na itanong sa akin ay 'yung madali lang sagutin. Tama naman siya sa part na mag-isa lang ako rito. Though it's not big of a deal. Pero para na rin siguro malibang at hindi ako mainip sa paghihintay kay Em ay mas okay nga siguro kung mayroon akong makakawentuhan man lang. Mukha namang hindi boring kausap itong si Xavier at hindi rin naman puro tungkol sa kayabangan ang lumalabas sa bibig niya tulad na lamang ni Arman. "Oo nga e. May umepal kasing asungot," sabi ko at marahan naman siyang tumawa. Hindi naman siguro siya magagalit sa akin kung insultuhin ko man ang kaibigan niya dahil totoo lang naman ang sinasabi ko. At alam ko na alam din niya ang bagay na iyon. "Ako na ang humihingi ng sorry para sa sinabi niya." I don't get why he is sorry samantalang wala naman siyang ginawa sa akin. Hindi niya kailangan akuin ang ginawa ni Arman. At ano ba ang sinabi niya? That's not againt me. It is all about Aether. Pabiro ko lang na ginantihan si Arman para hindi nila mahalata na pinagtatanggol ko si Aether. I need to correct Xavier dahil baka mamaya ay akalain niya na ako ang naapektuhan sa ginawang pang-iinsulto ni Arman kay Aether. "Hindi ka pa ba sanay kay Arman? All he can do is to trashtalk someone kahit gaano pa kagaling ang sinasabihan niya," dagdag pa ni Xavier. Sinubukan kong tumawa at mukha namang hindi ako binigo ng sarili ko dahil hindi nagtunog peke ang tawa kong iyon. "I don't mind, Xavier. I just wanted to roast him," natatawa ko pa rin na sabi at napakunot ang noo niya. What? Hindi ba effective ang sinabi kong iyon? Was it really obvious that I care for Aether and I wanted to defend him? "He can trashtalk him anytime he wants," sabi ko pa at mas lalo namang nangunot ang noo niya. "Are you sure, Keitlyn? I thought you were friends. Ilang beses ko na rin yata kayong nakita na magkasama," sabi ni Xavier at hindi agad ako nakakuha ng pwede kong isagot. He said it as if it was really obvious na kung i-deny ko man ay mahihirapan ako na i-convince siya. Agad naman akong nag-isip ng pwede kong sabihin sa kanya para lang may maipalusot. "I was just trying to help him. Naninibago siya sa Weigand kaya gusto ko lang magmagandang loob na i-familiarize siya. But that doesn't mean na magkaibigan na kami," sabi ko at nawala naman ang pagkakakunot ng noo niya pero halata pa rin naman na nag-iisip siya. Mukhang iyon na talaga ang tumatak sa isip niya--ang magkaibigan kami ni Aether. At ayoko na iyon ang isipin ng mga taga-Weigand para na rin sa kaligtasan naming dalawa. Kung nasa ibang school lang kami at nasa isang normal na sitwasyon ay hinding-hindi ko itatanggi na kaibigan ko si Aether. Pero kung gagawin ko iyon dito sa Weigand ay sigurado ako na parehas lang kaming mapapahamak. "I see. But still, I sure na kahit papaano naman ay napalapit na sa iyo ang lalaking 'yon. What's his name again? Aether?" tanong niya at tumango naman ako. "Yes, Aether is his name. But no, hindi naman ako napalapit sa kanya. Pagtapos ko naman siyang tulungan sa pag-familiarize sa Weigand ay hindi ko naman na siya madalas pa ulit na nakasama. And why would I choose to be friends with someone na hindi ko naman kasama sa century?" natatawang tanong ko at sana lang ay hindi ako nagtunog defensive "Why not? Wala namang imposible roon. Nagawa nga ni Em," sabi niya at bigla akong napako sa kinauupuan ko. Tumawa naman si Xavier matapos niyang sabihin iyon kaya alam ko na nagbibiro lang siya. Pero hindi matanggap ng sistema ko ang birong iyon. Nagdala iyon ng kakaibang kilabot para sa akin. Napansin yata ni Xavier ang pananahimik ko kaya nawala ang mga ngiti niya at napalitan iyon ng pagkabahala. He is worried na baka may nasabi siyang mali. "I'm sorry, Keitlyn. I shouldn't make fun of that," sabi niya. Tama rin naman siya sa inihingi niya ng tawad. Pero ang hindi ko maiwasan na isipin ay ang katotohanan na dahil nga sa nangyari na noon ay hindi na imposible na mangyari iyon. At alam ng mga admin ang bagay na iyon. At ngayon ay nakakasigurado ako na mas magiging mapagmatiyag sila sa mga pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang estudyante na nagmula sa magkaibang siglo. Lahat na ng bagay ay paghihinalaan nila. Tumatak na iyon sa kanilang isip kaya paghihinalaan na nila ang lahat. "It's okay, Xavier. But please, huwag mo na sana ulit gagawin, lalo na sa harapan ni Em." Sigurado ako na hindi iyon magiging okay kay Em. Sigurado ako na hindi siya magiging komportable sa ganoong usapan. Lalo na kung maririnig din ni Creight. Kahit naman wala siyang nararamdaman kay Creight ay mayroon naman siyang consideration sa nararamdaman nito. At hindi niya rin gugustuhin na masaktan ito dahil lang sa nabuksan ang usapan tungkol sa naging past ni Em. "Yes, Keitlyn. I was being careless with my words. I'm sorry," sabi niya. Tipid naman na akong ngumiti at tumango sa kanya. Mabilis namang na-divert sa ibang bagay ang naging pagpapatuloy ng kwentuhan namin ni Xavier. Hanggang sa mapunta na kami sa mga bagay na wala naman akong kinalaman. Kaya medyo nakaramdam na ako ng boredom. Gusto ko na ngang maghikab pero hindi ko naman magawa dahil baka ma-offend siya. Baka ang isipin niya ay tinatamad na akong kausap siya. Kahit pa sa tingin ko ay iyon nga ang katotohanan. Para hindi ko tuluyan na maipikit ang mga mata ko ay nilibot ko na lang ang paningin ko sa kabuuan nitong gymnasium at naghanap ng pwedeng magpagising sa akin. Hindi naman ako nabigo dahil isang senaryo ang nagpagising sa akin at halos magpatayo mula sa pagkakaupo ko. Mabuti na lamang at nagawa kong pigilan ang sarili ko dahil alam ko na magtatakha si Xavier kung bigla na lamang akong tatayo. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang pagsisihan na naghanap pa ako ng gigising sa akin. Mula rito kasi ay natatanaw ko si Aether. Ngunit hindi lang si Aether ang natatanaw ko kundi maging si Ginger. And guess what she's doing. Para siyang alalay ni Aether na pinupunasan pa siya ng pawis. Mukha namang walang anumang reklamo si Aether sa ginagawang iyon ni Ginger. Aether is just sitting in bench at nasa sahig lang ang paningin. "I think Ginger is interested with the new kid," sabi ni Xavier nang makita niya ang tinitingnan ko. Mukhang sinundan niya ulit ang tingin ko at sa pagkakataon na ito ay natukoy na niya kung saan ako eksaktong nakatingin. "Obviously," natatawang sabi ko. Hindi naman na 'yon kailangan pa na sabihin ni Xavier dahil sa mga kinikilos pa lang ni Ginger ay halatang-halata. Para ngang wala siyang pakialam kahit pa makita ng lahat ang kahibangan niya kay Aether. Well, sa totoo lang ay wala naman siyang dapat na itago kung totoo man nga na gusto niya si Aether dahil hindi naman sila bawal magkagustuhan dahil nasa iisang siglo lang sila. "Ginger is beautiful. Pero mukha namang hindi siya gusto ni Aether." Sa kawalan pa lang ng pakialam ni Aether sa ginagawa sa kanya ni Ginger ngayon ay halata na. "But Ginger has that irresistible charm and I bet, hindi rin magtatagal ay bibigay rin si Aether sa kanya." Para naman akong binuhusan ng malamig na yelo nang sabihin iyon ni Xavier. Totoo nga kaya ang sinabi niya? Yes, Ginger is really a beautiful girl. But could Aether resist her charm? Paano na lamang kung dahil sa pangungulit sa kanya ni Ginger ay magustuhan na rin niya ito? I don't know why but I don't like the idea of it. Nag-angat ng tingin si Aether at dumiretso sa pwesto ko ang mga tingin niya. But to my surprise ay hindi nagtagal ang tingin niyang iyon sa akin. Bigla na lang ulit siyang nagbaba ng tingin. Gusto ko siyang lapitan para tanungin kung ano ang problema niya, but of course, hindi ko iyon pwedeng gawin lalo na sa harap ng maraming tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD