Chapter 26

2507 Words
Chapter 26 Keitlyn's POV Wala namang mawawala sa amin kung sasabihin ko na sa kanya ang tungkol sa bagay na kinakatakutan ko. Bagkus ay mas magiging ligtas pa nga kami dahil parehas na kaming iiwas sa isa't isa. I know that this is not my story to tell pero sigurado rin naman ako that Em will not mind kung sasabihin ko man kay Aether ang istorya nilang dalawa ni Timothy dahil alam na rin naman ng buon Weigand ang tungkol doon. She wil understand kung bakit kailangang malaman ni Aether ang lahat. Alam ko na hindi magpapatalo si Aether kahit pa sinabi ko naman na sa kanya na hindi ko lalaki si Xavier. Iyon ang nakita niya kaya iyon ang paniniwalaan niya. Tumatak na 'yon sa kanya kaya mahihirapan na ako na kumbinsihin siya sa katotohanan na alam ko. Habang tinititigan ko si Aether ay mas nahihirapan lang ako na magsalita. Kahit nama kumbinsido na ako na sabihin sa kanya ang lahat ay nahihirapan naman ako sa part kung saan ako magsisimula. Bigla akong napaisip sa kung ito na ba ang tamang oras para kausapin siya tungkol sa bagay na ito dahil na nga rin sa parehas mainit ang ulo naming dalawa. Sana lang ay magkaroon ako ng pagkakataon na masabi sa kanya ang lahat nang hindi kami nagtatalo. Baka kasi parehas kaming nagkaroon ng anger issue sa isa't isa dahil sa mga nasaksihan namin kanina. Narinig ko ang buntong hininga ni Aether kaya muli akong napatitig sa kanya. Alam ko na may gusto na naman siyang sabihin at kahit naman nagtatalo kami ay nakahanda pa rin ako na makinig sa kanya. Kahit nga wala nang kwenta ang mga sasabihin niya nakahanda pa rin akong maglaan ng oras para doon. Bigla ko na lang naikumpara ang lahat ng ito sa naramdaman kong pagkainip kanina habang nakikipagkwentuhan kay Xavier. I felt bored fast kanina pero hindi kay Aether. "Look, Keitlyn," simula niya pero sa pagkakataon na ito ay kalmado na siya. Mabuti na lamang at nagkusa na siya sa pagiging kalmado niya. Siguro ay nakita niya at na-realize niya na nahihirapan kami sa ginagawa naming pag-uusap na ito kung ganito naman pala na hindi kami kalmado. Mukhang hindi rin naman siya nahirapan na pakalmahin ang kanyang sarili dahil ito rin ang gusto niya--ang makapag-usap kami nang maayos. At hindi iyon mangyayari kung parehas kaming hindi kalmado. Akala niya siguro ay hindi ako kakalma kaya siya na ang nauna. Hindi naman ako nagsalita at hinintay ko na lang siya na magpatuloy sa kanyang sasabihin. "Gusto ko na talagang itanong sa iyo 'to dahil nahahalata ko na rin naman...Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya sa akin. Nahalata na rin pala niya pero hindi naman na rin ako nagulat. Noon kasi ay nangungulit ako sa pakikipagkaibigan kay Aether. Nang bigyan naman niya ako ng chance ay bigla ko na lamang siyang iiwasan. Of course, that was pretty much obvious lalo na at nasanay na yata siya sa presensya ko. "Good you asked, Aether," sabi ko at nagtakha naman siya sa sinabi ko. Alam ko na naguguluhan siya kung bakit mabuti at nagtanong siya. Now I can see curiosity in his eyes. "What do you mean?" tanong naman niya at napabuntong hininga ako. Now, I have to admit na tama ang hinala niya na iniiwasan ko nga siya. But at least, magkakaroon ako ng chance para ipaliwanag sa kanya nang ayos. At oras na masabi ko na sa kanya ang lahat ay nasa kanya na ang desisyon kung iiwasan niya ba ako. Well, he has to agree in my plan na kailangan muna namin ng distansya sa isa't isa. Siguro naman ay maiintindihan ni Aether na iyon ang kailangan naming gawin. "Well, yes, iniiwasan nga kita," sabi ko at nailang naman akong bigla nang sobra akong titigan ni Aether. I can see frustration in his eyes dahil sa naging sagot ko pero alam ko na sinusubukan niyang maging kalmado. Which is better dahil hindi kami makakapag-usap nang ayos kung magagalit na naman siya sa akin. He should hear my explanation first bago siya magbigay ng reaction. "Why, Keitlyn? I mean...why?" Bagsak ang mga balikat ni Aether at nahihirapan na akong ituloy ang usapan naming ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakaya na makita siya na ganito ka-down. At hindi ko akalain na mayroon akong ganitong epekto kay Aether. Pero alam ko naman na sa una lang ganito. Aether is a smart guy kaya sa oras na maipaliwanag ko na sa kanya ang lahat ay sigurado ako na magiging madali na sa kanya ang lahat. Sana ay maging madali lang para sa kanya ang lahat ng ito. Hindi bale nang ako ang mahirapan basta hindi na si Aether dahil ayokong maramdaman niya ang hirap na nararamdaman ko ngayon. Ngunit ngayon pa lang ay hindi na malaman ni Aether ang dapat niyang sabihin. Kaya hindi ko alam kung paano niya iha-handle ang desisyon ko. This will be harder than I thought. Why should he care ba kasi. "I will tell you everything. But I don't think we have enough time. Baka mamaya ay palabas na sina Em ng gymnasium at maabutan pa tayo na magkausap," sabi ko at muli namang napakunot ang noo niya. Halatang nagtatakha siya sa mga huli kong sinabi. "And so what kung maabutan man tayo nina Em na nag-uusap?" Napapikit ako nang mariin dahil hindi talaga maiintinidihan ni Aether ang lahat. Pero hindi na talaga kami pwede pa na magtagal sa pag-uusap naming 'to dahil ngayon ko lang na-realize na kanina pa pala kami nag-uusa ni Aether. Hindi ko talaga namamalayan ang paglipas ng bawat minuto sa tuwing si Aether ang kausap at kaharap ko. At baka kanina pa nga ako hinahanap ni Em. Kapag lumipas pa ang ilang minuto nang hindi pa rin ako nakakabalik ay sigurado ako na lalabas na siya para puntahan ako sa cafeteria at doon magbaka sakali na pupuntahan ko. Baka magduda pa siya kung mapapansin niya na nawala rin si Aether nang biglaan sa gymnasium. Sana naman ay hindi nakita ni Em ang paglabas ni Aether ng gymnasium dahil sigurado ako na halos magkasunod lang kami. "Saka ko na nga lang sasabihin ang lahat sa iyo, Aether." Sana naman ay makinig na lang siya sa akin at hindi na magtanong pa ng kung anu-ano. Bigla akong kinabahan nang marinig ko mula rito ang echo ng pag-dribble ng bola. I know that was our team dahil hilig ni Creight ang mag-dribble ng bola habang naglalakad. Sandali tuloy akong napalingon sa pinto ng gymnasium pero agad ko rin namang binalik ang mga mata ko kay Aether. Tinulak-tulak ko na siya at hindi na ako nagdalawang isip pa na ipagtabuyan siya kaysa naman mabautan kami ng mga kasamahan ko na magkausap. Baka hindi lang mga kasamahan ko ang makakita sa amin kundi maging mga kasamahan niya. Kung magkataon ay magiging doble pa ang problema naming dalawa. "Wait, Keitlyn, wait!" sabi niya at binitiwan ko naman siya. Pero nagpapalipat-lipat na ang tingi ko lay Aether at sa pintuan ng gymnasium. Hinintay ko ang muling pagsasalita ni Aether dahil mukhang may sasbaihin pa siya sa akin. "Okay, if you want me to leave, I will leave. Pero hindi matatapos ang araw na 'to nang hindi mo nasasabi sa akin ang gusto mong sabihin." Gusto ko sanang sabihin sa kanya na pinapaalis ko siya hindi dahil gusto ko siyang umalis, kundi dahil iyon ang dapat niyang gawin. Pero napakunot ang noo ko dahil sa pagkalito sa mga huli niyang sinabi. Gusto niya na sabihin ko sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin bago matapos ang araw na 'to? How is that even possible? Dismissal na at malapit na pauwi na rin kami ni Em. Kaya imposible ang gusto niyang mangyari. "Sasabihin ko sa iyo kapag nakakuha tayo ng chance," sabi ko pero umiling siya. Muli akong napatingin sa pintuan ng gymnasium at mukhang malapit nang lumabas ang mga naglalakad palabas. "I will wait you in my room," sabi niya at napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya at gusto niyang mangyari. "No!" matigas kong sabi. Nagpapatawa ba siya? Iniiwasan ko nga siya tapos ang gusto niya ay puntahan ko pa siya sa kwarto niya? At ako pa talaga ang pupunta? Siya ang may kailangan sa akin tapos ako ang mag-e-effort para makausap siya? "Then hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman ang lahat," sabi niya at humalukipkip pa siya sa akin. Dahil sa inis ko sa ginagawa niya na pagmamatigas ay muli ko siyang tinulak-tulak. Ngunit dahil lalaki siya ay para lang akong tumtulak sa pader dahil hindi man lang siya natitinag man lang. Hindi niya iniinda ang mga tulak ko sa kanya. Muli ay napapikit ako nang mariin at napatingala dahil sa labis na inis na nararamdaman ko para kay Aether. "Fine, Aether! I'll meet you in your room!" Pagkasabi na pagkasabi ko nu'n ay bigla na lamang tumakbo si Aether palayo sa akin. Halos hindi ako makapaniwala sa bilis ng pagkawala niya. Plano naman na pala talaga niyang umalis bago dumating sina Em pero pina-oo niya muna ako sa pakikipagkita sa room niya. Mukhang naisahan niya ako roon. Pero dahil nga sa naka-oo na ako ay wala na akong magagawa pa kundi ang pumunta roon. Mabuti na lamang at naging mabilis si Aether sa pagtakbo. He looks like a trained person when it comes to stamina. Nahalata ko na rin iyon kanina dahil hindi naman siya ganoon hiningal pagtapos ng laro. Hindi siya masyadong nakitaan ng pagod kung ikukumpara sa mga kasamahan niya. Mukha lang pala siyang lampa pero siguro ay na-train siya nang ayos. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mapaisip kung saan at bakit naman niya kinailangan ang isang professional training. Are Eros and Phoebe with him in that training? Baka tulad sila nitong si Aether na mukha lang palang tahimik pero ang totoo ay kayang makipagsabayan ng mga katawan nila sa palakasan at patagalan Kasabay ng pagkawala ni Aether sa paningin ko ay ang paglabas naman nina Em ng gymnasium. Mabuti na lamang talaga at nakaalis na si Aether dahil agad akong nahanap ng paningin ni Em. I compose myself bago nginitian si Em at kinawayan. He waves back at me. I jog para salubungin na sila. Iniwan naman na ni Em ang braso ni Creight at sa braso ko na siya kumapit nang makalapit na ako sa kanila. "Ang tagal mo naman yatang bumili sa cafeteria? Tapos wala ka namang dala," sabi ni Em habang patuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko alam kung saan na ba kami susunod na pupunta dahil nakasunod lang ako sa kanila. Pero sana naman ay maiwasan na niya na umuwi na muna. Dahil kung yayayain na naman niya ako sa kung saan ay tatanggihan ko na siya. Nakakapagod ang araw na 'to at gusto ko na sanang magpahinga. Mukha namang hindi nahalata ni Em ang pagkawala rin ni Aether kanina sa gymnasium kaya mukhang safe kami sa pagdududa niya. I want to go home already dahil gusto ko muna sanang magpahinga bago pumunta kina Aether. Marami-raming lakas ang kailangan kong bawiin dahil na-drain ako sa naging pagtatalo namin. At marami-rami rin na lakas ang kailangan kong ipunin just in case na magkaroon na naman kami hindi pagkakaunawaan. Kailangan ko pa naman ng maraming lakas sa pagpapaliwanag pa lang sa kanya. "Doon ko na kasi kinain, Em. Hindi ko na kasi kaya ang gutom." Natawa naman siya dahil sa sinabi ko at tumango-tango. Nagpatuloy lang naman kami sa paglalakad hanggang sa napansin ko na sa portal na kami papunt. Nakahinga naman ako nang maluwag nang mukhang pauwi na kami. "Mauna ka na, Keitlyn," sabi ni Em at tumango naman agad ako dahil baka bigla pang magbago ang isip niya. Agad naman akong nagpaalam sa kanya at sa kanilang lahat. Nang marating ko ang kwarto ko ay sa kama ko agad ako dumiretso. I throw myself in my bed at binuhay ang nagniningning na mga bituin sa kisame ng aking silid. Mabuti na lamang at may ganito akong pampa-relax dito. Nakita ko naman ang paglapit agad sa akin ni Betty na nakahanda nang pagsilbihan ako. Pero sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung ano nga ba ang gusto kong kainin na siyang ipapaluto ko kay Betty. Hindi pa rin naman kasi ako nagugutom. Oras na ng meryenda pero wala pa akong maisip. "Coffee na lang, Betty," sabi ko at umalis na rin naman agad siya. Nang muli akong mapag-isa ay muli na namang pumasok sa isip ko si Aether. Bigla kong naisip ang magiging pagkikita namin mamaya. Nakakatawa lang kasi the more I try na iwasan siya is the more na nagkakalapit kami. Mukhang imposible yata na tuluyan akong makalayo sa kanya. Dahil kung hindi ang tadhana ang naglalapit sa amin ay si Aether naman mismo ang lumalapit sa akin. I took a deep breath and sigh I didn't know I was holding. Sa pinakawalan ko na buntong hininga kanina ay may mas lalalim pa pala. Mayamaya lang din naman ay pumasok nang muli si Betty sa kwarto na dala ang kape na inutos ko sa kanya. "Thanks, Betty," sabi ko sa kanya. "Betty, happy to serve!" Iyon lang naman ang sinabi niya at lumabas na siya ng silid ko. Habang nagkakape ay nag-isip na ako kung paano sasabihin ang lahat kay Aether mamaya. I was just worried na baka kapag magkaharap na kami ay mahirapan na naman akong makahanap ng mga salita—which is mostly happens. Dahil naging malalim ang pag-iisip ko tungkol sa mga sasabihin ko kay Aether mamaya ay hindi ko namalayan na ubos na pala ang kape na iniinom ko. Minabuti ko na maligo na muna. Magha-half bath na lang muna siguro ako. Wala namang binigay na oras si Aether kaya pwede akong umalis anumang oras ko gusto. Pero binilisan ko na lang ang ginawa kong pagligo. Medyo nahirapan din ako sa pag-iisip sa kung ano ang isusuot ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa na mamili ng panlakad kong damit samantalang si Aether lang naman ang pupuntahan ko. Dahil hindi ako makapag-decide kung alin sa mga damit ko ang pwede kong suotin, ang ending ay pantulog ang sinuot ko dahil dito rin naman ako naging komportable. Hindi naman siguro nakakahiya kay Aether kung ganito lang ang suot ko. Kwarto lang naman niya ang pupuntahan ko. Mukha rin namang walang night life si Aether kaya hindi siya magyayaya sa kung saan-saan pagdating ko roon. And the only thing we will do is to talk. So why bother dress up for that talk? Habang nasa time machine ko na ako ay hindi ko na pinagpatuloy pa ang ang pag-iisip kung ano ang mga dapat kong sabihin kay Aether. Dahil kahit na anong paghahanda ang gawin ko ay mababago rin ang mga linya ko. Nakadepende kasi ang mga sasabihin ko sa mood ni Aether. If he wants to take everything smooth, he has to be nice with me. Huwag niyang uunahin ang init ng ulo at ganoon din naman ang gagawin ko. We both need to be calm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD