Chapter 37

2507 Words
Chapter 37 Keitlyn's POV It is a good thing na wala akong narinig na anumang offensive words mula kay Ginger. I am now taking back what I have said a while ago that she doesn't know when to shut up. Ngunit hindi dapat ako magpaka-kampante dahil hindi ko alam kung hanggang kailan plano manahimik ni Ginger. Alam ko na sooner or late ay pagtatawanan niya ako dahil hindi ko nagawa na makumbinsi ang best friend ko. Well, at least hindi niya ngayon ginawa kung kailan fresh pa ang disappointment sa akin. At ang mahalaga sa akin ngayon ay pumayag si Aether na i-welcome pa rin si Em sa alyansa namin sa oras na magbago ang isip nito. Malakas din kasi talaga ang kutob ko na mapapapayag ko si Em na sumali sa alyansa namin. I think she was just overwhelmed dahil biglaan lang naman ang lahat ng 'to. Mabilis ang ginawa niya na pagsagot kaya halatang hindi niya napag-isipan. Sigurado ako na kapag nakapag-isip-isip na si Em ay papayag na siya sa alok ko. And all I can do is to wait until she realize that. Dahil tapos na rin naman sina Aether at Ginger sa pagkain ay hindi na rin kami nagtagal pa sa pagtambay rito sa cafeteria. Sabay na kaming umakyat ni Aether sa classroom namin habang si Ginger naman ay humiwalay sa amin dahil nasa ibang division siya. Sa loob ng classroom ay doon namin pinagpatuloy ni Aether ng usapan. At doon namin napagkasunduan na hindi na muna kami manghihikayat ng iba. Na-realize din niya na hindi nga lahat ng hihikayatin namin ay makukumbinsi namin. Malaki ang posibilidad na mayroong manabotahe sa amin at iparating sa pamunuan ng Weigand ang tungkol sa plano namin. Bago mag-resume ang klase namin ay napag-usapan namin ni Aether pupunta ulit ako sa bahay nila para mas magkaroon kami ng laya na makapag-usap. Hindi tulad ngayon na halos pabulong na kami kung magsalita dahil sa pa-aalala na baka may ibang makarinig sa amin. Mabilis lang na lumipas ang maghapon dahil hindi na namin namalayan ang oras at dismissal na pala. Naunang lumabas si Aether dahil alam niya na sabay kami ni Em na lalabas ng classroom. "May laro sina Creight. Sama ka ulit?" yaya sa akin ni Em pero mabilis akong umiling. Dahil sa biglaan ko na pagtanggi ay napakunot ang noo niya. "Kung makatanggi ka naman parang may ibang plano ka ngayon," sabi niya kaya napangiwi ako. Hindi pa ba siya sanay sa mga tanggi ko? Lagi naman akong tumatanggi sa mga yaya niya. Pinagbigyan ko lang siya kahapon para nakalimutan na niya na hindi ko hilig ang panonood ng sports. "May plano kayo ni Aether, ano?" biro ni Em at binunggo pa ng braso niya ang braso ko. Napangiwi ako dahil nasa tono niya ang pang-aasar. "Wala, baliw," sabi ko. I had to deny it because Aether told me not to tell anyone about this meeting and the following ones. And I think that Em belongs to that 'anyone'. Napanguso na lamang naman si Em dahil nahalata niya sa mukha ko na wala talaga akong plano na sumama ngayon. Hindi ko rin naman nagawa na sabihin sa kanya na may usapan nga kami ngayon ni Aether. Mas sinunod ko ang inutos ni Aether na huwag ipaalam kahit na kanino ang tungkol dito--kahit pa kay Em. She has nothing to do with it anyway. Sandaling oras lang din ang lumipas at nasa bahay na rin ako. Minabuti ko na magpahinga na muna. Ang plano ko sana ay sa bahay na nina Aether magpahinga ngunit baka akalain niya na nakapagpahinga na ako at hindi na ako makakuha pa ng pagkakataon para makapahinga roon dahil simulan na niya agad ng pakikipag-usap sa akin. Siya rin naman ang nagsabi na ayos lang kahit anong oras ako pumunta dahil alam niya rin na magpapahinga ako. Hindi rin naman ako nagtagal sa pagpapahinga dahil pumunta na agad ako sa bahay nina Aether. I was just a bit worried dahil baka mamaya ay nandoon din pala si Ginger and I don't like the idea of it. Laking pasasalamat ko nang pagdating ko sa bahay nila ay wala si Ginger. "Is the kid coming?" tanong ko kay Aether dahil baka mamaya ay nauna lang pala ako sa kanya at nakaplano rin pala siya na pumunta ngayon. At hindi iyon malabong mangyari lalo pa at kasama namin siya sa alliance. Plus the fact na nasa iisang century lang sila kaya sobrang convenient sa kanilang dalawa ang magkita anumang oras. Napakunot naman ang noo ni Aether dahil sa tanong ko at halata na hindi niya agad iyon nakuha. "Um, no," sagot niya nang sa wakas makuha niya kung sino ang kid na tinutukoy ko. Mukha namang walang pakialam si Aether sa kung anuman ang tinawag ko kay Ginger. Sinusuway niya lang ako sa pagtawag kay Ginger ng kung anu-ano kapag kaharap namin siya. And I think that is because para hindi na kami magtalo pa. And now that Ginger is not here, I can call her names. But I will not waste my time just to do that. Hindi rin naman niya maririnig. Hindi ko makikita ang inis sa mukha niya so useless din. "Why? She's a team, right?" tanong ko pa nang makaupo ako sa kama niya. Dumiretso naman si Aether sa computer niya na mukhang kung anu-ano na naman ang pinagkakaabalahan. Pero sana ay unahin niya ang dahilan kung bakit ako nandito. Sana ay unahin niya ang meeting naming dalawa. "Um, I'm not comofortable when someone's in my house." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi pala siya komportablesa presensya ng ibang tao kapag nasa bahay nila pero bakit lagi niya akong pinapapunta rito? Hindi ba ako mukhang tao sa paningin niya? That was quite offensive. I hope Aether did not mean that dahil talagang bubulyawan ko siya. "Ipapaalala ko lang sa iyo, Aether, tao rin ako. But you seemed not bothered with my presence," sabi ko. Nilingon ko si Aether para hintayin ang sagot niya pero nagkibit balikat lang siya dahil nasa computer na niya ang buo niyang focuse. At sa tingin ko ay mahihirapan na ako na kunin ang atensyon niya. Matagal din akong naghintay na muling lingunin ni Aether. Talagang hindi niya sinagot ang sinabi ko na tao rin naman ako kaya bakit parang hindi siya naba-bother sa presence ko. Silence means yes. Ang ibig sabihin ba nito ay talagang hindi ako tao sa paningin niya? I know that it was too immature. Kaya kahit na sobrang naiinis ako sa kanya ay minabuti ko na lang na manahimik. Hindi ko rin naman alam ang dapat ko pa na sabihin sa kanya. Tinawag ako ni Aether at sinabihan na lumapit sa kanya. Pinigilan ko ang sarili ko na mapairap at tumayo na lamang ako nang tahimik at lumapit na sa kanya. Sa tingin ko ay tungkol na naman sa marine radar ang dahilan kaya niya ako tinawag. Pero kug katulad lang 'to ng kahapon na bibitinin niya ako ay huwag na niya akong simulan pa dahil talagang makakatikim na siya sa akin. Hindi ko kasi talaga makuha ang purpose niya sa kung bakit kailangan pa niya na sabihin sa akin ang tungkol dito gayong limitado lang din naman pala ang ipapaalam niya sa akin. Pero ngayon ay magka-alyansa na kami kaya okay lang siguro kung umasa na ako na sasabihin na niya ang lahat ng 'to sa akin. Kung hindi pa rin at bibitinin na niya ako ay hindi na ako papayag at kukulitin ko na siya para mapilitan na siya na sabihin sa akin ang lahat ng nalalaman niya. Nang makalapit ako sa kanya ay tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at sinenyasan niya ako na maupo sa gaming chair sa kung saan siya nakaupo kanina. Naupo naman ako roon habang siya naman ay nakatayo sa gilid ko. "Ano na naman 'yan, Aether?" tanong ko sa kanya nang may tinuturo na naman siya sa monitor ng computer niya. Kung ituro niya 'yon ay para bang maiintindihan ko ang nais niya na sabihin gayong wala ako kahit na kaunting idea sa kung ano 'yan. "Okay, but what was that?" tanong ko. Nilingon ko siya at tiningala. Hindi ko tinago sa mukha ko ang pagkalito sa gusto niya na sabihin. Ang Mariana Trench na naman kasi ang tinuturo niya at hindi ko naman alam kung ano ang point niya at kung ano ang mayroon doon. "That was Mariana Trench." Napakunot ang noo ko dahil binasa niya lang naman ang nakasulat sa radar sa monitor. "Wow! I did not expect that," I said sarcastically and I don't know why but I could clearly imagine Aether rolling his eyes because of my response to him. Pero ano ba ang gusto niyang sabihin ko? He was just stating the obvious and read what was written. Should I be mesmerized because I witness him read? "This is important, Keitlyn. Now that I am willing to tell you everything I have in my knowledge, hindi mo naman sineseryoso," sabi ni Aether at marahan akong natawa. Pero hindi ko rin naman maikakaila ang excitement na nararamdaman ko ngayon dahil nga sa sasabihin na ni Aether sa akin ang lahat ng nalalaman niya. "Seryoso naman ako, Aether. Natawa lang ako kasi binasa mo lang 'yung naka-indicate sa radar," sabi ko at napabuntong hininga siya. Binalik niya ang tingin niya sa monitor kaya naman iyon na rin ang ginagawa ko. Muli ay tinuro niya ang Mariana Trench kaya alam ko na talagang may gusto siyang sabihin tungkol doon. Hindi ako nagsalita at hinintay ko na lang si Aether na magpatuloy sa gusto niyang sabihin. Ayoko nang i-interrupt pa si Aether dahil baka hindi na naman niya matuloy ang sasabihin niya "I got an access of this when I was still inside Weigand premises," sabi niya at tumango-tango ako. Nasabi na nga niya sa akin 'yon dahil aksindente niya lang na natuklasan ang lahat ng 'to nang magkaroon siya ng mission. "And?" tanong ko dahil wala pa rin ang point niya na gusto kong malaman. "At that very moment, the radar indicates that I was in Mariana Trench," sabi ni Aether at napatitig ako sa monitor dahil sa pag-iisip sa kung ano ang nais ipahiwatig ni Aether sa sinabi niya dahil hindi pa niya ako diniretso. Unti-unti na naman sana akong makakaramdam ng inis dahil sa palaisipan niyang 'to ngunit nanlaki na ang mga mata ko nang ma-realize ang point ni Aether. Agad akong napalingon sa kanya at napatingala. Sumandal si Aether sa kanyang table at humalukipkip sa akin habang tumatango-tango na tila ba sinasabi niya na tama ang nasa isip ko. Tiningnan ko at kulang pulang tatsulok na nagbi-blink sa radar and it indicates the exact location. Nasa mapa ito ng Pilipinas, Metro Manila to be exact. The radar is accurate dahil talaga namang nasa Metro Manila kami ngayon. "Yes, Keitlyn. I think radar is located at Mariana Trech." Kinilabutan ako dahil sa hindi pangkaraniwan na kaalaman na natuklasan ni Aether. Hindi ko akalain na may isang estudyante ang makakapagsabi sa kung saan ang eksaktong kinaroroonan ng Weigand. Hinarap ni Aether ang kabilang monitor at doon naman siya nag-search. He types the word Mariana Trench at mukhang may kukumpirmahin na naman siya. "Just look at this, Keitlyn. Look how near it is in the Philippines." Tama si Aether sa sinabi niya. Medyo malapit nga ang Marian Trench sa Pilipinas. Ngunit hindi namin parehas alam kung ano ang mayroon doon. "What should we do now?" Sa totoo lang ay wala talaga akong idea sa kung ano ang dapat naming gawin ni Aether. Ngayon na mayroon na kaming lead, saka naman kami hindi makaisip ng dapat naming gawin. Or maybe may naiisip si Aether, at ako lang itong wala. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng interes sa Mariana Trench na 'yan. "I can't think right now, Keitlyn. This is too much to take. Especially knowing that thermocline there is no joke," sabi ni Aether at mukhang maging siya ay napu-frustrate na rin. Hindi ko naman siya masisisi dahil tulad nga ng sinabi niya, this is too much to take. We need to deal with it little by little. Kung basta-basta kaming magdedesisyon at magpaplano nang hindi man lang namin pinag-iisipan ay baka masayang lang ang lahat ng nasimulan naming 'to. Kailangan muna siguro naming alamin ang pro's and cons ng lahat ng desisyon na gagawin namin. Kailangan din muna siguro naming pag-aralan nang mabuti ang tungkol sa Mariana Trench dahil halata rin naman kay Aether na wala siyang masyadong alam tungkol doon. We need to take it slow kung gusto naming magtagumpay ang lahat ng 'to. "May access na rin naman ako ng radar sa phone ko. I can check it in your century kung accessible rin ba siya sa lahat ng siglo. Kung mata-track ng radar ang radar ay exact place ng unit mo, ang ibig sabihin lang nito ay accessible siya sa lahat ng century," sabi ni Aether at hindi ko maiwasan ang mag-alangan sa gusto niya na mangyari. He wants to try it in my century? Pero hindi naman ako marunong magbasa ng radar na 'yan kaya I don't think na magagawa kong malaman. "I don't know how to use that, Aether," sabi ko at napangiwi siya. I thought he is mocking me pero halos matawa ako sa sinagot niya sa sinabi kong 'yon. "Who says you're the one who will try it. Ako ang magta-try sa century mo," sabi niya. Sabagay, pwede naman nga pala 'yon kung sa portal ko siya dadaan. Bakit hindi ko nga ba agad naisip 'yon? "Okay, sabihan mo na lang ako kung kailan mo plano," sabi ko at tumango naman siya. But he also said na as soon as possible dahil ayaw niya rin naman ng nag-aaksaya ng oras. Ayoko rin naman 'yon kaya ang sabi ko ay nakahanda naman ako anumang oras na kailangan na naming kumilos. Humingi si Aether ng ilang sandali para pag-aralan niya ang Mariana Trench. Gusto niya raw na kahit papaano ay may nalalaman na siya tungkol doon para kahi paunti-unti ay nagagawa niya na magplano. Tama rin naman kasi siya sa sinabi niya na mahirap magplano kung wala ka man lang idea sa kung ano ang nagbabadya mong suungin. So I gave him the time he needs at nilibang ko na lang sarili ko sa paglalaro sa computer niya. Magkatalikuran kami a hindi ko siya sinusubukan na guluhin dahil seryosong-seryoso siya. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagkainip. Kahit nga siguro hindi ako maglaro ay hindi ako maiinip. I could stay right here doing nothing. Mas pipiliin ko nang dito tumambay kaysa naman sa unit ko. Mas boring 'yon. Tahimik ang kwarto ni Aether pero hindi ako inaantok. Wala ka rin ibang maririnig na ibang ingay kundi ang nilalaro ko sa computer niya na puro barilan. Ang buong akala ko nga ay naiistorbo si Aether pero hindi naman niya ako sinusuway kaya pinagpatuloy ko na lang din ang paglalaro. Pero kung patitigilan naman niya ako dahil naiingayan siya ay gagawin ko naman. Ayoko rin kasing magsuot ng headphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD