Chapter 36

2061 Words
Chapter 36 Keitlyn's POV Hindi ko maiwasan ang manghinayang dahil hindi makikiisa sa amin si Em. Matalino pa naman siya at magaling sa iba't ibang bagay kaya malaki sana ang maitutulong niya sa amin. Pero tulad nga ng sinabi ko ay hindi ko siya pwede na pilitin dahil may sarili siyang desisyon. At nirerespeto ko naman ang desisyon niyang 'yon. Ngunit sana ay sa una lang 'to. Sana hindi kalaunan ay ma-realize ni Em na ito ang dapat naming gawin at ito lang ang nag-iisa naming pag-asa sa ngayon. Sana ay dumating ang oras na maisipan niya na makiisa siya sa amin. At sinisigurado ko na malugod namin siyang tatanggapin. Anumang oras na maisipan niyang sumapi sa amin ay pwede siyang magsabi sa akin. Ngunit sa ngayon, wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kundi ang pagtutol. May kung ano rin akong nakikita sa mga mata ngunit hindi ko lang magawa na matuloy kung ano 'yon. Kahit na anong pilit ko na basahin siya ay hindi ko magawa. Hinayaan ko na lang muna siya at inisip ko na lamang na kaya siya ganito ay dahil sa labis nga niya na pagtutol. I smile at Em upang kahit papaano ay gumaan naman ang paligid namin. Alam ko na ayaw niya rin akong tanggihan pero sa ngayon ay hindi talaga niya gusto ang sumali sa kahit na anong alyansa. And she might think na masama ang loob ko dahil sa ginawa ko na pagtanggi sa kanya. But no, I completely understand her. But that doesn't mean na mawawalan na ako ng pag-asa na makahikayat pa ng ibang estudyante. Dapat ay mas lalo pa kong ma-motivate. Alam ko rin naman na gagawin lahat ni Aether upang maging matagumpay ang mga plano namin. "I'm sorry, Keitlyn," sabi ni Em. Muli ko naman siyang nginitian para sabihin na wala siyang dapat na ikahingi ng tawad dahil buong puso kong naiintindihan ang desisyon niya. Hindi niya rin kailangan na magpaliwanag dahil kahit na ano pa ang sabihin niya ay iintindihin ko. Hindi niya kailangan na mapilitan sa pagsali dahil lang sa sumama ang loob ko. Hindi lang din kasi buong tiwala ang kailangan sa alyansa kundi buo ang loob. "There is nothing to be sorry of, Em. Ayos lang sa akin. Ayoko rin naman na pilitin ka sa isang bagay na hindi mo naman gustong gawin. But I want you to know na oras na magbago ang isip mo at gusto mo nang sumali sa amin ay welcome na welcome ka pa rin na sumali," sabi ko. Ngumiti naman si Keitlyn at tumango. Kung dumating man ang oras n magbago ang isip niya, sana ay hindi pa huli ang lahat. Mayamaya lang ay muli siyang nagseryoso na balot ng pag-aalala ang mga mata. "Hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa iyo, Keitlyn. Alam mo naman siguro ang katumbas na kapahamakan ng pinapaso mo na 'to, hindi ba?" tanong niya. Muli naman akong ngumiti at tinanguan siya. Hindi ko alam kung paano aalisin ang pag-aalala niya dahil alam ko naman na talagang delikado 'to. Pero ganoon pa man ay buo na ang loob ko na gawin 'to at wala na yata ang makakapigil pa sa akin. "Salamat sa pag-aalala, Em. Pero huwag ka nang mag-alala pa. And yes, alam ko ang katumbas na kapahamakan ng lahat ng 'to. Nakahanda rin ako sa mga maaaring mangyari," sabi ko at marahan naman siyang tumango. Hindi niya rin magawa na suklian ang mga ngiti ko sa kanya dahil nga sa pangingibabaw ng pag-aalala niya para sa akin. "Wala kang dapat ipag-alala, Keitlyn. Your secrets are safe with me. Wala akong sinuman na pagsasabihan ng tungkol sa alyansa na sinisimulan ninyo." Nagpasalamat lang ako kay Em dahil sa sinabi niyang 'yon. Alam ko naman 'yon at malaki rin ang tiwala ko sa kanya na hindi niya kami isisiwalat sa admin. Nahinto lang ang usapan namin ni Em nang dumating na ang mga pagkain namin. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay sumalo sa amin sina Creight at mga kaibigan niya. They are inviting Em na tumambay sa soccer field dahil wala rin naman kaming next class. Pumayag din naman siya at niyaya ako. Pero tumanggi na ako dahil ang gusto ko lang sana na gawin sa vacant class namin ay ang magpahinga. O hindi naman kaya ay kausapin si Aether kung makakuha man ako ng pagkakataon. Ilang sandali pa ang lumipas matapos naming kumain ay nagpaalam na rin sila sa akin. Dahil hindi naman ako sasama sa kanila kahit pa pinilit ako ni Em ay naiwan ako nang mag-isa rito sa table. Wala namang problema sa akin kahit pa ako na lang mag-isa rito dahil sanay naman ako. Mas mabuti nga iyon dahil mas makakapag-isip ako nang ayos. Hindi ko makalimutan ang ginawa na pagtanggi sa akin ni Em. Hindi dahil sa sama ng loob kundi dahil sa pangamba. Bigla na lamang kasi akong napaisip sa kung paano kung ibang tao na ang tumanggi sa akin? At dahil alam na nila ang ginagawa naming alyansa ay hindi naman ako makakasiurado na hindi nila kami isisiwalat at isusumbong sa pamunuan ng Weigand. Ito pala ang pinakamahirap na part ng pagbuo ng alyansa. Paano na lamang kung halos lahat ng hihikayatin ko ay tatanggihan kami? Hindi na magiging lihim ang alyansa na gagawin namin dahil halos lahat ng estudyante ay makakaalam na. Dapat ay hindi kami basta-basta na lamang manghihikayat. Kailangan muna namin ng kasiguraduhan sa isang tao bago namin siya hikayatin. Ngunit paano 'yon kung hindi namin sila tatanungin. Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na may naghila na pala ng upuan sa table ko. At hindi lang isa, kundi dalawa. Ang una kong nakitang naupo ay si Aether. Ngunit laking gulat ko nang makita ko si Ginger na naupo naman sa tabi niya. Nag-aalalang tumingin sa akin si Aether at hindi ko alam kung para saan ang pag-aalala niya para sa akin. "That was so deep, Keitlyn. May problema ba?" tanong niya. Ang buntong hininga ko pala ang dahilan ng pag-aalala niya at nakakahiya dahil narinig niya pala 'yon gayng punung-puno 'yon ng frustration. "She is really problematic. Wala naman nang bago roon," sabi ni Ginger at sinamaan ko siya ng tingin. She doesn't really know when to shut up. Bigla-bigla na lang siya nakikisabat sa usapan ng may usapan. And why is she even here anyway? Did Aether invite her to come over here? I don't think would do that dahil alam naman niya na hindi ko gusto ang maging ganito kalapit kay Ginger. At nahahalata na rin naman siguro ni Aether na ayaw rin sa akin ni Ginger kaya hindi niya sasadyain na asarin lang kaming pareho. Kung niyaya man niya si Ginger dito sa table ko ay sigurado ako na may dahilan siya. At iyon ang dapat ko nang malaman. "Will you shut up?" sabi ko kay Ginger dahil hindi naman siya ang gusto kong marinig na magsalita. I want Aether to talk dahil sigurado ako na may sense 'yon. Hindi tulad ng mga sinasabi ni Ginger na puro naman mga walang kwenta. Ginger just make face at me at hindi naman nakipagsagutan pa. Mukhang na-orient na siya ni Aether n mag-behave na muna. Sadyang inunahan niya lang ako ng pang-aasar para siya ang magmukhang mahaba ang pasensya sa harapan ni Aether. "Listen, Keitlyn, I have told her already. At nagpahayag ng pagsapi si Ginger. We are now a team kaya kailangan na ninyong magkasundo. Kalimutan na ninyo ang naging alitan niyo nang dahil sa mission mo noon. Hindi dapat tayo ang naglalaban-laban." Gusto ko sanang sigawan si Aether at sabihin sa kanya na hindi na lang ito dahil sa nangyari noon sa amin kundi naging malalim na ito. At alam ko na ganoon din ang galit na nararamdaman ni Ginger sa akin kahit gaano pa niya itong itago. Ngunit tulad nga ng sinabi ni Aether ay kailangan namin magkasundo ni Ginger kahit na papaano dahil simula ngayon ay magka-team na kami. Iisa na ngayon ang pinaglalaban namin. Sana nga lang ay hindi nagkamali si Aether sa pagtitiwala sa kanya. Dahil sa oras na traydurin kami ng spoild brat na 'to ay ako mismo ang haharap sa kanya. Hindi ako papayag na maging ang bagay na 'to ay ituring niya lang na isang laro. This is a serious matter at hindi niya pwedeng dalhin dito ang attitude niya. She has to be matured para mag-work ang grupo namin. Well, I think kailangan ko rin na ipaalala sa sarili ko ang tungkol sa bagay na 'yan dahil mukhang ako ang makakalimot sa pagiging mature sa oras na may marinig ako na salita mula kay Ginger. "Is she trustworthy?" tanong ko kay Aether at sandali ko namang sinulyapan si Ginger para makita ang reaction niya sa sinabi kong 'yon. At nakita ko siya na napangiwi at npairap dahil sa inis. I can see that she's trying to hold back the anger she is feeling towards me. At bakit siya pa ang ganang magalit sa akin ngayon samantalang ako ang partner ni Aether sa alyansa na 'to? Isa lang siyang member. Well, ano pa nga ba ang aasahan ko sa bata na tulad niya? Wala naman talagang kinikilala ang batang 'yan kahit noon pa man kya hindi na dapat ako magtakha pa. "I am." I roll my eyes mentally nang si Ginger ang sumagot sa tanong ko. Mabuti na lang at mahaba ang baon kong pasensya ngayon. Mabuti na lamang at kagabi pa lang ay napaghandaan ko na ang ganitong klase ng sitwasyon. Tinatak ko sa isip ko na mas mapapadalas ang pagkakaharap namin ni Ginger dahil isa nga siya sa mga napili ni Aether na pagkatiwalaan. At hind nga ako nagkamali dahil unang araw pa lang ng alyansa namin ay nasusubukan na agad ang pasensya ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang presensya ni Ginger. "Sana nga," sabi ko na may halong pagbabanta. Alam ko na nahimigan din 'yon ni Aether pero minabuti na lamang niya na manahimik na lang ulit. Pakiramdam ko na sa oras na mawala sa pagitan namin si Aether ay tila bulkan na sasabog si Ginger. And I can't wait for that to happen. Dahil nahahalata na ni Aether ang tensyon sa pagitan namin ni Ginger ay alam ko na papagitna na siya. Hindi nga ako nagkamali dahil narinig ko nang tumikhim si Aether bilang pagsisimula ng kanyang sasabihin. "How was your talk with Em?" tanong ni Aether sa akin na halatang iniba na lang ang takbo ng usapan. Muli akong napabuntong hininga nang maalala ko ang naging takbo ng usapan namin ni Em. Tipid kong nginitian si Aether at sa mga ngiti ko pa lang na 'yon ay alam na niya ang sagot sa tanong niya. Ngumiti naman siya pabalik sa akin at tinapik ako sa balikat. His touch is soothing na tila ba sinasabi na ayos lang 'yon. Ayos lang naman talaga ang lahat ngunit hindi ko lang talaga maiwasan ang manghinayang dahil sa tingin ko ay mas mapapadali ako sa pag-isip ng mga plano kung kasama ko si Em. Pero dahil hindi nga siya makikiisa sa amin ay mangangapa ako nang mag-isa. "She's your best friend but she will not trust you in this one? How ironic." Nasa tono ni Ginger ang pang-iinsulto ngunit nasa tono rin naman niya ang pagkabigla na hindi ko nga nakuha ang pakikiisa ni Em. Well, hindi ko naman siya masisisi dahil tama rin naman ang thoughts niya. Pero siguro naman ay hindi iyon dahil sa tiwala. Alam ko na may mas mabigat pa na dahilan si Em kaya kinakailangan niya akong tanggihan. Hindi ko naman na rin tinanong ang dahilan dahil kung gusto niyang sabihin sa akin ay sasabihin niya 'yon agad sa akin the moment she said no to me. Since she didn't, alam ko na ayaw niyang pag-usapan kung bakit. "I told her that if ever she changes her mind, she's still welcome to join us," sabi ko kay Aether. Ngumiti naman siya at tumango. Mabuti na lang at hahayaan pa rin ni Aether na makasali sa amin si Em kahit pa tumanggi na ito sa simula. Nilingon ko naman si Ginger at nakita ko ang pagtutol sa mukha niya. She doesn't like the idea of reconsidering someone who already said no. Ngunit ganoon pa man ay wala rin naman akong narinig na anuman mula sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD