Chapter 38

1006 Words
Chapter 38 Keitlyn's POV Nilingon ko si Aether sa likuran ko upang tingnan kung may mga ginagawa pa ba siya at nakita ko naman na mayroon pa. Hindi naman sa naiinip na ako pero gusto kong malaman kung hanggang anong oras niya plano na humarap sa computer niya. Ayos lang sa akin kung wala kaming usapan na pagpaplano. Pero kung hanggang mamaya pa siya riyan ay baka hindi na namin magawa pa ang totoong dahilan ng pagpunta ko rito. I am here for the meeting for the alliance at hindi para sa Mariana Trench. Well, alam ko naman na mahalaga rin ang isang 'yon pero siguro naman ay pwede naman niyang gawin 'yan sa mga susunod na araw. O kung talagang hindi na siya makapaghintay pa ay pwede naman niya 'yang ituloy mamaya pag-uwi ko. Napansin yata ni Aether na nakatingin ako sa kanya kaya nilingon niya rin ako rito sa kanyang likuran. "Are you hungry?" tanong niya kaya pinakiramdam ko ang sarili ko. At nakakapagtakha na ngayon ko lang naramdaman ang gutom gayong kanina pa akong nakatunganga lang dito. Hindi naman na ako nagdalawang isip pa na tumango sa tanong niya. Siguro naman ay aalukin niya ako na kumain na muna. Gusto ko pa sanang matikman ang ibang recipe ni Aether kaya kung aalukin man niya ako na kumain, sana ay ibang putahe naman ang ipaluto niya kay Sheldon. Walang sinabi si Aether pero hinarap niyang muli ang computer niya at nag-type. Nag-lock ang computer niya at tumayo na siya. Agad na rin naman akong tumayo dahil alam ko kung gaano kalalaki ang mga hakbang niya kaya kung hindi ko agad siya susundan ay sigurado na maiiwan niya ako. Tulad nga ng inaasahan ko ay walang sabi-sabi na nagsimula na si Aether sa paglalakad kaya agad ko naman siyang sinundan. Nakalabas na kami ng kwarto niya pero hindi ko pa rin naririnig ang gulong ni Sheldon na papalapit sa amin kaya ngsimula na akong magtakha. Napakunot ang noo ko nang pagdating namin sa kusina ay tinutupi ni Aether hanggang siko ang sleeves ng suot niyang polo. Wait, is he going to cook? Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ko nang isipin ko na magluluto si Aether kahit pa wala na pa namang kumpirmasyon kung tama nga ang hinala ko. "Magluluto ka?" tanong ko at nagkibit balikat siya. Hanggang sa kumuha siya ng apron at pinakita iyon sa akin. Hindi na niya kinalangan pa na magsalita dahil iyon na ang sagot niya sa tanong ko. Hindi ako makapaniwala. I know he cooks, pero hindi ko akalain na makikita ko siya ngayon na magluluto. Gawain kasi 'to ng robot niya. Nagpalinga-linga ako para tingnan kung nandito ba si Sheldon ngunit kahit na anong hanap ng mga mata ko sa kanya ay hindi ko siya makita. "Dead batt si Sheldon. Naka-charge siya." Hindi pa man ako nagtatanong ay nasagot na niya ang tanong ko dahil siguro nahalata niya na may hinahanap ako. Tumango-tango na lamang ako at pinanood ko na siya habang nagsusuot ng apron. Hindi ko alam ung bakit maging ang pagsusuot niya ng apron ay kinaaliwan ko dahil hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Inalis ko lang ang paningin ko kay Aether nang makita ko siya na nilingon ako sa pwesto ko kaya binaling ko sa iba ang aking paningin. Sigurado naman ako na hindi niya napansin ang pagkakatitig ko sa kanya kaya panatag ang loob ko. Matapos niyang isuot ang apron ay naglakad na siya papunta naman sa lababo. Kinuha niya ang mga untensil at sangkap na gagamitin naman niya sa pagluluto. Pinanood ko ang bawat galaw niya mula sa simula at hindi maipagkakaila na talagangang may nalalaman nga siya sa pagluluto. "You're actually cooking," sambit at natawa siya dahil doon. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtatakha sa kung bakit siya natawa. "Yes, I'm actually cooking," natatawa pa rin niyang sabi at doon ko lang napagtanto sa kung gaano kawalang kwenta ang sinabi kong 'yon.I mean, hello Keitlyn? Hindi pa ba halata na talagang nagluluto si Aether right in front of you? Nakagat ko na lang labi ko dahil sa hiya. Nagmumukha tuloy ako lutang sa mga sinasabi ko kay Aether. Ang mabuti pa siguro ay manahimik na laman ako dahil baka kung ano na naman ang masabi ko. Mas lalo lang ako magdulot ng kahihiyan sa sarili ko. "Quit that, Keitlyn." Muli akong napatingin kay Aether nang sinabi niya 'yon sa akin habang naghihiwa siya ng sibuyas. Napakunot ang noo ko kahil hindi ko alam ang tinutukoy niya. "Quit what, Aether?" naguguluhan na tanong ko dahil putul-putol naman ang salita niya. This always happens everytime. Madalas siyang magsalita ng mga bagay na hindi naman niya tinatapos. Ang akala siguro ni Aether ay manghuhula ako. "Quit pouting, Keitlyn. Kailangan pa bang diretsuhin ko ang mga bagay na sinasabi ko sa iyo?" Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Aether. At hindi ko alam kung saan nga ba ako napapangiwi. Sa katotohanan na hindi niya gusto ang pagnguso ko, o dahil sa plano pa yata niya na makipaglaro sa akin ng riddle dahil nagreklamo pa siya na kailangan pa niyang diretsuhin ang sinasabi niya sa akin. "Bakit Aether? Ano ba ang gusto mo? Makipaghulaan sa akin sa gusto mong sabihin?" natatawang sabi ko at napailing na lamang siya. Sa mga sumunod na minuto ay wala na sa amin ang nagsalita pang muli kaya nabalot na kami ng katahimikan. At ang tanging maririnig mo lang ay ang ingay ng paggagayat niya ng mga gulay. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng pagkainip kay Aether sa tuwing kasama ko siya. I could stay here like this forever. Nalilibang na ako kahit ito lang ang pinapanood ko sa kanya. Nagpatuloy si Aether sa ginagawa niya habang ako naman ay nagpatuloy sa panonood sa kanya. Nag sarap panoorin ni Aether dahil bihira lang ang kilala kong lalaki ba nagluluto. Well, siguro sa panahon nila ay normal lang. Sa panahon kasi namin ay maraming homophobic when it comes to chore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD