Chapter 7

1034 Words
Chapter 7 Keitlyn's POV Just because of the thought na hindi ako nagawa na ipagluto ni Aether ay mas lalo pa akong nanahimik. Kung kanina ay nagagawa ko pa na makipag-usap sa kanya, ngayon ay tanging iyon na lamang ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung bakit naging big deal sa akin ang ganoong bagay. Ano naman ngayon kung hindi niya ako pinagluto? Katapusan na ba ng mundo? Pero kahit na anong gawin ko at kahit na anong sabihin ko sa sarili ko na wala lang 'yun ay hindi ko maiwasan ang mainis kasi nga wala man lang siyang naging effort para magtagal ang pagkukwentuhan namin ngayon. Pwede naman siyang magluto pagtapos ng ginagawa niya. In that way, dadagdag sa oras ko rito sa 21st century ang pagluluto niya. Pero ano nga ba ang inaasahan ko? Bakit ganoon na lamang ang kagustuhan ko na mag-stay dito? Sanay naman din akong maggala pero umuuwi rin ako agad dahil mabilis akong magsawa sa isang lugar kahit na wala pa akong isang oras doon. But Aether's place is different. I think I could stay here the whole day watching him doing nonsense things. Maybe be because this place is new to me kaya hindi siguro agad ako makakaramdam ng pagkasawa rito. Napailing ako dahil sa mga bagay na naiisip ko. Mukhang masyado na yatang malayo ang tinatakbo ng utak ko. Dahil na rin sa ginawa ko na pag-iling ay hindi ko namalayan na nakatitig na pala sa akin si Aether. He's weirded out dahil sa ginagawa ko at kitang-kita sa mga mata niya ang pagtatakha sa kung anong nangyayari sa akin. If only I could tell him what exactly is happening to me. That everything's about him. Pero hindi ko naman iyon pwedeng aminin sa kanya kaya kinunutan ko na lang siya ng noo para sabihin na anong problema niya sa ginagawa kong pag-iling. "Are you really okay?" tanong niya. "Yea. Do I look like some kind of a sick person?" tanong ko at halos malaglag ang panga ko nang walang pag-aalinlangan siya na tumango. Talagang inamin niya na mukha akong may sakit? Hindi man lang niya naisip ang maaari kong maramdaman sa sinabi niyang iyyon. "To be honest, yes. Not just a sick person, but also a mentally ill person. Why do you keep on shaking your head as if someone's talking to you. May nakikita ka ba na hindi ko nakikita, Keitlyn?" Seryoso pa ang paraan niya ng pagkakasabi nu'n kaya alam ko na iyon talaga ang nasa isip niya. Just because I did that, mentally ill na ako? At hindi niya iyon sinabi para lang biruin at asarin ako. "How dare you say that to me?" tanong ko at natawa siya. Ang bilis niya talagang magbago ng mood. Kanina lang, seryoso siya. Moments later, tatawa na siya. "Now I'm sure na okay ka nga. Nagsusungit ka na naman kasi sa akin. You're nice to everyone, pero pagdating sa akin, napaka-short tempered mo." He does not sound offended kaya alam ko na hindi naman iyon big deal sa kanya. Pero ngayon ko nga lang din napansin na totoo ang sinabi niyang iyon. Totoo nga na madali akong mainis pagdating kay Aether. Hindi pa kami matagal magkakilala pero hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang nasungitan. At napansin niya pala iyon. Does it mean na aware siya sa mga ginagawa ko? Does it mean he is being observant? "I'm not masungit," I protested kahit pa aminado rin naman ako sa sarili ko na totoo ang sinabi niyang iyon. Nakita ko naman ang pangngisi ni Aether ngunit hindi rin naman nakaligtas sa akin ang biglaan na naman niyang pagseseryoso. Nahihirapan na talaga akong intindihin ang mood niya. "I'm sorry, Keitlyn." He sounds so sorry kaya mas lalo akong naguluhan kung bakit naman siya nagso-sorry ngayon. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Buti at natatagalan siya ng mga kaibigan niya kahit na mahirap siyang intindihn. Well, siguro ay matagal na rin ang pinagsamahan nila kaya kilalang-kilala na nila ang isa't isa kaya nababasa na nila si Aether. I wonder if I could ever know Aether the way Phoebe and Eros know him. Open din naman ako na makilala siya. "You're sorry because?" tanong ko para naman mabawasan kahit na papaano ang iniisip ko. "I feel that you're distant to me kasi nakukulitan ka na sa akin," aniya na siyang mas lalong nakapagpakunot ng ulo ko dahil nalilito na talaga ako sa mga sinasabi niya. "What do you mean? Anong nakukulitan?" tanong ko. Wala naman akong maalala na sinabihan ko siya na nakukulitan na ako sa kanya. And he's saying I'm distant to him? How could he even say that samantalang halos ayoko na ngang umuwi dahil ang gusto ko ay dito lang ako. Paano ba kasi tumakbo ang pag-iisip niya? "Na kaya ka masungit when it comes to me ay dahil sa mga tanong at pabor na hinihingi ko sa iyo. I'm sorry if I'm such a burden to you. You know, nangangapa pa ako sa Weigand. Kailan lang din kasi nagsimula ang klase. I feel like a grade schooler na kailangan pa ng magulang o hindi naman kaya ay yaya para lang maka-survive sa isang araw na klase." Natawa si Aether sa mga huli niyang sinabi at hindi ko alam na ganoon pala ang iisipin niya sa akin nang dahil lamang sa pagsusungit ko sa kanya. Pero kabaliktaran ang lahat ng sinasabi niya dahil gusto ko na tulungan siya. Siguro ay dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. I am more than willing to help him. At hindi ako nakukulitan sa kanya. "That isn't big of a deal, Aether," sabi ko sa kanya pero mukha namang hindi nu'n nabawasan ang tila ay pagdaramdam ni Aether. At hindi ko alam kung paano aalisin ang ganoon niyang iniisip tungkol sa akin. Everything Aether does and thinks about me is somehow disturbing. I don't know why he has this kind of impact in me. "It is okay, Keitlyn, I understand." He smiles a little at muling bumalik sa kanyang pagkain. Pero hindi naman talaga ako nakukulitan sa kanya. I'd rather deal with his presence than let Ginger help him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD