Chapter 8

1017 Words
Chapter 8 Keitlyn's POV Hindi ko alam kung paano ipapalianag kay Aether na hindi talaga ako nakukulitan sa kanya dahil hindi ko naman itatanggi na kung minsan ay nasusungitan ko na siya. Mas lalo pa akong nahihirapan na i-explain sa kanya ang mga bagay-bagay dahil maging ako man ay naguguluhan na sa aking sarili. Pero dahil nga sa ganoon na ang tumatak sa isip ni Aether ay mahihirapan na ako na maalis 'yun. Kahit na ano yata ang sabihin ko na ayos lang iyon ay hindi niya paniniwalaan. "You know, Keitlyn, ikaw kasi ang una kong nakilala na nagmula sa Weigand kaya noong una ay talagang naka-depende ako sa iyo. I thought you could guide me hanggang sa masanay ako sa lugar na iyon. Kasi sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na sa isang ganoong klase ng eskwelahan ako nag-aaral. Ang pinakamahirap tanggapin sa lahat ay ang katotohanan na hindi ko na magagawa pa na makapag-aral sa gusto kong university na buong buhay ko yatang pinangarap na makatuntong doon. And that wasn't easy. I needed a friend whom I could talk to about everything. Hindi ko naman iyon pwedeng sabihin kina Phoebe at Eros dahil bawal." Muling nagpatuloy si Aether sa ginagawa niyang pagkain na tila ba hindi ganoon kalalim ang naging hugot niya tungkol sa mga nangyayari at pinagdaraanan niya sa Weigand. BAkit nga ba hindi ko manlang naisip ang mga bagay na iyon bago ko siya sinungitan nang sinungitan? Pinagdaanan ko ang lahat ng paninibago kaya naiintinidihan ko ang nararamdaman niya. What I don't understand is the feeling of having no one inside Weigand. Mabilis kasi akong nagkaroon ng kaibigan. Unang araw pa lang yata ay nagkasundo na kami ni Em. At iba rin kasi ang dulot kung malalaman mo na hindi lang ikaw ang newbie. Pero ang mas nagpahirap kasi sa sitwasyon ni Aether ay wala siyang kasabayan na nakasapasok dito sa Weigand. And the tendency of it is he will be out of place. Maybe Ginger is interested in him pero nasa kabilang division naman iyon. Napabuntong hininga na lamang tuloy ako nang ma-realize ko ang tindi ng pinagdaraanan ni Aether. "I'm sorry, Aether." Isang tipid na ngiti naman ang iginawad sa akin ni Aether bago siya marahan na umiling. "Tulad ng sinabi ko sa iyo, Keitlyn, naiintindihan ko. Ayoko naman na buong school year ako na umasa sa kung sino. Kailangan ko rin naman na masanay roon. Mas gugustuhin ko naman na mag-aral sa isang school na bago sa pandinig ko kaysa hindi makapagpatuloy sa pag-aaral. This is better than no university at all." Even though he sounds so cheerful ay hindi pa rin maitatanggi ang panghihinayang ni Aether para sa pangarap niyang university. At naiintindihan ko rin siya sa part na iyon dahil maging ako man ay hindi ko na magagawa pa na makapag-aral sa pangarap kong university. But just like what he said, this is better than no university at all. Pwede pa naman siguro ulit kaming mag-aral kapag nakapagtapos na kami rito sa Weigand. Tutal at marami akong pangarap sa buhay kaya sigurado ako na malaking bahagi ng buhay ko ang igugugol ko sa pag-aaral. At mukha namang ganoon din si Aether. Actually, halos lahat naman ng estudyante rito sa Weigand ay paf-aaral ang focus. "Seriously, Aether, it's not what you think. Hindi ako nakukulitan sa iyo. I am more than wiling to help you. Naiintindihan ko ang pinagdaraanan mo kaya alam ko ang kagustuhan mo na kahit papaano ay magga-guide sa iyo. And sorry kung lately ay nasusungitan kita." Muli akong nginitian ni Aether. Tumango na lamang siya para lang tigilan ko na siya sa kaka-sorry ko. But I really owe him an apology para sa unfair na pagtrato ko sa kanya recently. Pero alam ko naman na wala na akong magagawa pa dahil nangyari na ang nangyari. Kung may dapat man akong gawin, iyon siguro ay ang bumawi naman sa kanya kahit na papaano. "You need a friend? I can be your friend," sabi ko. "No." Nabigla ako sa naging sagot ni Aether dahil tila ba hindi man lang niya iyon pinag-isipan. At hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang pagtanggi niya sa offer ko na maging kaibigan niya. Kanina lang ay nagsabi siya na somehow, he needs a friend. At ngayon na nagkukusa na ako ay tatanggihan naman niya. Sigurado naman ako na hindi ako nagtunog plastic dahil unang-una sa lahat ay bukal sa loob ko ang pag-aalok ng pakikipagkaibigan sa kanya. Huwag niyang sabihin na mapapahiya pa ako sa kanya? Is this some kind of revenge para sa mga pagkakataon na nasusungitan ko siya? "But Aether..." Muli ay ngumiti si Aether. "You don't have to this , Keitlyn. I'm perfectly fine. Gusto ko ring makasanayan ang buhay sa Weigand nang hindi umaasa sa ibang tao," sabi niya at napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan magmamatigas si Aether sa alok ko na pakikipagkaibigan sa kanya. But I want him to know na hindi ko siya titigilan hangga't hindi siya napapapayag. For me, we're already friends pero wala pa nga lang formality. Kaya nga siguro ganoon na lang din ang inis ko nang mas kampihan niya si Ginger kaysa sa akin. Dahil akala ko ay magkaibigan na kami. Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat para malaman ni Aether at sabihin sa kanya na pwede kaming magkaibigan at hindi ako napipilitan lang. "I know that I don't have to especially when I don't want to. But I want to be your friend, Aether." Marahan siyang natawa dahil sa sinabi ko. And I feel offended lalo pa at seryoso naman ako sa sinabi kong iyon. "But friendship requires trust. At sa iyo na mismo nanggaling, Keitlyn, you don't trust people that don't belong in your century. At magkaiba tayo ng siglo na kinabibilangan kaya sigurado ako na hinding-hindi mo ako pagkakatiwalaan." Hindi ko magawa na makasagot sa sinabing iyon ni Aether. Hindi ko akalain na mahahanapan niya ako ng butas. At paano ko ipagtatanggol ang side ko kung totoo naman talaga na sinabi ko iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD