Chapter 6

1511 Words
Chapter 6 Keitlyn's POV Nang matapos ako sa pag-inom ng kape ay parang gusto kong humingi ng isa pang tasa para lang hindi pa ako umalis. I want to stay here longer. Ilang sandali na rin mula nang dumating kami rito pero tinatamad pa akong umuwi. Papayagan kaya ako ni Aether to stay longer? "You done?" tanong niya nang mapansin na wala na akong iniinom. Tumango-tango ako. "Sigurado ka ba na hindi ka nagugutom, ha?" tanong pa niya at sa tingin ko ay nakakuha na ako ng pagkakataon at rason para makapag-stay pa nang mas matagal. "Well, medyo?" I lied kahit hindi naman talaga ako nagugutom. Bumuntong hininga siya dahil stress. I told him I wasn't hungry. Tapos heto at sinasabi ko ngayon na medyo gutom na ako. "Stay for awhile. Magpapaluto ako kay Sheldon." Tumayo siya sa kama at dumungaw sa pintuan. "Sheldon, cook dinner!" sabi niya sa tapat ng pintuan. Napangiti na lang ako at nilaro ang tasa kahit pa wala na itong laman. Natanggal lang ang mga ngisi ko nang maglakad na siya pabalik sa kanyang kama at bumalik sa kanyang pinagkakaabalahan. "What's with the pout?" takhang tanong ni Aether. Kakapigil ko kasi sa ngiti ko ay napapanguso na lang ako. Umiling lang ako at yumuko. Nagpatuloy na lamang ako sa panonood sa ginagawa ni Aether. Hindi ko alam kung saan papunta ang disenyo na ginagawa niya pero alam ko naman na malapit na iyon. He is just polishing everything. At doon ko lang naintindihan ang disenyo na ginagawa niya. Hindi naman pala ganoon ka-komplikado dahil kung titingnan mo ito ay mukha lang siyang plain. But if you will stare at it, it will look class in your eyes. And I like the way he designs it. Mukha rin namang pulido ang lahat. Isa sa pinakamahalagang kakampi mo sa Weigand ay ang flyiing vehicle na ikaw mismo ang gumawa. Magagamit mo kasi sila sa mga mission. At kung hindi ganoon ka-pulido ang pagkakagawa mo sa sasakyan mo ay malaki ang magiging epekto nu'n mission mo. Matapos ang ilang sandali na paghihintay namin kay Sheldon ay pumasok na ito sa kwarto ni Aether. He is bringing a tray na puno ng pagkain na ang lahat ay ni-request ko. At mukhang masasarap ang lahat ng ito. Tama lang pala talaga ang idea ko na kumain muna ako rito dahil kahit na hindi gutom ay talagang mapapakain sa mga nakahain. It is all mouth-watering. Ngunit napansin ko rin na hindi lang pala ito pang-isang tao dahil marami-rami ito. And even though how delicious it looks like ay hindi ko pa rin naman ito kayang ubusin lahat. "Kain ka na," sabi ni Aether nang hindi ako nililingon. "Ikaw?" tanong ko dahil mukhang kakain din siya pero may ginagawa lang siya. "Mayamaya na siguro ako. Tapos na rin naman 'to. I will join you right after this," sabi niya kaya napangiwi ako. "Hintayin na kita," sabi ko kaya nahinto siya sa kanyang ginagawa para tingnan ako. Bakit hindi pa niya ako sabayan? Pwede ko naman siyang hintayin since sinabi naman niya na tapos na rin naman 'yon. Kinunutan niya ako ng noo. "Thought you're starvig?" tanong niya at muli akong napangiwi. "I said I'm hungry, not starving," sabi ko. He mocks the way I grimaced at him and it did not annoy me. I find it cute instead. "Same point. And the point is, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom." I make face dahil sa sinabi niya. Kung magsalita siya sa akin at pagsabihan ako sa ganitong mga bagay ay para akong bata sa paningin niya. Siguro ay dahil alam niya na mas matanda siya sa aking ng ilang dekada at iyon na ang tumatak sa isip niya. Mas bata pa ang tingin niya sa akin kaysa kay Ginger. At ayoko nang ganoon niya ako tingnan. "Kaya ko pa namang tiisin ang gutom ko. So if I were you, tapusin mo na 'yan para makakain na tayo," sabi ko at wala naman nang nagawa pa si Aether kundi ang magpatuloy sa tinatapos niya. Ngunit napapailing-iling siya at alam ko ang nsa isip niya--na matigas ang ulo ko. Ilang sandali lang din ang lumipas ay natapos na nga si Aether sa ginagawa niya. Nagsimula na siyang humakbang palapit sa akin kaya ang ginawa ko ay inayos na ang mga pagkain na hanggang ngayon ay nasa tray pa rin. Mabuti na lamang din at may maliit na mesa si Aether dito sa kwarto niya na may dalawang upuan. Bakit kailangan niya ng dalawang upuan? Madalas ba siyang magpapasok ng ibang tao rito sa kwarto niya? Maiintindihan ko pa sana kung isang dining chair at isang gaming chair ang nandito sa kwarto niya. Pero kasi may gaming chair na siya na nasa computer table niya. Kaya nga siguro dalawa ay dahil lagi nga siyang may nakakasama rito. Babae kaya? Hindi ko alam. At wala naman akong plano na itanong pa iyon. Wala naman din akong pakialam. I was just curious kaya pumasok sa isip ko. At kung susubukan ko na magtanong kay Aether ay sigurado ako na sasabihan niya lang ako ng tsismosa. Kaya pinili ko na lang din ang manahimik. Hanggang sa naupo na nga si Aether sa tapat ko at sabay na kaming kumain. Normal ang bilis ng pagkain ni Aether samantalang ako ay sinasadya ko na bagalan. Siguro ay na-e-enjoy ko pa ang ambiance dito sa 21st century kaya kaya tinatamad pa ako na bumalik sa century ko. Parang gusto ko pa na tumambay dito kahit na isang oras pa. "Thought you're hungry? Bakit parang wala ka namang gana na kumain?" tanong ni Aether na nahalata yata ang kabagalan ko sa pagkain na na-misinterpret naman niya. "Hindi mo ba gusto ang mga pagkain?" tanong niya at para bang na-disappoint naman siya. Napangiwi tuloy ako dahil bakit naman siya madi-disappoint gayong hindi naman siya ang nagluto nito. Pero hindi rin naman kasi ang lasa ang problema kaya nagmumukha akong matamlay. "Hindi, Aether. Ano ka ba? Sa totoo lang ay masarap ang mga ito. Mukha namang nagsasabi ka ng totoo, Keitlyn. Pero iba kasi ang sinasabi ng kilos mo." Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang dahilan kaya ako nagkakaganito. Pero hinding-hindi ko iyon sasabihin sa kanya. "Toto, Aether. Masarap nga ang mga ito. Mas masarap ito kung ikukumpara sa mga niluluto ni Betty para sa akin. Parang recipe talaga ito ng isang tao at hindi 'yung mga napapanood lang na videos sa YouTube na pinaggagayahan ng mga robot," sabi ko at marahan naman na natawa si Aether kaya napakunot ang noo ko dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Hindi naman kasi tulad si Sheldon sa mga robot sa taon ninyo na kapag may pinapanood ka na isang video sa kanya ay kaya na niyang gawin. Advanced ang robot ko para sa panahon ko. Pero makaluma na 'yan sa panahon ninyo. Naka-program 'yang si Sheldon. At lahat ng niluluto niya ay recipe ko. That is also how the way I cook." Hindi ko mapigilan ang mabigla--at the same time ay mapahanga dahil sa sinabi ni Aether. Nagluluto rin talaga siya? Well, dapat ay alam ko na ang bagay na iyon dahil kanina nga sila ni Eros ang nagluto. At pinabayaan lang sila ni Phoebe sa kusina kaya alam ko na alam niya na nagluluto talaga sila. I don't know why pero iba talaga ang dating sa akin ng lalaki na magaling magluto at maraming alam pagdating sa kusina. "Totoo? Nagluto ka?" tanong ko at napangisi si Aether na tila ba kung mayroong isang bagay siya na pinagmamalaki, iyon ay ang kanyang pagluluto. Hindi lang pala sa invention siya magaling, kundi maging sa pagluluto. Ano pa kaya ang ibang bagay na kaya niyang gawin. I have this enthusiasm to know him more. "Oo naman. Nakakatamad lang magluto kung para sa sarili lang kaya nga binuo ko si Sheldon," sabi niya at nakuha ko naman ang punto niya. Mag-isa lang si Aether sa loob malaking bahay na ito at talagang nakakatamad kumilos. Pero napaisip lang ako kung bakit mas pinili niya na si Sheldon ang maghanda ng pagkain namin. Ayaw niya ba akong ipagluto? "Hindi lang naman ikaw ang kakain ngayon. Not that I want you to cook for me...pero bakit hindi mo ako pinagluto?" I don't know if I sounded demanding pero sana naman ay hindi. Bago magsalita ay nakuha pa ni Aether ang magkibit balikat. "Well, hindi ko kasi alam kung magugustuhan mo. Kung hindi mo kasi nagustuhan, wala akong choice kundi ang hindi sabihin sa iyo na recipe ko 'yan. But since you like it, I got courage to brag." Halos matawa ako sa naging dahilan niya. Aether is just so cute and innocent. Kaya talagang mahirap magalit sa kanya. Halos nakalimutan ko na nga na inis ako sa kanya dahil sa pagkampi niya kay Ginger. Pero siguro naman ay natitikman niya ang luto niya kaya alam ko na alam niyang masarap ang mga ito. Kaya bakit pagdating sa pagpapatikim sa akin ay parang nawalan siya ng tiwala sa kakayahan niya sa pagluluto?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD