Chapter 23

2504 Words
Chapter 23 Keitlyn's POV Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Em ang kinilos ko kaya sa mga sumunod na mga minuto ay nanahimik na lang ako. Kahit pa ilang ulit na naka-shoot si Aether ay laking pasasalamat ko na hindi na ulit ako nag-react pa ng ganoon. Nakisama ang aking sarili at nagpaawat naman. Hindi ko na nga lang matingnan pang muli si Em dahil nakikita ko sa peripheral vision ko na may pagkakataon na sumusulyap sa akin siya sa akin para panoorin ang mga galaw ko. Lalo na sa mga pagkakataon na nakaka-shoot si Aether. She is obviously waiting for me to react again that way at kapag naulit iyon ay hindi na niya papalagpasin pa. Alam ko na pupunahin na niya ako at kokomprontahin. Alam ko rin naman na wala akong maririnig na masamang salita mula sa kanya dahil ang concern niya lang naman ay baka mahalata ako ng iba naming kasama at isipin nila na kumakampi ako sa kabila. Sa pagpapatuloy ng laro ay napansin ko ang kakaibang pagod ng grupo namin. At alam ko na dahil iyon sa pagbabantay nila kay Aether. Aether really have that skill. Kung magkakaroon man nga ng varsity team ang Weigand ay sigurado ako na malaki ang posibilidad na makapasa siya--iyon ay kung gugustuhin nga lang niya na maglaro. But knowing Aether, he is not a fan of spotlight kaya mukhang hindi niya lang tatanggapin ang offer. Pero imposible rin naman na magkaroon ng varsity ang Weigand dahil wala namang ibang eskwelahan kami na makakalaban. Pero kahit na wala namang ibang school ay mayroon naman kaming inter-century. Mapapakinabangan pa rin naman ang galing ni Aether kung magpapalista siya bilang isa sa mga representative ng kanilang century. Sana lang ay sumali siya para naman ma-enjoy niya kahit papaano ang Weigand. Pero iba na rin kasi ang audience doon. Hindi na 'yun tulad ngayon na tanging mga kasamahan lang namin ang nanonood. Sa mga laro ng inter-century ay halos buong estudyante na ng Weigand ang manonood. Mapupuno na nito ang gymnasium. Sa mga ganoong pagkakataon lang naman ako nakakanood ng mga sports event ng school dahil no choice na ako roon. Mandatory ang panonood namin. "Patapos na ang game, Keitlyn. Pag-isipan mo nang mabuti kung saang team ka lalapit." Saka lamang ako napatingin kay Em nang muli siyang magsalita. Nakita ko naman ang mapang-asar niyang ngisi kaya inirapan ko siya. Ano ba ang tingin niya sa akin? A traitor? Just because I cheer for Aether does not mean I cheer for their team. Of course, sa buong team pa rin namin ang loyalty ko. I want Aether to win in everthing he does. Kung manalo man sila, that would be fine with me. Kung matalo man sila, I'm still happy dahil halata naman kay Aether na na-enjoy niya ang laro kahit na punung-puno ng tensyon ang court kapag nasa kanya ang bola at si Xavier naman ang nagbabantay sa kanya. The time buzz with a score 57-54, in favor of our team. Humahangos naman ang mga player na nakipagkamayan sa isa't isa as a sign of sportsmanship. This is the closest scort they had in our team. At ang pinakagumawa sa kanila ng score ay si Aether. Normal na sa team namin ang makatambak ng kalaban lalo pa na kung sabay na naglalaro sina Creight ay Xavier. Ngayon lang sila nahirapan at hiningal nang ganito. Tumayo na si Em kaya tumayo na rin ako. Kakaiba pa rin ang mga ngisi niya sa akin kaya muli ko siyang inirapan. Dinampot niya ang bag ni Creight at kumuha ng isang bottled water. Nagulat na lamang ako nang isang bag pa ang dinampot niya at iniabot naman iyon sa akin. "Kanino 'to?" takhang tanong ko dahil mukhang pagbibitbitin niya rin ako. "Kay Xavier. Pakidala na lang. Pupunta ka rin naman du'n," sabi niya at inabutan din ako ng isang bottled water na pa rin naman kay Xavier. Hindi naman na ako naka-angal pa dahil nagsimula nang maglakad pababang bleachers si Em. Dali-dali na lang akong sumunod kay Em bago pa man niya ako tuluyan na mapag-iwanan. Nang nasa bench na kami ay saka lang nag-jog palapit sa amin sina Creight at Xavier. Inabutan agad ni Em ng towel si Creight at saka ito nagpunas ng pawis. Iniabot ko naman kay Xavier ang kanyang bag dahil hindi ko naman alam kung nasaan doon ang towel niya. He smiles at me as he accepts his bag. "Thanks," aniya at saka hinanap ang towel sa kanyang bag. Nang matapos na rin naman siya sa pagpupunas ng kanyang pawis ay iniabot ko naman sa kanya ang isang bottled water. He just thank me again at uminom na nga. Medyo nailang ako habang tinitingnan siya na umiinom kaya binaling ko na lang sa iba ang paningin ko. At bigla na lang akong nagsisi nang doon ko pa naisipan na lumingon dahil ang tinamaan ng tingin ko ay ang pwesto ni Aether. Kahit na pawisan at hinihingal ay hindi pa rin nawawala ang kakaibang dating ni Aether. Hindi ko alam kung sa paningin ko lang ba siya ganito--na mukha namang hindi dahil nagkagusto nga sa kanya si Ginger. At ang isa pa sa kinagulat ko ay ang pagtatama ng aming paningin. And I know for sure na hindi lang niya kalilingon sa akin. He is looking at me as if kanina pa niya ako pinapanood rito. Ngunit hindi man lang siya nangimi na mas panoorin pa ako, bagkus ay sinalubong niya ang mga tingin ko. It only means na wala siyang pakialam kahit pa malaman ko na pinapanood niya ako. Kahit na hindi na ako mapakali sa mga paninitig at panonood niya sa akin ay hindi ko naman magawa na magbawi ng tingin sa kanya. "Pasensya ka na kung napagbuhat ka pa ng gamit ko," narinig kong sabi ni Xavier. Ngunit kahit na alam ko na kinakausap niya ako ay hindi ko naman magawa na harapin siya dahil nakapako pa rin kay Aether ang paningin ko. There is something in his eyes na gustung-gusto kong mabasa. "Keitlyn?" Kahit na naririnig ko na ang pagkausap sa akin ni Xavier ay wala pa rin naman sa diwa ko ang kausapin siya. "Huy!" Nawala lang ang paningin ko kay Aether nang muli kong maramdaman ang pagbunggo ng balikat ni Em sa braso ko. Agad ko naman siyang nginiwian at pinandilatan niya ako ng mata. May nginunguso siya sa akin. At nang tingnan ko kung ano o sino iyon ay nakita ko si Xavier na tila naghihintay na kausapin ko siya. At saka ko lang na-realize na kanina pa nga pala ako kinakausap ni Xavier. Nakita ko rin ang pagkunot ng noo niya dahil nahalata niya na wala sa kanya ang atensyon ko. Kaya agad niyang nilingon kung ano ang kanina ko pang tinitingnan. Mas lalo pang kumunot ang noo niya nang makita na sa grupo nina Aether pala ako nakatingin. Dahil na rin sa nasa iisang kumpol lang sina Aether at mga kasamahan niya ay hindi matukoy ni Xavier kung sino sa mga nandoon ang tinitingnan ko. Mas mabuti na rin ito kaysa magkaroon siya ng idea. Kinakabahan na rin ako dahil nang muli kong lingunin si Aether ay na kay Xavier na ang kanyang paningin. He is looking at him na kung magtama man ang kanilang paningin ay hindi pa rin siya magbabawi ng tingin kay Xavier at talagang ipapakita pa niya na siya ang tinitingnan nito. Kaya bago pa man mahalata ni Xavier kung kanino ako eksaktong nakatingin sa mga iyon binawi ko na ang aking mga mata mula sa pwesto nina Aether. "You were saying, Xavier?" Binaling ko na kay Xavier ang atensyon ko para mawala na rin doon ang atensyon niya. Iniiwasan ko na mabaling ang tingin niya kay Aether dahil ayoko na makita niya kung paano siya tingna ni Aether. Sigurado ako na ikakatakha niya iyon. Mabuti na lang at hindi na pinagpatuloy pa ni Xavier ang pagtingin sa grupo nina Aether kahit pa bakas pa rin sa mukha niya ang curiosity kung kanino ba talaga ako nakatingin. Nginitian naman muna ako ni Xavier bago siya muling nagsalita. "I was just saying sorry dahil sa pagbibitbit ng gamit ko," sabi niya at nginitian ko rin naman siya. "Don't mention it," sabi ko naman sa kanya at muli naman siyang ngumiti bago muling uminom sa hawak niyang bottled water na binigay ko. "That was a tough game. The new kid is a monster," sabi niya at natawa siya. Napilitan na rin naman akong tumawa dahil ang nagbiro siya. Tama nga ang hinala ko na nahirapan sila sa pagbabantay kay Aether. Lalo na siguro itong si Xavier na siya nang nagbantay sa kanya sa simula pa lang ng laro. "You won anyway. Congratulations!" sabi ko. Muli naman siyang natawa ay nagkibit balikat. Inubos niya ang laman ng iniinom niya at binato iyon sa trash bin. "Thanks! We should invite the new kid in a match more often." Bigla akong nag-alangan dahil sa sinabi niya. I don't think that was a good idea. Or is it just me? I'm trying my hardest to avoid Aether pero ang mga lagi kong nakakasama ay parang nanadya pa na ilapit ako sa kanya. Kung madalas na nilang kakalaruin ang team nina Aether ay sigurado ako na madalas na ring mangyayari ito. Though I have a choice kung manonood man ako o hindi. Pero kung mangyayari man iyon ay sigurado ako na lagi akong kukulitin ni Em na samahan siya sa panonood at ang lagi niyang idadahilan sa akin ay hindi ko naman dapat na iwasan si Aether dahil ang kailangan kong iwasan ay ang pakikipagkaibigan sa kanya. Mukhang madaling sabihin para sa kanya pero mahirap gawin sa part ko. Hindi ko naman din magawa na magreklamo sa kanya dahil alam ko naman na para din sa amin ni Aether ang iniisip niya. "I don't think basketball is his thing. Mukhang hindi naman mahilig sa sports ang isang 'yon. Mukha namang lampa," sabi ni Arman na isa sa mga player namin. Agad naman akong napalingon sa kanya dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang iyon tungkol kay Aether. I was about to speak up pero naramdaman ko ang paghawak ni Em sa braso ko para pigilan ako sa tangka ko na pagprotesta. Alam niya na magre-react ako sa sinabing iyon ni Arman. Mabuti na lamang at nagawa ko na pigilan ang sarili ko dahil kung hindi ay sigurado ako na dire-diretso ang gagawin ko na pagsasalita at baka maging si Em ay hindi ako magawa na pigilan. Pero hindi naman ako papayag na pinagsalitaan niya niya si Aether ng ganoon pero wala akong magiging pambawi. Kailangan kong ipagtanggol si Aether nang hindi nila mahahalata na pinagtatanggol ko siya. I can't accept the fact that he called Aether clumsy well in fact, he is far from being and looking clumsy. Kaya hindi ko alam kung saan niya nakuha ang idea na lampa si Aether. Maybe at first, yes. Maging ako man ay nagduda sa kakayahan niya at napaisip kung siya ba talaga ang bagong estudyante ng Weigand. But that was before dahil nerd looking pa siya noon. At sobrang binu-bully na ang ganoong image sa generation namin. But after knowing his strength and capability ay napahangan na niya ako. Lalo pa ngayon na hindi na siya nerdy tingnan kaya halatang may ibubuga na siya. He can even win a one-on-one match with Arman. "Hush it, Arman. That clumsy guy you're talking about is undeniably better than you," natatawang sabi ko na dinaan ko sa biro at tono na inaasar lang si Armna. "Whoa..." sabi ng mga kasamahan namin na parang sinusulsulan pa ang ginawa ko na pang-aasar kay Arman. Nakita ko naman ang pagka-insulto sa mukha ni Arman pero hindi naman siya nagsalita dahil magmumukha lang siyang pikon. Pero alam ko naman na hindi siya papayag nang hindi nadedepensahan ang sarili niya kaya nag-iisip siya ng maaari niyang sabihin sa akin. Pero kahit na anong klaseng pagdepensa pa ang gawin niya ay hindi naman mababago nu'n ang katotohanan na mas magaling pang maglaro sa kanya si Aether. Hindi na niya kailangan pa ang dumpensa dahil kahit naman ang mga kasamahan namin ay alam ang tungkol sa bagay na 'yon. Tiningnan ako ni Arman nang nakangiti bilang pagtanggap sa biro ko. Pero kahit na anong ngiti ang gawin niya ay hindi nito maitatago ang inis sa kanyang mukha. I smile at him. Nag-pis sign pa ako para sabihin na nagbibiro lang ako. But he wishes na biro lang iyon. Isa ang bagay na 'yon sa mga pinaka-totoong sinabi ko sa buong buhay ko. Sinundot naman ako ni Em sa tagiliran. Dahil nakiliti ako ay napalingon ako sa kanya. Sa mga tingin pa lang niya sa akin ay halatang sinusuway na niya ako sa pagsasalita ko pero nginitian ko lang naman siya para sabihin na wala siyang dapat na ipag-alala dahil alam ko ang ginagawa at sinasabi ko. "Nasa kanya lang ang suporta ng teammates niya kaya nagmumukha siyang magaling," sabi niya. I scoff because that was so lame. Nag-expect ako ng isang solid na rebutt dahil nga sa inis niya pero na-disappoin lang ako. Siguro kasi ay dahil alam niya rin sa kanyang sarili na tama ang mga sinabi ko. "So you're saying na walang suporta sa 'yo ang teammates mo?" tanong ko at hindi naman na nakapagsalita si Arman. Pero sa tingin ko ay kakailanganin niyang sumagot dahil nang tingnan niya isa-isa ang kanyang teammates ay nakatingin ang mga ito sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot. Hindi niya pwedeng sabihin na walang suporta ang mga ito sa kanya dahil insulto iyon para kina Creight at sa buong team. Maituturing din na malaking kasiraan iyon sa kanila dahil isa sa pinaka-importanteng bagay rito sa Weigand ay ang teamwork. "Mayroon silang suporta sa akin. Kaya nga nagiging maayos ang mga laro," sabi niya at hindi ko na napigilan ang matawa. Napansin ko naman na nagpipigil ng tawa ang ilan sa mga kasamahan namin lalo na ang kanyang teammates. Napailing na lang ako natawa. Hinila naman na ako ni Em paatras para patigilin na pero nang lingunin ko siya ay medyo natatawa rin siya. Hindi na lang din naman ako nagsalita pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan namin at magkapikunan pa kami. Masyado nang maraming nangyari ngayong araw at ayoko naman na gumawa pa ng eksena rito at masangkot ako g**o. Knowing Arman ay mapagpatol siya sa away, kahit pa babae ang kaharap. "Why so mean, Keitlyn?" natatawang sabi ni Em nang medyo makalayo na kami sa kanila. Kunyari lang naman itong si Em sa pagsuway sa akin sa pag-roast ko kay Arman. If I know ay gusting-gusto niya na sinusupalpal ang lalaking 'yon dahil ilang beses niya rin pinagsalitaan ng kung anu-ano si Timothy noon nabubuhay pa ito. "Serves him right," sabi ko at napailing na lang si Em. Hindi naman na niya pinuna pa ang pagtatanggol ko kay Aether. Pero alam ko naman na hindi iyon nakaligtas sa kanya at kumukuha lang siya ng tiyempo para punahin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD