Chapter 22
Keitlyn's POV
Natapos lang ang mga iniisip ko nang naghahanda na ang magkabilang grupo dahil malapit nang magsimula ang kanilang laro. Hindi ko alam kung bakit habang papalapit nang papalapit ang laro ay mas lalo lang akong kinakabahan. At malaking bahagi ng kaba na nararamdaman ko ay para kay Aether. Pero hindi ko naman na dapat pang maramdaman ang mga ganitong bagay kaya hindi ko na rin ito inentertain pa. Narinig ko na nga ang buzzer nahudyat ng pagsisimula. Nasa gitna na ang mga player at makikita na handa na ang bawat isa sa kanila.
It was Creight and Luther in the middle to do the jump ball. Kahit na ahead kay Luther ang iba niyang kakampi ay hindi naman maikakaila ang tangkad nito kaya siya ang gagawa. Plust the fact na mayroon siyang pinaghalong galing at passion sa halos lahat na yata ng sport. He is obviously into sport. Mula nang maging mainit sa mga mata ko Ginger ay inalam ko ang ilan sa mga balita tungkol sa kanya sa loob at labasng Weigand.
At dahil matunog din talaga ang ang pangalan niya rito sa Weigand ay hindi naman ako nahirapan na kumalap ng mas maraming impormasyon tungkol sa kanya. At isa nga sa tsismis na nasagap ko ay matagal na palang may gusto si Luther sa kanya. But a bad boy image isn't her type daw kaya hindi niya pinapansin ang pagkakagusto sa kanya ni Luther. She's also not into boys her age. She likes boys older than him.
At lahat ng gusto niyang iyon sa isang lalaki ay na kay Aether. And I think this is a confirmation that she's really interested with him. Well, who would not like him anyway? Noong simula pa lang naman ay nahalata ko nang gusto nga niya si Aether. Not that I don't mind that time. Hindi pa lang talaga siguro ako aware na may ganito na pala akong nararamdaman para kay Aether. And yes, I maybe have some sort of a feeling for him. Now that I have admitted it to myself, siguro naman ay mababawasan na ang hirap at bigat ng nararamdaman ko.
Unang tama palang ng bola ay sa grupo na namin napunta. Kahit na madalang akong manood ng mga laban nila ay hindi ko naman maikakaila na iba ang tensyon na nakikita ko sa laban nila na ito kung ikukumpara sa mga laban na napanood ko na noon. At pilit kong inaalam kung ano at kung saan nanggagaling ang tensyon na nakikita ko sa loob ng court. Agad rin namang nabigyan ng sagot ang tanong ko nang madako ang paningin ko kay Aether. Despite of the distance we have, kitang--kita ko mula rito sa kinauupuan ko ang nag-aalab niyang mga mata. It is as if this is a do or die match na hindi niya pwedeng hindi ipanalo.
Wala naman akong alam sa ganitong klase ng mga sport pero makikitaan si Aether ng kakaibang liksi kung ikukupara sa ibang manlalaro sa loob ng court. Mukhang tama lang ang gagawin nina Creight na pag-aralan nang mabuti ang galaw ni Aether at kung paano ito maglaro.
Nakikita ko ang mga senyasan nina Creight at Xavier na nginunguso pa si Aether. I think Creight is telling Xavier to guard Aether. Hindi nga ako nagkamali sa pagbasa sa mga senyasan nila dahil tumakbo na si Xavier papunta kay Aether na ngayon ay may hawak ng bola. Mas lalo pa namang nag-alab ang mga mata ni Aether dahil biglang sumulpot si Xavier sa harapan niya.
But I don't see in his face the struggle I thought Xavier might cause him. Mas lalo ko lang siyang nakitaan ng determinasyon at focus sa laro. Patuloy lang sa pag-dribble si Aether nang parang wala si Xavier sa harapan niya. Hindi ko alam kung talagang hindi niya lang alam kung gaano kagaling si Xavier maglaro o talagang hindi lang siya nababahala sa kahit na sino pa ang itapat sa kanya. He is so confident with his skills.
Pero kahit na nakikitaan ko siya ng kumpyansa sa kanyang sarili ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala para sa kanya. I don't like the idea of Creight and Xavier torturing him. The more they see confidence with Aether, the more they want to focus in him. Tuso ang mga kasamahan kong 'yan kaya alam ko na kung paano sila maglaro. Ilang beses na rin naman nilang nakalaro sina Luther kaya madali na nilang nababasa ang mga nila.
But Aether is different. Kahit ako ay nahihirapan na basahin ang mga susunod niyang hakbang. Nakikita ko na nahihirapan din si Xavier na makakuha ng tiyempo para maagawan ng bola si Aether. Naging alerto naman si Xavier nang susubukan ni Aether na lagpasan siya para makalapit sa ring. But it was just a fake move dahil humakbang paatras si Aether but it was too late for Xavier dahil nagkaroon sila ng distansya ni Aether. And Aether aims for a three points siya.
Nasa ere pa lang ang bola ay hanggang langit na ang dasal ko na sana ay pumasok. Parang pagtatraydor ito sa mga kasamahan ko pero anong magagawa ko, I really want that shot for Aether. Siya lang naman ang hinihilingan ko na maka-shoot sa kanilang grupo. If it was Luther or the rest of their team, ang hihilingin ko, sana ay sumablay.
Napatayo ako sa kinauupuan ko nang pumasok ang tira niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ganoon ang naging reaction ko. Napalingon tuloy ako sa paligid ko para tingnan kung may nakahalata ba sa ginawa ko. Mukhang wala namang nakahalata maliban na lamang kay Em na ngayon ay nakasandal sa kanyang kinauupuan at taas kilay pa na nakatingala sa akin. Magkatabi lang kami ng upuan kaya agad niyang nahalata ang naging reaction ko.
Tulala akong bumalik sa pagkakaupo ko dahil maging ako ay hindi makapaniwala sa kinilos konv 'yon. Nang muli kong ibalik ang mga mata ko sa court ay nakita ko si Aether na nakatingin banda rito sa pwesto namin. At hindi ako maaaring magkamali kung kanino siya diretsong nakatingin. Mula rito sa kinaroroonan ko ay alam ko na ako ang tinitingnan niya.