Chapter 18
Keitlyn's POV
Dahil mga sinabi ni Em ay nagdalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ba ang pakikipagkaibigan kay Aether. Wala namang nagbago sa kagustuhan kong iyon. I still badly want to be his friend. Pero ang pumipigil sa akin ngayon ay ang kaligtasan naming dalawa. Ayoko na isa sa amin ang kinakailangan na magkripisyo at mapahamak. Parang mas gugustuhin ko na lang na maging isang normal na classmate ni Aether kaysa isugal ang kaligtasan namin.
Kung nasa iisang century lang kami ni Aether ay wala akong magiging problema, because automatically, we are allies. Pero dahil nga sa magkaiba kami ng siglo na kinabibilangan ay mahirap para sa amin ang maging magkaibigan. Siguro nga ay hindi ko na rin dapat pa na ipilit ang pakikipagkaibigan kay Aether. Tutal at sinabi naman na noon pa man na hindi siya interasado na makipagkaibigan sa akin. I think I should stop proving myself to him. Wala rin naman kasing pupuntahan ang pagkakaibigan naming dalawa. Kahit na naiintindihan ko naman kung bakit hindi kami maaaring maging magkaibigan ni Aether ay nahihirapan akong gawin. Ang iniisip ko na lang ay para din ito sa ikabubuti naming dalawa.
"Mag-isip ka nang mabuti, Keitlyn. Kung ipagpapatuloy mo ang pakikipagkaibigan sa kanya ay ikaw lang din ang maglalagay sa inyo ng kapahamakan. Aether doesn't know Timothy. Wala siyang idea sa mga consequences na maaaring mangyari kung tuluyan na nga kayong naging magkaibigan. So all of the responsibility ay nasa iyo dahil ikaw ang may dahilan para umiwas." Hindi ako makahanap ng salita dahil alam ko naman na tama ang lahat ng sinabi ni Em.
I know I should be firm with my decision by now pero hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako sa desisyon ko na ihinto na nga ang pakikipagkaibigan kay Aether. Napabuntong hininga ako dahil alam ko naman na wala na akong iba pa na paagpipilian kundi ang huminto.
"Nag-aalala ako para sa iyo, Keitlyn. Sa sandaling panahon na nagkakilala kayo ni Aether, maaaring hindi mo napapansin pero nagkakaroon ka na ng feelings para sa kanya," seryosong sabi ni Em at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Kahit ang itanggi ang bagay na iyon ay nakakaubos ng lakas. "Our stay here in Weigand is not permanent, Keitlyn. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan kayo magkakasama ni Aether. So, please, protect yourself--protect your heart from breaking. Hangga't kaya mo pa, umiwas ka na. Hindi biro ang sakit na maaari mong maramdaman."
Mas lalo pa akong nasaktan sa sinabing iyon ni Em. Ngunit sana nga ay kaya ko pa na umiwas. Sana nga ay kaya ko pa na kumbinsihin ang isip ko na ito ang dapat naming gawin. Ngunit kahit na mahirap ay iyon ang gagawin. Ayoko na isa sa amin ni Aether ang mapahamak. Ayoko na matulad kami kina Timothy at Emerald. Kung maghihiwalay man kami ng landas ni Aether ay hindi sa paraan na kinakailangang may magsakripisyo ng buhay.
"Keitlyn, kaya mo pa naman siyang iwasan, hindi ba?" tanong ni Em dahil sa patuloy ko na pananahimik. Ilang sandali pa akong napatulala sa kanya bago ko naisipan na maghanap ng maaari kong isagot sa mga tanong niya. Her question is just a yes or no question pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko pa magawa na ibuka ang bibig ko. And the first reaction I did was to smile at her awkwardly na siyang dahilan kaya napakunot ang noo niya sa akin.
"Oo naman, Em. Kaya ko pa naman na iwasan si Aether." Hindi naman ako nagsinungaling sa sinabi kong iyon dahil kung para naman sa kapakanan at kaligtasan namin ni Aether ay gagawin ko. Tutal ay ako lang din naman ang may gusto na maging magkaibigan kami. I'm sure he would not mind kung bigla na lamang akong iiwas sa kanya. It would hurt my ego pero baka nga mas pabor pa sa kanya kung titigian ko na nga siya.
"Sana nga, Keitlyn. Iba kasi ang nakita ko kanina. Parang katapusan na ng mundo ang nakita kong disappointment sa mukha mo nang hindi kay magkakasabay ni Aether ngayong lunch," sabi ni Em at napangiwi ako. Marahan din akong tumawa para ipakita sa kanya na nakakatawa ang mga pinagsasabi niya na mga wala namang saysay.
"Ano ka ba, Em? Bakit naman ako madi-disappoint na hindi natin siya makakasabay sa lunch? Nawala lang talaga sa loob ko na may sarili na nga palang sasakyan si Aether. At hinanap ko siya para sana isabay. Iyon lang 'yun," sabi ko at muli na namang naningkit ang mga mata ni Em. Napabuntong hininga na lamang siya at tumango-tango.
"Sana nga, Keitlyn, kaya mo pa na umiwas. I trust you. Huwag mong hayaan na umikot dito sa Weigand ang buhay mo," sabi ni Em at nginitian ko naman siya. She smiles back at me bago ako niyaya na magsimula na kaming kumain. Pero habang kumakain ay walang ibang nasa isip ko kundi si Aether.
Malaki ang posibilidad na magkasama na sila ni Ginger dahil na rin sa naging usapan nila. They are probably eating right now kasama ang mga kasamahan nila sa twenty first century. Hindi ko naman magawa na mag-ikot ng tingin dahil sa laki nitong cafeteria ay baka ilang sandali rin ang igugol ko sa paghahanap sa pwesto nila. At ayoko rin na muli na namang magduda sa akin si Em. Kaya hangga't kaya ko na pigilan ang sarili ko na hanapin ang table nina Aether ay gagawin ko.
I just tell Em na bilisan na niya sa kanyang pagkain dahil may next class pa kami at wala na kaming sapat na oras dahil late na rin kaming nagsimula sa pagkain dahil nga sa nag-usap pa kami. Ilang sandali lang din naman ang lumipas ay natapos na kami Em sa pagkain. Hanggang sa nagkayayaan na nga kami na kumain na tumayo na kahit pa maaga-aga pa kami para sa next class namin. Kung magkukwentuhan man kami ay sa classroom na lang siguro at hindi rito sa cafeteria kung saan may posibilidad na makita ko sila ni Ginger na magkasama. At least kung sa classroom man kami magkikita ni Aether ay hindi naman na niya kasama si Ginger.
Patayo na sana ako ngunit pagtingin ko sa pintuan ay nagulat ako nang makita na kapapasok pa lang ni Aether ng cafeteria kaya hindi ko na nagawa pa na magpatuloy sa pagtayo. Kasalukuyan siyang nagpapalinga-linga sa buong cafeteria kaya halatang may nahahanap siya.
"Aether, here!" Nangibabaw ang boses ni Ginger kaya napalingon sa kanya si Aether. Hindi ko nga rin naiwasan ang mapalingon sa kanya. Actually, hindi lang kami ni Aether ang nagbaling ng tingin sa kanya kundi marami rin iba pang estudyante na nakarinig sa sigaw niya. That kid really loves attention.
Nang balikan ko ng tingin si Aether ay nagpapalinga-linga na ulit ito sa kabuuan nitong cafeteria na tila ba hindi siya tinawag ni Ginger. This only means na hindi si Ginger ang hinahanap niya. Bigla na lag tuloy akong napaharap ulit sa table namin at si Em agad ang una kong tiningnan. She is looking at me with an eyebrow raising. Mukhang parehas kami ng iniisip. Pero naiya ko na umiling siya upang sabihin na hindi na dapat ako umasa pa. Wala rin naman akong plano na magpakita kay Aether dahil baka mamaya ay nag-a-assume lang ako na ako ang hinahanap niya.
"Aether, here!" Narinig ko ang muling sigaw ni Ginger. Hindi talaga yata siya titigil hnagga't hindi lumalapit sa kanya si Aether. Nang muli kong lingunin si Aether ay nakikitaan ko na siya ng hiya dahil maging siya ay nililingon na ng mga estudyante. Wala na tuloy siyang nagawa pa kundi ang maglakad na palapit sa kinaroroonan nina Ginger para lang siguro manahimik na ito at hindi na siya muli pang tawagin. Alam niya na kung hindi pa siya lalapit kay Ginger ay hindi ito hihinto sa katatawag sa kanya.
He is not like Ginger na uhaw sa atensyon. Because knowing Aether, he is an introvert na hindi rin sanay humarap sa maraming tao at ayaw maging center of attention. At habang naglalakad si Aether palapit sa table nina Ginger ay nakita ko na tumayo na si Emerald. Tinanguan niya ako upang sabihin na umalis na kami. Dahil sa tingin ko naman din na kailangan na naming umalis ay tumayo na rin agad ako at sabay na kaming naglakad ni Emerald palabas naman ng cafeteria.
Sa paglalakad namin ay abot langit ang dalangin ko na sana ay hindi na madako pa sa akin ang paningin ni Aether. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makatapak na ang mga paa ko sa labas ng cafeteria. Hindi naman na kami nagyang pa ng oras ni Em at umakyat na kami sa classroom namin at doon na lamang maghintay ng oras. Dahil naging mabilis ang ginawa naming pagkain ay naunahan pa namin ang iba naming classmate kahit pa late na kami nakapagsimula sa pagkain.
Mangilan-ngilan pa lang ang classmates namin na naabutan naming nandito na sa classroom. Nang makaupo na ako sa upuan ko ay hindi ko na naman naiwasan ang isipin si Aether. At ngayon pa lang ay natatakot na ako na baka kahit hindi na kami nagsasama o nag-uusap man lang ay siya pa rin ang magiging laman ng isip ko.
Naalala ko ang ginawang pagpasok ni Aether kanina. Mukha namang hindi sila sabay na kumain ni Ginger dahil nga sa kadarating lang din niya. Kung gayon ay saan pumunta si Aether? Bakit siya nagmadali sa paglabas kanina at bigla na lang din siyang nawala? Saan siya nanggaling? Dahil sa labis ko na pag-iisip ay ngayon ko lang din napagtanto na tila pagod na pagod si Aether kanina nang makita ko siya na sumulpot sa pintuan ng cafeteria kanina. It was ad if he did something tiring na kumain sa malaking porsyento ng lakas niya.
"Hey, are you okay?" Nahinto lang ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang mag-snap si Em sa harap ng mukha ko. Napakurap-kurap pa ako at ngayon ko lang na-realize na kanina pa ako nakatulala lang. Nilingon ko si Em sa gilid ko kung saan siya nakaupo at saka ko siya nginitian.
"Oo naman. CR lang muna siguro ako. Sama ka?" tanong ko at umiling naman siya. Nagpaalam lang din ako kay Em bago ako tumayo at naglakad na palabas ng classroom. Habang naglalakad na ako sa hallway ay kinabahan akong bigla nang makita si Aether na sakay ng kanyang skateboard at kaaakyat lang. Mag-iiba na sana ako ng direksyon pero huli na dahil pagtapak niya sa floor ay napalingon agad siya sa akin. Abot hanggang langit ang naging dasal ko na sana ay hindi na niya tangkain pa na lumapit sa akin ngunit bigla na lamang nanghina ang mga tuhod ko nang maglakad na siya palapit sa akin.
Nakangiti siya habang pinapanood ko siya sa kanyang paglalakad. Pakiramdam ko ay bigla na lamang bumagal ang ikot ng mundo dahil nataranta na ako. Gusto ko na sana siyang talikuran pero ayoko naman na mahalata niya ang gagawin kong pag-iwas sa kanya. I will avoid him slowly to the point na hindi niya mapapansin. Ayoko kasi ng paliwanagan.
"Kaya pala hindi kita mahanap-hanap sa buong cafeteria ay dahil nandito ka na pala. Tama lang pala ang desisyon ko na bumalik na ng classroom at magbaka sakali na nandoon ka," sabi niya na siyang kumpirmasyon na ako nga ang hinahanap niya kanina sa cafeteria. Pero hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong hanapin gayong hindi naman niya ako nagawang hintayin. Baka akala niya ay hindi ko minasama ang pag-iwan niya sa akin kanina.
Bigla tuloy akong napaisip dahil hindi naman pag-iwas ang ginagawa ko sa kanya ngayon kundi isang pagtatampo. Sumama ang loob ko sa kanya kaya ayoko siyang kausapin.
"Kung hinintay mo lang ako kanina ay hindi mo na ako kailangan pa na hanapin sa buong cafeteria," sabi ko at nawala ang mga ngiti ni Aether. I know I sounded nagtatampo. At kaya nawala ang mga ngiti niya ay dahil na-realize niya iyon.
At agad ko namang nakita sa mga mata niya ang kagustuhan niya na makapagpaliwanag ngunit kung ang isip ko ang tatanungin ay ayoko nang marinig pa ang paliwanag niya dahil hahaba lang ang usapan namin. At iyon ang kailangan ko na iwasang mangyari.
"Did you expect me to join you on lunch?" I can't help but scoff at his stupid question. Oo nga at wala naman kaming usapan na sasabay siya sa amin pero ang buong akala ko ay gets na niya 'yon. Oh, well, ano pa nga ba ang aasahan ko, ang mga kasama niya sa century ang talaga namang dapat niyang kasabay na kumain at hindi kami na galing sa ibang century.
"No, of course not." Napakunot ang noo niya sa naging sagot ko.
"Then why do you sound like you're disappointed that I wasn't able to join you for lunch?" aniya at halos mag-usok ang ilong at tainga ko dahil sa labis na inis nang ilang beses pa niya iyong ulitin. I don't know why pero naiinis ako kapag naaalala ko na hindi siya nakasabay sa amin sa lunch. And to think na parang wala lang sa kanya ang lahat ng ito.
"Disappointed? Why should I? Nawala lang din talaga sa loob ko na may sarili ka nang sasakyan that's why I looked for you. But then nang maalala ko nang kaya mo na nga pala na bumaba nang mag-isa ay unalis na ako." Sinabi ko lang ang mga sinabi ko kanina kay Em at sana ay maging kapani-paniwala rin ito kay Aether. Ilang sandali ring nakatitig lang sa akin si Aether na tila ba pinakapakiramdaman at binabasa kung nagsasabi ba ako ng totoo. Mayamaya lang ay nagkibit balikat siya at hindi ko alam kung para saan iyon.
"If you say so, Keitlyn." Sa tono ni Aether ay parang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. Pero wala naman na akong plano pa na papaniwalain siya dahil baka mas lalo lang akong magmukhang guilty na tama ang mga hinala niya. Hirap pa naman akong kontrolij ang sarili ko when it comes to Aather.
"Whatever, Aether. Excuse me, naiihi na ako," sabi ko at nilagpasan na siya. Pero agad ko rin namang narinig ang mga yabag niya na sumusunod sa akin. Napapikit ako nang mariin habang naglalakad.
"Keitlyn, I'm sorry kung hindi na ako nakapagpaalam pa sa iyo kanina," sabi niya sa gilid ko habang sinusundan niya ako dahil patuloy pa rin ako sa aking paglalakad. Hindi ko siya pinapansin pero sa tingin ko ay handa niya akong sundan hanggang sa CR. "I was supposedly wait for you outside. Pero nakita ko 'yung vault ko. Nagkulay pula na siya." Napahinto ako sa mismong tapat ng CR dahil sa sinabing iyon ni Aether.
Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko na harapin siya dahil sa curiosity sa kung ano ang naging takbo ng first mission niya. I still hope the best for him kaya sana naman ay naging matagumpay ang unang salang niya sa isang mission. At gusto ko sanang malaman ang buong detalye sa naging mission niya pero hindi ko alam kung paano magsisimula sa aking pagtatanong.