Chapter 17

1025 Words
Chapter 17 Keitlyn's POV Hindi ko naman pwedeng itanggi sa aking sarili na hindi ako nahirapan sa pag-iisip ng pwede kong maging reaction. Dahil sa totoo lang, pakiramdam ko ay isa ang tanong na ito sa mga pinakamahirap na sagutin. At hindi ko alam kung bakit kaialangan kong manahimik. Pakiramdam ko ay kailangan kong pag-isipan nang mabuti ang isasagot ko kay Em dahil alam ko na mas lalo lang niya akong iintrigahin. Na wala naman siyang dapat na ikahinala sa akin. Ngunit kung wala nga siyang dapat na ikahinala ay bakit nagdulot ng taranta sa akin ang tanong niyang ito. At kaysa mabaliw ako sa kakaisip ay pipilitin ko na lang na sagutin iyon sa paraan na hindi naman ako magmumukhang defensive. Kahit pa alam ko na mahihirapan ako dahil kaibigan ko si Em at malaki ang posibilidad na mababasa niya sa aking mga galaw o mata kung nagsisinungaling man ako o hindi. Napabuntong hininga ako para kalmahin ang aking sarili bago ko muling binlingan ng tingin si Em. Ang una kong ginawa na siyang sa tingin ko ay makakapagtago ng katotohanan sa mga mata ko ay ang ngumiwi. It is as if hindi katanggap-tanggap ang sinabi niya. Well, for me ay hindi naman talaga katanggap-tanggap ang bagay na mga pinagsasabi ni Em. Kung hindi ko ng langa siya kaibigan ay kanina ko pa siya iniwan dito sa table at lumipat na nang sa gayon ay makapagsimul na akong kumain dahil hindi na rin talaga biro ang gutom na nararamdaman ko. "Sandali lang, Emerald. Parang hindi ko yata gusto kung saan papunta ang sinasabi mo," sabi ko at napakibit balikat naman siya na tila ba walang pakialam sa kung anuman ang mararamdaman ko pag-uusap na ito. "Well, Keitlyn, you have to deal with it dahil masyado ka nang halata. I'm your friend at pwede mong sabihin sa akin ang totoo. In that way, I can tell you my thoughts. Just don't tell me that you don't need other's words because trust me, you badly need it. Lalo na ang mga sasabihin ko, kailangan mong marinig," seryoso nang sabi ni Em na kanina lang ay nakikipagbiruan pa sa akin kahit na papaano. Pero ngayon na seryoso na siya ay alam ko na kailangan ko na ring magsersyoso. Para matapos na rin ang usapan na ito. And sure, I will entertain her today. Once and for all ay pagbibigyan ko ang mga hinala niya. At hindi matatapos ang usapan na ito nang hindi ko siya napapaniwala na mali ang hinala niya na higit pa sa pagkakaibigan ang gusto ko mula kay Aether. Kailangang mawala iyon sa isip niya dahil kung hindi ay sigurado ako na hanggang langit ang aabutin ko na panunuko mula sa kanya. And I know her very well. Sigurado ako na kung kailan nandiyan si Aether ay saka aandar ang pagiging matabil ng dila niya. "I don't get kung bakit pumasok sa isip mo ang bagay na 'yan. Can't you be just happy that for a change, I will trust someone outside our generation?" sabi ko at bigla na lamang hindi ko na nabasa ang mga nasa isip ni Em. At alam ko na sa pagpapatuloy pa nga ng pag-uusap naming ito ay sigurado ako na tuluyan ko na nga siyang hindi maiintindihan dahil mahihirapan na akong abutin ang lalim ng nais niyang sabihin. At dahil sa pinapakita niya ay doon ko lang na-realize na hindi lamang pala ito simpleng pag-uusap lang. Nakikita ko sa mga mata niya na may nais siyang sabihin sa akin. At hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya para diretsuhin ang sasabihin niya at dinadaan pa niya ako sa mga ganito. But if this is what she wants, sasakyan ko na lang siya hanggang sa makakuha na siya ng tiyempo para sabihin sa akin ang lahat ng nasa isip niya ngayon. Dahil sa tingin ko ay hindi ako ang nangangailangan na magsalita kundi si Em. "Hindi ganoon kadali ang makipagkaibigan sa taga-ibang century, Keitlyn. You know that very well. I maybe not close with Aether as much as you were to him, pero a-ayokong maulit sa sinuman ang nangyari kay Timothy," sabi ni Em at bigla na lamang akong hindi nakapagsalita. Sa pagkakataon na ito ay tuluyan na ngang nagbara ang lalamunan ko at wala na akong mahagilap pa na salita. Hindi ko napaghandaan na magiging ganito kalalim ang usapan naming ito ni Em. Ang buong akala ko ay iikot lang kami sa asaran at tuksuhan pero malalim pala ang magiging hugot niya. And I really feel so insensitive dahil bakit nga ba hindi ko naisip ang bagay na ito. Bakit nga ba hindi pumasok sa isip ko na makikita niya si Timothy kay Aether. The fact that Aether is Timothy's replacement, mas lalo silang magkakaroon ng pagkakaparehas. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na magkaiba sina Aether at Timothy dahil mas magmumukha akong insensitive. I would be sounded like I'm invalidating her feelings. And I don't want her to feel that way. I know that Em is just trying to feel better now. She has a boyfriend, yes. But I know that she only sees Creight as her shoulder to cry on. At alam ko na hindi pa rin siya nakaka-move on sa pagkawala ni Timothy. And who is Timothy? He was Em's closest friend from another century which is twenty first.they both had feelings for each other. But they have been put in a situation kung saan kailangan mawala ang isa. And Timothy sacrificed his life for Emerald. At iyon ang mas lalo pang nagpapahirap sa sitwasyon niya na tanggapin ang lahat ng nangyari. And now she is concern about me na baka matulad kami sa kanila. And she's afraid na baka kung ipagpapatuloy ko ang pakikipagkaibigan kay Aether ay mahalata iyon ng admin ng school at gawin sa amin ang ginawa sa kanila ni Timothy. And I clearly get her point dahil maging ako man ay nakakaramdam na rin ng takot na baka nga mahalata kami administration dahil sa pagiging malapit namin sa isa't isa. At ayoko namang mangyari iyon. Bakit nga ba hindi ko agad naisip ang tungkol sa bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD