Chapter 15
Keitlyn's POV
At dahil mukha namang wala sa amin ni Aether ang mayroon nang mission ngayong araw ay minabuti na namin na pumasok na sa aming klase. Hindi naman ako nangangamba para sa magiging mission ko. Alam ko na ilang araw din akong mapapahinga sa pagkuha ng mission dahil halos katatapos ko lang din. But Aether, I know for sure that anytime soon ay magkakaroon na siya ng mission. Ang gusto ko sana ay sabihin niya sa akin kung makuha man niya ang first mission niya pero ayoko naman mag-demand ng ganoon.
I don't like the feeling of him performing his first ever mission without me knowing. Alam ko naman na hindi ko siya pwedeng tulungan pero gusto ko ay malalaman ko kung ano na ba ang mga nangyayari sa kanya sa bawat oras kahit pa hindi kami magkasama. Sakto namang pagtapak namin sa hallway ng floor kung nasaan ang classroom namin ay tumunog na ang buzzer, hudyat na kinakailangan nang pumasok ng lahat nv estudyante na nasa labas.
That is why I grasp Aether's wrist para hilahin na siya papunta sa classroom. Kung magtatagal pa kami ay maaabutan na kami ng second buzzer. Marami kaming nakasabay na estudyante na tulad namin ay mga kapwa nagmamadali na sa pagpasok sa kani-kanilang classroom.
It was one lucky day dahil pagdating namin sa classroom ay hindi pa nag-a-appear ang aming holographic professor. Kung nagkataon na nandito na siya at wala pa kami sa attendance mapaparusahan na kami. Humarap kami sa face recognition at ilang sandali lang matapos naming makapag-attendance ay nag-appear na ang aming professor.
Nang lingunin ko ang upuan ni Em ay napansin ko agad ang paniningkit ng kanyang mga mata sa akin. She looks at me as if I did something suspicious. Kaya sinubukan kong balikan ang mga nangyari bago ako naupo rito pero wala naman akong nakikitang mali sa mga ginawa ko para tingnan niya ako nang ganito. Kaya tinaasan ko siya ng kilay para tanungin kung ano ang problema niya. Pero hindi naman ako nakarinig ng anumang sagot mula sa kanya dahil nanatili lang ang mga tingin niya sa akin.
Kung wala lang ang holographic professor namin sa unahan ay kanina ko pa siya hinampas sa braso para pagsalitain.
"Miss Santibañez, may probema ba tayo?" Nabaling lang muli sa unahan ang atensyon ko nang sitahin ako ng professor namin. Nabaling tuloy sa akin anv atensyon ng mga classmate namin—pati na rin si Aether. Nakaramdam tuloy ako ng hiya kaya muli kong binalingan ng tingin si Em at sinamaan siya ng tingin. Nagkibit balikat lang naman siya para sabihin na wala siyang ginagawang masama. At ngayon ay nagmamaang-maangan pa siya.
Bago pa ako muling masita ng professor namin ay binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa unahan. Mamaya ko na lang kokomprontahin si Em sa kung anong problema siya at bakit masama ang tingin niya sa akin. Nagpatuloy naman ang klase at hindi naman na ako muling nasita ng professor.
Our morning classes went fast at hindi ko namalayan na lunch break na pala. This is better dahil kanina pa nangangati ang dila ko na magtanong kunh Em kung ano ba talaga ang problema niya sa akin. Habang nagkaklase kanina ay nararamdaman ko pa rin ang mga paminsan-minsang pagsulyap sa akin ni Em kaya mabuti na lamang at nagawa ko na pigilan ang sarili ko na lapitan na siya.
Kaya nang mawala na sa harapan ang professor namin ay agad na akomg tumayo atnaglakad palapit kay Em. Tumayo naman ako sa harapan niya kaya tumayo na rin siya.
"What the hell is your problem?" takhang tanong ko at natawa siya. Her laugh is half real and half sarcastic. Totoong natawa siya sa tanong ko dahil nahalata ko ang mga tingin niya sa akin. And sarcastic as if she is saying na bakit kailangan ko pa na magtanong. Of course I have to. Ano ba ang tingin niya sa akin, manghuhula?
"What do you want for lunch?" tanong niya nang nagsisimula na kami sa paglalakad palabas ng classroom. And she asked me that na parang wala akong tanong sa kanya.
"Hindi ko pa alam. Hindi ko na-check ang menu." Dahil sa pagmamadali ko sa pagkilos kanina at nawala na rin sa loob ko nang magkita kami ni Aether kanina ay hindi ko na naalala pa na i-check sa site kung ano ang menun ngayon. Bahala na siguro. Mamimili na lang ako on the spot.
Bago kami tuluyan na makalabas ng classroom ay napahinto ako at nagpalinga-linga sa paligid. I am lookinh for Aether pero wala na siya sa upuan niya. Nang muli kong balingan si Em para sana tanungin kung natatanaw ba niya si Aether ay muling bumalik ang paniningkit ng mga mata niya sa akin na tila ba alam na niya agad kung sino ang hinahanap ko.
"Who are you looking for?" tanong niya kahit pa halata naman na sa tanong niya ang kaalaman.
"Aether." Hindi na rin naman na ako nagsinungaling pa dahil wala rin naman akong nakikita na dahilan upang gawin iyon.
"Nakita ko siya na lumabas na kanina. So let's go," sabi ni Em at bigla akong nawalan ng gana mag-lunch. Naalala ko kasing bigla ang usapan nila ni Ginger na sa lunch na lang sasabihin ng batang iyon ang kung anumang sasabihin niya dapat kanina. Was he that excited to talk to her at hindi man lang pumasok sa isip niya na sumabay sa amin sa lunch? Napabuntong hininga na lamang ako bago kami muling nagpatuloy sa paglalakad.
"God, Keitlyn, hindi pa katapusan ng mundo!" Em exclaimed habang naglalakad na kami sa hallway na tila ba siguradong-sigurado siya sa pagkakasimangot ko. Hindi ko naman na iyon pa naisip pa na itago. She already knew it anyway. I was just sad na hindi makakasabay ngayon si Aether.
"I just thought kasabay natin siya," sabi ko at napangiwi siya.
"Mas mabuti na rin 'yon dahil may mga bagay na itatanong ako sa iyon tungkol sa kanya." Sa sinabing iyon pa lang ni Em ay alam ko na agad na si Aether ang dahilan ng paniningkit ng mga mata niya sa akin kanina. At mukhang alam ko na kung tungkol saan ang magiging tanong niya sa akin.