Chapter 14

1026 Words
Chaptet 14 Keitlyn's POV Ayoko na ako pa ang maging dahilan ng pagkapahamak ni Aether kaya hangga't maaari ay nasa kanya lang ang atensyon ko lalo na kung nasa mataas na bahagi na siya ng kanyang paglipad. Aether is riding up there smoothly. Wala naman akong nakikitang struggle niya o anumang banta na maaari siyang magkaroon ng problema. Sa mga oras pa lang na ito ay alam ko na agad na nagtagumpay nga siya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinapanood si Aether na nagpapaikut-ikot sa ere para magpatuloy sa pag-try sa sasakyan niya. Hindi ko lang siguro maitago ang labis na tuwa dahil nagawa niya. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay unti-unti na siyang bumababa pabalik sa akin. Agad ko namang tinaas ang kamay ko sa ere para makipag-apir sa kanya. Inapiran naman niya ako at napangiti kami sa isa't isa. "How was that?" tanong niya nang lumapat nang muli ang sinasakyan niyang skateboard sa lupa. "Well, that was not bad for a first timer," sabi ko nang may kasamang kibit-balikat. Napangisi naman siya at mukhang alam niya na hindi lang iyon ang reaction ko. Nabasa niya yata ang paghanga sa mga mata ko kaya ganito na lamang ang pagmamalaki sa ngisi niya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil talaga namang may ipagmamayabang si Aether. "Sure thing, Keitlyn." Hindi naaalis ang malaking ngisi ni Aether at sa tingin ko ay hindi iyon mawawala hangga't nasa mga mata ko pa rin ang paghanga sa kanya. So I gather myself at umayos na lamang ng tayo. "I think you did it, Aether. And with that, congratulations!" sabi ko sa kanya at nginitian naman niya ako. Ang nga ngiting ito ni Aether ay wala nang halong anuman. He is just genuinely smiling at me. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa mga ngiti niyang iyon but I think he is being grateful—na hindi ko naman alam kung para saan. Wala akong natatandaan na may nagawa ako para sa kanya. Kaya siguro nga ay mali ang pagkabasa ko sa mga mata niya. "Well, thanks to you," sabi ni Aether na kinabigla ko pa. Kahit pa iyon naman ang nabasa ko kanina ay nabigla pa rin ako dahil ang buong akala ko ay nagkamali lang ako ng basa. But now he voiced it out ay nakumpirma ko na grateful nga siya sa akin. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang pinagpapasalamat niya sa akin. I haven't done anything for him. "Why thank me, Aether?" Dahil na rin sa kalituhan ay hindi ko na napigilan pa ang magtanong sa kanya. Nagkibit balikat naman siya bago sumagot. "For helping me finish this." Napangiti ako sa sinabi niya dahil sa totoo ang ay hindi naman ganoon kalaki ang naitulong at nagawa ko para matapos niya ang sasakyan niya. Gusto ko lang din talaga na matapos na niya iyon para hindi na siya araw-araw namomroblema kung paano siya makakaakyat sa classroom namin. At ngayon na mas sarili na nga siyang sasakyan ay hindi na niya kinakailangan pa na dumepende sa iba. "Wala ka namang dapat na ipagpasalamat sa akin, Aether. Ginawa ko lang kung ano dapat ang ginagawa ng isang kaibigan." Napatitig sa akin si Aether sa sinabi ko. Mukha hindi niya inaasahan na iyon ang magiging sagot ko sa sinabi niya. Pero ano ba ang dapat kong isagot? Iyon naman kasi ang totoo. That's what friends are for. Well, siguro nga ay hindi pa rin isang kaibigan ang tingin sa akin ni Aether. But that is fine. Hindi naman ako nagmamadali na ituring niya bilang isang kaibigan. Kaya ko namang maghintay at pagtrabahuhan iyon. Hindi naman na sumagot pa si Aether kaya nginitian ko na lamang siya. I look at my wrist watch at nakita ko na malapit nang magsimula ang klase kaya naman niyaya ko na si Aether. "Let's go?" Ngumiti rin naman siya at tinanguan ako. Ngunit bago pa man kami magsimula sa pag-angat sa lupa ay nabaling na sa mga vault ang tingin ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung alin sa mga vault ang para kay Aether. Ayoko namang itanong dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Si Aether na siguro ang bahala kung ipapaalam niya ba sa akin kung alin dyan sa mga iyan ang sa kanya. Karamihan sa mga vault ay kulay pula na kaya alam ko na nagsisimula na nga ang tunay bna buhay namin dito sa Weigand. Hindi ko tuloy alam kung may mission na rin si Aether o wala pa. Ang tanging alam ko lang ay nag-aalala ako para sa kanya. "Tuwing papasok ka sa Weigand, ang una mong gagawin sa umaga ay ang tingnan ang vault mo dahil baka mamaya ay may mission ka na pala," sabi ko kay Aether nang sa vault sa itaas nakatingin. Agad rin naman siyang napatingala para tingnan ang mga vault. Tila alam naman niya agad ang vault na titingnan niya dahil hindi na siya naghanap pa. And it only means na alam na niya kung alin sa mga iyan ang vault niya. Dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang vault niya at hindi ko alam kung may mission na ba siya o wala ay minabuti ko na lang na lingunin siya upang makita ang reaction niya. Nang lingunin ko naman si Aether ay hindi ko naman siya nabakasan ng anumang pagkabahala kaya nasisigurado ko na wala pa siyang mission. Parang mas kinakabahan pa ako para sa first mission niya kaysa sa kanya. Kung anuman ang maging mission ni Aether, sana ay mapagtagumpayan niya. Aether is obviously a soft person. At iyon ang kinakatakot ko para sa kanya. Baka kasi hindi niya magawa anh mission na mayroon siya kung uunahin niya ang kanyang puso. At hindi dapat iyon ang unahin niya. Walang mangyayari sa kanya rito sa Weigand kung magiging mahina ang loob niya. I was not saying na maging masama siyang tao. He doesn't need to be heartless, but he should not be brainless. Kung may maganda mang maidudulot ang Weigand sa pagkatao namin, iyon ay ang pagkakatuto namin na gamitin at balansehin nang tama ang isip at puso namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD