Chapter 16

1022 Words
Chapter 16 Keitlyn's POV Dahil nga sa alam ko na rin naman kung ano ang itatanongsa akin ni Em ay tila ba ayaw ko na lang na dumiretso sa cafeteria. I don't wanna be with her dahil sa paniningkit pa lang ng mga mata niya sa akin kanina ay alam ko na agad na gigisahin niya ako. At wala naman akong nakikita na dahilan para pagdudahan niya ang pakikipagkaibigan ko kay Aether. Well, that's what I know, wala siyang dapat na ipagduda. My intention with Aether is pure at hindi niya dapat bahiran ng pagdududa. If she thinks na tatraydurin ko si Aether ay nagkakamali siya. Hindi ako marumi kung maglaro dito sa Weigand. Hindi ko kailangan makipag-trayduran para lang maka-survive. Kung ayoko sa isang tao ay hindi ako magsasayang ng oras para lang makuha ang tiwala niya at tatraydurin lang naman sa huli. That was just a waste of time. I'd rather ignore them then focus on my allies for us to be more efficient. Ang pantatraydor ay para lamang sa mga mahihina. And I sure as hell I'm not that weak. So whenever I say na gusto kong makipagkaibigan sa isang tao, I really mean it. Marunong din naman akong kumilatis ng mga dapat at hindi dapat pagkatiwalaan. So if I can sense a portending betrayal from one person, hindi ko na siya bibigyan pa ng pagkakataon na makapasok sa buhay ko. Nang marating namin ni Em ang cafeteria ay minabuti ko na ihanda na ang aking sarili sa mga tanong niya. Ayoko rin naman na kung kailan nandiyan na ang mga tanong niya at inuulan na ako ay saka lamang ako maghahanap ng isasagot. Nang makaupo na kami ay saka ako naghanap ng makakain sa menu sa iPad na nakapatong lang sa mesa. We just ordered at ilang sandali lang ay lumipas ay nag-serve na agad sa table namin ang isa robot na waiter. Bago ako magsimula sa pagsubo ay binalingan ko na muna ng tingin si Em. At bigla na lamang akong nagsisi dahil dapat pala ay hindi ko na muna siya tiningnan. Bigla na lang tuloy kasi akong nag-alangan sa pagkain nang makita ko na naman ang mga paniningkit ng kanyang mga mata at bumalik ang mapanuri niyang tingin. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano ako magsisimulang kumain. Hindi kasi ako makakakain kung ganito ang mga tingin niya sa akin. At sa tingin ko ay dapat siguro na itanong na muna niya ang mga dapat niyang itanong sa akin kaysa hintayin namin na matapos kami sa pagkain pero ganito ang mga tingin niya sa akin. Masasarap pa naman ang mga pagkain ngayon ngunit baka hindi ko ma-enjoy dahil lang mga tingin niya sa akin. "Spill, Em," sabi ko na agad sa kanya at bigla naman siyang napangisi na tila ba iyon lang ang kanina pa niya hinihintay na sabihin ko para lang magsimula na siya sa kanyang pagsasalita. "You are right, Keitlyn. Tungkol nga ang lahat ng ito kay Aether," paunang sabi ni Keitlyn nang tila ay mabasa ang aking mga mata. "Obviously, Em. So go ahead," sabi ko at muli siyang napangisi dahil halata sa akin na inaasahan ko na rin naman ang lahat ng ito. "But I'm telling you, Em, the answer is no." Napataas ang kilay niya dahil wala pa man siyang tanong ay no na agad ang sagot ko. Pero anong magagawa ko? Eh alam na alam ko naman na ang kanyang magiging tanong. It is pretty obvious na tungkol sa pakikipagkaibigan ko kay Aether ang lahat ng ito. "Wala pa nga akong tanong," natatawa niyang sabi at nagkibit balikat lang naman ako. Hindi naman na niya kailangan pa na magtanong. "Hush it, Em. Just spill so we can eat." Natatawa namang tumango-tango si Em nang pinagmadali ko na siya dahil nahalata na yata niya ang gutom ko. "I just want to ask first, Keitlyn, why did you answer no? Ano ba ang sa tingin mo ay tanong ko?" tanong ni Em at napairap naman ako sa kanya. "You are doubting my intentions with Aether. At sigurado ako na itatanong mo kung may plano ba ako na masama sa kanya kaya ko gusto na makipagkaibigan sa kanya. But sorry, Em, it's definitelu not what you think. Totoo ang kagustuhan ko na makipagkaibigan kay Aether. I want to be his friend," sabi ko at hindi nakapagsalita si Em. Halata sa kanya na hindi niya inaasahan ang sagot kong ito. Ilang ulit pa siyang kumurap na tila ba pinoproseso ng utak niya ang mga sinabi ko. Hanggang sa ang pananahimik niya ay napalitan ng pagtawa kaya napakunot ang noo ko dahil sa pagtatakha. Binalikan ko ang mga sinabi ko kanina upang alamin kung may nakakatawa ba sa sinabi ko pero wala naman akong matandaan sa mga salitang sinabi ko na kakaiba para matawa siya nang ganito. Unless mali ang hinala ko na magiging tanong niya. "Seriously, Keitlyn? Do you really think I would care about your intention with him?" Natawa si Em sa sinabi niya ngunit nagpatuloy rin naman sa pagsasalita niya. "First, I know you well. And forcing yourself to get along with the people you don't like is not your thing. Second, obviously, you really want to be close with him." Muli ay naningkit ang mga mata. "Actually, parang hindi nga lang pagkakaibigan ang gusto mo sa kanya," sabi pa nito. Sandali akong natahimik dahil pinoproseso ng isip ko ang mga sinabi niya. At hindi naman ako tanga para hindi agad iyon ma-gets. And Em obviously thinks that I have some sort of a feeling for Aether. And I should be laughing at her crazy thoughts right now pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa na tumawa. Tila ba may bumara din sa lalumanan ko kaya maging ang pagsasalita ay nahirapan ako. Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ay hinala ni Em. Patuloy ang paniningkit ng mga mata niya sa akin kaya alam ko na kinakailangan ko nang magsalita. Dahil kung mananatili ako sa aking pananahimik ay sigurado ako na mas lalo lamang siyang magdududa. At ayoko na maging ako ay magduda na rin sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD